Chereads / BACHELOR'S PAD / Chapter 64 - Chapter 27

Chapter 64 - Chapter 27

NAPAKURAP si Bianca nang lumabas siya ng kusina at mapagtantong hindi binuksan ni Ross ang ilaw sa loob ng bahay. Madilim na sa labas dahil lampas alas-sais na ng gabi. Ang tanging liwanag ay ang ilaw sa kusina at sa direksiyon ng nakabukas na French doors. Naglakad siya patungo roon. Muli siyang napakurap nang makita ang hardin. Katulad nang nadaanan nila papunta sa bahay, maganda rin ang pagkaka-landscape ng mga halaman sa hardin. Sa gawing kanan ay may maliit na gazebo na ang mga poste ay may mga gumagapang na halaman at may maliliit na ilaw. Ang mga iyon at ilang lampposts lamang ang ilaw ngunit kataka-takang maliwanag pa rin sa hardin.

Napatingala si Bianca sa langit. Maliwanag ang bilog na bilog na buwan. Iyon pala ang dahilan kung bakit maliwanag sa paligid.

Bumaba ang tingin niya sa gazebo at sumikdo ang kanyang puso. Nakasalampak ng upo si Ross sa malaking picnic blanket at titig na titig sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay marahang ngumiti ang binata.

"Come here, Bianca." May kakaibang pang-akit sa tono ni Ross; it was rich and sweet like honey.

Parang bubuyog na natagpuan ni Bianca ang sarili na naglalakad palapit sa binata.

Inabot ni Ross ang kanyang kamay nang sa wakas ay makalapit siya rito. Marahan siyang hinigit ng binata paupo sa tabi nito. She did not resist. Nang magdikit ang mga katawan nila, naramdaman na naman ni Bianca ang masarap na pakiramdam na naranasan kaninang yakapin siya ni Ross. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na iyon. That feeling of being perfectly at home with him.

"Masuwerte tayo, bilog ang buwan. Minsan ay maganda ring ganito katahimik, hindi ba?"

Sinulyapan ni Bianca si Ross. Akala niya ay nakatingala ang binata sa langit pero natagpuan niya na nakatitig pala ito sa kanya. Ngumiti si Ross nang magtama ang mga mata nila.

"Wine na lang ang kulang, puwede na ba itong romantic date?" pabirong tanong nito.

Halos mabingi siya sa biglang pagkabog nang malakas ng kanyang dibdib. "Bakit walang wine?" ganting-tanong na lamang niya.

Lumuwang ang ngiti ni Ross at inakbayan siya. "Gusto ko, parehong malinaw ang isip natin ngayong gabi."

Napasinghap si Bianca nang biglang humiga si Ross sa picnic blanket na tangay-tangay siya. Napatitig siya sa madilim na kalangitan na kita sa salaming bubong ng gazebo. Parang may nagliliparang paruparo sa kanyang sikmura. Nakaunan ang kanyang ulo sa braso ni Ross at halos walang pagitan ang mga katawan nila sa isa't isa. Nararamdaman niya ang init na nagmumula rito. At kung hindi siya nagkakamali, halos naririnig din niya ang tibok ng puso ni Ross. Parang kasimbilis iyon ng tibok ng kanyang puso.

"Bianca… You like me, right?" biglang tanong ng binata.

Napalunok siya at hindi nagkalakas ng loob na lingunin si Ross. "Oo yata," pag-amin niya.

"Yata lang?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Fine. Oo."

Hinigit siya ni Ross upang lalong mapalapit sa katawan nito at naramdaman niya nang gawaran nito ng halik ang kanyang buhok. "Good. I like you, too. That's why I want to get to know you better. At gusto kong makilala mo rin ako."

Napangiti si Bianca at sumulyap sa binata. "`Ayan ka na naman. Pasikot-sikot, pero isa lang din ang kababagsakan."

Bahagyang ngumiti si Ross. "Okay. Hindi na ako magsasalita. Hihintayin kitang mauna." Pagkasabi niyon ay tumahimik na ito.

Huminga nang malalim si Bianca upang kalmahin ang mabilis na tibok ng puso. "Fine. I'm not really his mistress. Ang totoo, tatay ko si Ferdinand Salvador." Naramdaman niya na humigpit ang braso ni Ross sa kanya. Subalit maliban doon ay wala na itong reaksiyon. Hindi ganoon ang inaasahan niyang mangyayari kapag umamin siya. Akala niya ay magugulat si Ross.

"Kung gano'n, bakit umaakto kang kabit niya?" mayamaya ay tanong ng binata.

