Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 147 - Chapter One Hundred Forty-Seven

Chapter 147 - Chapter One Hundred Forty-Seven

"FIVE!!"

"FOUR!!"

"THREE!!"

"TWO!!"

"ONE!!"

"HAPPY NEW YEAR!!!" sigaw namin. Ang mga bata na kasama iba naming kamaganak ay tumalon upang tumangkad ayon sa pamahiin. Kung tatalon ba ako tatangkad din ba ako? Hwag na, ayos na ang five-five kong height.

"Happy New Year apo!" lumapit sa akin si Lola at bineso-beso ako.

"H-Happy New Year din po Lola, nasa'n po si Lolo?"

"Ah nandon kasama ang Papa mo, nagsisindi ng mga fireworks," sagot ni Lola. "Halika hija, puntahan natin."

"Ah sige po."

*ZZZT.ZZZZT*

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko.

"May natawag sa telepono mo?" tanong ni Lola.

"Opo Lola, susunod nalang po ako sa inyo mamaya," sabi ko.

"O sige apo." Nauna na syang naglakad papunta kina Papa at sa iba pa.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay dahil masyado nang maingay sa labas.

"Hello?"

[SAMANTHA!]

"Red?"

[HA? HINDI KITA MARINIG! AKO 'TO SI RED! HAPPY NEW YEAR!]

"HAPPY NEW YEAR DIN!" sigaw ko. Napatingin sa akin ang ibang tao sa loob ng bahay. Lumayo ako sa kanila at pumunta sa green room.

[MASAYA BA DYAN?]

"OO MASAYA DITO, EH DYAN?"

[AYOS LANG! PERO MAS MASAYA DYAN EH—NANDYA—BOOM!—KA KASI!]

"HA?! ANO'NG SABI MO?! HINDI KO NAINTINDIHAN!" sigaw ko.

[SABI KO TATAWAG NALANG ULIT AKO KAPAG HINDI NA MAINGAY]

"AH! OKAY SIGE! HIHINTAYIN KO!"

[HAPPY NEW YEAR!]

"Happy New Year din!" Ang ingay dun ah. Siguro ganon din kadami ang fireworks.

*ZZZZT.ZZZZT*

"Hello?"

[Sammy!]

"Crazy Trios!"

[HAPPY NEW YEAR SAMMY!!] sigaw nila mula sa kabilang linya.

"Happy New Year din! Kumusta dyan?"

[Masaya! Masaya dito! Tumalon kami para tumangkad ikaw?]

"Hahaha! Naniniwala parin kayo dyan?"

[OO NAMAN—kakain na daw sabi ni Lola—OO SAGLIT LANG!]

Natawa ako sa narinig. Ang normal sa bahay nila. "Sige na, kakain na daw kayo."

[Kanina pa kami nakain dito, naubos na nga namin yung barbecue eh. Sige Sammy Bye-bye!]

"Bye." Ibubulsa ko na dapat ang cellphone ko nang bigla ulit itong nag-vibrate.

*ZZZZT.ZZZZT*

"Hello?" sagot ko.

[....]

"Hello?" ulit ko.

[Miracle]

"Timothy?"

[Let's meet.]

Nagulat ako. "Ngayon na?"

[Yeah.]

"Ah. O sige, nasa'n ka ba?"

[Celestine's]

Sa dati kong school? "Okay, papunta na ako."

In-end ko na ang call. Bakit sa dati kong school? Baka naman may sorpresa sya sa'kin? Pano 'tong party? Tatakasan ko nalang?

***

Nag-drive ako papunta sa St. Celestine High. Hinahanap ko kung nasaan si Timothy. Mabuti nalang maliwanag ang langit ngayon dahil sa dami ng fireworks. Kahit papaano madali ko lang syang makikita. Inihinto ko ang kotse ko sa gilid ng school. Maya-maya biglang umulan. Unti-unting lumabo ang bintana ng kotse ko. Nasan kaya si Timothy?

Lumingon ako sa kabilang bintana ng kotse ko. Nakita ko si TOP don. Binuksan ko ang pinto sa side para makapasok sya sa loob. Pumasok sya at isinara ang pinto.

