Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 121 - Chapter One Hundred Twenty-One

Chapter 121 - Chapter One Hundred Twenty-One

Miracle Samantha Perez

Mabilis na nagmaneho si Red ng kotse nya. Halos paliparin na nya ang sasakyan.

"Jared! Ano ba ang nangyayari? Bakit tayo nagmamadali?!" May iniwasan kaming sasakyan. Napapikit ako at tahimik na nagdasal sa isip ko. Lord please, kayo na po ang bahala sa amin. "Dahan dahan ka naman sa pag-drive mo! Baka maaksidente tayo!" nakakapit na ako sa pinto ng kotse nya.

"Wala akong ibang maisip sa sinabi mo kung hindi puro innuendos," ngumisi sya.

"SIRA! Ngayon mo pa naisip yan?!" Ayoko pa mamatay!

"Hahaha! Hwag kang mag-alala hindi tayo maaaksidente, magaling yata akong driver," tumawa sya pero bakas sa tono nya na seryoso rin sya.

Dahil sa sinabi nya kanina, iba na tuloy ang naiimagine ko. Naramdaman ko naman na kahit papaano bumagal ng takbo ang kotse. Nakahinga ako nang maluwag.

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko ulit.

"Para makarating kaagad tayo sa pupuntahan natin." Binigyan nya ako ng isang goofy grin.

"JARED! Tigilan mo 'yang mga innuendos mong 'yan!" tinakpan ko ang magkabila kong tenga. Kinikilabutan ako.

"Hahaha!" tinanggal nya yung isang kamay ko na nakatakip. "Sorry na Mommy," nakangiti nyang sabi at hinalikan ang likod ng kamay ko.

Namula naman ako kaagad. Hindi nya binitawan ang kamay ko.

"Hindi mo parin sinasagot ang tanong ko. Tsaka saan ba tayo pupunta?"

"Pupunta tayo sa Pendleton High," seryoso nyang sabi.

Sa dati nilang school? "Bakit?" Ano naman ang gagawin nya sa dati nilang school?

"May laban."

"HUH?! Sino?!"

"Si Omi at Uno."

Maglalaban sila? Ngayon na?! "H-Hindi naman siguro matatalo si Omi hindi ba?" kinakabahan na tanong ko. Nandon din kaya si Audrey?

"Hindi ko pa alam. Pero alam ko na mas lamang sa laban si Omi. Hindi ganoon kalakas si Uno. Kumpara kay Omi, maliit lang ang pag-asa na manalo sya."

Nakahinga ako nang maluwag. "Kapag natalo si Omi, mapapalitan na talaga sya nang tuluyan." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hwag naman sana syang matalo.

"Hwag kang mag-alala, hindi matatalo si Omi."

"Pero pano 'yon? Kaya ba talagang labanan ni Omi ang dati nyang pinuno?" Baka mag-alinlangan sya?

"Hindi kasama si Omi sa gang ni Uno noon, napasama lang sya sa amin dahil kaibigan sya ni Jun. Pinaka-huling myembro namin sya."

"Kung ganon kailan pa sya naging part ng gang?"

Three years ago. Nabuwag lang ang Ten Commandments after two years ng nangyari sa Japan. Bumalik si Uno dito sa Pilipinas para kay TOP. Ipinipilit nya na ipakasal sya kay Ara, may bago na rin syang gang noon. At dahil don, nabuo naman ang bagong gang na Lucky 13 para labanan ang gang na nabuo ni Uno."

"Ano na ang nangyari pagkatapos non?"

"Dahil sa bagong gang ang nabuo ni GD, mahihina pa sila. Hindi sila kasing sanay namin sa pakikipag-laban. Natalo sila, bumalik si Uno sa Japan at hindi na namin sya nakita pa pagkatapos non. Nang maganap ang lahat ng yon, kasama na namin si Omi. Tumulong sya sa laban at naging part ng gang namin ngayon."

Ang hirap siguro para sa iba na labanan ang dati nilang leader.

