Miracle Samantha Perez
Five Days Later
"Nasaan ba si Red?" narining kong tanong ni Maggie.
"Beks, 'di ba nga, war sila ni Sammy?" sagot naman ni China.
"Ay oo nga pala."
"Swerte ni Sammy."
"Oo nga."
Nandito kami sa labas ng ospital at hinihintay ang sundo namin. Na-discharge na kasi ako. Hinihintay na lang namin sina Lucien at Michie. Si Red naman, nasa hacienda na. Ayoko siyang makita, EVER!
Kumukulo pa rin ang dugo ko sa lalaking 'yon. Kung ano ang nangyari, ganito 'yon...
***
Si Angelo na inosenteng bata at sobrang cute... Ano pa kaya ang mga itinuro sa kanya ni Red? Hindi kaya...itinuruan din niya kung paano ginagawa 'yon? Mapapatay ko talaga si Red kapag nakita ko siya!!
Ang little angel ko, hinahawaan ni Red ng kawalanghiyaan niya! Makikita ng Red Dela Cruz na 'yon! Talagang lagot siya sa'kin!
"MAGGIE!!!" Bumukas ang pinto.
Pumasok si Red at inilibot ang tingin sa loob na para bang may hinahanap.
"SINO SI MAGGIE?!"
"WAAAH!" Nagtago si Maggie sa likod ng kapatid niya.
"Ikaw!" sabay turo ni Red kay Maggie. "Ikaw si Maggie, hindi ba?"
"A-A-Ako nga! Please sister, huwag mo akong sasampalin!"
"S-Sampalin?" Kumunot nang husto ang noo niya.
Naiinis ako dahil hindi man lang ako napansin ni si Red kaya naman binato ko siya ng unan sa ulo.
"Aray!" Lumingon siya sa'kin.
"Tayo ang dapat mag-usap, Jared," sabi ko sa kanya.
"Mamaya ka na, Samantha, kakausapin ko muna 'tong kaibigan mong mahilig magkalat ng tsismis sa Facebook," seryoso niyang sabi at muling itinuon ang atensyon kay Maggie.
Gali na galit na si Red. Tila nagliliyab na ang katawan niya sa galit. Pero teka, nadedma ako? Bumangon ako mula sa kama at nilapitan ko si Red. Piningot ko ang tainga niya.
"A-Aray naman, Samantha," reklamo niya.
"Anong mga itinuturo mo kay Angelo behind my back ha, Jareeeeed?"
"W-WALA! Aray masakit na 'yan, Samantha, bitaw na!" sigaw ni Red na namumula na ang tainga.
"Angelo," tawag ko sa kapatid ko na kumakain ng jelly ace.
"Yes Mommy?"
"What is the meaning of gay?"
"It means babymaking!" bibo niyang sagot.
Mas lalo ko pang piningot si Red.
"Nakita mo na ang mga itinuturo mo kay Angelo?"
"A-Aray! Hindi ko maintindihan, Samantha."
"Angelo, what is the meaning of third sex?" tanong ko ulit.
"It is about third babymaking!"
"NAKITA MO NA?! ANG BATA-BATA PA NI ANGELO PERO ALAM NA NIYA ANG IBIG SABIHIN NG...BABYMAKING?!"
"Oh?" Tumingin si Red kay Angelo. "Good job, Angelo! Ang galing talaga ng anak ko haha─ARAAAY!! SAMANTHA!"
"PINURI MO PA?! ANO PA ANG MGA ITINURO MO SA KAPATID KO HA?! SUMAGOT KA!"
Binitawan ko ang tainga niya at sinabunutan ko naman siya.
"ARAAAAAYY!! AWAT NA, SAMANTHA!! SINABI KO LANG NAMAN 'YUNG TOTOO DAHIL NAGTANONG SIYA!!"
Natigilan ako sa pagsabunot sa kanya. Nagtanong si Angelo?
"Sinungaling! Paano naman malalaman ni Angelo ang salitang 'yon ha?! Siguro narinig niya 'yun sa'yo 'no?! Isinasama mo ba si Angelo kapag nakikipag-meet ka sa mga babae mo don sa France ha?!"
"Ano ba? Alam mo naman na hindi ako nambabae sa France! Nakita niya 'yon sa T.V., 'yung SEX and the CITY!" Tinanggal niya ang pagkakasabunot ko sa kanya.
"PINAPANUOD MO SIYA NG SEX AND THE CITY?!"
"Hindi ako! Nakita niya 'yon sa commercial. Di ba ipinalabas din 'yon sa France?" sabay ayos niya ng kanyang buhok.
Ahhhh. Oo nga pala.
"Kung makabintang ka dyan...Tss!"
"Eh bakit kasi hindi mo na lang sinabi na hindi mo alam? Bakit mo pa kailangang ipaliwanag nang literal? Bakit hindi mo na lang sinabi na gender ang meaning non?!"
"Gender? Oo nga no? Ba't di ko naisip 'yon?" Napakamot siya sa kanyang ulo.
Kapag kasi sinabing sex, iisa lang ang pumapasok sa isip mo!
"Ang sakit ng tainga ko. Nalagas pa ang buhok ko. Grabe kang manakit, Samantha. Isa ka ring brutal! Dapat magsama kayo ni April."
"At sino naman 'yon? Isa sa mga nilandi mo sa France?"
"Sinabi ko na nga sa'yo di ba, wala akong nilandi sa France. Ikaw lang."
Eh? Ano raw?
"Princess," sambit ni kuya Lee. Nasa loob na pala siya ng kwarto.
"Bakit kuya?"
"Kailangan ko munang pumunta sa Palawan ngayon, may iche-check lang ako sa hotel natin 'don."
