Chereads / My Virtual Girlfriend (Tagalog) / Chapter 1 - CHAPTER 1: Living alone

My Virtual Girlfriend (Tagalog)

🇵🇭iamjewelrie
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 107.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1: Living alone

Oren

It's almost five minutes pero nakatulala pa din ako habang pinagmamasdan ang isang condo yunit mula sa labas nito.May kalakihan ito kung tutuusin, kinuha ko ang aking maleta na puno ng damit at ang pinakamahalagang gamit na tiyak na kakailanganin ko sa lugar na ito.

Pagpasok ko palang ay bumungad na sa akin ang napakalaking TV, isang sofa set, at marami pang iba na gamit sa sala at sa kabilang side ay nandoon ang kusina tulad ng inaasahan, may malaki din itong refrigerator, oven, at kung ano ano pa.

Nagkibit balikat nalang ako at dumaretso na sa aking kwarto. At inayos ang aking mga gamit.

Today is my first day living by my own. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng magulang ko at napagdesisyunan nilang ipatapon ako sa isa sa mga condo yunit sa building na pagmamay-ari namin.

Masyado na bang masikip ang bahay namin at kinailangan pa nila akong ipatapon. Pero sa kabila noon ay pabor naman sakin na tumira ako mag isa. Magagawa ko na ang gusto ko, makakapag focus at makakapag concentrate na din ako. Dahil wala dito ang napaka ingay at napaka kulit na kapatid ko.

Humiga ako sa malambot na kama at marahang pinikit ang mata ko. At inalala kung bakit ako napapayag na tumira magisa sa lugar na ito.

As usual nakakulong lang ako sa kwarto ko nang ipatawag ako ni Mom at Dad sa isa sa mga katulong namin. At syempre dahil masunudin akong anak ay sumunod ako agad.

"Oren anak, mag sesenior high ka na this coming school year at nasa tamang gulang ka na para tumayo sa sarili mong paa" Panimula ni Dad. Pero tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

Sa totoo oang ay wala akong ka ideya ideya sa pinagsasabi ng magulang ko.

" Bukas na bukas din ay lilipat kana sa condo yunit malapit sa Academy na papasukan mo" diretsong sabi ni Dad. Binalot ng katahimikan ang paligid hinihintay nila ang reaction ko.

"Sure Dad"

Tama, yun lang ang naging sagot ko, at sa malamang ay inaasahan na nila yon. Wala naman talaga akong ginawa kung hindi sumunod sa mga utos nila.

"Whattt! ano tong narinig ko Mom! Dad! bakit po aalis ng bahay si Kuya!" napapikit ako nang marinig ang malakas at matinis na boses ng nagiisa kong kapatid. " Bakit ako bawal huhuhuh" dagdag pa nito.

"Lezia, you are just 12, baby hindi mo ba kayang mamuhay magisa" sagot naman ni Mom.

"But Mom—"

"Enough Lezia" pigil naman dito ni Dad.

Pero tulad ng inaasahan ay nag tantrums nanaman ito. Yes, she's a spoiled brat na sobrang kabaliktaran ng ugali ko.

***

Nagising ako sa pagkakahimbing agad na napatingin ako sa aking relo, Damn it's already 9 pm at hindi pa ako naghahapunan.

Agad na pumunta ako sa kusina at binuksan ang refrigerator, bumungad sakin ang samut saring raw vegetables, meats at kung ano ano pa.

Kumuha ako ng mga ingredients at nagsimulang magluto, nag salang muna ako ng kanin at saka nagsimulang magluto ng ulam.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba itong ginagawa ko. Nabasa ko lang ito sa isang libro, Maya maya ay parang may naaamoy akong nasusunog, agad na pinatay ko ang kalan, walang iba kung hindi ang niluluto ko.

Sandaling tumulala ako at napagdesisyunang ang isang cup noodles ang kunin. Tama hindi ako sanay mag luto. Paano ako matututo kung may sarili kaming chef sa bahay.

Halos malaglag ko ang kunsarang hawak ko nang bigla ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan.

Agad na pumunta ako doon at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang isang nakangiting babae. Kung susumahin ay kasing edad ko lang ito.Balinkinitan ang katawan, hanggang balikat ang buhok at hindi katangkaran.

Nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Hindi ako nagsalita, Nang bigla ay winasak niya ang  katahimikan.

"Hello! nabalitaan ko na may bagong lipat dito at masaya ako na may bago akong neighbor and to welcome you nagluto ako para ibigay sayo" masiglang sabi ng babaeng kaharap niya ngayon.

Im speechless, hindi ko alam ang sasagot. pero bigla itong nag salita muli. "Here take this" sabi nito kaya naman wala na akong nagawa kung hindi kunin ang Tupperware na inaabot nito.

"Thanks"

"Welcome! I'm Maisie, kung may kailangan ka nandito lang ako sa tapat don't hesitate to call me"

"Ok"

"What's your name by the way?" aalis na sana ito nang bigla ay nagtanong.

"Oren" plain na sagot ko.

"Nice to meet you Oren" sabi nito at ngumiti.

Pagkatapos ay umalis na din ito. Sinara ko na agad ang pinto at pumunta sa kusina. Binuksan ang Tupperware na binigay ni Maisie.

Adobong manok ang laman nito, tamang tama  dahil hindi ko kayang kaiinin ang hilaw na noodles na niluto ko.

Pagkatapos ay sa halip na sa kama dumaretso ay nilabas ko ang aking drawing tablet sa maleta, at nagsimulang gumuhit.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga bituin mula sa bintana ng kwarto ko and then i realized that living by my own is not easy. And I know that this is just a beginning of all.

***

Jewel's Note 📝

New story alert 🚨

Enjoy reading!