Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 126 - Chapter One Hundred Twenty-Six

Chapter 126 - Chapter One Hundred Twenty-Six

"Good evening Ladies and Gentlemen!" bati ng emcee sa mga bisita. Nakatungtong sya sa stage at nasa likod naman nya ang Orchestra na tutugtog ngayong gabi. Katulad sa mga nakaraang Christmas Ball maraming dumating na importanteng tao hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong Asia.

Nananatili sa ikatlong pwesto ang pamilya namin bilang pinaka-successful sa larangan ng business sa buong Asia.

"Welcome to the Annual Christmas Ball!" patuloy ng emcee sa tapat ng mic. "We will start our program with a County Dance! Ladies and Gentlemen please welcome Mr and Mrs Perez who will lead the dance!"

On cue tumugtog ang orchestra. Tunog ng mga Violin, Cello, Piano at iba pang instrumento ang lumukob sa buong hall. Pinanood ko sina Papa at Mama na naunang nag-sayaw sa gitna. Ang graceful nila gumalaw. Napapaisip tuloy ako, dumaan kaya sila sa pagiging teenager o matured na kaagad ang pag-iisip nila? Paano kaya sila noon kumilos?

Pinanood ko yung iba na sumayaw na rin sa paligid nina Mama. Hanggang sa hindi ko na sila masyadong makita sa dami ng sumasayaw.

Si Angelo? May kasayaw din si Angelo sa gitna, isang babaeng mas matangkad sa kanya at mas matanda. Simula nang dumating kami dito, agad na pinagkaguluhan si Angelo ng mga bisita. Bukod kasi sa cute sya, napaka-bibo pa nya.

~~

Dancing bears, Painted Wings

Things I Almost Remember

And A Song Someone Sings

Once Upon A December

~~

Napatingin ako stage. May babaeng kumakanta roon. Nakakahipnotismo ang maganda nilang boses.

"May I?" tanong sa akin ni Red sabay lahad ng kamay sa harap ko. Napangiti nalang ako sa kanya. Binigay ko sa kanya ang kamay ko.

~~

Someone Holds Me Safe and Warm

Horses Prance Through A Silver Storm

Figures Dancing Gracefully

Across My Memory

~~

Nakiisa na kami ni Red sa mga sumasayaw.

"Jared nangangawit ka ba?" tanong ko bigla sa kanya.

"Hindi naman, bakit?" tanong nya.

"Kanina ka pa kasi nakangiti sa akin eh." Tumawa sya at parang musika iyon sa tenga ko.

~~

Far Away, Long Ago

Glowing Dim as an Ember

Things My Heart Used To Know

Once Upon A December

~~

"Bakit naman ako hindi ngingiti? Kasayaw ko ba naman ang pinaka-magandang babae sa lahat."

"Psh!"

"Nakikinig ka ba sa kanta?"

"Hindi bakit?"

"Akma sa'yo eh." Huh? Pinakinggan kong mabuti ang kanta.

~~

Someone Holds Me Safe and Warm

Horses Prance Through A Silver Storm

Figures Dancing Gracefully

Across My Memory

~~

"Babalik pa kaya 'yon?"

"Ang alin?"

"Wala ka talagang maalala?"

~~

Far Away, Long Ago

Glowing Dim as an Ember

Things My Heart Used To Know

Things it Yearns to Remember

~~

Tinutukoy ba nya ang mga nawala kong alaala? Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na bumalik na ang mga 'yon. Wala pa akong napag-sasabihan na kahit sino. Maging si Timothy ay hindi parin alam. Hindi ko masabi sa kanya dahil bigla nalang syang nag-laho. Kahit si Sweety ay hindi ko ma-contact. Ang mga magulang naman nya ay wala rito ngayon, maging si Amarie ay wala rin. Parang naglaho nalang sila bigla.

~~

And A Song Someone Sings

Once Upon A December

~~

Dapat ko pa bang sabihin? Natapos ang kanta at pumalakpak ang mga tao. Hinila ako ni Red bago pa ako umalis.

