Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 89 - Chapter Eighty-Nine

Chapter 89 - Chapter Eighty-Nine

Rica Manrique

Gosh. Why do I have to be here again?

Oh yeah, pupuntahan ko si Red ko. I don't know why siya nandito para sa katulong niya. 'Yung muchachang manang na nagkakandarapa kay Red ko! Hindi ako papayag na maagaw niya sa'kin si Red! Ang mga desperate poor people talaga, gagawin lahat para lang makuha ang gusto nila. Hmp!

My Gosh! This hospital is full of sick 'kadiri' people! Eeew! Why not die already?

Oh My Gosh! Is that—oh my gosh! It's HIM! I cant believe this! Lee Perez is here! One of the most eligible bachelor ng Forbes magazine!

GYAAAAAAAAA! I SO WANT HIM!

His family is the richest kaya here in the Philippines and they ranked third in Asia's Wealthiest Family! And needless to say, he's a hot one too! But what is he doing in a place like this? Maybe he's waiting for me! Of course!

Siguro nalaman niya na darating ako kaya pumunta siya rito! Oh My Gosh talaga! He's head over heels agad sa'kin?

***

Tinitigan ni Michie si Lee Perez na ngayon ay matiim ding nakatingin sa kanya.

Lihim na napapangiti ang dalaga dahil mukhang naguguluhan na ito sa kanyang sarili. Matagal rin niyang pinaghandaan ang gagawin niya sa oras na muli silang magkita ng binata.

Pero kahit na anong paghahanda ang gawin niya, ganoon pa rin ang kabang kanyang nararamdaman. Ang totoo, talagang nasaktan siya nang umalis ito.

Ang akala kasi niya, may pagtingin din si Lee kanya. Nagkamali lang siguro siya ng akala noon. Paano nga naman magkakagusto sa kanya ang pinsan ng bestfriend niya? Isa pa, mayaman, kilala at hindi ito basta-basta. Ang layo ng agwat nila.

Binawi niya ang kanyang tingin kay Lee at napatungo na lang sa kanyang naisip.

"Kumusta na?" tanong niya.

"Stop that."

"A-Ang alin?" biglang tanong niya rito.

"Na parang ibang tao ka na. Kilala kita."

Lalong lumakas ang kaba sa kanyang dibdib. Gusto pa rin talaga niya si Lee pero alam niyang hindi na pwede dahil nabalitaan niyang engaged na ito sa iba. At ayaw niyang makasagabal.

"Matagal na 'yon, nagbago na ako."

"Hindi rin." Ngumiti ang binata sa kanya. "Hindi ka ibang tao, Princess. Kilala kita."

Hindi siya nakatingin sa binata pero ramdam niyang nakatitig ito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Gusto pa rin niya si Lee subalit naiinis siya dahil mukha namang wala na itong interes sa kanya. Pero kung ganoon, bakit pa siya nito kailangan kausapin ng sarilinan? Naiilang tuloy siya.

Sobra siyang nalulungkot. Umaasa pa rin siya na baka mayroon pa siyang pag-asa kahit na mukhang wala naman na talaga.

"P-Pupuntahan ko na si Sammy," paalam niya.

"Pero hindi pa tayo tapos mag-usap," tutol ng binata.

"Wala naman kasi tayong dapat pag-usapan, hindi ba?"

"Meron kaya."

Naiinis na siya pero natatakot siyang ipahalata iyon. Kailangan niyang gayahin si Sammy, mula sa pananalita at pagkilos. Kailangang niyang maging kalmado para mapatunayan niyang nag-iba na siya at hindi na siya tulad ng dati. Kailangan niyang gawin iyon para na rin magbago na ang pagtingin nito sa kanya at hindi na ituring na bata.

'Mas gusto niya 'yung mga babaeng sophisticated,' naisip niya.

Kung magiging ganoon siya, magkakaron na kaya siya ng pag-asa? Naramdaman na lang niya na nakapatong na pala ang kamay ni Lee sa kanyang ulo.

"Tumangkad ka," puna nito sa kanya.

Napatingin siya rito habang nakatingin rin ito sa kanya.

May kung anong init siyang nararamdaman mula sa kamay nito na nakapatong sa ulo niya. Ang pakiramdam na 'yon, katulad iyon ng dati. Hindi niya namalayan na napapikit na pala siya at kusa nang lumapit kay Lee.