***Pendleton High

Nakarating na rin kami sa Pendleton High. Nakita ko na naman ang mataas at itim na gate ng school nila. Mukha talagang nakakatakot ang school na 'to. Kapag pumasok ka, hindi ka na makakalabas pa ng buhay. Ako noon, unang pasok ko muntik na akong hindi makalabas ng virgin. Ganoon kalala sa school na 'to. Pero ngayong wala na ang Lucky 13 para mabantayan ang school, ano na kaya ang nangyari dito?

Mas lumala siguro ang kaguluhan dito. Nang pumasok ako dito bilang estudyante nila, muntik na akong makain ng buhay. Mabuti nalang niligtas ako ni Timothy noon. Kung hindi dahil sa proteksyon na ibinigay nya sa akin noon malamang hindi ako nakatagal ng isang linggo. Ang dami kong naaalala sa lugar na 'to. Nag-park ng kotse si Red sa parking lot ng school. Pinagbuksan nya ulit ako ng pinto. The ever so gentleman Red Dela Cruz. Maginoo pero medyo bastos. Medyo nga lang ba? Hinawakan ni Red ang isa kong kamay.

"Humawak ka," seryosong sabi nya.

"Bakit?"

"Para malaman ng mga bagong estudyante na akin ka," ngumiti sya sa'kin.

"M-May masama bang mangyayari kung hindi nila alam?"

"Sa'yo wala, sa kanila meron," nakangiti pero seryoso nyang sabi.

Hinawakan ko nalang din yung kamay nya. Dahil back to school na ngayon, maraming estudyante akong nakikita. Napalunok ako sa mga nakita ko. Mukha silang nakakatakot. Yung mga buhok nila may kulay, tapos yung iba may band-aid sa mukha. Ang messy ng uniforms nila, naninigarilyo pa. Nakatingin lang silang lahat sa amin ni Red habang naglalakad kami sa gitna ng hallway. Napahawak ako sa braso ni Red. Nagtatago ako sa likod nya habang naglalakad kami. Nakakatakot sila tumingin. Para silang pack of wolves na gustong umatake pero hindi magawa dahil... Dahil natatakot sila kay Red. Napatingin ako kay Red. Dahil nasa likod nya ako, napansin ko tuloy lalo ang katawan nya. Ang buff. Hindi ganoon ka-buff katulad ng sa mga nakakatakot na bouncer. Buff in a way na sexy. Gaano kaya kalakas si Red? Paano kaya sya makipag-away?

"Nandito na tayo," tumigil sya sa paglalakad. Nasa tapat kami ng gymnasium nila. Umalis na ako sa likod nya. "Ayos ka lang?" nilagay nya yung ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

Nawala na lahat ng kaba ko kanina habang naglalakad. "Oo," sagot ko. Huminga ako nang malalim. Binitawan nya na ang kamay ko. Nalipat yung kamay nya sa likod ko.

"Pumasok na tayo."

Binuksan nya ang pinto. Isang malawak na basketball court ang bumati sa amin. Nandon na lahat ng myembro ng gang ni Timothy pati si GD. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na tensyon sa paligid. Ang Lucky 13 sa kaliwa at si GD sa kanan. Parang may namumuong bagyo sa gitna nila. I took a deep breath. Ako lang ang babae dito. Akala ko pupunta din si Audrey. Alam kaya nya 'to? Siguro hindi, kasi kung alam nya sigurado na pupunta sya. Pero bakit hindi sinabi ni Omi?

Si Red ang bumasag ng katahimikan. "Kumpleto na pala."

Napatingin silang lahat sa direksyon namin including GD na ngumisi nang makita ako sa tabi ni Red. Kinabahan ako bigla. Ibang-iba sya sa GD na nakilala ko kanina. Para syang may split personality. Naalala ko tuloy si Red Riding Hood. Naalala ko kung paano sya naloko ng fox na nagpapanggap bilang ang Lola nya. Ganon mismo ang nararamdaman ko ngayon para kay GD. Hinawakan ulit ni Red ang kamay ko. Naglakad kami sa side ng Lucky 13. Pinaupo nya ako sa bench na nandon.

