Chereads / My Virtual Girlfriend (Tagalog) / Chapter 12 - CHAPTER 12: Darkest past

Chapter 12 - CHAPTER 12: Darkest past

Oren

"Saan ka nanaman galing Ophelia! nakipag kita ka nanaman ba sa lalaki mo!?" bungad agad ng lalaki sa babaeng kadadating lang sa bahay.

"Ano ka ba naman Renante, buong araw akong naghanap ng trabaho dahil wala na tayong makain sa pamamahay na ito" sabi naman ng babae sabay lapag ng bag niya sa sofa.

Binasag ng lalaki ang hawak nitong bote sa harap ng babae kaya naman nagulat ito.

"Lintek na buhay yan! sinasabi mo bang wala akong silbe!" sigaw nito na parang wala sa sarilo sabay hatak sa buhok ng babae at pinagsasampal ng buong lakas.

Kitang kita ko kung paano lumupaypay sa lapag ang kawawang babae na puno ito ng galos at pasa sa katawan at mukha.

Bigla ay may lumapit dito na batang lalaki. "Mommy Daddy... nagaaway mo ba kayo?" umiiyak na sabi ng bata sa babae sabay yakap sa kaniyang ina.

"Yang batang yan! nasisigurado mo bang anak ko ang batang yan?" sigaw nito bago tuluyang umalis sa bahay dadala ang isang bote ng alak at isang kahang sigarilyo.

"Ok lang po ba kayo Mommy" tanong ng bata sa knaiyang ina. Pero sa halip na sumagot ay niyakap lang siya nito ng mahigpit at umiyak.

Nandilim ang paligid at nag iba ang senaryong nakita ko.

"Anak, ipangako mo kay Mommy na you will be a good boy hah?" umiiyak na sabi ng babae sa isang bata. Makikita ang bakas ng mga pasa at galos sa mukha nito.

"I will Mommy, pero saan po ba kayo pupunta?" walang kamalay malay na tanong ng bata sa kaniyang ina.

"Aalis lang ako pero pangako, babalikan kita anak may aayusin lang si Mommy" sagot nito sabay punas sa mga luhang pumapatak sa pisngi nito.

"Kami na ang bahala sa anak mo Ophelia, umalis kana at baka maabutan ka pa niya dito" sabi naman ng lalaki sa babaeng nag ngangalang Ophelia, May kasama itong isang babae na siyang asawa niya.

Muling niyakap ni Ophelia ang anak niya na pitong taong gulang pa lamang "Pangako babalik ako anak, babalikan kita Ren" pangako ng babae sa batang lalaki bago tuluyang umalis.

"Mommy!" umiiyak na tawag ng bata sa kaniyang ina pero tumalikod na ito at tuluyan nang umalis.

"Sino po ba kayo?" umiiyak na tanong ng bata sa lalaki at babae.

"Oren, simula ngayon dito kana titira, at kami na ang ituturing mong Daddy at Mommy naiintindihan mo ba?" sabi ng lalaki na kasing edad lang ng mama niya. Kasabay noon ang paglabo ng mga mata ng bata at unti unti na itong nawalan ng malay.

Pawis na pawis at ramdam ko pa na basa ang aking pisngi dahil sa luhang pumapatak mula sa aking mata. Hindi na bago sa akin ang ganoong klase ng paligid, paiba iba ang eksena. palala ng palala ang bawat pangyayari.

"Are you ok?" napalingon ako sa babaeng kaharap ko ngayon, kitang kita ang pagaalala nito sa akin. hindi ko alam pero agad na niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ren..." tawag niya sa pangalan ko. Lalong bumuhos ang luha ko nang marinig ulit ang pangalan na iyon.

Ang batang lalaking nakikita ko sa panaginip ko ay walang iba kung hindi ako. At ang babaeng gabi gabing binubugbog ng lalaki ay ang ina ko, At ang lalaking winasak ang buhay namin ay walang iba kung hindi ang totoo kong ama ko.

Yes, i'm an adopted child, Ang tinuturing kong magulang ngayon ang nag adopt sa akin, galing ako sa magulong pamilya. My mother is a battered wife, lumaki ako na araw araw na kaguluhan at dahas, walang pagmamahal. Tanging ang ina ko lang ang kasangga ko sa lahat.

My mother accused by my father na nanlalaki daw ito, pero ang totoo bunga ito ng kahayukan nito sa droga. My mom is faithful to my Dad kahit pa sa huling sandali ko siyang nakita.

From now on, i used to hate fathers, kahit na ang kumupkop sa akin ay hindi ko nakasundo, I hate when he manipulates me. pare parehas lang sila, they were manipulators. That's why i used to kill fathers on my stories because they cruel, at hinding hindi ako tutulad sa kanila.

"Just cry Ren, I'm always here for you" Astrid said directly into my eyes.

Hearing those words is like a magic, this is the very first time na may nag comport sa akin sa tuwing iiyak ako.

"I'm damn weak" mapait kong sabi habang marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Pero nagulat ako nang alisin iyon ni Astrid at saka pinunasan iyon ng panyo. "No you're not" sabi nito at saka tumingin sa akin.

Nagulat ako nang may inilabas siyang notebook, and i realize that it was my notebook.

"Thats belong to you right?I'm sorry for reading it" sabi niya at saka binigay ang notebook ko.

"Ibig sabihin alam mo na—"

"Yes, that's why i can say that you are not weak, you are strong enough to handle your depression" she said saka hinawakan ang kamay ko.

"Astrid..."

"kaya ako na mismo ang hihingi ng patawad sa mga masalimuot na nangyari sa buhay mo, i'm so sorry Ren... i'm sorry" malungkot na sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Wala akong nagawa kung hindi tumugon sa mga yakap niya at ibuhos lahat ng hinanakit ko sa mundo. That feeling of comport, hindi ko kailan man naramdaman sa ibang tao. I'm so damn thankful that Astrid is here to do that. Sana hindi na matapos ito, I want her to be by my side... forever.