Nakagat ni Bianca ang ibabang labi bago sumagot. "Umaakto lang akong gano'n para guluhin siya at sirain ang reputasyon niya. Gusto kong gumanti sa maraming taon na pagpapabaya niya sa amin ni Nanay. Gusto kong gumanti sa kanya dahil tumanggi siyang tulungan ako nang lunukin ko ang pride ko at lumapit sa kanya nang maospital ang nanay ko. Gusto kong guluhin ang perpekto niyang buhay." Aware si Bianca naging matalim ang kanyang tinig subalit wala na siyang pakialam. Umaalpas na naman kasi lahat ng sama ng loob niya sa kanyang ama.

Naramdaman ni Bianca na kumilos si Ross. Tumagilid ang binata at hinigit siya payakap. Napasubsob siya sa dibdib nito. "Did it make you feel better?"

Muling nakagat ni Bianca ang ibabang labi nang mag-init ang kanyang mga mata. "Oo." Kahit sa totoo lang, panandalian lang ang naramdaman niyang kasiyahan sa mga ginawa. Nawawala rin iyon at lalo lamang siyang nakararamdam na parang may espasyo sa kanyang puso na hindi mapunan ng kahit na ano.

"Naiintindihan ko na galit ka sa kanya. I know how you feel, believe me. Buong kabataan ko, may kinipkip din akong galit sa sarili kong ama. Lumaki rin akong walang ama. He was a womanizer and my mother was always crying because of him. Hanggang mag-divorce sila," sabi ni Ross.

Tumingala si Bianca sa binata. "Kung womanizer pala ang tatay mo, bakit naging gano'n ka rin?"

Ngumiwi ito at saka bumuntong-hininga. "Magkaiba kami. Hindi ako kasal, Bianca. I don't go into serious relationships at alam iyon ng lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko."

"Bakit ayaw mo ng seryosong relasyon?"

Mukhang hindi komportable si Ross sa usapan subalit hindi ito umatras. "Because you see, there is this thing about the men in our family. They tend to mess up their relationships. Ang ama ko, ang tiyuhin ko, pareho silang hindi marunong makipagrelasyon kaya lumaki kaming magpinsan na walang matinong family life. Naisip ko na baka gano'n din ang mangyari sa akin. So I tried to avoid anything serious. Para walang babae ang matulad sa mama ko nang dahil sa akin."

Pagkatapos ay hinaplos ni Ross ang buhok ni Bianca at lumambot ang ekspresyon ng mukha. "But you see, na-realize ko kailan lang na hindi ko dapat parusahan ang sarili ko dahil sa pagkukulang ng tatay ko. Na magkaiba kami. Na imbes na magtanim ako sa kanya ng sama ng loob, dapat ayusin ko na lang ang sarili kong buhay para hindi ako matulad sa kanya."

Tinamaan si Bianca sa sinabi ni Ross. Naisubsob tuloy niya ang mukha sa dibdib nito.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang binata. "Ang kaibahan nga lang natin, lahat ng materyal at pinansiyal na pangangailangan ko ay ibinigay ng tatay ko. Lumipas ang mga taon at ang galit ko ay naging indifference na lang. Nagkaroon ako ng pangako sa sarili. Na hanggang kaya ko ay tutulungan ko ang mga babaeng katulad ng mama ko. Pero kahit minsan ay hindi ko naisip na gumanti. Alam mo kung bakit?" malumanay na sabi ni Ross.

"Bakit?" garalgal ang tinig na tanong ni Bianca. Tumingala siya nang bahagyang inilayo ni Ross sa dibdib nito. Nagtama ang mga mata nila. Lalong nagbadya ang kanyang mga luha nang makita kung gaano kasuyo ang mga mata ni Ross.

"Dahil walang kahahantungan iyon. Kahit makaganti ka, walang madudulot na mabuti `yon para sa `yo. You will get hurt in the process. You will never be satisfied in the end. `Yong totoo, masaya ka bang nagulo mo ang buhay ng tatay mo?"

Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha. "Oo, kahit paano," garalgal pa ring sagot niya. "Pero hindi ko na alam kung paano ako hihinto. Hindi ko na alam kung ano ang purpose ng mga ginagawa ko. Hindi ko na alam kung may mababago ba sa sitwasyon pagkatapos ng ginawa ko. Hindi rin naman siya magiging ama sa akin. Kahit ano'ng gawin ko, hindi ko makukuha ang atensiyon niya. Kahit maging abogado ako, siguradong hindi pa rin niya ako kikilalaning anak." Napahinto siya at nanlaki ang mga mata sa nasabi.

