Chereads / My Virtual Girlfriend (Tagalog) / Chapter 8 - CHAPTER 8: Another Character

Chapter 8 - CHAPTER 8: Another Character

Oren

" Are you two living together!?"

'Yan ang mga salitang namalagi sa buong Condo yunit ko. Napatingin ako kay Astrid na ngayon ay nakatingin din sa akin.

Nagbaling ako sa ng tingin sa aking kapatid. Wala na akong ibang magagawa dahil tiyak na sasabihin niya ito kila Mom and Dad. Knowing my sister, she's a great messenger of my Mom sa mga nangyayari sa buhay ko mula noong mga bata palang kami.

"She's my girlfriend" i burst out. Agad na nanlaki ang mga mata ni Lezia noong sambitin ko ang salitang girlfriend sa harap niya.

" What! Really~" sabi nito at saka lumapit kay Astrid na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Tiningnan ko si Astrid na parang nanghihingi ng tulong.

" Hi Lezia!" Bati naman ni Astrid, Mukhang na gets naman niya ang gusto kong iparating sa kaniya.

" Whaaaa~ you're so beautiful ate" sigaw ng kapatid ko saka hinawakan ang mga kamay ni Astrid at inaya sa sala.

***

That is my last choice para hindi manghinala si Lezia kung malalaman niya man na dito muna nakatira si Astrid.

Pero mukhang nakahanap si Lezia ng kanyang "Living doll" dahil nandito nanaman ngayon ang aking kapatid upang mang gulo, pero duda ako kung sa aking buhay ang guguluhin niya.

" Kuyaaaa please pumayag kana" Lezia begged habang nakaupo sa tabi ko. Kasalukuyang nagluluto si Astrid ng makakain namin ngayon. "Promise i will take her back before 6:00 pm"

I sighed, I know at this moment hindi siya papayag na hindi mo siya pagbigyan sa gusto niya. I know her she's my sister after all.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko naman.

" Well, magshoshopping kami! i want to know her more kuya, i really like her talaga eh" she said.

Napalunok ako nang sabihin niyang gusto niyang makilala ng lubos si Astrid, Paano kung malamn niya na hindi tao si Astrid? Well, she's only 12 at hindi naman siguro papasok sa isipan niya yon.

At last pumayag ako sa kagustuhan ni Lezia, kapalit noon ang pagsama sakin ni Astrid sa shop. Pinangako ko naman na pupunta kami sa mall sa mga susunod na araw.

"LCD lang ang papalitan dito, and it take an hour para magawa ito" sabi ng gumagawa sa shop.

I really value my drawing tablet, ito kasi ang unang binili sakin ni Mom. Kung tutuusin i can afford to have a new one, but i can't. Astrid said na dito siya nanggaling at dito din siya makakabalik.

Kagaya nga ng sinabi ng technician ay isang oras ang inabot ng pag gawa nito.

"Sir, tapos na po"

Tiningnan ko ang drawing tablet ko, and it's done. agad na nagpasalamat ako at umalis na para umuwi.

***

Saktong pagbukas ko ng drawing tablet ay ang pagbukas ng pinto.

"Kuya tara dito dali~ " excited na sabi ni Lezia. Kaya naman iniwan ko muna ang drawing tablet ko sa kama ko at sumunod kay Lezia.

Hinila naman ako nito pa puntang sala at nandon nga si Astrid. I stuck my eyes on here. She looks perfect in her dress. Bagay na bagay sa kaniya ito.

"She's looks gorgeous isn't it?" baling sakin ni Lezia.

"She's—"

Ring ring*

Suddenly her phone ring kaya sinagot niya muna ito. Napako lang ang tingin ko kay Astrid. She smiles at me na parang nahihiya sa suot niya.

" Kuya, i need to go now" nagmamadaling sabi ni Lezia " See yah again Ate Astrid" she said and wink at her.

Ilang saglit pa ay wala na ito, naiwan kami ni Astrid sa sala.

"Ahm, mahilig palang mag shopping si Lezia" sabi ni Astrid at saka timuro ang mga naiwan nitong paper bags.

"Yeah" sagot ko naman sabay kamot sa likod ng ulo ko. She seems tired. " Nga pala, napagawa ko na yung drawing tablet—-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makarinig kami ng pagbasag sa kwarto ko.

"Ano yon?" agad na tanong ni Astrid. Mabilis kaming pumunta sa kwarto upang alamin ang kung anong nangyari.

Nagulat ako sa aming nakita. Basag muli ang drawing tablet ko. Pero mas nagulat kami sa nasaksihan, May lalaking nakatayo sa kwarto ko. Napansin agad ng lalaki ang presensya namin at agad na nagbaling ng tingin.

"Long time no see, Astrid"

Napabaling ako ng tingin kay Astrid na ngayon ay nanlalaki ang mata dahil sa gulat.

Naguguluhang tinanong ko ang lalaki. " Who are you? bakit mo kilala si Astrid?"

"because she's my heroine, Creator"