Nang tanggalin ni Lee ang kamay nito sa ulo niya, pakiramdam niya'y bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napadilat siya at gulat na napatingin sa binata. Sobrang lapit na pala nila sa isa't isa.

"A-Ah! Aalis na ako!"

Namumula siya sa kahihiyan. Gusto na niya talagang tumakbo palayo pero hindi niya iyon magawa dahil nanginginig ang kanyang mga tuhod.

"Teka, hindi pa tayo nakakapag-usap nang maayos." Hinawakan siya nito sa braso kaya naman hinampas niya ito sa dibdib.

"Lumayo ka sa'kin! Bad ka! Akala ko mabait ka, bad ka pala!"

Niyakap siya ni Lee at wala siyang nagawa kundi ang magpayakap na rin dito. Kahit gusto na niyang lumayo, hindi niya iyon magawa.

"Bad ka eh! Ayoko sa'yo! Bad ka!" Tuluyan na siyang naiyak.

Niyakap lang siya ni Lee nang mas mahigpit at binulungan. Unti-unti naman siyang tumahan sa pag-iyak nang marinig ang sinabi nito.

"I missed you."

Miracle Samantha Perez

Hindi ko alam kung paano naghiwalay ang mga labi namin. Ang alam ko lang, lumulutang pa rin ang isip ko. Napahawak ako sa labi ko. N-Nahalikan ko si Red. N-Nahalikan ko siya sa...labi.

Nahalikan ko siya. Nagkadampi ang mga labi namin. Nahalikan ko siya. NAHALIKAN KO SIYAAAA!!!!!!

At ang...ang lambot ng labi niya. HINDEEEEEEEEE!!!

Erase! Erase! Erase!

Pero hindi ko talaga inakalang sobrang lambot ng labi niya! Puro kasi siya muscles, puro matitigas na muscles!

Tapos. Tapos. Ang labi niya, mas malambot pa yata kaysa sa labi ko! Tumingin ako sa kanya. Namumula ang buong mukha niya. Pati tainga hanggang sa leeg niya ay namumula rin habang nakatulala lang siya. Maya-maya ay napahawak siya sa labi niya.

*blink.blink*

Ngumiti siya..?

Tapos...

Tumawa siya...

"HAHAHAAHAHAHAHAHA!!!"

"RED DELA CRUZ!!!!!"

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!"

Grabe siya kung makatawa. Mas wagas ang pagtawa niya ngayon kumpara noong pinagtatawanan niya ang pangalang 'Lulu'.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?!"

Hinampas ko siya ng unan kaya tumingin na siya sa'kin.

Nagtitigan kami...

Bigla siyang lumapit... Lumapit siya at....

"Ulitin natin."

WAAAAAAAAAAAHHH!! ANO RAW?!

"U-Ulitin ang alin?"

"'Yung kiss, kulang eh!" Malapad ang ngiti niya habang sinasabi iyon.

"JARED DELA CRUUUUUUZZZ!!!"

Mabilis niyang napatayo.

"Joke lang!" Tumalikod na siya sa akin at naglakad palapit sa pinto.

San siya pupunta?

"Nga pala...tama pala talaga ang hula ko," sabi niya at saka lumingon sa'kin.

"Anong hula?"

"Na pinagnanasahan mo ako," aniya sabay kindat sa akin.

Binato ko siya ng unan pero mabilis siyang nakailag at tuluyan nang lumabas habang patuloy pa rin sa pagtawa. Tumama ang unan sa nakasarado nang pinto. Baliw talaga 'yun! AKO?! May pagnanasa sa kanya?! Hah!

Jared Dela Cruz

Bakit ang init ng mukha ko? May lagnat ba ako? Tsk!

"Sir!" Nilapitan ako ng isang nurse na babae.

"Bakit?"

"Namumula po kayo. May sakit po ba kayo?" Hahawakan niya sana ako sa noo subalit bigla akong nakaiwas. Nagtatakang tumingin sa'kin ang nurse.

"Wala akong sakit," sabi ko at lumakad na paalis.

Tsk! Hinawakan ko ang labi ko. Ah takte! Si Samantha kasi eh.

Ano ba kasi ang iniisip niya? May balak ba siyang akitin ako? Tss! Ano ba 'to? Bakit ganito? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? At bakit ang init ng pakiramdam ko? May sakit nga kaya ako? Makabili na nga muna ng gamot.

Related Books

Popular novel hashtag