Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 175 - Chapter One Hundred Seventy-Five

Chapter 175 - Chapter One Hundred Seventy-Five

February

Gumising ako na magaan ang pakiramdam. Wala na ang mabigat na bagay na dala ko sa dibdib ko noong mga araw na hindi kami nag-usap ni Timothy. Bumaba ako sa hagdan ng bahay nang nakangiti at kaagad kong nakita ang mga kaibigan ko sa kusina.

"Good morning!" bati ko sa tatlo nang makalapit ako sa kanila.

"Good morning, Sammy!" bati ni Michie na nakaupo na sa harap ng mesa.

"Mga bakla, luto na ang breakfast kumain na tayo!" sabi ni China na inilapag ang isang platong may laman na bagong lutong pagkain sa mesa.

"Salamat po sa pagkain!" wika ni Maggie na nakadikit ang dalawang palad sa isa't-isa.

Umupo na rin ako sa harap ng lamesa kung saan may nakahandang pagkain. French toast, bacon, hotdogs, sunny sideup, fried rice at mainit na pandesal.

"Dahil nagbalik na si Sammy sa bahay natin! Kumain na tayo!" sabi ni China na umupo na.

"Oo nga! Cheers!" sabi ni Maggie na nagtaas ng baso ng gatas nya.

"Cheers!" Tinaas din ni Michie ang baso ng gatas nya.

Nakigaya na rin si China sa pagtaas ng baso. Tumingin sila sa akin na may kislap sa mga mata. Ine-expect nila na itataas ko rin ang baso ko?

"Cheers." Itinaas ko na rin ang baso ko at saka uminom ng gatas.

Tumunog ang doorbell ng bahay at natahimik kaming apat.

"May tao!" Tumayo si Michie at pumunta sa labas para tignan kung sino ang dumating. "ANO'NG GINAGAWA MO RITO?!!"

Nagulat kaming lahat sa lakas ng sigaw nya.

"Sino kayang kaaway non? Ang aga-aga." Nagpatuloy sa pagkain si Maggie.

"HINDI KA PWEDENG PUMASOK!!" sigaw ulit ni Michie sa mula labas.

"Ay bading alam ko na kung sino ang kausap ni Michie," natatawang sabi ni China.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Maya-maya ay pumasok na rin si Michie kasama ang bisita.

"Good morning," bati ni Audrey at umupo sa bakanteng silya sa tabi ko.

"Mmm." Nakatingin si Michie kay Audrey at halatang medyo nawala siya sa mood.

"Bestfriend number two," pang-aasar ni Audrey kay Michie.

"Hindi ako number two! Number one ako! Number one!" sagot ni Michie at itinaas ang hintuturo. Haay, nag-umpisa na naman sila.

"Hi bestfriend," bati sa akin ni Audrey na ngiting ngiti pa.

Padabog na umupo si Michie sa silya niya at hindi nawawala ang tingin niya kay Audrey. Palagi nalang silang ganyan. Minsan sa sobrang asaran nila di na nila ako napapansin. Ako yung pinag-aagawan pero ako yung di masyadong pinapansin.

***

Nagbalik sa normal ang lahat. Napilit ako ng Crazy Trios na tumira ulit kasama nila. Pumayag na rin ako dahil malungkot tumira sa bahay namin lalo pa at puro staff lang ang mga kasama ko roon. Masyadong malaki pero wala naman ang pamilya ko, nami-miss ko na si Angelo. Hindi ko alam kung kailan sila babalik, bukod doon, hindi ko alam kung handa ba akong harapin sila kapag bumalik na sila. Naalala ko ang huli naming pagkikita. Hindi maganda.

"May bago palang umupa doon sa apartment?" anunsyo bigla ni Maggie. Nakatingin siya sa paupahang apartment building di kalayuan sa bahay namin.

Tumingin kaming lahat sa huling paupahang unit kung saan nakaharap sa amin ang veranda. Matagal na bakante ang kwarto na 'yon. Madalas lang talagang tinitignan ng Crazy Trios ang kwarto na 'yon lalo na sa gabi at kakatapos lang nilang manood ng horror movie.

Tinatakot nila ang mga sarili nila at sinasabing may nakatira daw don na hindi nakikita sa umaga.

"Mabuti nalang may tumira na dun," sabi ni Michie na natapos din i-lock ang gate ng bahay.

