Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 79 - Chapter Seventy-Nine

Chapter 79 - Chapter Seventy-Nine

Ano akala nila may amnesia ako?

"HAHAHA! Mga sira talaga kayo," sabi ko. "Uhhmm pero... China."

"Ano?" tumingin sa'kin si China.

"Hmm. Sino si TOP?" tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo pagkatapos ay tinitigan nila ako nang mabuti. Namimilog ang mga mata at bahagyang nakanganga.

"Bakit kayo ganyan makatingin?"

"OH MY TOKWA!!" sigaw ni China na nakahawak sa dalawang pisngi nya.

"AAAAAAAAAHHH!! ANO'NG GAGAWIN NATIN?!!" Niyugyog ni Michie ang magkabilang balikat ni China.

"Shoot! Naging mala-Gu Jun Pyo na si Sammy!" nakatakip sa bibig na sabi ni Maggie.

"MERON SYANG SELECTIVE AMNESIA!!" sigaw ni Michie.

Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Michie. Sandaling katahimikan ang dumaan.

"MGA BAKLA!! Tawagan si Fafa Jun Pyo ay mali si Fafa TOP pala at lunurin natin daliiii!!" sigaw ulit ni China.

"Bakit lulunurin bading?"

"Para bumalik ang memory ni Sammy ano vah bakla? Ganon yung nasa TV eh."

"WAAAAAAAAHHH!! SAMMYYYY!!!"

Pfft! Natatawa ako. Ano ba Samantha, pigilan mo!

"Samantha," tawag ni Red. Akala ko umalis na sya.

"R-Red siomai ko?"

Matiim nya akong tinignan. "Nagpapanggap ka lang ba?" tanong ni Red.

"H-Hindi ah!" I pouted.

"Pipitikin kita dyan!" umamba si Red ng pitik sa noo ko.

"OO NA!! WAHAHAHAHAHA!!" napahawak ako sa tyan ko.

"Sammy?"

"Pasensya na! Pfft! Hahaha! Ang tagal ko na kasing gustong gawin 'to eh. Magpapanggap ako'ng may amnesia tapos-pfft! hahaha! Tapos yung reaksyon nyo grabe epic!" tawa ko.

"WALANJO KA SAMANTHA! Akala ko talaga pwede ko nang maangkin si Fafa TOP eh!"

"Kinabahan ako don bruha!" sabi sa'kin ni Maggie at nilipat ang tingin kay China. "Pano mo naman aakitin si TOP?"

"Madali lang. Kapag nalaman nya na may amnesia si Sam eh di ako ang magco-comfort sa kanya ganuuuun," sabi ni China habang kinakapa ang dalawang buns sa ulo nya. "Ay grabe teh, na-dislocate ang aking buns."

Pumasok si China sa CR na nasa loob ng room ko.

"Ang mean ni Sammy," nakalabing sabi ni Michie.

"Hehehe! Sorry!" tumingin ako kay Red. "JAREEEEEDD yung siomai ko!"

"Tsk! Oo na." Umalis na sya nang tuluyan.

"Hihihihi!" may natawa nang mahina.

Napatingin ako sa tabi ko. Si Angelo nagtatakip ng bibig habang nanginginig sa kakatawa.

"Wuy Angelo awat na baby, late reaction si baby koo haha!"

"Hihihihihi!" tawa nya nang pigil.

"Wow! Si Angelo natawa naaaa ooooyyy~" binuhat ni Maggie si Angelo at hinalikan sa magkabilang pisngi.

"Mommy is a meanie hihihihi!"

"Tama salbahe si Mommy diba Angelo? Pinag-tripan kami?"

"Maggie, hwag mong turuan ng kung ano ano yan si Angelo," saway ko.

"Sus! Ikaw nga bad influence ka."

Hmp! Minsan lang eh! Gusto ko lang naman i-try. Aray. Ang bigat ng isang braso ko. Pagtingin ko may cast. Ah...shizzleberry. Napahawak ako sa ulo ko. May benda. Hindi ko maramdaman masyado.

Lumabas ng banyo si China.

"Bakla! Wala pa palang kagamit gamit dito sa kwarto mo!"

"Ilang oras na ba ako dito?" tanong ko.

"Mag iisang araw na tayo rito Sammy, hinintay ka namin magising eh," saad ni Michie.

"Ehh?! Uwi na muna kayo! Ay Michie yung gamit ko nga pala nasa kwarto mo no?"

"Yup! Yup! Ako nalang ang kukuha don."

"Sama ako," nagtaas ng kamay si China.

"Sige maiwan nalang ako rito. Babantayan ko si Sam at si Angelo," saad ni Maggie. "Kuha nyo rin akong gamit ha!"

"Bakit? Dito nyo ba planong matulog?" tanong ko.

"Naman!" tango ni Maggie.

