[St. Lourdes International School]
Maggie Dela Vega
"Bakla, papasok ba si Sam ngayon?" tanong ng kapatid kong si China habang nananalamin sa locker nya.
"Oo," sagot ko habang hinahanap sya mula sa mga dumadaang estudyante sa hallway.
Wala parin sya. Tinignan ko ulit ang cellphone ko. Walang text.
"Bakit ang tagal nya?" tanong ni China at isinara ang locker nya.
"Di ko alam, kanina ko pa sya tinetext eh," sagot ko.
"Ang tagal naman ni Sammy. Naiinip na ako," reklamo ni Michie habang nakaupo na sa sahig at nakasandal sa lockers.
Nakita ko si Audrey na papalapit. Ang porma talaga nya kahit kailan. Palagi tuloy syang apple of the eye dito sa campus. Tumigil sya sa harap namin at idinisplay ang bago nyang Gucci bag.
"She's not here yet?" tanong nya.
Tumayo si Michie. "Wala pa."
"Malapit nang mag-start ang class. Kailan pa sya naging si Ms. Tardy?" tanong ni Audrey habang nakatingin sa limited edition nyang relo.
"Wow! Ang ganda ng relo mo Audz ah," puri ni China.
Idinisplay nya ang relo sa amin. "Oh yes, bigay ni kuya from NY," sagot ni Audrey.
Halos idikit naman n Michie ang mga mata nya sa relo nang makita nyang may kumikinang doon. "Waah! Oo nga! Ang daming diamonds, totoo bang diamonds ang mga yan Audrey?" tanong ni Michie.
"Of course! Kailan ba ako nag-suot ng fake?" masungit na tanong ni Audrey.
Magpapabili rin ako nyan! Magpapabili ako kay Jack! Bigla nalang akong nilamig. Tumahimik ang hallway. Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Lahat sila napatigil sa paglalakad, nakatingin sila sa iisang direksyon.
"Diba si..." sambit ni China.
Lahat ay nag-give way sa taong naglalakad sa gitna ng hallway. Isang iyong babae na taas noo at parang model kung lumakad. Mula ulo hanggang paa ay nababalutan sya ng mamahalin at fashionable clothes. Mas lumamig ang pakiramdam naming lahat habang papalapit sya. Parang sobrang importante nyang tao na lahat kami ay biglang nanliit!
"Si Sammy..." bulong ni Michie.
Kumapit sa braso ko si China. "Ano'ng nangyari sa kanya?"
"Nice clothes," puri ni Audrey. "Kailan pa sya nakapag-shopping? Kalalabas lang nya kahapon."
"Si Sammy ba talaga 'yan?!" hindi parin makapaniwalang tanong ko. "Bakit mukha syang kontrabida sa mga vampire films?"
"Beks! Bakit vampire films?"
"Ang lamig nya eh." Napayakap ako sa sarili ko. "Para syang si Rosalie Hale at Jane Volturi na pinagsama."
"Mukhang artista si Sammy, action star!" puna ni Michie.
"Hindi kaya. Mukha syang vampire!" kontra ko.
"Action star!"
"Vampire!"
"Pero diba may action sa mga vampire movies?"
"Oo."
"Eh di action star sya!"
Oo nga no? Bakit di ko yun naisip? Kainis! Tumatalino na sa'kin si Michie!
"Ang lamig! Ramdam nyo ba yon? Tinalo pa nya yung Ice Queen ng Narnia!" puna ng kapatid ko.
Lumapit na sa amin si Sammy. Katulad kahapon sa ospital, malamig parin ang aura nya. Nakaka-intimidate. Parang hindi sya si Samantha na kaibigan namin. Para syang ibang tao. Para syang na-possessed!
Si Audrey lang yata ang hindi affected dahil sya ang unang nakapagsalita sa grupo namin. "Finally you're here, can we go now? Late na tayo sa class," sabi ni Audrey kay Sam.
Buti pa sila may same class. Binuksan ni Sam ang locker nya at may kung anong kinuha don.
"You can go ahead Audrey," sagot ni Samantha habang nakatingin parin sa loob ng locker nya.
Tumaas ang isang kilay ni Audrey. "And why? Saan ka pupunta?"
Humarap si Sam sa amin at binigyan kami ng isang napakalamig na ngiti. "Powder room. I'm going to fix my make-up."
Na-speechless kami.
"Ha?" ang tanging nasabi ko.
"Ano daw?" tanong ni China na hindi rin na-gets ang sinabi ni Sam.
"Make-up?" nakanguso na tanong ni Michie.
"Hindi ka natatakot na ma-late at malagyan ng tardy sa school records mo?" tanong ni Audrey.
Patuloy lang sa pag-ngiti si Sam. At parang may nakikita akong EVIL glint sa mga mata nya. Sinasabi ko na nga ba may sumapi sa kanyang masamang elemento! Kailangan na kaya naming tawagin si Mang Buknoy?
"Audrey, you're so funny! Why should I be scared?" Tumawa si Samantha. "Tardiness is a fashion statement my dear. Ciao!" Isinara nya ang locker nya at umalis.
Nakatingin lang kami sa kanya habang naglalakad sya papalayo. Bigla syang lumapit sa isang matangkad na lalaki. Itinaas nya ang kamay nya at.. isinara ang nakabukas na bibig nung lalaki na naka-glue ang mga mata sa kanya simula palang kanina. At kitang kita namin na... KININDATAN pa nya ang lalaking 'yon bago umalis! Ang resulta? Biglang nanghina ang lalaking yon at unti-unting natumba.
"Captain! Captain! Ayos ka lang?!"
"I'm in love~" sagot ng lalaki na kulang nalang ay maging hugis puso ang mga mata.
"Captain! Captain! Magpakatatag ka!"
Nagkatinginan kaming tatlo at pare-parehong kaming naiwan na naka-nganga.
"Am I just imagining things? Is this a dream?" kunot noong tanong ni Audrey.
Mukhang nagtatampong ngumuso si Michie. "Si Sammy! Hindi ako pinansin!"
"Baka kamukha lang ni Samantha 'yun?" bulong ni China.
"Baka... doppelganger ni Samantha," yun lang ang tanging rason na naiisip ko.
***
Fifteen minutes after the bell rang nang pumasok si Samantha sa unang subject nya. Napatigil sa pagsasalita ang professor nang bumukas ang pinto at pumasok sya.
"And do you mind if I ask you why you're late Ms?" tanong sa kanya ng prof.
"Perez. Samantha Perez." She smiled sweetly at him but her voice was coated with venom it almost killed everyone who heard her. "And as to why I am late, it's a girl thing," she whispered as if she's telling him her secret.
The male Professor cleared his throat. Her presence made him want to crawl down the floor. She was too intimidating. 'But she's just a student!' is what his mind keeps on telling him. It would set a bad example to his student if he backs down. Him being a Professor, intimidated by his student is unquestionably absurd!
"Ms. Perez, as you can see we're almost finished with our discussion when you finally decided to grace us your presence," sabi ng Professor at naghintay ng sagot mula sa kanya.
Samantha smiled inwardly. Her eyes glinting with so much wickedness. Seems like the Professor was trying to intimidate her. She wanted to laugh. He already lost to her the moment he opened his mouth to ask her why she was late. She looked at her classmates, everyone is looking at her, waiting for her reply.
She just smiled more. "Oh don't mind me, Professor," she said as she made her way to her seat. When she was seated she gave him a mocking smile and added. "Please. Proceed."