Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 173 - Chapter One Hundred Seventy-Three

Chapter 173 - Chapter One Hundred Seventy-Three

Breathless, I pulled away from the kiss. Huminga ako nang malalim bago siya tignan nang diretso. Unti-unti nang sumisikat ang araw kaya naman nakikita ko na ang mukha niya. He was just as breathless and dazed as me. Hindi parin nawawala ang epekto ng halik namin. Nakatingin rin siya sa akin na may malumanay na ngiti sa labi.

Pakiramdam ko ilang taon ko siyang hindi nakita. Sobrang na-miss ko siya. Na-miss ko ang mga yakap at halik niya sa akin. Na-miss ko ang ngiti niya at ang pagtingin niya sa akin na may halong pagmamahal. Tinitignan niya ako na parang ako na ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Bigla nalang akong naluha. Bakit ako naniwala? Paano ko naisip na hindi na nga talaga ako mahal ni Timothy?

Siguro dahil... alam ko na hindi ako deserving sa pagmamahal niya. Na darating din ang araw na may mamahalin si Timothy na mas higit pa sa akin. Na iiwan nya ako dahil nakakapagod akong mahalin. Masyado akong bratty, spoiled at palagi ko siyang sinasaktan. Maraming babae na mas kayang mahalin si Timothy nang higit pa kaysa sa akin.

Iiwan niya ako katulad ng mga magulang ko. Pero napaka-stupid ko para isipin yon. Hindi siya katulad ng parents ko. Para kay Timothy, ako lang ang mahalaga wala nang iba pa. Halos sa akin na nga umikot ang buong mundo niya.

Walang naging ibang babae si Timothy, ako lang. Kahit kailan hindi siya tumingin sa ibang babae, sa akin lang. Kaya naman bakit ko naisip na ipinagpalit niya ako nang ganon kadali?

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Naturingan akong top student sa klase tapos ang hina ko pagdating dito. Ang hina ko pagdating sa pagtitiwala sa pagmamahal sa'kin ni Timothy.

"I'm sorry, Timothy," sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Nanginig ang labi ko. Pinilit kong hwag umiyak sa harap niya.

"Retard, that's my line." Ngumiti siya pero seryoso ang mga mata niya. "If there's someone who should say 'sorry', it's me. Not you, Miracle." Hinalikan nya ang noo ko. Pinunasan niya ang luha ko. "I'm sorry I did something stupid. I'm sorry I let you go."

Naluha na naman ako sa sinabi nya. "No, kasalanan ko rin. Sumuko ako agad, I'm sorry. Dapat pinilit kong alamin ang totoo."

"Miracle." Tinititigan niya ako. "Please stop saying that. It's my fault."

"Pero kasalanan ko naman talaga—"

"I almost lost you," sabi niya sa nahihirapang tono. Huminga siya nang malalim. "Because of me, you almost died. Please Miracle, I can't—it's my fault—I can't bear it. Don't die."

Niyakap niya ako nang napakahigpit. Ngayon alam ko na. Alam ko na kung ano ang pinaka-nagpapahirap sa kalooban nya.

'I tried to kill myself' naaalala kong sinabi ko sa kanya noon.

Nasasaktan siya dahil don. Dahil alam nyang sya ang dahilan kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon.

"I messed up. This is all my fault. I fucking messed up. I'm so sorry, Miracle. I'm so sorry I hurt you. I'm so fucking sorry."

Naramdaman ko siyang nanginig. Nagtaas-baba ang kanyang balikat at narinig ko siyang umiyak. Hinimas ko ang likod niya. Hinayaan kong yakapin niya ako nang matagal.

"Noong sinabi ko sa'yo na tinangka kong patayin ang sarili ko, nang mga panahon na 'yon wala akong maramdaman. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Something inside me… just shut off. Naaalala ko ang mga ginawa ko, naaalala ko kung gaano kasarado ang emosyon ko." Itinulak ko nang bahagya ang magkabilang balikat niya para makita ang mukha niya. "I lied to you, Timothy." Umiling ako. "Hindi ko ginawa 'yon sa sarili ko. Alam ko kasi na masasaktan ka. Hindi totoo ang sinabi ko sa'yo."

Hinaplos ko ang basang pisngi niya at huminga nang malalim.

"What do you mean?"

"Hindi ko—Hindi ako nagtangka na magpakamatay, Timothy. Kahit na sobrang sakit at kahit na ilang beses kong hiniling na mawala na ako, hindi ko parin ginawa 'yon. Hindi ko kaya, alam ko na sisisihin mo ang sarili mo at mali iyon." Yumuko ako. "Hindi ko 'yon kayang gawin sa'yo Timothy"

Umiling ako at tinignan ang ekspresyon nya. "I'm sorry. Ang totoo, aksidente lang ang nangyari. Tumatakbo ako noon, magulo ang isip ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta." Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang mga nangyari. "Tapos naramdaman ko nalang na nahulog ako sa malalim na tubig. Natatandaan ko na lumangoy ako paahon, pero hindi ko kinaya. Nanghihina ako noon, ang sunod na nangyari, nagising ako sa ospital." Ngumiti ako para sa kanya. "Kasalanan ko talaga ang nangyari. Napabayaan ko ang sarili ko."

