Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 75 - Chapter Seventy-Five

Chapter 75 - Chapter Seventy-Five

*Jared Dela Cruz*

Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko ang boses ni Samantha at ng mga kaibigan nya. Nasa veranda sila.

Nakapag-isip na ako. Kakausapin ko si Samantha tungkol sa nangyari kahapon sa kapatid nya. Ayoko rin naman na magkalabuan kaming dalawa.

Ang problema lang naman eh kung makikinig sya.

"Ang baliw mo! Hahaha! Ano naman kung fiance ko si Red? Si Timothy parin ang mahal ko no!"

Napahinto ako sa paglalakad palapit sa veranda.

"Ows? Di nga? Tamaan ka man ng kidlat? Hindi mo magugustuhan si Fafa Red?"

"Oo!"

"Kahit magkagusto sa'yo si Red, Sammy?"

"Oo kahit magkagusto pa sya sa'kin hinding hindi ko sya papatulan! Kay Timothy lang ang puso at kaluluwa ko, sa kanya lang at wala nang iba!"

Takte! Para akong sinibat sa puso ah. Alam ko naman yun eh. Bakit kailangan ko pang marinig sa kanya mismo?

Lumiko ako sa kabilang direksyon at naglakad palayo sa kanila.

Gago Red. Ano ba ang ginagawa mo?

Hindi ka naman nya kailangan.

Bakit mo pa sya sinundan?

Ang laki mo talagang GAGO.

*Miracle Samantha Perez*

"Nasan nga pala si Fafa Red? Mag-sorry ka na Sammy! Ano'ng petsa na oh!" singhal sa akin ni China.

"Oo na, hahanapin ko na sya. Magso-sorry na ako." Tumayo ako sa upuan.

Nakakapit sa akin si Angelo na parang tarsier. Karga ko sya nang tumayo ako. Naglakad na ako paalis...

*balik.balik*

"Ano'ng sasabihin ko?" tanong ko sa kanila.

"Ano ba naman yan Sam? Natural sabihin mo SORRY Fafa Red, I was wrong when I hurt you but did you have to hurt me to~?" kanta ni Maggie.

"Bading! Kanta na 'yan! Hwag kang iskempertush dyan," saway ni China sa kapatid.

"Eeeeh! Ano sasabihin ko?!" naupo ulit ako at ibinaba si Angelo. "Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya kanina eh."

"Eh kasalanan mo naman kasi yan Sam, kung bakit kasi hindi ka marunong makinig" sermon sakin ni Maggie.

"Oo nga! Oo nga! Hindi mo man lang sya binigyan ng chance na makapag-explain," dugtong ni China.

"Kawawa naman si Fafa Red," bulong ni Maggie.

"Oo nga, ano kaya ang nararamdaman nya ngayon? NAPAGBINTANGAN sya sa salang hindi nya ginawa?" pangungonsensya sa akin ni China.

"Yeah, ang SAKIT siguro nun ano?" tanong ni Maggie.

"OO NA! GETS KO NA! Hwag nyo nang dagdagan pa ang guilt na nararamdaman ko parang awa nyo na!"

Nagulat sa sigaw ko si Angelo. Lumayo sya nang kaunti at kumapit kay Maggie. Binuhat sya ni Maggie at pinaupo sa lap nya.

"Mag-sorry ka na Sammy, basta lapitan mo lang sya tapos sabihin mo sorry," payo ni Michie.

Ang daling sabihin eh! Ang hirap gawin! Hindi ako sanay magsabi ng sorry!

"Bakla! Lakad na! Aba ano'ng petsa na? Ano'ng oras na? BANDILA na hindi ka pa nakakapag-sorry? Lumarga ka na day!" taboy sa akin ni China.

"Kasi!" Padabog akong tumayo mula sa silya. "Asan ba kasi yung damuhong lalaking hindi marunong magpaliwanag ng ayos? Asan na 'yon?! Naman eh!"

"Ikaw pa galit dyan ikaw na nga may kasalanan?" nilakihan ni China ang mga mata nya.

"Sabi ko nga," sagot ko. "Hmp! Ipinagtatanggol nyo sya komo type nyo ganon? Moral support nyo ha."

"Bakla, natural! Ang gwapo ni fafa Red para kawawain mo," sagot ni Maggie.

"Eeeeesh!" tumingin ako kay Angelo. "Angelo."

Nakatingin sya sa malayo.

"Angelo baby, dito ka muna sa mga baliw ha? Hwag mo silang gagayahin ha? Hahanapin ko lang ang Daddy mo ha? Ok?"

DEDMA.

"Angelo, baby Angelo?"

Tumingin si Angelo sa akin tapos may itinuro sa labas. Tinignan ko.

At biglang kumulo ang dugo ko. Nakalimutan ko na ang salitang SORRY.

Sa malayo ay nakita ko sina Red at Riri na naglalandian.

Kawawa pala ha? Mukha ba 'yang kawawa?

Mukhang enjoy na enjoy kasama sa pangangabayo yung mmmmpp!

Binuhat ko si Angelo at tumingin ako sa tatlong baliw.

"Crazy Trios, gusto nyo rin bang mag-horseback riding?" yaya ko sa kanila.

"Mangangabayo tayo?" gulat na tanong ni Maggie.

"Tara! Gusto ko rin sumakay kay Alira. Matagal ko nang hindi nakikita yung kabayo ko," excited na sabi ni Michie. Tumayo na rin sya.

"Sige! May bagong saltang kabayo galing Australia eh, si Black Prince. Hindi ko pa nakikita," kwento ni China na tumayo na rin.

Huling tumayo si Maggie. "O sige, game!"