Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 158 - Chapter One Hundred Fifty-Eight

Chapter 158 - Chapter One Hundred Fifty-Eight

Inabangan ni Kyohei ang pagbabagong mangyayari kay Samantha habang nakaharap sa kaibigan nyang si TOP. Tinignan nyang mabuti kung magpapakita ito ng kahit na ano'ng emosyon maliban sa pagiging bato nito.

"Timothy," nakangiting bati ni Samantha. "Long time no see."

Nagulat sya dahil wala man lamang itong ipinagbago. Inaasahan nya na mag-iiba ang pakikitungo nito sa kaibigan nya pero nagkamali sya. Malamig parin ito. Kasing lamig ng yelo. Matagal na nagtitigan ang dalawa. At unti-unti nang nakakaramdam ng pagkailang si Kyo. Tila sya yata ang maiipit sa dalawa. Nilingon niya ang kaibigang si TOP. Nakatingin lamang ito kay Samantha. Magaling sa pagtatago ng nararamdaman nya ang kaibigan kaya hindi na sya nagtaka nang wala makitang emosyon sa mukha nito. Walang pagkagulat. Saya. Lungkot. Pag-sisisi. Wala syang makitang kahit na ano. Wala syang mabasa.

"Did you sleep well Timothy?" Lumapit si Samantha kay TOP. Nakangiti parin ito. Hinawakan ni Samantha ang mukha ni TOP. "What are these dark circles doing around your eyes?" Nag-pout si Samantha. "Pinapabayaan mo ba ang sarili mo?"

Inalis ni TOP ang kamay ni Samantha na nakahawak sa kanya.

"You look different," ang tanging sagot ni TOP sa kay Samantha.

"I'm glad you noticed," she smiled wickedly. "So what can you say about the new me?"

Hinintay ni Kyo ang sasabihin ng kaibigan nya. Pati sya ay gustong malaman ang sagot nito. Ano nga kaya ang reaksyon nito sa bagong Samantha sa harap nito? Nakangiting naghintay ng sagot ang dalaga.

"Does it matter?" tanong pabalik ni TOP.

"Yes," sagot ni Samantha.

Ngumiti si TOP. Napamura si Kyo sa isip nya sa gulat. Sa ganitong sitwasyon nakuha pa ng kaibigan nya na ngumiti. Isa 'yong totoong ngiti na minsan nya lang nakikita.

"I think I'll just keep it to myself," nakangiti parin nitong sabi.

"Why? Hindi mo ba maamin na nagsisisi ka na ngayon dahil pinakawalan mo ang isang katulad ko?"

"Why are you so concerned about what I think?" tanong pabalik ni TOP kay Samantha. "You still have feelings for me, Miracle?"

Nakita ni Kyo ang unti-unting pagkawala ng ngiti ng dalaga at ramdam nya ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Samantha kay TOP. Tila nakisama pa ang panahon dahil isang nakaririnding kulog at kidlat ang dumating. Hindi nagtagal ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Feelings? That's funny," she said bitterly. "I can't remember having anymore feelings since the day I woke up in the hospital."

"Hospital?" tila gulat na tanong ni TOP.

"Ah yes, you see Timothy." Muling bumalik ang malamig na ngiti ng dalaga. Nang-uuyam ang tingin nito. "I tried to kill myself."

Nagulat si Kyo nang biglang hablutin ng kaibigan nya ang braso ni Samantha. Tila lumiliyab naman sa apoy ang mga mata nito. Atras abante ang ginagawa nyang paghakbang. Hindi nya alam kung makikialam sa dalawa o hindi.

"YOU DID WHAT?!"

Tumawa si Samantha. "Look who's concerned now. Why Timothy? Do you still have feelings for me?" nakangiti na pagbabalik ng tanong ng dalaga.

Nakita ni Kyo kung paano nanginig ang buong katawan ng kaibigan nya. Alam nya kung ano ang nangyayari sa kaibigan nya. Dala iyon ng sobrang pagbuhos ng emosyon. Dahil palaging nakakulong ang emosyon ng kaibigan nya, sa tuwing lalabas ito ay para na rin itong isang bomba na sumasabog.

"F*CK IT!! MIRACLE!!" sigaw ni TOP.

Doon nagpasya si Kyo na pumagitna sa dalawa.

"What?" Nakangiti na nagpatuloy sa pagsasalita si Samantha. "Don't worry it's not your fault, well just half of it, it's also my parents fault you see. Hindi ko na kasi nakayanan ang mga ginagawa nila sa buhay ko."

Nakita ni Kyo kung gaano manginig sa sobrang galit si TOP. Mabilis ang paghinga nito at patuloy na umaapoy ang mga mata sa galit. Pakiramdam ni Kyo ay naiipit sya sa dalawang panahon, ang tag-init at tag-lamig.

"I know that everybody will get tired of me too eventually. And just like you and my parents, itatapon na rin nila ako once they reached that stage."

"BUT YOU DIDN'T HAVE TO DO THAT!! SHIT!!"

Muntik nang mapatalon ni Kyo nang sumigaw ang kaibigan niya. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi nya.

"Hwag kang mag-alala, wala na akong balak pang ulitin ang mga pagkakamali ko. I learned from my mistakes. Trying to kill myself is one of them." Dumoble ang lamig ng buong paligid kasunod ng pagbigkas ni Samantha sa mga salitang tila nababalutan ng yelo "And falling in love with you is the worst."

Isang nagyeyelong ngiti ang iniwan nito sa kanila bago tumalikod at umalis. Ngunit hindi nawala ang malamig na temperatura sa paligid.

"SHIT!!" Nasuntok ni TOP ang pinto ng Chem Lab at nabasag ang salamin na bintana nito.

"TOP." Mabilis na inawat ni Kyo ang kaibigan.

Nakita nyang nagdudugo ang kamay nito ngunit parang wala lang ito sa kaibigan nya. Naihilamos nito ang dalawang kamay sa mukha. Nanibago si Kyo sa nakikitang pagbabago sa kaibigan nya. Galit na galit ito. Hindi nya alam kung kanino. Mukhang sa sarili nito. Sanay syang nakikita itong matatag, walang emosyon, mataas, kalmado. Pero ngayon, parang nawala na dito ang lahat ng katangian kung bakit ito naging pinuno ng grupo nila.

"Shit!" malakas na bigkas nito. Nawala bigla ang lakas nito at tila nanghina.

Hinintay ni Kyo na kumalma kahit kaunti ang kaibigan nya. Tinapik tapik nya ito sa balikat.

"Nahulaan ko na naghiwalay kayo, pero hindi ko ginusto na maging tama ang hula ko," sabi ni Kyo habang naaawang nakatingin sa kaibigan. Bumuntong hininga sya. "Tara, mag-usap tayo."