"Hindi kita iiwan dito Sammy! Ayoko matulog mag-isa sa kwarto!"

Nagtaas ng kamay si China. "Ako rin! Dito rin ako matutulog, sleepover kami dito ha?"

Naiiyak ako. Ayaw nila akong iwan dito sa ospital.

"Pero paano 'yon? Baka hindi tayo payagan kasi ang dami nyo tsaka san kayo matutulog? Iisa lang naman ang sofa taz ang liit pa nung single chair," sabi ko.

"Don't worry teh, kalahati ng ospital na ito eh sa amin. Ang laki ng shares namin dito para patalsikin kami. Tsaka hindi problema ang higaan, magdadala kaming kutson muhahaha!" tawa ni China.

"Ahh. Okay," sabi ko nalang.

"Problema sino ang maghahatid sa atin? Magdadala pa tayong kutson?" tanong ni China.

May kumatok sa pinto at pumasok si Lucien.

Ngumiti sya sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo Sam?"

"Kuya Lucien! Okay lang naman ako," sagot ko.

"Mabuti. Inayos ko na nga pala ang papers mo rito, one week okay ka na. Naka-schedule ka para sa check up mamayang two pm," pahayag nya Lucien.

"Ikaw pala ang nag-asikaso ng lahat salamat"

"Walang anuman. Basta sabihin mo lang kung may kailangan ka pa."

"EHEM! EHEM! Sam yung siomai mo nga pala."

Nakapasok na pala sa kwarto si Red. Lumapit sya sa akin. Inilagay nya ang dala nya sa side table. Naamoy ko yung siomai at bigla akong nagutom ng sobra.

"Kuya Lucien, ihatid mo naman kami ni Michie oh. Uuwi kasi kami para kumuha ng mga gamit ni Sam," pakiusap ni China kay Lucien.

Biglang naging stiff si Michie.

Ah! Nakalimutan ko'ng sabihin kay Michie yung tungkol sa nalaman ko. Masyado kasi akong naging busy sa kakaisip kung paano makikipagbati kay Red eh.

"Oo tama yan umalis ka na..." mahinang bulong ni Red.

Ako lang yata ang nakarinig dahil inaayos nya ang unan ko. Tinutulungan din nya akong umupo. Nakurot ko sya sa braso nang mahina. Hanggang ngayon ba naman inis si Red kay Lucien? Hindi ko sya maintindihan.

"Okay, kailangan ko na rin naman bumalik sa hacienda. Paiimbestigahan ko ang nangyari," sabi ni Lucien.

"Pre, balitaan mo kaagad ako kung may makita kayo" Red

"Oo." Lumipat sa akin ang tingin ni kuya Lucien. "Sam pagaling ka."

"Yes po kuya," sagot ko.

"Tara na Michie," yakag ni China.

"Huh? Ehhh..." nag aalangan na bulong ni Michie.

"Tara naaaa...." hinila ni China si Michie palabas. "Bye Sammy! Balik kami agad!"

Tumango ako. Lumabas na silang tatlo at naiwan kami nina Maggie, Angelo at Red sa kwarto. Siomai! Inayos ni Red ang kakainan ko. Inumpisahan ko nang lantakan ang siomai.

"Tss. 'Yes po kuya'. TSS!" bulong ni Red na nakasimangot.

Agad ako'ng napatingin kay Red. Problema nito?

"Problema mo dyan Jared? Ginagaya mo ako?" tanong ko sabay subo ng siomai. "Maggie gusto mong siomai?"

"Ayaw," iling ni Maggie at ihinele si Angelo, nakatulog na pala ang kapatid ko.

Inagaw ni Red yung platito ng siomai ko.

"Akin yan ah!" reklamo ko.

"Bakit? Pera ko pinambili dito," sinubo nya yung isang siomai gamit ang tinidor nang buo.

"HOLOOO! Ang daya! Pasyente ako eh," ngumuso ako.

"Oh ayan na nga," binalik nya sa'kin yung lalagyan ng siomai.

"Yes!"

Tumayo sya bigla. Aalis yata.

"San punta Jared?" tanong ko.

"Bibiling siomai!" at tuluyan na syang lumabas.

Mood swings nun? Yae na nga, kakain nalang ako ng siomai.

"Uy Sam!" tawag sa akin ni Maggie.

"Bakit? Gusto mo?" alok ko sa siomai.

"Bading hindi 'yon. Si Red, alam mo ba'ng hindi pa nakain 'yon? Sya kasi pinakabantay mo tapos sya pa ang kumakausap sa mga doktor mo. Sya din kasama ni Kuya Lucien sa pag-asikaso ng stay mo rito," paliwanag ni Maggie. "Ikaw talaga parang siomai lang eh, hindi mo pa binigyan."

WAAAAAAAAHHH! Hindi ko alam eh!