Mukhang kahit si Ross ay natigilan din. "Dahil sa kanya kaya gusto mong maging abogado? You want him to acknowledge you?" mayamaya ay tanong ng binata.

Natawa nang pagak si Bianca at pumikit nang mariin. "Isa lang `yon sa mga dahilan. Noon pa talaga ay gusto ko nang maging lawyer. Pero bukod do'n, gusto kong… mapalapit sa kanya kahit paano. I���m pathetic, aren't I? Sa huli, ang kailangan ko lang talaga ay pagtanggap mula sa kanya."

Naramdaman ni Bianca nang lumapat ang mga labi ni Ross sa mga mata niyang nakapikit. Dumausdos ang halik sa gilid ng kanyang mga mata at pababa sa pisngi. Para bang pinapalis ng binata ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng mga labi.

"It's going to be okay. You don't have to try so hard anymore," usal ng binata.

Marahan siyang dumilat. Natagpuan niyang nakayuko si Ross sa kanya at halos ilang pulgada lamang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. Hinaplos ng binata ang kanyang pisngi.

"Nagawa mo na kung ano ang kailangan mong gawin. Siya naman dapat ang kumilos para sa `yo."

Huminga siya nang malalim at bahagya nang napangiti. "Hindi ka masyadong nabigla sa inamin ko gaya ng akala ko."

Natigilan si Ross. Medyo nagtaka si Bianca sa reaksiyon ng binata subalit nawala rin iyon kaagad nang muli siya nitong halikan sa pisngi.

"Hindi ako nabigla. I'm relieved." Muling inilayo ni Ross ang mukha nito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ito. "I'm relieved that you're not taken. Na sa wakas, ipinagkatiwala mo na sa akin ang kuwento ng buhay mo. That right now, you are here with me."

Gumanti ng ngiti si Bianca. Umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang mukha ni Ross. "Salamat sa pakikinig mo sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko," usal niya.

Naging masuyo ang kislap ng mga mata ni Ross. "No problem." Marahang bumaba ang mukha nito.

Alam ni Bianca kung ano ang balak gawin ng binata. At wala siyang naramdamang protesta. Nang lumapat ang mga labi ni Ross sa kanyang mga labi, walang pag-aalinlangang tinanggap niya ang halik nito.

Mabagal at masuyo ang halik na iyon. Para bang tumitikim si Ross ng putahe na nais nitong namnamin. He kissed the corner of her lips, traced her upper lip with his tongue, and grazed her lower lip with his teeth. Napadaing si Bianca at umangat sa batok ni Ross ang mga kamay. Hinaplos niya ang buhok ng binata at iniangat ang sarili upang habulin ang bawat galaw ng mga labi nito. Naramdaman niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Ross subalit hindi pa rin pinalalim ang halik. Para bang sinasadya nitong magpahabol sa mga labi niya. Alam ni Bianca na tinutudyo siya ng binata. She grew frustrated because she wanted more. It was the first time she had ever felt that kind of wanting.

Nang hindi na nakatiis ay humigpit ang hawak niya sa batok ni Ross at hinigit ang mukha nito. Siya na ang kusang humalik nang mariin sa mga labi ng binata. Muli, naramdaman niya sa mga labi ang pagngiti nito. And then he took over. Napasinghap si Bianca nang palalimin ni Ross ang halik. Bigla, para siyang nalulunod sa nakaliliyong sensasyon na dulot ng halik na iyon.

Kumilos si Ross at natagpuan na lamang ni Bianca na nakakubabaw na ang binata sa kanya, ang isang binti nito ay nasa pagitan ng kanyang mga binti. Kumiskis ang tela ng maong na suot nito sa kanyang balat at noon lamang niya naalala na suot pa rin pala niya ang maiksing bestida. Napaungol siya nang maramdaman ang paghagod ng mga kamay ni Ross sa kanyang tagiliran, marahan, masuyo, at mapang-akit. Bigla, naglaho ang lamig ng simoy ng hangin dahil uminit ang pakiramdam niya.

Unti-unting gumaan ang halik ni Ross hanggang sa tuluyang ilayo ang mga labi. Nagtama ang mga mata nila. Nahigit ni Bianca ang hininga nang makita ang intensidad sa mga mata ng binata.

"Bianca," usal nito, tila daing at pakiusap na tumagos sa kanyang puso.

"Yes?"

Nagpatuloy ang mabining paghaplos ni Ross sa katawan niya ngunit hindi pinutol ang kanilang eye contact. "I want to love you under the moonlight. Para sa hinaharap, kapag tumingala ka sa langit at makita mo ang buwan ay ako palagi ang maaalala mo."