"Aalis ka na naman?!!" Nilapitan ko siya "Pero kararating mo lang─"
"Kailangan eh." Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko. "Pakabait ka ha. At please lang Sam, mag-iingat ka naman."
"Kuya naman."
"Oo nga pala..." Tumingin si kuya kay Red. "Red, simula ngayon, titirhan niyo na 'yung bahay na sinasabi ni Tito sa inyo."
"Ano?" gulantang na tanong ni Red.
"Aling bahay, kuya?" takang tanong ko.
"'Yung binili ni Tito nang bumalik kayo rito galing France. Malapit lang 'yon sa University na papasukan niyo."
"Ha? Kuya? A-Anong ibig mong sabihin sa 'niyo'? K-Kami ni Red? S-Sa iisang bahay?"
"Oo." May ibinatong bagay si kuya kay Red. "Susi 'yan ng bahay. Kayo na ang bahala kung kailan kayo lilipat. Pero dapat sa June, nandoon na kayo."
Sinalo ni Red ang susi.
"Tss. Bakit naman nagmamadali ka? Hindi ba't ikaw ang may ayaw na tumira kami ni Samantha sa iisang bahay? Bakit ngayon pumapayag ka na?" inis na tanong ni Red.
"Oo nga kuya! Bakit pumapayag ka na? Di ba ikaw 'yung ayaw na ayaw pumayag na tumira kami sa iisang bahay?!" Ayokong tumira sa iisang bahay kasama si Jared!
"Ahh...tungkol ba dati? Ngayon kasi, wala nang dahilan para mag-alala pa ako." Tumingin si kuya kay Red at ngumisi. "Wala naman kasing mangyayari..." Tumingin sa'kin si kuya. "At isa pa, tuloy pa rin naman ang engagement niyo."
"KUYA! Ayoko! Kasama ko ang Crazy Trios sa bahay!"
"Huwag kang mag-alala, Princess, kasama mo naman si Angelo sa bahay na lilipatan niyo."
P-Perooooooo!! Aist! Wala rin namang mangyayari kahit na makipagtalo pa ako.
"Ang creepy mo, kuya Lee! Asan si Michie?"
"Uhhh..." Napahawak siya sa kanyang batok. "Tinakbuhan na naman ako."
"Sabi na nga ba."
"Babawi na lang ako sa kanya kapag nakabalik na ako galing sa Palawan. At ang isa pa, may stalker 'yata ako rito kaya kailangan ko munang umalis."
"Stalker?"
"'Yung babae dyan sa labas kanina. Pero huwag mo na siyang intindihin, wala na siya," saad ni Kuya Lee.
Babae sa labas? Ang dami talagang stalker ni kuya.
"Pano? Alis na ako." Niyakap ako ni kuya. "Ingat ka, Princess."
"Opo kuya," nakangusong sagot ko sa kanya.
"Angelo, you protect Mommy from bad guys, okay?"
"Sir! Yes, Sir!" d(^0^)b
***
"Swerte ni Sammy, pwede niyang masilipan si Fafa Red" sambit ni China.
"Bakit Fafa? Di ba beki 'yon?"
"Hindi beki si Jared, kilala ko 'yun," sabi ko.
Pano naman magiging beki 'yon? Sa dami ng babaeng nadala non sa private room? Imposible talaga na maging beki 'yon. Tsaka kahit vain si Red, hindi 'yon beki.
Hindi beki si Red. T-Teka! BEKI?! Hindi kaya akala ni kuya ay beki si Red kaya pumayag na siyang tumira kami sa iisang bahay?! Hala! KUYAAAAAAA! NAPAKALAKING PAGKAKAMALI ANG GINAWA MO! Pati ba naman ikaw naniniwalang beki si Jared?
"Nandito na sila!" anunsyo ni China.
May humintong itim na van sa tapat namin pero hindi naman iyon ang sasakyan ni Lucien.
"PASOK!!" Isang armadong lalaki ang lumabas sa van at tinutukan kami ng baril.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!" sigaw ng mga taong nakakita at saka nagsitakbuhan palayo.
"HOY!" sita ng guard sabay bunot ng baril.
"AAAAAAAAAAAAAHHH!!" sigaw namin nang magpaputok ang lalaki.
Duguang bumulagta ang guard nang barilin siya ng lalaking nasa van. May isa pang lalaking lumabas. Hinila nila kami papasok ng van habang may nakatutok sa aming baril. Natulala na lang kami dahil sa takot at dahil sa bilis ng mga pangyayari. Tuluyan nang umandar ang van na sinasakyan namin.
"MOMMYYYYY!"
Angelo?
Nang marinig ko ang boses niya ay doon lang ako natauhan. Nasaan si Angelo?!
"MOMMY!"
"ANGELO!" Naiwan siyang mag-isa.
Natanaw ko siya mula sa likod ng van. Pilit niyang hinahabol ang van na sinasakyan namin subalit palayo na kami nang palayo.
"MOMMY!!!!!!!"
Nakita kong patuloy pa rin siya sa paghabol pero wala rin siyang nagawa at bigla na lamang nadapa.
"MOMMYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya habang nakatingin sa sasakyan namin.
"ANGELOOOO!!!!!!!!!!!" sigaw ko.
"Punyeta!! Patahimikin niyo nga 'yan!!"
"Opo, boss!"
Tinakpan ng isang lalaki ng panyo ang mukha ko at unti unti na lamang akong nawalan ng malay. Subalit kasabay noon ay ang paglitaw ng bata sa panaginip ko. Malinaw na ang imahe ng kanyang mukha hindi tulad noong unang beses ko siyang napanaginipan.
"Sammy! Wait for me!! I'll find you!! I promise!"