Chereads / BACHELOR'S PAD / Chapter 96 - Chapter 26

Chapter 96 - Chapter 26

NAPAGTANTO ni Jane na totoo ang sinabing iyon ni Charlie nang dalhin siya sa kusina. Pinaupo siya ng binata sa isang silya. Pagkatapos ay nagsimula itong maghalungkat sa refrigerator at maglagay ng kung ano-ano sa lababo.

"Magluluto ka?" manghang tanong ni Jane.

Sumulyap si Charlie sa kanya at nakangiting kumindat. "Ross told me that women dig men who can cook. And you love food, right? Hindi nga lang kasinsarap ng pagkain sa mga restaurant ang luto ko, pero may alam akong ilang putahe since I live alone."

Tila may nagliparang paruparo sa sikmura ni Jane habang nakatitig sa mukha ng binata. Pakiramdam niya, iyon ang unang beses na talagang tinibag ni Charlie ang pader na nakapaligid sa sarili nito laban sa ibang tao. For the first time, she felt that he totally opened up to her. Nasulyapan niya ang Charlie na nakilala niya noong bata pa siya, iyong binatilyo na lumapit sa kanya habang nag-aaral siya sa bahay ng mga Mariano at tinuruan sa kanyang Math assignments; the boy she fell in love with.

Napangiti si Jane at dahil nakatingin pa rin sa kanya si Charlie, alam niyang nakita ng binata ang ngiti niya base sa pag-angat ng mga kilay nito.

"Para saan ang ngiti na `yan?"

Tumamis ang kanyang ngiti at tumayo. "Masaya lang ako. Tutulungan na kita sa pagluluto."

Bahagyang kumunot ang noo ni Charlie. "Let me do this. Dapat ay manonood ka lang sa akin."

Natawa siya at hinablot ang apron na nakasabit sa isang bahagi ng kusina at isinuot. "Sino ba'ng ginagaya mo?"

Tumikhim ang binata at nag-iwas ng tingin. "Si Ross. He did it for Bianca before they got together."

Napangisi siya at lumapit na kay Charlie. "Well, mas gusto kong tulungan kang magluto. Mas mag-e-enjoy ako kapag magkasama natin `tong gagawin."

Muling tumingin ang binata sa kanya at nagkibit-balikat. "Fine." Pagkatapos ay umisod ito upang bigyan siya ng espasyo. Nakangiti pa rin si Jane nang mapatingin sa glass window sa mismong harap ng lababo at muling napasinghap. "Oh! Charlie, kita ang mga bundok at bubungan ng mga bahay dito! It's so beautiful."

"It is. Of all the gifts Lolo Carlos has given me, this is my favorite. Dahil galante siya kaya pinagtitiyagaan ko ang pagiging manipulative niya."

Nakataas ang isang kilay na sinulyapan ni Jane ang binata. "Actually, pareho lang naman kayo ng ugali ni Lolo Carlos."

Natigilan si Charlie at napatingin sa kanya. "Ano?"

"Totoo. Pareho kayong manipulative. Pareho kayong gustong nasusunod. Pero kapag komportable na kayo sa isang tao, malambing na kayo. Although minsan, iyong ka-sweet-an ninyo ay may dahilan. Halimbawa, ilang linggong palagi akong niyayaya ni Lolo Carlos na lumabas. Iyon pala, ang balak niya ay i-blind date tayo," sabi ni Jane.

Umangat ang mga kilay ni Charlie, pagkatapos ay humilig sa gilid ng lababo at humarap sa kanya. "Sinasabi mo ba na mabait lang ako sa `yo kapag may dahilan?"

Sinalubong niya ang tingin ng binata. "Hindi ba `yon ang totoo?" balik-tanong niya.

Napasinghap si Jane nang lumapat sa kanyang baywang ang isang kamay ni Charlie at hinila siya palapit hanggang magkadikit ang kanilang mga katawan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang humaplos sa kanyang pisngi ang isang kamay ng binata patungo sa kanyang batok.