"Yes! Di ka na magpapasama sa banyo sa gabi!" masayang sabi ni Maggie.

"At di ka na rin makikisiksik sa kama ko," wika ni China.

"Ang sama nyo!" nakangusong sabi ni Michie.

"Hahaha! Totoo naman eh!" sagot ni Maggie.

***

[St. Lourdes International]

"Balik ko lang 'tong libro sa library, hintayin ninyo ako sa canteen!" sigaw ni Maggie bago umalis.

Pagkasara namin ng lockers namin pumunta na kami sa canteen at pumila. Pina-upo na namin si Michie para ma-reserve ang table namin.

"Ganda ng cellphone natin ah," kumento ni China sa cellphone ni Audrey. "Ano'ng unit?"

"Samsung GSX," sagot ni Audrey habang nagta-tap sa cellphone nya.

"Tine-text mo ba si Romeo?" tanong ni China.

"Hindi, nakipag-break na ako sa kanya. Chine-check ko lang kung maayos ba ang stocks ko. Ibinili kasi ako ni Papa," sagot ni Audrey habang nakatutok sa cellphone nya.

"Break na kayo ni Omi?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo, habang nasa bundok tayo, leche siya," naiinis na sagot ni Audrey.

Nang makakuha na kami ng pagkain, dinala namin ang mga trays namin sa mesa kung saan naghihintay si Michie. Dumating naman si Maggie kaya sabay silang kumuha ng pagkain ni Michie.

"Bakit kayo nag-break? Diba patay na patay sa'yo 'yun?" tanong ni China.

"Nambabae habang wala ako, yung panget na 'yon! Kapal ng mukha niyang mambabae habang nasa bundok ako at naghihirap! Siya pala nagpapakasarap dito, gunggong na panget na 'yon, leche siya! Magsama sila ng malanding pigsain na babae niya," kwento ni Audrey habang mina-masacre ang kanin nya. Halatang inis na inis siya sa lalaki.

"Wow, malanding pigsain? Ano'ng pangalan? Nandito ba sa school?" usisa ni China.

Humarap si Audrey kay China.

"Juliet," sagot ni Audrey na parang sinusuka ang pangalan.

"Wow bagay ah! Romeo and Juliet!" tawa ni China.

"Oo, at ganon din ang magiging ending. Tragic," sagot ni Audrey. Uminom siya ng tubig saglit bago muling nag-salita. "Ganon yata talaga sila, mawala ka lang sandali pagbalik mo may iba na sila. Mga lalaking yan, ano'ng tingin nila sa'tin, load? Nae-expire? Nyeta silang lahat! Isama mo pa si kuya, ilang gabing di umuuwi tapos ang sungit pa!" reklamo ni Audrey

Si Red. "Kumusta na sya?" alanganin kong tanong. "Kumusta na.. si Red?"

Napatingin sa akin si Audrey bago bumuntong hininga. "Buhay pa naman si kuya, mukhang busy lagi. Palaging umaalis ng bahay at may pinupuntahan. Last time na sinundan ko siya, dun sya sa firing range pumupunta. Nakapagtataka lang, kasi hindi na sya pumupunta para sa facial nya. Ilang gabing hindi siya matutulog sa bahay, siguro sa condo siya tumutuloy," Kumunot bigla ang noo ni Audrey. "Hindi kaya... may kaaway si kuya?"

"Matagal nang walang kaaway ang lucky thirteen, hindi ba? Simula nang maka-graduate sila sa Pendleton High," sabi ni China.

Nagkibit lang ng balikat niya si Audrey. Gusto ko pa sanang magtanong pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam kong kahit papaano ay apektado rin si Audrey sa naging relasyon namin ng kapatid niya. Nahihiya ako na magtanong. Bigla kong naalala ang mga sinabi ko kay Red noong huli kaming nag-usap. Marami akong hindi magagandang sinabi sa kanya.

"Ano'ng pinag-uusapan nyo?" tanong ni Maggie na inilalapag ang tray sa mesa.

"Wala bading, si Audrey single na pala," sagot ni China sa kapatid.

"Ahahaha! Walang date si Audrey sa Valentines," pang-aasar ni Michie.

"Meron akong date, si Sammy," nakangising sagot ni Audrey.

Napahawak ako sa noo ko. Mag-uumpisa na naman silang dalawa.

"Uwaahh! Hindi pwede yan, ako din sasama!" reklamo ni Michie.

