Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 102 - Chapter One Hundred Two

Chapter 102 - Chapter One Hundred Two

Kapag pinaandar mo ang selos sa relasyon nyo, lagot na! 'Yan lang ang masasabi ko sa lagay ng relasyon nina Audrey at Omi. Selos ang naging dahilan ng pag-aaway nilang dalawa. Akala ko wala ng selos-selos factor sa relasyon nila. Mali pala ako.

Sino ba naman kasi ang mag-iisip na mambababae si Omi? Eh halos maging santa si Audrey dahil sa pagsamba sa kanya ni Omi.

Pinakinggan ko lang ang kuwento ni Audrey habang kagat ko 'yung straw ng iniinom kong chocolate drink na nasa karton.

"Tawa lang sila nang tawa sa isang stupid story na hindi ko naman maintindihan. At sa harap ko pa sila mismo naglalandian! Hindi ako pinansin ng pangit na 'yon dahil kausap niya 'yung bimbo na 'yon! Lecheng pangit 'yon! Magsama sila!" galit na pahayag ni Audrey.

Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Kung sa'kin nga siguro ginawa 'yon, magagalit din ako. Tama naman siya, date nila 'yon tapos hindi siya pinansin ni Omi dahil may babaeng nagtanong kung ano'ng oras na. At sa hindi sinasadyang pagkakataon, eh ex pa ni Omi 'yung babae. Oohh.

"Napaka-insensitive! Ipinakilala pa sa'kin na EX niya 'yung babaeng haliparot na 'yon! Leche! At after niyang ipakilala sa'kin? Ano? Ano na ang nangyari? Well ayun! Dedma ako! Nyetang 'yan! Eh 'di sila na ang mag-date!"

"Tapos?"

"So pumunta ako sa dance floor, dun na lang ako naglabas ng galit ko. Kapag naaalala ko 'yun, umiinit talaga ang ulo ko sa pangit na 'yon!"

Tiningnan ko muna si Red saglit dahil baka magising siya. Ang lakas kasi ng boses ni Audrey.

"At hindi pa dun nagtatapos ha." Napatingin uli ako sa kanya.

"Bigla niya akong kinaladkad papaalis ng dance floor. Muntik pa niyang suntukin 'yung lalaking kasayaw ko and what's worse is sinabihan niya ako ng malandi! The nerve of that ugly creature!"

"S-Sinabihan ka ng malandi ni Omi?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Si Omi na sinasamba si Audrey? Nagawang sabihin 'yun sa kanya?! Kaya naman pala ganito kainit ang ulo ni Audrey eh. Naiinis na rin tuloy ako sa pangit, este, sa Omi na 'yon. Pero bakit pangit ang tawag ni Audrey sa kanya? Pangit ba si Omi?

"Well hindi naman talaga niya ako sinabihan ng malandi." I knew it. "Pero tinanong niya ako kung bakit daw ako nakikipaglandian sa iba at tinanong niya din ako kung nakalimutan ko ba na siya ang ka-date ko! Lecheng g*go 'yon! Ako pa ang tinanong ng ganon! Leche talaga siya!"

"Eh mali naman pala talaga si Omi dun. So ano ang plano mo?" tanong ko.

"Wala. Dito muna ako habang mainit pa ang ulo ko. Kahit naman kasi pangit 'yun eh mahal ko pa rin siya. Lecheng 'yun! Bahala siyang maghanap kung nasaan ako," huminga si Audrey nang malalim.

Kung titingnan ay parang kahit papaano'y nabawasan na rin 'yung galit niya. Nailabas na kasi niya eh. Ang tagal siguro niyang nagtimpi. Wala naman kasi siyang ibang kaibigan maliban sa aming apat ng Crazy Trios tapos nandito pa kami sa Mindanao at iniwan sya. Hindi rin siguro niya kami ma-contact kaya pumunta na lang siya rito.

"At ikaw? Ano ang plano niyo ni Kuya? Nabalitaan ko na titira na kayo sa iisang bahay, excited na nga si Mama dun eh," usisa ni Audrey.

"Uhh. Ehh. Baka nga tumira na lang kami sa iisang bahay. Ganon din naman sa France eh, nasa iisang bahay lang kami. Sanay na akong kasama si Red."

Nag-smirk si Audrey, "Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Kuya. Sa kasalan na ba ang punta niyan?"

Namula ang mukha ko at nakagat ko pa ang labi ko. Bigla kong naalala ang mga naisip ko noong bumigay na ang katawan niya. Pero ang kaso kasi, mahal ko talaga si Timothy. Mahal ko ba silang dalawa? Naguguluhan na talaga ako. Sobrang naguguluhan ako ngayon sa sarili ko kaya naman ayoko na lang isipin pa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.

"Audrey! Alam mo naman na si Timothy ang mahal ko!" sagot ko. "Hinihintay ko pa rin siya."

Naalala ko tuloy si Timothy na kasalukuyang nasa Japan. Isang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang magkalayo kami. Ginagawa ko ang lahat para hindi siya masyadong isipin. Kapag kasi ginawa ko 'yon, mauulit na naman ang nangyari sa akin sa France. Masyado akong malulunod sa pagka-miss sa kanya. Magiging miserable na naman ako.

"Ayaw mo sa kuya ko kung ganon? Hindi mo siya pakakasalan kahit na engaged na kayo?" tanong niya.

Saglit akong natahimik. Si Red. Hindi sa ayaw ko sa kanya. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko rin si Red at ayoko siyang masaktan. Pero nasasaktan din ako sa tuwing maiisip ko si Timothy na naghintay sa akin nang matagal. Nalilto ako sa nararamdaman ko. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko eh. Gulong gulo ang isip ko sa kanilang dalawa at pati na rin sa sarili ko. Ano ba talaga itong nararamdaman ko para kay Jared? Ano ang pagkakaiba ng love ko para sa kanya sa love ko para kay Timothy?

Ayoko rin namang mawala si Red. Sobra ang takot ko nung akala ko'y mawawala na talaga siya at doon ko na-realize na hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Pero si Timothy...

"By the way, o," may inabot sa'king envelope si Audrey.

Isang package.

"Dumaan ako sa bahay niyo kahapon, 'di ka daw ma-contact ng mga tao don. Kasabay nang pagdating ng package na 'yan ay ang pagdating ko kaya kinuha ko na at dinala rito," paliwanag niya.

Tiningnan ko 'yung likod ng envelope. May nakasulat. Galing ang package sa Japan. Galing kay Timothy ang package. Agad ko itong binuksan para makita kung ano ang laman. Nalaglag sa kamay ko ang isang maliit na mp3 player na may nakapulupot na earphones.

"Mm. Well, that's new. I think he recorded his voice for you. Paano nga naman siya makakasulat? He's blind."

Voice message? Agad kong inilagay ang earphones sa tenga ko, in-on ang mp3 at pinindot ang play button. Wala naman akong naririnig. Tahimik. Tiningnan ko ang mp3, naka-play pa rin naman siya. Sira ba 'to?

[Miracle...]

Agad akong kinilabutan nang marinig ko ang boses niya. Napangiti ako nang marinig ang boses ni Timothy. Pinigilan ko ang aking sarili na maluha habang tahimik na pinapakinggan ang mga sumunod niyang sinabi.