Nagsikip ang dibdib ni Bianca. But it was the sweet kind of tightening. Bigla ay naamin niya sa sarili na hindi lang basta "oo" at "yata" ang kanyang sagot sa pabirong tanong ni Ross kanina. Hindi lang nahuhulog ang kanyang loob sa binata kundi hulog na talaga siya. Ang kaso, alam din niya na wala nang kasunod ang sandaling ito na kasama si Ross. Hindi niya maaaring talikuran ang planong paglayo para sa kapakanan nilang mag-ina. Ang gabing ito ay magiging alaala na itatago niya sa puso at ilalabas tuwing nangungulila kay Ross sa hinaharap.

Ngumiti si Bianca kahit nag-iinit ang mga mata sa labis na emosyong lumukob sa kanyang puso. "Then do it. Para sa hinaharap, kapag nakikita mo rin ang buwan, ako ang maaalala mo," usal niya.

Gumanti ng ngiti si Ross at muli siyang siniil ng halik sa mga labi. Mapusok ang halik, dumausdos pababa sa kanyang leeg at pababa pa. Subalit ang mga kamay ng binata ay nanatiling masuyo habang marahang hinuhubad ang kanyang saplot. He was spicy and sweet, hard and soft, teasing and gentle. Nang mahubad ni Ross ang lahat ng suot ni Bianca, bahagyang lumayo ang binata at tila namamalikmatang humagod ang tingin sa kanyang kabuuan. Nang magsimula itong maghubad, siya naman ang tila namalikmata habang pinagmamasdan si Ross. Sa liwanag ng buwan na tumatama sa perpektong katawan nito, hindi niya naiwasang usalin ang mga katagang: "You're beautiful."

Natawa nang mahina ang binata at muling kumubabaw sa kanya. Their bare skin touched. It was so electrifying that she could almost see the sparks around them. "Ako dapat ang nagsasabi niyan," bulong ni Ross na hinalikan ang kanyang tainga. "Napakaganda mo, Bianca."

Napayakap siya sa binata nang marahan nitong ibuka ang kanyang mga hita. Napapikit siya nang siilin ni Ross ng halik ang kanyang mga labi. Then she gasped when she felt him move against her, into her, until they were no longer two bodies but one.

"Ross…" usal niya nang may sumigid na kirot sa sentro ng kanyang pagkababae.

Tumigil ang binata sa paggalaw bagaman hindi tumigil sa paghalik sa buong mukha niya at sa masuyong paghaplos sa kanyang katawan na para bang inaalo siya. "It's okay. I got you," masuyong usal nito.

Nang bahagyang mapawi ang sakit, nagsimula uling gumalaw si Ross. He slowly rocked their bodies together and Bianca felt something building up inside her. Humigpit ang hawak niya sa mga balikat ni Ross at nagsimula ring kumilos upang salubungin ang bawat galaw ng binata. Bigla, pakiramdam niya ay may gusto siyang habulin at hindi iyon magagawa nang mag-isa.

"Ross, faster…" daing niya.

He groaned and complied. Napasinghap si Bianca dahil pakiramdam niya, may libo-libong karayom ang tumutusok sa kanyang buong katawan. Sa kabila ng dilim at tanging liwanag mula sa buwan ay para siyang nasisilaw. Hanggang marating niya ang hinahabol. Tila may fireworks na sumabog sa kanyang kaibuturan.

Then she realized that what she was chasing after was none other than heaven. Saglit lamang, naroon na rin si Ross. Tila lumobo ang kanyang puso sa intensidad ng naging epekto kay Ross ng kanilang pag-iisa. Halos sumigaw ang binata habang mahigpit siyang yakap. And it was the best thing that she had ever experienced.

"I love you."

Napadilat si Bianca. Nasabi ba niya nang malakas ang kanyang nasa isip? Pero bakit parang hindi niya boses ang narinig? Pinakiramdaman niya si Ross na nakasubsob sa kanyang leeg. Narinig ba iyon ng binata? Mukhang hindi dahil hindi ito nagpakita ng kahit anong reaksiyon.

Bahagyang nakahinga nang maluwag si Bianca. Kung hindi narinig ni Ross, mas mabuti. Hindi na kailangang malaman ng binata ang tungkol sa kanyang damdamin. Nakatakda rin naman siyang lumayo. Hindi na kailangang gawin na mas komplikado ang kanilang sitwasyon.

Related Books

Popular novel hashtag