*Jared Dela Cruz*
Sinundan ko si TOP papunta sa tabing dagat. Pagkalipas ng dalawang taon, hindi ko sigurado kung kaya pa nya akong ituring na kaibigan. Inagaw ko lang naman sa kanya ang babaeng pinakamamahal nya. Ang babaeng hinintay at hinanap nya nang napakatagal na panahon.
Ito ang unang paghaharap namin makalipas ang dalawang taon.
"Ah, nakalimutan ko na kung gaano kasarap ang hangin sa lugar na 'to," umpisa ko.
Hindi sya nagsalita. Pero nakita ko na nanginginig na 'yung nakasarado nyang kamao. Nangangati na siguro na masuntok ako.
"Hindi ko ginalaw si Samantha habang nasa France kami, hwag kang mag-alala."
Nanatili parin syang tahimik. Nabawasan na rin yung panginginig ng kamao nya.
Maya-maya huminga sya nang malalim.
"Iiwan ko si Miracle sa'yo."
"Ano?!" gulat na sambit ko.
"I've decided, I will go to Japan for my surgery."
Tinitigan ko ang gago. Anak ng tokwa naman, handa na akong isaoli sa kanya si Samantha bigla naman nyang iiwan sa akin?
"Alam na ba ni Samantha ang alis mo?"
"Not yet, kailangan ko munang kausapin ang kapatid ko."
Tumawa ako ng pilit.
"Gago ka talaga TOP. Nananadya ka ba? Dalawang taon din akong nag-pigil alam mo ba?"
"Don't hold back then, this time you're free to do whatever you want to do," seryoso nyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi nya at sandaling inisip ang sasabihin. "Nababaliw ka na ba? Hoy TOP, sabihin mo ang totoo mahal mo pa ba si Samantha? Bakit ang dali na lang sa'yo na iwan sya at sabihin sa akin na malaya ako'ng gawin ang gusto ko? Hindi ka ba natatakot na maagaw ko sya sa'yo?"
"Don't complain, this is what you want too. A chance and I'm giving it to you."
"Tang*a TOP, hindi yan ang ibig kong sabihin. Mahal mo pa ba si Samantha o lumipas na 'yon?!"
Hindi sya sumagot.
"Think whatever you like."
"Eh GAGO ka pala eh!" mura ko sa kanya.
"She loves you too... Shit!" napahawak sya sa bibig nya.
"Takte pare tayo pa ba ang maglolokohan dito? Kung mahal man nya ako bilang kaibigan lang 'yon, hwag mo'ng sabihin na nagseselos ka sa amin."
"What if I am?"
"Dude—"
"No I'm not jealous, I just envy you. I never imagined that I would actually want to be you. To be in your place and be with her, be the person her parents chose for her. Two years, I envy you for being by her side, to freely date her and be called her 'fiance'. It was hell," he scoffed.
"Inggit? Tsk! Pare, ako nga ang nasa tabi nya ikaw naman ang nasa isip nya. Sino'ng mas nakaka-inggit sa ating dalawa?"
Kumuha ako ng sigarilyo sa jacket pocket ko at sinindihan ito.
"Wala, lokohan na lang ang usapan na 'to."
"I'm serious though." Lumakad sya nang kaunti. "Iiwan ko sya sa'yo."
"Kaya mo ba sinasabi na pwede ko'ng mahalin si Samantha? Yon ba ang kapalit ng pagbabantay ko sa kanya? Hindi mo ako ipapa-kickout sa gang?"
"Yeah. Hwag mo'ng iwan si Miracle, wala na akong iba pang pinagkakatiwalaan sa pagbabantay sa kanya kung hindi ikaw lang."
"Gago ano ako? Aso?"
"May aso rin ako, ikaw na ang bahala sa kanya. Gusto nya na hinihimas ang ulo nya. Gawin mo 'yon at magkakasundo kayo," bilin nya.
Loko to ah. Ginawa na akong babysitter pati ba naman aso?
"Aso? Tsk! Pass, ibigay mo nalang sa kapatid mo. Allergic si Angelo sa mga hayop"
"Tss."
"Teka sigurado ka ba na pwede ko'ng gawin KAHIT na ano'ng gusto ko?"
"Don't ask me again I might change my mind, I already regret saying it."
"Haha! Okay, pero walang sisihan kung pagbalik mo ako na ang mas mahal nya."
Hindi ko inaasahan ang sagot nya. Ngumiti lang sya na parang buo ang kompyansa nya na hindi mangyayari 'yon.