"Saan ka pupunta?"

"Tapos na yung sayaw hindi ba?"

"Ano'ng tapos? Kakaumpisa pa lang. Hwag mo kong takasan babae," ngumiti sya.

~~

Shut the Door Turn the Light Off

I Wanna Be with You, I Wanna Feel Your Love

I Wanna Lay Beside You

I Cannot Hide This Even Though I Tried

~~

Hinapit nya ako palapit at napalunok ako dahil halos magkayakap na kami sa lapit namin sa isa't-isa. Nailang ako. Gusto kong lumayo pero mahigpit nya akong hinawakan.

"R-Red."

"Ayos lang yan Mommy, wala kang dapat ikahiya. We're engaged remember?"

~~

Heart Beats Harder Time Escapes Me

Trembling Hands, Touch Skin

It Make This Harder

HARDER

And Tears Stream Down My Face

~~

Ang init. Ang init ng kamay nya. Pakiramdam ko lahat ng pandama ko napunta sa part ng katawan ko kung saan sya nakahawak. Nakalagay ang isa nyang kamay sa likod ko at ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.

~~

If We Could Only Have This Life

For One More Day

If We Could Only Turn Back Time

~~

Sumasayaw kami ng waltz.

"Samantha."

"Hmm?" Napalunok ako. Kakaiba ang boses nya. Hindi ako makatingin sa mga mata nya dahil masyadong intense ang tingin nya. Hindi ko kayang salubungin.

"Mahal mo ba ako?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses nya. Ang lapit namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko ang init ng hininga nya.

Napalunok ako. "Oo naman."

Ngumiti sya pero may lungkot sa mga mata nya. "Mahal katulad ng sa kaibigan? Kapatid?"

~~

You Know I'll Be

Your Life, Your Voice

Your Reason To Be

My Love My Heart

Is Breathing For This

Moment in Time

I'll Find the Words To Say

~~

Inikot nya ako. Natawa ako. "Hindi ako humahalik sa kaibigan Jared at hindi ko rin hinalikan si Angelo the same way nang paghalik ko sa'yo."

Tumawa sya. Hinapit pa nya ako palapit. Nakayakap na talaga kami sa isa't-isa ngayon.

"Salamat Samantha," bulong nya.

~~

Before You Leave Me Today

~~

"Ehem!"

Napahiwalay kami ni Red para tignan kung sino yung lumapit sa amin. Nagulat ako nang makita sya. Ano'ng ginagawa nya dito?

"May I?" tanong nya nang nakangiti.

Nagkatinginan kami ni Red. Halata kay Red na ayaw nya na makipag-sayaw ako sa iba.

"It's okay Jared," sabi ko.

Ilang segundo syang natigilan. Tumango lang sya pagkatapos at ibinigay ang kamay ko kay GD.

"Thanks bro."

Nakita kong nag-igting ang bagang ni Red pero hindi sya nagsalita. Umalis na si Red at nakipag-sayaw na ako sa bago kong partner. Naka-white tuxedo si GD. Aaminin ko na gwapo nya ngayon. Hindi sya kasing gwapo ni Red pero may kung ano sa kanya na nakakahumaling. Siguro gawa lang to ng charisma nya. Kakaiba.

"Hey girl," bati nya.

Ngumiti lang ako. Nakakapag-salita na ulit sya ng tagalog ngayon pero ayaw parin nyang iwan ang english nya na may kakaibang accent.

OMG! Ano 'yon? Napatingin ako sa paligid nang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Kakaiba yung pakiramdam. Hinanap ko si Red pero nakita ko syang kausap sina Papa kaya hindi sya 'yon. Ganito rin ang naramdaman ko nang gabing papauwi ako. May nakatingin sa akin pero hindi ko mahanap kung nasaan. O baka guni-guni ko lang talaga 'yon?

Related Books

Popular novel hashtag