Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 109 - Chapter One Hundred Nine

Chapter 109 - Chapter One Hundred Nine

Jared Dela Cruz

Magkasama kaming naglalakad ni Aril sa kalsada at pabalik na kami sa condominium. Nasa iisang building nga lang pala kami nakatira.

"Sinusundan mo ba ako?" nang-aasar na tanong ko.

"Hangin!"

"Ikaw, kanina ka pa sumusunod sa'kin. May pagnanasa ka sakin 'no? Tss! Puberty!"

"Ang hangin mo talaga! Papunta ako sa condo namin 'no!"

"Suuuuure."

"PINK!"

May paparating na sasakyan at mabilis ang takbo nito. Pero hindi ako doon nakatingin kundi sa tubig ulan na naipon sa gilid ng kalsadang malapit sa'min. Sa bilis ng takbo ng sasakyan, kung hindi ako aalis dito, baka mabasa ako.

Pero huli na kaya hinila ko si Aril...

*SPLASSSHH!!*

"AAAAAAAAAAHCK!!"

Tiningnan ko 'yung dumaan na sasakyan. Siraulong driver 'yun ah? Mai-report nga.

"Oh? Ayos ka lang?" tanong ko kay Aril.

Tiningnan niya ako ng masama. Nakalugay pa naman ang mahaba at kulot niyang buhok. Nakakatakot siya, parang si Sadako lang.

"BALIW KA TALAGA! BAKIT MO 'KO INI-HARANG HA?! ANO'NG TINGIN MO SA'KIN, SHIELD MO?!! PESTE KA TALAGANG PULA KA KAHIT KAILAN!!" tiningnan niya 'yung damit niya na basa. Ang dumi niya.

Kung hindi ko kasi ginawa 'yon, baka mabasa ako. Sayang naman ang naiwang amoy ni Samantha sa katawan ko kung ganon. Dumikit na rin sa damit ko kaya iingatan ko 'to. Di ko 'to palalabahan.

"Ah sorry, nag-panic kasi ako eh. Okay ka lang?" tanong ko.

"OKAY?! OKAAAY?!! Tingnan mo nga 'tong damit ko at sabihin mo kung OKAY ako!!! BALIW KA TALAGA!! AAAAARGH!!"

"Palitan ko na lang 'yan," alok ko.

"HUWAG NA! BAKA MALASIN PA AKO DAHIL SAYO!" nauna na siyang naglakad papasok ng building.

Napahawak ako sa batok ko. Lagot ako, baka isumpa niya ako. Sabay kaming sumakay ng elevator pero hindi niya ako pinapansin. Patay! Baka mamaya tadtad na ng pimple ang mukha ko. Huwag niya sana akong kulamin.

*DING!*

Bumukas na ang elevator at tumakbo siya sa unit ng kambal. Hindi pa rin pala siya nauwi sa mga magulang nila. Bumuntong hininga ako at pumasok na sa unit ko. Pumunta muna ako sa kusina para uminom.

*BZZZZZZZZZZZTT*

May tao. Sino kaya 'yon? Binuksan ko ang pinto at tumambad sa'kin si Aril na nakasimangot na parang wala nang bukas pa.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at sa halip ay dire-diretso siyang pumasok sa unit ko.

"HOY!" tawag ko.

"Wala sina Kuya, hindi ako makapasok wala akong susi," sabi niya.

"Tsk!"

"Kailangan ko ng damit."

Tiningnan niya ako na parang nagsasabing, 'Kapag hindi mo 'ko pinahiram, isusumpa kitang maging PINK!' Ayokong maging PINK. Kahit ano pa mang shade ng PINK 'yon. Red ang pangalan ko tapos kulay pink ang buhok ko? Ang sagwa.

"Sige, kuha ka na lang sa closet."

Pumasok siya sa kwarto ko.

Tsk! Tsk! Tsk! Delikado 'tong ginagawa namin, baka biglang dumating 'yung kambal at makita kami ng kapatid nilang magkasama. Pero hindi pa naman nila alam na nakabalik na ako kaya naman wala sigurong magiging problema.

Pumasok ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Aril na nasa loob ng aking walk in closet. Saktong pagkapasok ko ay lumabas na siya. Suot niya 'yung puting polo ko. Sa dami ng damit ko, bakit 'yun pa ang isinuot niya?

"Lalabhan ko muna 'tong damit ko," sabi niya at lumabas ng kwarto ko.

Nagkibit-balikat na lang ako. Mukhang galit pa rin siya sa'kin eh. Pumasok ako sa walk-in closet ko at binuksan ko ang ilaw. Tinanggal ko na ang damit ko.

Kailangan ko na lang 'tong ilagay sa 'special corner' ng mga damit ko. Lahat ng nandon ay may balot ng plastic cover. 'Yung iba sa kanila, hindi ko ginagamit. 'Yung iba naman, minsan lang.

Kailangan ko ng cover para sa damit na 'to para ma-preserve ko 'yung scent ni Samantha. Inamoy ko 'yung shirt, amoy pabango ni Samantha 'yung likod. Heh! Ayos 'to. Naghanap ako ng pwedeng lagyan. May nahagip ako sa sahig, bakit may plastic cover na nasa sahig? Binuksan ko 'yung glass door para sa special corner.

ANAK NG! KULANG!!! MAY NAWAWALA! 'YUNG SPOT! MAY NA-BLANKONG SPOT!!!

