Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 184 - Chapter One Hundred Eighty-Four

Chapter 184 - Chapter One Hundred Eighty-Four

Huminga ulit siya nang malalim. Humiwalay siya at mabilis na tumalikod sa akin. Pinunasan niya ang mukha niya.

"Ang lamig ng aircon no? Nakakasipon."

"Red."

"Hahaha!" Bigla siyang tumawa kahit na ang lungkot ng tono niya. Humarap siya sakin. Namumula ang mga mata niya. "Pwede mo bang sabihin sa'kin kung bakit mo siya mahal? Hindi ba talaga pwede na ako ang piliin mo?" Tila nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Mahal kita Jared." Sumaya ang mga mata niya pero nandoon parin ang sakit. "Mahal ko rin si Timothy."

Tumango siya. "Pero mas mahal mo siya?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko sinukat ang pagmamahal ko sa inyong dalawa. Hindi ko inalam kung sino ang mas matimbang dahil alam ko na kahit ano pa ang gawin ko, mahal ko parin kayo. Ang pagmamahal ay pagmamahal, hindi 'yon sinusukat. Hindi tama na sukatin 'yon at ikumpara."

"Kung ganon, sa paanong paraan mo pinili ang kaibigan ko? Sa tagal ng panahon? Mas matagal tayong magkasama hindi ba?"

Umiling ako at pilit siyang nginitian. Lumapit ako at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Nag-umpisa tayo sa pagiging magkaibigan. Kami ni Timothy hindi nag-daan don. At sa tingin ko hindi ko matatanggap na kaibigan lang si Timothy. Hindi ko kaya na maging kaibigan ko lang siya, Jared."

"Friendzone parin pala talaga ang laglag ko." Tumawa siya at umiling. May mga pumatak na luha sa mata niya.

Sobrang sakit na ng dibdib ko dahil sa sakit na idinulot ko sa kanya. "Jared mahal kita. Mahal kita nang sobra, alam mo 'yan," sabi ko at pinipilit na maging matatag. Pinilit kong pigilan ang pag-iyak. "Pero hindi talaga tayo. Hindi tayo ang para sa isa't-isa."

Tuluyan na siyang umiyak at yumakap sa akin. Nanginginig ang balikat niya habang umiiyak. Wala akong magawa kundi yakapin din siya pabalik. Gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung paano. Sana makahanap siya ng babae na mamahalin niya. Sana ay hindi niya isara ang puso niya dahil sisisihin ko ang sarili ko habangbuhay kung sakali. Sana ay dumating ang taong magmamahal sa kanya nang wagas.

Isang oras ang lumipas. Kaming dalawa nalang ni Red ang naiwan sa loob ng bulwagan. Nakaupo kami sa sahig at nakasandal sa glass wall. Nakikita ko ang magagandang ilaw ng mga buildings at sasakyan sa ibaba.

"Stupid cupid," bulong niya habang nakatingin sa mga bulaklak na nasa paligid namin. "Pinana ang puso ko, wala man lang pasintabi."

"Jared." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Okay na ako, Samantha." Ngumiti siya na sa tingin ko ay totoo na. "Masakit pero ganon talaga. Di laging panalo sa sugal. Minsan kailangan talaga matalo."

"Makakahanap ka ulit ng babaeng mamahalin mo Jared."

"Hahaha! Hindi ko alam. Sana lang hinahanap din niya ako. Baka kasi ako lang ang naghahanap."

"Nandito parin ako para sayo Jared. Hindi ako mawawala, kung kailangan mo ako."

Tinignan niya ako nang may tipid na ngiti sa labi. "Alam ko. Samantha, gusto kong malaman mo na malaki parin ang pasasalamat ko sa'yo. Dahil sa'yo natuto akong magmahal. At sapat na sa akin na malaman na minahal mo rin ako."

Ngumiti ako. Kahit papaano ay okay na siya. Tumayo sya at pinagpagan ang pantalon nya. Tumayo na rin ako. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaharap sa glass wall.

"I almost forgot," sabi niya habang nasa likod ko.

Itatanong ko sana kung ano iyon nang biglang lumiwanag ang langit. Ilang makukulay na fireworks ang lumitaw sa kalangitan. Iba't iba ang kanilang kulay, hugis at disenyo. Napanga-nga ako sa ganda nila. Hindi ko ine-expect ito.

"Happy Valentines Samantha," bulong niya sa tenga ko. "Masaya ako na kasama kita ngayon."

Hinarap ko siya. Malapad na ulit siyang nakangiti sa akin. Ginawaran ko siya ng ngiti na kagaya ng kanya.

"Salamat Jared. Happy Valentines."

***

Inihatid ako ni Jared sa bahay namin ng Crazy Trios. Sinabi ko sa kanya na doon ako nakatira ngayon. Wala rin naman kasi akong kasama sa mansion namin. Pinanood ko na umalis palayo ang pulang sasakyan niya. Lumiko ito sa isang kanto at tuluyan nang naglaho sa paningin ko.

"You're late."

Kumabog ang puso ko nang makarinig ng boses sa likod ko. Napalingon ako sa likod ko. Sa boses palang niya, kilala ko na siya.

"Timothy?! Ano'ng ginagawa mo dyan? Kanina ka pa?" Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ginulat niya ako.

"You look happy." Naglakad siya palapit. "Is there something I should be worried about?"

"Wala. Lumabas lang kami ni Red—Teka! Bakit ba ako nag-eexplain sa'yo eh hindi naman tayo? Di ka nga nag-yaya ng date."

Tinignan lang nya ako ng usual expression nya. Lumapit siya sakin.

"Here." May ibinibigay siya sa akin na envelope.

"Ano 'to? Valentines card?"

"What? No. That's for my sister's wedding. A week from now."

"Oooh~ Invitation." Binuksan ko ang envelope at kinuha ang card sa loob. "B-bridesmaid?!" Nakita ko ang pangalan ko bilang isa sa mga bridesmaid ni Ate Sweety.

"Yes. Well then, good night." Tumalikod na siya at naglakad palayo.

"Hoy Timothy! Wala kang kotse? Maglalakad ka pauwi?"

Lumingon siya. "I don't need a car. My apartment is just five minutes away from here." Naglakad na ulit siya palayo.

Apartment? Napatingin ako sa kaisa-isang apartment na malapit sa bahay namin. Nasa kabilang kanto siya pero tanaw ko parin iyon. Siya ang umuupa sa bakanteng apartment na 'yon?! What?!