"Don't worry about me. If that actually happens, I'll just make her fall in love with me again," bumalik ang trademark smirk nya.
Alam ko kung ano ang ibig sabihin non. Lagi ko yung nakikita sa tuwing makikipag-bakbakan kami sa mga kalaban naming gang. Ibig sabihin alam nya na ang resulta ng laban bago pa mag-umpisa. Tsk!
"Tsk! Ang gago mo talaga," ibinuga ko yung usuok ng sigarilyo ko.
"While I'm gone, you are free to love her. Show it, make her feel it but don't force her," he sighed.
"Alright." Itinapon ko na ang sigarilyo ko at tinapakan. "Let's agree to that. It's a deal."
Itinapat ko sa kanya yung kamay ko. Akala ko dahil sa hindi sya nakakakita ay hindi nya na malalaman na nakikipagshake hands ako sa kanya.
Inabot nya ang kamay nya.
"One more thing," habol nya.
"Ano?" ang pinaka-pinagsisisihan ko'ng tanong sa kanya nang mga oras na 'yon.
Isang malakas na suntok ang isinagot nya sa akin.
"That is for kissing my wife two years ago."
Ampupu hindi pala ako nakaligtas don.
***
"SAMANTHA!!" sigaw ko habang pinapatakbo nang matulin ang kabayo ko.
PAKSYET! Asan na sila? Masyadong mabilis ang kabayo nila. Pumasok pa sa gubat ang kabayong sinasakyan nila. Tinignan ko ang daan, mabuti nalang may mga bakas sa daan.
"SAMANTHA!!! ANGELO!!!" sigaw ko.
Kahit na ano'ng mangyari, kailangan ko silang mahanap. Shit! Patuloy ko'ng pinatakbo nang mabilis ang kabayo ko. Naiwan ko na 'yong ibang sumusunod sa amin.
Nilingon ko ang paligid pero hindi ko na sila makita. Masyado nang mapuno ang lugar na 'to at sa tingin ko malapit na rin magdilim ang paligid. Takte!
"SAMANTHAA!!!"
Itinigil ko sandali ang kabayo at pinakinggan ang paligid.
"MOMMY!!!" boses ni Angelo.
Agad ko'ng pinatakbo ang kabayo sa direksyon na 'yon.
"ANGELO!! SAMANTHA!!"
"WAAAAAAAHH!! WAAAAAAAHHH!! MOMMY!!!!"
Sinundan ko ang iyak ni Angelo.
"MOMMY!! WAKE UP!! MOMMY!! WAAAAAAHHH!!!"
Nang makita ko sila agad ako'ng bumaba sa kabayo at tumakbo palapit sa kanila.
Nasa ilalim sila ng puno. Nakahiga si Samantha at walang malay habang walang tigil sa pag-iyak si Angelo.
"Samantha!!"
May malaking pasa ang braso nya. Sa tingin ko nabalian sya sa parte na 'yon.
"SHIT! Samantha!" natatakot na tawag ko sa kanya.
Hindi sya gumalaw. Nakaramdam lang ako ng relief nang makita ko na humihinga pa sya. Maingat ko syang binuhat. Ingat na ingat ako sa braso nya. Shit! Ano'ng gagawin ko? Tinignan ko si Angelo, wala syang kahit na ano'ng sugat.
"Angelo, hwag kang lalayo sa akin," bilin ko kay Angelo habang buhat si Samantha.
"Y-Yes Daddy huk."
"Samantha... Samantha, hwag mo akong takutin nang ganito shit!"
Saan ko ba iniwan yung kabayo ko? TAKTE!
"Mmmm..."
"Samantha!"
Nabuhayan ako ng loob nang makita na unti-unting bumukas ang mata nya. Tumingin sya sa'kin na nagpapasalamat.
Ngumiti sya.
"Jared... sabi ko na eh... m-mahahanap mo rin kami..."
"Nagduda ka ba? Shit nasan ba ang kabayo?" nilingon ko sa paligid.
"R-Red... si Angelo?" mahinang tanong nya.
"Nandito si Angelo,"
"M-Mabuti naman..."
Shit! Yung kabayo nasan na?
"Sandali lang Samantha—" natigilan ako nang mapatingin ulit ako sa kanya.
Nawalan sya ng malay at namumutla.
"MOMMY!!! MOMMY!! Huk! MOMMYYYY!!!"
Naramdaman ko na parang basa ang likod ng ulo ni Samantha.
Nang tingnan ko... halos mapaupo ako... Dugo.