"Hindi ba puwedeng I just want to spend time with you?"

"You do?" halos pabulong na usal ni Jane. Lumapit na kasi ang mukha ni Charlie sa mukha niya at naramdaman niya ang mainit nitong hininga na nagpapatayo sa kanyang mga balahibo.

"Yes," anas ng binata bago tuluyang ginawaran ng halik ang kanyang mga labi. It was a light, butterfly kiss. Parang nanunudyo lang, nangingiliti, nambibitin. Lumapat ang mga labi ni Charlie sa magkabilang gilid ng kanyang bibig, sa kanyang upper lip, pagkatapos ay sa lower lip, at tila ba may hinihintay. Nakaramdam siya ng frustration dahil gusto niyang halikan siya nito nang ganap.

"Charlie…" frustrated na daing niya.

"Yes?" usal ng binata na ang mga labi ay dumapo na sa kanyang pisngi, pababa sa panga, bago ibinalik sa gilid ng kanyang mga labi.

"Kailan mo ako hahalikan nang totoo?" lakas-loob na tanong ni Jane.

May gumuhit na ngiti sa mga labi ni Charlie na nakalapat pa rin sa gilid ng kanyang mga labi. "Actually, I'm waiting for you to kiss me."

Nag-init ang mukha ni Jane. Subalit naisip din niya na palaging si Charlie ang unang humahalik sa kanya at dahil palagi siyang nao-overwhelm sa kissing prowess nito ay hindi siya agad nakakatugon. Binibigyan siya ng binata ng pagkakataon para maunang humalik. He was giving her the chance to explore his lips, to kiss him at her own pace.

Tila may nagliparan na namang mga paruparo sa kanyang sikmura sa antisipasyon bago alanganing hinalikan si Charlie sa mga labi. Humigpit ang hawak ng binata sa kanyang baywang ngunit hindi ito kumilos upang gumanti ng halik. Sinimulan niyang igalaw ang mga labi. She nipped at the corner of his mouth, his upper lip, then moved to his lower lip. Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ni Charlie sa kanyang batok at bahagya pang hinigit ang kanyang ulo. Tuluyang lumapat ang katawan niya sa katawan nito at napasinghap nang may maramdamang kakaiba sa ibabang bahagi ng katawan ng binata. Mas mainit din kaysa karaniwan ang temperatura ng katawan nito.

Alam ni Jane na naapektuhan niya si Charlie. Pinatapang siya ng realisasyon na iyon. Ipinaikot niya ang mga braso sa leeg ng binata. And then she timidly flicked her tongue between his lips. Umungol si Charlie at ibinuka ang mga labi. Ang kamay nito na kanina ay nasa baywang niya, ngayon ay nagsimula nang humaplos sa kanyang tagiliran. Nag-init ang kanyang pakiramdam at napahigpit ang kapit sa leeg ng binata.

"Sweet Jane," usal ni Charlie sa kanyang mga labi. And then he took over.

Nanlambot ang mga tuhod ni Jane at napasandig na lamang sa katawan ng binata nang palalimin nito ang halik na tila uhaw. Ang kamay ni Charlie na humahaplos sa katawan niya ay naging mapaghanap, binubuhay ang sensasyon sa kanyang buong katawan na sa binata lamang niya naramdaman. Napaungol siya nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.

And then her stomach grumbled loudly. Napahinto si Charlie sa paghalik at si Jane naman ay napadilat at napahiya sa biglang pagkalam ng kanyang sikmura. Inangat ng binata ang mukha nito hanggang magkaharap na sila. Nag-init ang kanyang mukha lalo na nang biglang tumawa si Charlie. Lalayo na sana si Jane nang biglang yakapin nang mahigpit ng binata bago siya kusang pinakawalan.

"Magluto na nga tayo. Nagugutom na rin ako, actually. Nakalimutan ko lang."

Tumikhim si Jane at ibinalik ang sarili sa tamang huwisyo. "Okay. Magsimula na tayo."

Nakangiti pa rin si Charlie nang simulan nila ang pagluluto.