Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 145 - Chapter One Hundred Forty-Five

Chapter 145 - Chapter One Hundred Forty-Five

Dali-dali akong sumilip sa bintana mula sa second floor. Nandon nga sya. Nakaparada rin sa tapat ng bahay ko ang isang pulang sasakyan. Mabilis akong bumaba ng bahay at lumabas. Ano kayang kailangan nya? Binuksan ko ang gate at nakita syang nakangiti.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.

Ngumiti sya. "Ah, nandito ako para magpaalam."

Natigilan ako at tinitigan sya. "Magpapa...alam?"

Tumingin sya sa relo nya. "Oo. Kailangan kong pumunta sa New York, doon ako magba-bagong taon kasama sina Lola. Nami-miss na daw nila ang gwapo nilang apo eh."

"New York?! Bakit biglaan?!"

"Haha! Oo nga eh, uso yata talaga sa pamilya namin ang gumagawa ng desisyon nang biglaan. Kahapon lang sila tumawag at pinapupunta nila ako don."

Tinignan ko si Red. Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita. "May... May kinalaman ba ang pagbalik ni Timothy kaya ka nagdesisyon na umalis?" tanong

"Hahaha!" Napahawak sya sa batok nya. "Ganon ba kahalata?"

Parang pinisil ang puso ko. "Jared."

"Samantha ayos lang." Umiling sya. "Ayos lang."

Tinitigan ko lang sya.

"Ayoko lang na.. makita ka muna habang kasama sya."

Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Sinasabi ko na nga ba.

"Isang araw pa nga lang hindi ko na kinaya. Isang araw palang kayong magkasama ni TOP pero nababaliw na agad ako sa pag-aalala," natawa sya kahit walang saya sa tono nya.

"Jared." Gusto kong sabihin sa kanya na hindi nya kailangan umalis. Na ayoko syang umalis. Pero kung hihingiin ko yon sa kanya kahit na alam kong nasasaktan sya... sobra na yata 'yon. Bigla nalang tumulo ang luha ko na agad ko namang pinunasan.

"Hahaha! Sorry." Tinulungan nya ako sa pagpunas sa basa kong pisngi. "Mami-miss kasi kita kaya nagda-drama ako. At baka sa sobrang drama ko, sumama ka bigla sakin papunta sa New York."

Hinampas ko sya sa balikat.

"Joke lang Samantha, bakit ba ang brutal nyong lahat sa'kin? Puro kayo sadista, ikaw, yung kapatid ko, yung manager ng team, tsaka si—" natigilan sya.

"Sino?"

"Wala. Nakakatakot, baka biglang sumulpot 'yon kapag binanggit ko ang pangalan." Tumingin sya sa paligid na parang may inaasahang sumulpot. Muling bumalik ang tingin nya sa akin. "Sige na, baka malate pa ako sa flight ko. Babalik pa naman ako sa five, klase na eh. Takteng thesis ko nga pala hindi ko pa tapos," reklamo nya.

Napangiti nalang ako. Parang kanina lang hindi kami nagda-drama. Si Jared talaga yung tipo ng tao na magaan palagi ang mood kahit na...nasasaktan. Niyakap ko sya.

"Bumalik ka agad," bulong ko.

Niyakap nya rin ako. "Para namang isang taon akong mawawala, tatlong araw lang naman." Hinigpitan nya ang yakap nya.

Kumalas na ako sa yakap namin nang maramdaman kong naalis na higpit sa yakap nya.

Nginitian ko sya. "Ingat ka." Niyakap ko ulit sya nang mahigpit bago lumayo nang tuluyan.

"Yes Boss!" Bigay saludo nya sakin.

Tinawanan ko lang sya. Umikot na sya papunta sa drivers seat.

"Oo nga pala Samantha," sabi nya bago buksan ang pinto ng kotse nya. "Kahit ano pa ang mangyari, hindi parin ako susuko," nakangiti nyang sabi.

Sumakay na sya sa kotse nya at pinaandar yon. Pinanood ko lang ang papalayong kotse. Si Jared talaga. Kinapa ko ang kwintas na regalo nya sakin. Kaya ko ba? Kaya ko ba na may mawala sa kanila sa oras na magdesisyon ako? Napailing ako. Hindi ko sila pwedeng itali sa'kin habangbuhay. Hindi ko pwedeng patagalin pa ang sitwasyon na 'to. Kailangan kong...sabihin. Bumuntong hininga ako. Pumasok na ulit ako at isinara ang gate.

"BULAGA!!!"

"AY KABAYO!!" sigaw ko.

"BWAHAHAHAHA!!!"

Pagtingin ko si China pala. Kasama nya rin sina Audrey, Michie at Maggie.

"Ano'ng ginagawa nyo dito?!" gulat na tanong ko.

"Hehe! Nang-iispiya kami," sagot ni Michie.

"Ano'ng ispiya?"

"Gusto namin marinig kung ano ang pinag-uusapan nyo ni kuya," nababagot na sagot ni Audrey.

"Oo nga baka kasi sya ang pinili mo eh gusto namin marinig," paliwanag ni Maggie.

Di makapaniwalang tinignan ko sila. "Seryoso."

"Hehehe!" tawa ng Crazy Trios.

Mga chismosa.

***December 31

"Handa na ba lahat?" tanong ni Mama kay Butler John.

"Yes Madam, handa na po ang lahat para mamaya," sagot ni Butler John.

"Good! Mamaya lang darating na sina Mama at Papa. May darating na wine mamaya. Yon ang ihahanda nyo."

"Yes Madam." Yumuko si Butler John bago umalis sa dining room.

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. "Sina Lolo at Lola?" tanong ko.

"Oo, sina Lola Elizabeth at Lolo Roberto mo," sagot ni Mama habang hinihiwa ang karne sa plato nya.

Sila ang mga magulang ni Mama na madalas ay hindi napunta sa mga ganitong okasyon. Ayaw kasi nilang nakikihalubilo sa mga...hindi nila kilala. Kaya naman kapag may Ball at imbitado ang mga taong kilala sa business world, hindi sila napunta. Pero dahil sa pang-pamilya lang ang party mamaya, dadalo sila.

"Haay sana lang hindi sila masyadong mangulit mamaya sa party," bulong ni Mama na halatang tensyonado.

Oo nga pala, medyo kakaiba kasi sina Lolo at Lola. Talagang kakaiba.