Itinigil ni Charlie ang pag-alog sa mga balikat ni Jane ngunit hindi siya pinakawalan. Sa halip ay hinuli ng binata ang kanyang tingin at nagpatuloy sa pagsasalita. "I will not allow you to move on without me, hindi ngayong kasama ka na sa mga plano ko sa hinaharap. Hindi kita hahayaang iwan ako pagkatapos mong iparamdam sa akin kung ano ang buhay na kasama ka. Akala ko, habang-buhay na trabaho ko ang magiging number one priority ko, pero dahil sa `yo, nagbago ang lahat. I still value my job. I still have my dreams, but I've realized that my life is incomplete with only those things. You made me believe that I can enter a committed relationship without fearing that I might mess it all in the future. Tama ka, kailangan ko lang ibalanse ang lahat. That I just need to compromise."
Nag-init ang mga mata ni Jane, lalo na nang haplusin ni Charlie ang kanyang pisngi at bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha ng binata. "So I will compromise. Patawad sa naging asal ko sa `yo kanina. Patawad din sa masasakit na salitang nasabi ni Vanessa sa `yo. Those were all lies, maniwala ka sa akin. Kinompronta ko siya kanina at pinutol ko na ang ugnayan naming dalawa, kahit maapektuhan ang pinaplano kong business, dahil sinaktan ka niya. At hindi ako papayag na may mananakit sa `yo nang gano'n, Jane. I cannot bear to see you in pain.
"Patawad din kung nagtaas ako ng boses at may nasabi akong hindi maganda. Nagselos lang ako na makita kang may kasamang ibang lalaki at katawanan mo pa. Dapat ako `yon. Dapat ako ang nagpapatawa sa `yo. Pero wala ako sa tabi mo dahil pinagkasya ko lahat ng trabaho nitong nakaraang linggo dahil gusto kong bumalik tayo sa rest house next week. Gusto kong sabihin sa `yo ang nararamdaman ko. I want to kiss you, hug you, make love to you. Most of all, I want to spend my time with you, talk to you and cook for you. Gusto kitang pasayahin. Gusto kong suklian ang pagmamahal mo sa akin. Because I love you, Jane. Alam ko, kompara sa pagmamahal mo sa akin all these years, walang-wala ang pagmamahal ko. But I really do, sweetheart. I love you."
Hindi nakatiis si Jane. Niyakap niya si Charlie. "Mahal din kita. Mahal na mahal. And so I will also compromise. I'm sorry sa inasal ko. Sorry din sa masasakit na sinabi ko. I promised that I would not be bitchy to you, pero iyon ang nangyari kanina. Kasalanan ko rin `yon, I felt insecure. Kasi ang tagal na kitang hindi nakikita at miss na miss na kita, pagkatapos ay nakita pa kita na kasama ang Vanessa na `yon. At ang dami niyang sinabi na nakasakit sa akin." Humigpit ang yakap ni Jane kay Charlie. "Sorry. I love you."
Gumanti ng yakap ang binata at naramdaman niya na hinalikan nito ang tuktok ng kanyang ulo. Pagkatapos ay bahagya siyang inilayo ni Charlie at ikinulong ang kanyang mukha sa magkabilang kamay nito. "May gusto akong sabihin sa `yo. Iyong araw na `yon sa rest house na sinabi kong, I can't do it… Hindi ko sinabi na, I won't. Kung hindi ka lang naging ganito kaimportante sa akin, kung hindi ko lang na-realize na mahal na kita, baka naituloy ko. But I was too nervous, okay? Ayokong may mangyari sa atin nang hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko. I don't want to have sex with you. I want to make love to you."
Tila natunaw ang puso ni Jane sa pag-amin na iyon ni Charlie. Napasinghot siya at kusang hinalikan ang binata sa mga labi. Umungol si Charlie at humigpit ang hawak sa kanyang mukha. Gumanti ito ng halik—mas malalim, mas mapusok, mas sensuwal. Napasandig siya sa katawan ni Charlie at wala siyang ibang nais kundi ang makulong sa init ng katawan ng binata.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa sila hinihingal.
"Would you come to my rest house with me?" tanong ni Charlie.
"Ngayon na?" tanong din ni Jane sa pabulong na tinig.
"Yes. We can stay there for a week."
Gusto ni Jane na pumayag. Ngunit naalala niya na may meeting sila bukas. Napaungol siya at napasandig sa dibdib ng binata. "Hindi ako puwede. Ipe-present ko ang mga shoe designs ko sa meeting bukas."
Natigilan si Charlie. "Pumayag na ang papa mo na ikaw ang magdisenyo sa susunod ninyong shoe collection?"
Nakangiting tiningala niya ang binata. "Yes. And I will call our collection, 'Sweet Jane.' It reminds me of you. Ikaw ang nagbigay sa akin ng push para ituloy ko ang pangarap ko."
Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Charlie at masuyo siyang hinalikan sa mga labi. "I'm glad to hear that. I guess as for me, I'll have to postpone my dream for a while. Makapaghihintay ang law firm ng kahit isang taon pa."
Natigilan si Jane. "Bakit? Oh, dahil ba kay Vanessa?" nag-aalalang tanong niya.
Umiling ang binata at niyakap siya. "No. Dahil gusto ko munang unahin ang pangarap ng mga pamilya natin para sa ating dalawa."
Namilog ang kanyang mga mata. Nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Charlie ay nag-init ang kanyang mga mata at parang lolobo ang kanyang puso sa saya. "Oh, Charlie!"
Ngumiti ang binata. "Miss Jane Ruiz, will you marry me?"
Naluluhang gumanti ng ngiti si Jane at hinigit palapit ang mukha ni Charlie. "Yes. I will marry you."
They sealed their promise with a kiss.