Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 136 - Chapter One Hundred Thirty-Six

Chapter 136 - Chapter One Hundred Thirty-Six

"WELCOME TO LALA COUPLE-LOOZA CONTEST!!!" bati ng lalaking emcee na nasa stage. "Kumpleto na ba ang ating mga pairs?"

"YEAAAAAHHH!!" sigaw ng mga contestants.

Tumingin ako sa paligid. Wow. Ang dami palang sumali! Nasa fifty pairs siguro. Pang number twenty-two kami ni Timothy.

"Okay! Full of energy ang ating mga contestants ha. I like it very much! Hahaha!" tawa nya, mukhang silahis. "Sasabihin ko ang mga prizes na matatanggap ng mga mananalo para naman ganahan kayo sa laro natin." Tumingin sya sa card na hawak nya. "Para sa third placer, makakakuha ng gift certificate sa Le Booze de Oro at ticket sa premiere night ng Love Me Back. Ang second placer naman ay makakakuha ng free concert tickets with back stage passes sa concert ni Taylor Swift with candlelight dinner sa Green Leaf Hotel and Restaurant! At para naman sa mananalong couple, trip to El Nido Palawan. Three days, two nights free accomodation. Lahat ng expenses sagot na ng Lala Land! Ang gagawin nyo nalang don ay mag-relax, mag-enjoy at syempre mag-mmm... Alam nyo na. Hahaha!"

Fuuuu. Nakakahiya naman ang emcee na 'to.

"Para sa unang game, madali lang naman! Alam nating lahat kung paano ito laruin. Madali lang!"

"WEH??!!" hiyaw ng mga couples.

"Oo promise madali lang! Nilalaro natin to kada may Christmas Party sa school! Mmm.. Alam nyo na ba?"

"HINDE!!" sagot ulit ng mga couples.

"Girls!" tawag ng emcee at sakto na may nagsulputan na parang dancers sa mga noontime shows. Binigyan nila kami ng dyaryo. Dyaryo?! Hwag nyang sabihin na... "Ngayon siguro ay alam nyo na ang sinasabi kong madalas laruin sa mga Christmas Party! Madali lang, hindi ba?" patuloy ng emcee. "Ang laro natin ay ang... PAPER DANCE!!!"

"F*ck," awtomatikong reaksyon ni Timothy sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya. Tumingin din sya sakin.

"Ehehehe..." pilit na tawa ko. Hindi nga pala sya sumasayaw.

"I can't believe I let you do this, ah shit."

"O sige ganito lang ang gagawin nyo, para lang 'tong stop dance pero imbes na uupo kayo sa isang upuan, kailangan nyo lang tapakan ang mga dyaryo na 'yan. At alam nyo na ang susunod na mangyayari. Itutupi yan sa gitna kada tapos ng isang turn, hanggang sa lumiit na ang dyaryo na tatapakan nyo. Ang dali lang di'ba?" nakangiting sabi ng emcee. "Matira ang matitibay ang tuhod!"

Fuuuuuu. Lagot kami, mukhang unang challenge palang talo na kami. Hindi nga pala sumasayaw si Timothy. Naalala ko noong nasa club kami dati, ayaw nyang makipag-sayaw sakin. Nung pinilit ko sya.. Pinapalitan nya yung music para maging slow, tsaka lang kami nag-sayaw. WAAAAAHHH!

Siguro nga sobrang hirap nito sa part nya. Lalo na ngayon, public place pa naman. Ang daming nanunuod sa amin!

"G-Gusto mo na bang mag-back out?" tanong ko.

Nag-umpisa nang tumugtog ang music.

~~

Dance, yes

Love, next

Dance, yes

Love, next

~~

Yung iba nasayaw na, kami ni Timothy nakatayo lang. Ano'ng gagawin namin? Baka madisqualified kami. Tinignan ko si Timothy, hinihintay ko kung ano ang isasagot nya.

"Give me your hand Wifey." Ibinigay ko sa kanya ang kamay ko. "Just follow my lead," sabi nya.

~~

Nobody knows what i'm feeling inside

I find it so stupid

So why should I hide

That I love to make love to you baby

~~

Hinigit nya ang dalawang kamay ko, itinaas ang isang kamay ko at pina-ikot ako. Alam ko ang dance steps na 'to ah.

"Huh? Marunong ka ng ganitong sayaw?" tanong ko sa kanya habang patuloy kaming sumasayaw.

"My Mom," bulong nya. "She taught me."

Ahh. Yung totoo nyang Mommy. Tumigil ang tugtog at tumapak kami ni Timothy sa dyaryo.

"Aha! Walang natanggal ha, contestants, please fold your paper in half now."

Tinupi namin ang dyaryo sa gitna. Malaki parin naman ang space. Kasya parin kaming dalawa. Sobrang dikit na nga lang. Muling pinatugtog ang music at nagsayaw na ulit kami.