Inisip kong mabuti kung ano ang nakalagay na damit don. Napatingin ako sa cover na nasa sahig at PAAAKKKSSSSYYEEETT! Tumakbo ako palabas ng kwarto para kausapin si Aril.

Bakit siya kumuha ng damit do'n?! Kay Samantha pa 'yung nakuha niya! Baka madumihan 'yon, puti pa naman! AT GAGAMITIN LANG NIYA SA PAGLALABA?! ANAK NG PITUMPUT PITONG PUTING TUPA!!

"ARIL, HUBARIN MO 'YANG DAMIT MO!!!" sigaw ko.

Nakita ko siya na nakatayo sa tapat ng bukas na pinto. Nilapitan ko siya at sisitahin ko sana uli pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang mga nasa tapat ng pintuan ng unit ko—ang kambal, si Mama at si Samantha.

Lahat sila ay may gulat na expression.

"Ma? Ano'ng ginagawa nyo dito?" tanong ko nang makabawi ako sa pagkagulat

Tahimik pa rin sila.

"Jared Dela Cruz, I am so disappointed with you!" galit na sabi ni Mama. "Samantha, hija, umalis na tayo!"

Nalipat kay Samantha ang tingin ko. Hinigit ni Mama si Samantha paalis.

"MA! Sandali, kararating nyo lang! Bakit kayo aalis?! Ma!" habol ko.

Tumigil si Mama at humarap ulit sa akin. Galit na galit siya. Paksyet, ano na naman ba ang kasalanan ko?

"Makakarating ito sa Papa mo! Ikinahihiya kita bilang anak ko! Sumusobra ka na, Jared. Pati mga bata, pinapatulan mo na ngayon!" tumingin si Mama kay Aril. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at itinuro gamit ang pamaypay na hawak niya. "Your parents will be very disappointed with you, hija!"

Bago ko pa matanong kung ano ang problema, umalis na sila. Nahagip ng mata ko ang mukha ni Samantha at napatigil ako sa kinatatayuan ko. Kailangan ko silang sundan bago pa mahuli ang lahat. Takte, ano ba kasi ang nangyari?!

Hinarangan ako ng kambal.

"Gago ka talaga, Dela Cruz, pati ba naman kapatid namin tatalunin mo pa?!" singhal kaagad sa akin ni Seven.

Napakunot ang noo ko. Ano ba ang sinasabi nito?

"Kuya, mali ang iniisip nyo—" naputol ang sasabihin ni Aril nang higitin siya ni Six palabas.

"Akala namin mas matalino ka sa ibang babae, Aril! Sinabi na namin sa'yo na lumayo sa gagong 'yan. Ano ang ginagawa mo dito, ha?!" galit na tanong sa kanya ni Six.

"POTEK! Walang nangyari!" sigaw ko.

Ngayon alam ko na kung bakit ganon na lang ang reaksyon nila. Shit! Oo nga naman! Wala pa akong suot na pangtaas at suot naman ni Aril ang polo ko. POLO NA BIGAY NI SAMANTHA!!! POTEK! Kaya naman pala ganon si Mama, pati na si Samantha.

"WALANG NANGYARI DAHIL DUMATING KAMI!!" sigaw ni Seven at umamba ng suntok.

Mabuti na lang at mabilis ako ng nakailag.

"KUYAA!! MALI KAYO NG INIISIP!!"

"APRIL BEATRICE BARASQUE, PUMASOK KA SA UNIT NATIN!!" utos ni Six sa kapatid niya.

"PERO KUYA—"

"PASOK!!"

Kapag hindi pa tumigil ang magkapatid na 'to, papatulan ko na sila. Nangangati na akong sumuntok.

"PARE, ANG LABO MO RIN 'NO! Alam mo naman na may rules, tapos ganito?! Pinatanggal mo pa si Omi dahil nagkarelasyon sila ng kapatid mo tapos ganito? GAGO KA TALAGA 'NO?!" namumula sa galit na sabi ni Seven.

"Hindi ko sabi ginalaw ang kapatid nyo, POTEK!" sabi ko.

Umamba na naman ng suntok si Seven.

*BOINK!*

May nagtapon ng sapatos sa ulo ni Seven. Napatingin kami kay Aril. Itinaas niya 'yung damit niya na may mantsa.

"Nanghiram lang ako ng damit kay Pula kasi nabasa ang damit ko! At hindi ako makapasok sa unit kasi wala kayo sa loob at hindi ko dala ang susi!!" galit na paliwanag ni Aril.

Tumahimik ang paligid. Tiningnan ko nang matalim ang kambal.

"A-Ahhh..." Seven na nagkamot ng ulo.

"Bakit naman hindi mo kagad sinabi?" tanong ni Six kay Aril.

Binatukan siya ni Aril. "KAYONG DALAWA, UMUWI NA KAYO!!! UWI!!!" sabi ni Aril sabay martsa palabas ng unit ko

"Sorry dude," sabi ni Seven na nagkakamot ng ulo.

Tiningnan ko lang siya.

"Ako rin, I'm sorry, akala kasi namin..." di maituloy ni Six ang kanyang sasabihin. Yumuko siya at napakamot sa batok.

"Sige ha... balik na kami. Baka malagot pa kami kay bunso eh."

Parang dalawang tuta na sumunod ang kambal sa kapatid nila. Teka, 'yung damit!

"HOY, ARIL! 'Yung damit, ibalik mo muna. Mahalaga 'yan! Tsk!" habol ko.