"Timothy, ano'ng ginagawa mo rito sa labas? Hindi ba kayo nag-celebrate?"

"They did."

Tinignan ko lang sya. Amoy alak sya.

"Naka-inom ka ba?"

"Yes, don't worry I'm not drunk," diretsong sabi nya.

"Bakit ka ba uminom?" Naghanap ako ng mineral water sa backseat. "Ikaw talaga. Teka ano'ng sinakyan mo? Nag-motor ka ba o kotse?"

Humugot sya ng malalim na hininga at hinilot ang sintido nya. "I'm not drunk Miracle."

"Oo pero mabuti na rin yung nag-iingat. Ilang bote ba naubos mo?"

"Just four bottles."

"APAT?!"

"I lost count after that."

"ANO?! Teka, gusto mong tea?! Or Coffee?! Okay ka lang?!"

"I'm fine Miracle, stop worrying about me." Tumingin sya sa labas ng bintana.

Bumuntonghininga nalang ako. "Okay." Pinagmasdan ko sya. Parang ang lalim ng iniisip nya. "Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Tsaka ano yung inasikaso mo? Ang busy mo ah, parang kailangan ko pa yatang magpa-set ng appointment para makausap ka," biro ko.

"Nothing, just had some talk with the gang and cleared some old misunderstandings," hindi tumitingin na sagot nya sakin.

"Ahh." Yung tungkol siguro kay GD. May dumaan na awkward silence sa pagitan namin na hindi ko alam kung paano babasagin. "Uhh. Timothy sa school ba na pinapasukan ko rin ikaw mag-aaral?"

"Yes."

"Talaga? Mabuti naman kung ganon. Mas madalas tayong magkikita!" masayang sabi ko. "Pwede tayong mag-sabay kapag lunch."

"Miracle," tumingin sya sakin ng seryoso. "I need to tell you something that's why I called you."

Natigilan ako bigla nang maramdaman ang tensyon na hatid ng tingin nya. Kung ano man ang sasabihin nya naramdaman kong mabigat yon.

"Okay. Ano 'yon?" mahinang tanong ko.

Bigla nalang akong kinabahan. Na tila may isang mabigat na bagay akong maririnig. Pero palagi naman talaga syang ganito. Sa date namin ganito rin sya. Kaya baka kung ano lang ulit ito. Si Timothy talaga ang hilig magpakaba. Nakatitig lang sya sakin nang matagal. Pero kakaiba ang tingin nya ngayon, nakatingin nga sya sakin pero parang wala talaga sa mukha ko ang focus nya. Hindi ko kinaya kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Let's stop seeing each other."

Pakiramdam ko tumigil ang lahat. Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Muling nabalik sa kanya ang tingin ko. Sa sobrang gulat sa sinabi nya matagal akong hindi nakapag-salita.

"Hah." Biglang naputol ang paghinga ko. "A-Ano?" Tumingin sya sa harap nya. "Timothy, ano'ng sinabi mo?" bulong ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang pagsikip ng dibdib ko.

"Let's stop wasting our time and energy in this relationship that we both know will end tragically."

Para akong dinaganan ng isang napakabigat na bagay. Pakiramdam ko bigla nalang akong nahulog sa bangin.

"T-Timothy, ano ba? Hindi ka na nakakatawa, itigil mo na." Umiling ako kasabay ng pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Pero hindi sya tumigil. Hinihintay ko na magsabi sya ng 'Joke' pero hindi nya ginawa.

"It's a new year and I want a new life." Tumingin sya sa mga mata ko. "without you in it, Miracle."

Napasinghap ako at nanginig ang buong katawan ko. Matagal akong natahimik dahil sa pagka-shock ko. Pakiramdam ko bigla nalang may tumusok tusok sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pinilit na makahinga. Sunod-sunod nalang ang patak ng luha ko. Naglakas loob akong magtanong. Itinanong ko sa kanya ang isang bagay na may sagot na maaaring pumatay sa puso ko.

"Are you..." nanginginig na bulong ko. "Are you breaking up with me?"

"Yes." Tinitigan nya ako sa mga mata. "Yes, I am breaking up with you."