~~

If this would be a perfect world

We'd be together then

Only got just one life this i've learned

Who cares what they're gonna say

~~

Hawak lang nya ang kamay ko at sya na mismo ang nagco-control sa sayaw namin. Hinawakan nya ako sa waist ko. Binuhat, ibinaba. Pinaharap nya ako sa kanya, hinawakan ulit ang kamay ko, pinaikot nya ako sa braso nya.

"Wah, mahihilo na yata ako," sabi ko.

Ngumiti sya. "Wanna back out then Wifey?" naka-smirk nyang tanong sakin.

Umiling ako at malapad na ngumiti sa kanya. "Never!"

~~

I wanna dance, and love, and dance again

~~

***

Natapos ang first challenge at nakapasok kami, eighteen pairs lang ang natira. Mahirap din kasi sa last part. Isang paa nalang ang kasya, kaya dapat nilang mabuhat ang mga partner nila. Yung iba naman, babae ang bumuhat sa partner nila. Mas malaki kasi sila.

"Okay remaining eighteen pairs! The next challenge is..." nagkaron ng drumroll. "GO PUNCH!"

PUNCH?! SUNTOK?! Makikipag-suntukan kami?!! Mabilis akong inakbayan ni Timothy at tumingin sa mga malalapit na pairs, parang tinitignan nya kung may lalapit sa'min para makipag-suntukan.

"Ano ba yan? Nakakatakot naman sya tumingin," rinig kong bulong ng isang babae na malapit sa amin.

"Sino'ng nakakatakot Mine? Susuntukin ko," sabi ng boyfriend nya.

"Sya," turo ng babae kay Timothy.

Lumingon sa amin yung lalaki. Biglang nanlaki ang mata nya, namutla at parang hihimatayin na sa sobrang takot. Eh? Kung tignan nya si Timothy parang si Sadako ang nakikita nya. Tinignan ko si Timothy. Normal lang naman ang tingin.

"I-I-Ikaw yung-yung l-l-leader ng g-grupong t-trese d-diba?" tanong nung lalaki na nangangatog ang tuhod habang nakaturo kay Timothy.

Kilala nya si Timothy? Hindi sumagot si Timothy. Tinignan lang nya yung lalaki na parang insekto lang ito.

"Sh-sheeeet! Umalis na tayo dito!" biglang sigaw nung lalaki.

"Mine! Ano'ng problema mo?! Bakit ka ba natatakot sa kanya? Ikaw ang kanang kamay ng Snake Gang diba?!"

"Shhhhh!!" natatarantang pigil nung lalaki sa bibig ng ka-date nya. "T-Tumahimik ka kung mahal mo pa ang buhay mo!"

"Mine naman! Gusto kong manalo dito!" sabi nung girlfriend nya.

"SHIT! Mahal ko pa ang buhay ko! Dahil sa teddy bear na yon nabugbog ako, dito pa kaya?! Ayoko nang maulit pa yon! Aalis na ako!" kumaripas ng takbo yung lalaki.

"MINE!!! MIIIIINE!!" sinundan sya nung babae. "Anong Teddy Bear?!!"

Teddy Bear? Nabugbog dahil sa Teddy Bear?

"Timothy kilala mo ba 'yun?"

"Hell no."

"Mukhang takot sa'yo eh," bulong ko.

"Tss."

"Aminin mo may ginawa ka dun no?"

"Maybe."

Fuuuuu. Ayaw nya sabihin sakin. Nakinig na ulit kami sa emcee.

"Oh! Oh! Relax lang, walang suntukan na magaganap. Para sa pangalawang challenge, kung kanina ay patibayan ng tuhod ang ginawa nyo, ngayon naman ay patibayan ng braso! Girls!"

Muling lumapit ang mga dancers at ngayon ay may itinutulak silang machine. Nilagay nila sa gitna at muli na silang umalis, habang sumasayaw.

"ANG PUNCH MACHINE!!" sigaw nung emcee.

Napatakip kaming lahat sa lakas ng boses nya.

"Madali lang yan, kukunin nyo ang gloves na ito, isusuot at susuntukin ang mukha ng dummy na 'to. Makikita ang score kung gaano kalakas ang suntok nyo sa itaas. Pero pairs ito, ia-add ang scores nyong dalawa ng partner nyo. At ang sampung may pinaka-mataas na score ang syang makakapasok sa third Round!!"

Pairs? Napatingin ako kay Timothy. Kuminang ang mga mata ko. "Malakas ka ba sumuntok Timothy?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"What do you think, Wifey?" parang naiinip na na sagot nya. Halata sa mukha nya na gusto na nyang umalis kami rito.

Tumingin ako sa ibang babaeng kasali sa laro. GULP! Ang laki ng katawan nila. Sila yung mga bumuhat sa partner nila kaya sila nanalo. Mukhang ako pa yata ang magpapatalo sa amin ni Timothy.

Related Books

Popular novel hashtag