Matapos ang roller coaster ride namin ni Timothy niyaya ko muna syang umupo sa bench na nasa ilalim ng malaking oak tree. Ang bench na inupuan din namin almost three years ago. Tumingin ako sa itaas, ang taas ng sikat ng araw. Alas tres na ng hapon, ang bilis ng oras.
"Baby pagod ka na ba?" tanong ng girl sa boyfriend nya.
Nasa kabilang bench sila.
"Hindi pa baby, ikaw pagod ka na ba?" tanong ng boyfriend nya.
"Hindi pa baby."
"Happy Monthsary baby! I love you!"
"Aw. Happy Monthsary din baby, I love you too!" sagot ng girl.
Ano ba yan? Ang cheesy nila masyado. Monthsary? Napatingin ako kay Timothy na nakahiga ngayon sa bench. Yung ulo nya nakapatong sa lap ko. Hindi nga sya kasya sa bench eh. Ang laki kasi nya. Hawak nya yung cellphone nya, naglalaro ng games. Hindi ko matandaan kung kailan ang monthsary namin. Napaka-tragic naman. Bakit ganon?
"BABE?!" nabingi naman ako sa sumigaw bigla.
May babae sa harap namin at nakatingin sya kay Timothy.. Ano'ng tawag nya kay Timothy?! BABE?! AS IN B-A-B-E?! Tumingin lang si Timothy saglit sa kanya tapos binalik na ulit nya ang atensyon nya sa cellphone nya at nagpatuloy sa paglalaro.
"BABE!" Naiinis na ako sa babaeng ito ah, sino ba 'to? Tinignan ko yung babae.
Siningkitan ko sya ng mata. "Sino ka?" tanong ko.
Tinignan din ako nung babae. "Ikaw ang sino ka! Bakit mo kasama ang Babe ko?!" tanong nya.
"Timothy sino 'to?" tanong ko.
"Ignore her," sagot ni Timothy na mukhang walang pakialam sa nangyayari.
"BABE!! Bakit may kasama kang chaka?! Eew!"
Nag-pout pa sya. Ano raw? Chaka daw ako? Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si China.
[Si Magandang China speaking!]
"China ano yung chaka?" tanong ko.
[Bading! Ibig sabihin ng chaka pangetzky!]
"Pangetzky?"
[Panget, chaka, di maganda, SHREK!]
SHREK?! "Hoy sino sinasabi mong chaka ha?!" tanong ko sa mahaderang babae.
"Whatever!" nag-W sign pa sya. "BABE NAMAN! Why are you with her?!"
"Ah shit." Tumayo si Timothy at kinuha ang kamay ko. "F*ck off!"
"B-Babe," mukhang maiiyak na tawag ng babae.
Hinila ako ni Timothy at umalis na kami dun. Pero sinundan kami nung babae.
"Babe, don't ignore me!" Tumigil ako para tignan yung babae. Hinihila ni Timothy yung kamay ko pero bumitaw ako. Hinarap ko ang babae na humahabol kay Timothy.
"You! Why are you holding my baby's hand?"
"Hindi mo sya 'Baby'. Masyadong malaki si Timothy para maging baby ng kung sino-sino."
"Babe ko sya!" Lumapit sya sa akin na parang gusto akong sabunutan
Hinarangan ako ni Timothy. "Shit! Back off!"
"Baaaaabe! Who is that ba?" naka-pout na tanong ng babae.
Mukha syang bata, mga fourteen years old. Pero hindi naman ako naniniwala na papatulan sya ni Timothy. Tinignan ko si Timothy tapos tinignan ko yung babae. Imposible.
"Shit stop calling me that, and she's my freaking wife."
Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang side ng bewang ko. "Yeah! I'm his freaking wife!" sabat ko.
Hinawakan ni Timothy ang balikat ko. "Miracle stop cussing."
"Sorry." Nakalimutan ko na hindi nga pala nya gusto kapag nag-cu-cuss ako.
"Noooo! You can't be with her!" Sino ba talaga 'to? Ngayon ko lang sya nakita ah. Maganda sya, maputi at mukhang mayaman.
"I am with her, stop following us. Shit." Inakbayan ako ni Timothy. "Can't you see we're on a f*cking date?"
"But-But—" she protested with her big glassy eyes.
"Not. Another. Word," banta ni Timothy.
Naglakad na kami ni Timothy palayo sa babae. Hinintay ko na makalayo kami bago ko sya tinanong.
"Sino 'yung babae kanina? Bakit Babe ang tawag nya sa'yo?"
"I don't know."
"You don't know?" hindi makapaniwalang tanong ko. "So bakit kung maka-babe sya sa'yo ganon ganon na lang? Sino ba kasi 'yon, Timothy?"
Bumuntong hininga sya. "She's my cousin."
Cousin. "PINSAN?!"
"Yeah."
Pinsan na naman?! Dati may pinsan din syang naghahabol sa kanya ah. Ano nga ulit yung pangalan nung babae? Pangalan ng chocolate yun eh. Kisses? Hindi. Nagsisimula sa letter H yun eh. Hany? Oo Hany ata.
"Si Hany ba 'yon?" tanong ko.
"Honey?"
"Oo yung pinsan mo na may gusto sa'yo? Si Hany?"
Hinawakan nya ang kamay ko. "Her name's Hershey."
"Mas bagay sa kanya ang Hany."
"Let's forget about it Miracle."
"Incest."
"Miracle."
"Sabi ko nga kalimutan na. Masyado ka naman sensitive."
Bigla syang ngumisi. "I'm sorry if I don't seem to enjoy the pleasure of being harrased by my own cousins." May hint of annoyance ang boses nya.
"Cousins? Excatly how many cousins are we talking about here Timothy?"
Nauna syang naglakad. "Forget it."