"Hindi pwede, bawal ang third wheel," pigil ni Audrey.

"Hindi ako third wheel! Ako ang number—"

"Number two na bestfriend ni Sam, I know," singit ni Audrey.

"Hindi sabi! Number one ako! Number one!"

Hindi na naman sila matatapos na dalawa.

***

The subscriber is out of coverage area, please try your call again later. Your message will be transferred to a voice mailbox. Please leave a message after the beep.

Bumuntong hininga ako. Pang sampung beses ko na to pero hindi parin niya sinasagot ang phone. It's either galit siya sakin o busy siya. Sana busy lang talaga siya.

"Jared, si Samantha 'to. Pwede ka bang makausap? Tawagan mo 'ko agad kapag narinig mo 'to." Nag-isip pa ako ng pwede kong sabihin pero ang weird na nagsasalita ako pero walang sumasagot. "Later then."

In-end ko na ang tawag. Napatingin ako sa paligid ng school. Pagkatapos ng pagkikita namin ni Timothy sa bundok, wala na akong nakita kahit na sino mula sa gang nila. Parang bigla nalang silang naglaho na parang bula. Nasaan kaya sila? Huminga ako nang malalim. Ano kayang nangyayari sa kanila? Hindi kaya tama ang hinala ni Audrey?

'Hindi kaya... may kaaway si kuya?'

Kung may kaaway si Red, kung totoo man 'yon, ibig sabihin may kaaway din ang buong grupo nila? Hindi ko dapat kalimutan na bahagi sila ng isang gang. At sa pagkakaalam ko, ang kaaway ng isa ay kaaway na rin ng lahat. Sana naman, ayos lang sila.

***

Pagkalabas ko sa classroom ng huling klase ko ay may humarang sa akin. Hindi ko agad nakita ang mukha niya dahil sa maputing bagay na hinarang niya sa mukha ko. Nagulat nalang ako nang tanungin niya ako.

"Will you be my Valentine?"

Napakurap ako bigla. Inilayo niya nang kaunti ang hawak niya mula sa mukha ko at nakita ko ang isang gwapong lalaki. Mukha siyang mas bata sa akin. Mas matangkad siya kaysa sa akin ng kaunti, lean ang katawan niya, maputi at singkit ang mga mata. May hawak siyang maliit na puting teddy bear na may pulang t-shirt kung saan nakalagay ang tanong niya sa akin kanina.

"Yiiiiieeeee!!!" sabi ng mga tao sa hallway na nakakita sa amin.

"Wow ang sweet naman nya."

"Oo nga, ang swerte naman nya, ang gwapo ng date niya."

"Sana ako din may date."

"Kailan kaya magpo-propose sakin si GD!"

"Walanghiya ka, asawa ko na 'yon."

"Mangarap ka! Bruha!"

Hinigit ako ni Audrey palayo doon sa lalaki at siya ang humarap. Ayan na naman ang bitchy pose ni Audrey. Cross arms, stuck up nose at matalas na tingin. Sino ang hindi mai-intimidate sa kanya?

"Ethan, ano'ng kalokohan ang ginagawa mo?" tanong ni Audrey sa lalaki.

"Hi ate, niyayaya kong maging date sa Valentines si," Napatingin sakin yung Ethan at ngumiti sa akin. "Ano nga pala ang pangalan mo, baby girl?"

Baby girl?! Niyayaya niya palang ako sa Valentines, baby girl agad ang tawag? Nangangamoy playboy dito ah. Pareho sila ng pabango ni Jared.

"Ethan, hindi mo ba alam na kaibigan ko ang pinopormahan mo? Maghanap ka nalang ng iba," utos ni Audrey.

"Nope. I only want her and no one else," sagot ni Ethan at ibinaling sa akin ang tingin. "So babe, will you be my date?"

Naghihintay siya ng sagot. Naghihintay ang lahat ng tao sa hallway sa sagot ko. Kung sila kaya ang nasa position ko? Kaya ba nilang tumanggi? Pero ayoko. Ayoko kasi may hinihintay ako. Hinihintay ko yung isang tao na masyadong busy ngayon. Nasan kaya siya? Di man lang ako tinawagan, ni text wala. Ang complicated naman ng status ko. Di ko na nga alam kung ano ang ilalagay kong relationship status sa facebook. Saang category ba ako dapat? Napabuntong hininga nalang ulit ako. Napapadalas ito ngayon ah.