"Omi," tawag ni Red habang naglalakad papunta sa gitna ng court. "Uno." Lumapit ang dalawa kay Red. Para silang nasa isang boxing arena. "Alam nyo na ang rules pero uulitin ko." Tumingin si Red kay GD. "Una, kung sino ang unang tumumba ang talo. Pangalawa, wala kayong ibang gagamitin na sandata maliban sa katawan nyo at pangatlo kapag sinabi ko na tapos na ang laban may tumumba man o wala, tapos na. Ang sino man sa inyo ang lumabag ay disqualified at automatic na talo. Maliwanag?"

Ngumisi si GD kay Red.

"Crystal clear," sagot ni GD.

Tumingin si Red kay Omi at muling tumingin kay GD. Nang umalis si Red sa gitna ay lumayo sina Omi at Uno sa isa't-isa. Parang nagsusukatan sila ng kalaban. Ang sabi ni Red malaki ang pag-asa ni Omi na sya ang mananalo sa laban. Pero may tanong ako na hindi pa nasasagot. Kung hindi ganon kalakas si GD, paano sya naging dating pinuno ng isang gang? Dahil ba makapangyarihan ang pamilya nila?

Pero makapangyarihan din naman ang pamilya ng mga nasa Lucky 13. Hindi rin basta-basta ang pwesto nila sa lipunan. Kung ganon, paano nya nakuha ang titulo na hawak na ngayon ni Timothy? Pinanood ko sina Omi at GD. Para silang dalawang leon na nag-iikutan. Unang sumugod si GD kay Omi. Isang suntok ang ibinigay nya kay Omi na naiwasan naman kaagad. Ang bilis gumalaw ni GD. Bakit kahit mas malaki si Omi kay GD sa tingin ko pantay lang ang laban? Nanatiling nakadepensa si Omi at hindi umaatake. Para syang isang cobra na kapag nilapitan tsaka lang manunuklaw.

Si GD ang palaging sumusugod kay Omi, sa tuwing naiiwasan ni Omi ang mga suntok nya ngumingisi lang sya.

"So 'ya the 13th membah'? 'Ya ain't bad but 'ya think 'ya can beat me?" Nakangisi lang buong laban si GD kay Omi. Parang ine-enjoy ni GD ang laban nila, parang hindi sya seryoso.

"Bakit hindi ka nagta-tagalog?" sagot ni Omi.

Tumawa lang si GD. "Why? 'Ya havin problem with 'ma accent?"

Lumalakad silang dalawa sa invisible circle. Nag-iikutan at pinapanood ang bawat galaw ng kalaban.

"Been a long time since I used 'ya language, ain't 'ma fault I forgot how to use it now."

Sinorpresa ng suntok ni GD si Omi. Hindi yon inaasahan ni Omi kaya naman natamaan sya sa kaliwang pisngi nya. Napatayo ako sa upuan ko. Natamaan si Omi! Muli syang nasuntok ni GD at muli syang natamaan, sa kanang pisngi naman. Nakabawi si Omi sa pagka-gulat nya at gumanti ng suntok kay GD. Tinamaan si GD sa mukha at mukhang malakas na suntok talaga ang natanggap nya.

Mabilis na lumayo si GD kay Omi bago pa sya tamaan ng kasunod na suntok nito. Napatakip ako sa bibig ko. Tinignan ko ang ibang members ng Lucky 13. Tahimik lang sila na nanonood ng laban. Muli akong tumingin sa laban. Nabaliktad naman ang laban ngayon. Si Omi ang sumusugod at si GD ang mabilis na umiilag sa mga atake sa kanya. Nakangisi parin sya. May sinabi sa kanya si GD at para syang natigilan.

Sinamantala itong muli ni GD para suntukin si Omi. Sinuntok nya ito ng malakas sa mukha, sinundan ng isa pang suntok at sipa sa tyan. Napaatras si Omi nang medyo nakayuko dahil sa natamo nyang sakit mula sa pagkakasipa sa kanya ni GD. Umabante si GD at hindi tinigilan ng suntok si Omi. Halos hindi ko kayanin ang brutal na pangyayari sa harap ko.

Hindi nakaganti si Omi, patuloy lang sya sa pagtanggap ng suntok sa kanya ni GD. Napatayo sa bench ang lahat nanonood nang tumumba si Omi. Napahawak ako sa bibig ko. Natalo si Omi! Tapos na ang laban. Si GD ang nanalo. Sya na ngayon ang bagong 13th member ng Lucky 13!