Nasaktan ako nang makita ang disappointment sa mga mata niya. Pero nagulat ako sa sinabi nya.

"No. It's still my fault." Lumayo si Timothy sa akin at naihilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. "If I didn't tell you those lies then this would've never happened in the first place. It's my fault. I'm so fucking stupid for thinking that—that you would be alright after the breakup. So stupid, so fucking stupid."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa braso. "Bakit mo ginawa 'yon Timothy?"

Ilang beses kong itinanong sa sarili ko ito, at ngayon nagawa ko na ring itanong sa kanya. Tinignan niya ako. Nakikita ko na nahihirapan siyang sagutin 'yon. Sa tuwing ibubuka niya ang bibig niya para sumagot, agad din niya itong isasara. Nagdadalawang isip syang sagutin ang tanong ko.

"One day, Miracle." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "I promise, I will tell you everything, but not now."

Tinitigan ko siya nang mabuti. Nagmamakaawa ang mga mata niya na sana intindihin ko. Tumango ako.

"Okay, pero may isa pa akong tanong." Napayuko ako at napatingin sa magkahawak naming mga kamay.

"What is it?"

"Uhh." Pano ko ba itatanong sa kanya?

Napatingin ako sa ibang direksyon at napakagat-labi. Hindi ko alam kung paano itatanong pero kailangan ko kasing marinig para matahimik ako. Pinakawalan niya ang isang kamay ko para haplusin ang pisngi ko. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sakin.

"Do you..." umpisa ko pero hindi ko magawang dugtungan. Napaiwas ulit ako ng tingin. Tumingin ulit ako sa kanya. "Do you—"

Ngumiti siya bigla at naramdaman kong muntik nang lumabas ang puso ko. Tinitigan nya ako. "I do," sagot nya.

"Huh?" gulat kong tanong. Alam ba nya kung ano ang itatanong ko sa kanya?

"You were going to ask me if I still love you?" Hinila niya ako palapit. "The answer is yes. Yes, I do love you Miracle. More and more everyday."

Ngumiti ako nang malapad. Pakiramdam ko lilipad na ako sa sobrang saya.

"I love you too, Timothy! Always and forever!" nakangiti kong saad. Mahigpit ko syang niyakap.

"I will always love you and it will be forever too, Miracle."

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sa tingin ko ay nararamdaman din niya iyon. Pero nang pakiramdaman ko ang kanya, pareho lang pala kami.

"Hwag mo akong paghintayin nang matagal, Timothy."

"I won't, Miracle."

"Gano katagal pa?"

"You will know, if you're still keeping your promise."

"Ano'ng promise?"

"Did you kiss anyone aside from me?" tinignan niya ako.

"Ano bang klaseng tanong yan? Wala," sagot ko habang naka-labi.

"Good. Then that means you're still keeping that promise."

"What promise?" May bigla akong naalala.

Natatandaan ko na. Noong huli naming date, may sinabi siya sakin na bawal akong humalik sa kahit kanino man sa loob ng sixty days.

"Oh, natatandaan ko na pero ano ba yung…"

Namilog ang mga mata ko. Sixty days?! Kung ganon sixty days lang kaming break ganon ba? At dahil nag-break kami kahit ayaw niya, sinabi niya sa'kin na bawal akong humalik sa kahit na sino. Kung ganon, 'yon pala ang dahilan kung bakit nya sinabi 'yon.

"You smell like wild berries," bulong niya habang nakatago ang mukha niya sa leeg ko.

Inaamoy na naman niya ang buhok ko. Isang habit niya na na-miss ko.

"Sorry, nagbago kasi ako ng shampoo eh."

Nagpatuloy lang siya sa pag-amoy sa akin. "It's alright." Naramdaman ko ang init ng hininga nya sa leeg ko. Nanginig ang tuhod ko. "Your scent is still... fruity."

"Mahilig ka pala sa prutas?"

"Just this one particular fruit, so addicting. I want to eat it so badly," sabi niya.

Ano kayang prutas 'yon? "Bakit di mo kainin?"

Bigla syang tumawa. Itinigil niya ang pag-amoy sa buhok ko at tinignan ako nang diretso. "It's still too early, I want to wait until it's ripe."

Napalunok ako bigla.

"I'll wait until I could finally taste every bit of that delicious fruit. In the mean time, I'll just settle for this."

Bago pa ako maka-react nahalikan niya na ako.