Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 73 - Chapter Seventy-Three

Chapter 73 - Chapter Seventy-Three

*Miracle Samantha Perez*

Nagising ako na madilim na ang paligid. Pinakiramdaman ko'ng mabuti kung sumasakit parin ang puson ko. Kahit papaano nawala na. Tumingin ako sa wall clock. Alas synco na pala ng madaling araw.

Nauuhaw na ako kaya naman ininom ko muna ang tubig sa may bedside table. Mabuti nalang may naglagay don. Si Michie siguro. Tumayo ako sa kama. Si Michie lang ang kasama ko sa kwarto. Si Angelo?

Bakit wala sa tabi ko si Angelo? Kasama kaya sya ni Red sa kwarto nya?

Pumunta muna ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Nang matapos na ang mga dapat kong gawin lumabas na ako. Pupuntahan ko nalang si Angelo sa kwarto ni Red. Mabuti nalang alam ko kung nasaan 'yon.

Grabe nagugutom na ako. Nagising ako dahil sa gutom. Nasa second floor ang kwarto namin pero rinig ko na gising na ang mga kasambahay nila. Ang aga naman gumising ng mga tao dito. Kung sabagay sa bahay din namin nina Mama gising na rin sila nang ganitong oras.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Red, mabuti hindi naka-lock. Pumasok ako at isinara ulit ang pinto.

Nakita ko naman na katabi nga ni Red si Angelo sa kama. Nakasiksik sa kanya si Angelo. Nakakapagtaka. Kapag kasi matutulog si Angelo mas gusto nya akong katabi.

"Angelo?" mahinang tawag ko.

Biglang nagising si Red. Ang talas naman ng pandinig nito.

"Samantha?" Kinusot nya ang mga mata nya at umupo sa kama. "Ano'ng ginagawa mo rito? Magaling ka na ba?"

"Oo ayos na ang pakiramdam ko. Bakit kasama mo si Angelo dito?" tanong ko.

Umupo ako sa kama, sa side ni Angelo. Hinawi ko ang buhok ni Angelo, nakatakip na kasi sa mukha nya. Kailangan ko na yata syang pagupitan.

"Mmm..." ungol ni Angelo at kumapit sa damit ni Red.

"Ahh. Samantha," tawag ni Red.

Umiiyak ba si Angelo? Agad na kumunot ang noo ko. Nananaginip ba sya ng masama?

"Angelo... Baby," tawag ko sa kanya.

"Sam hayaan mo na muna sya, let him rest."

"Red," tinignan ko sya.

Huminga nang malalim si Red. Minasahe nya ang noo nya.

"Sam I'm sorry, hindi ko sinasadya."

"Na ano? Nakabuntis ka?"

"Sam," saway nya sa'kin.

Seryoso ang mukha ni Red na nakatingin sa'kin.

"Kanina...tinuturuan ko si Angelo na lumangoy," umpisa nya.

"That's great! Ano'ng nangyari?" nakangiting sabi ko.

"Muntik na syang mawala."

Napatahimik ako. Nawala rin yung ngiti ko.

"W-What do you mean 'mawala'?"

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo kung ano ang nangyari pero, I'm really sorry Samantha. When I came back, nasa gitna na sya ng pool at..." hindi na nya naituloy ang kwento nya

Tumayo ako.

"Iniwan mo sya sa pool? Jared!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Listen, kasama nya si Riri non."

Uminit bigla yung ulo ko. So kasama nya yung babaeng 'yon? Naglalandian sila kaya pinabayaan nya si Angelo?

"So kasama mo pala yung babaeng 'yon? Jared alam ko ang fetish mo pagdating sa mga babae, pero sobra ka naman yata ngayon! Hindi ako makapaniwala na inuna mo pang makipaglandian sa babaeng 'yon kaysa ang bantayan si Angelo! What were you thinking?!" sigaw ko sa kanya.

"Sam hindi gano—"

"M-Mommy?" mahinang tawag ni Angelo.

Nakita ko na nakamulat na sya. Binuhat ko na si Angelo.

"Angelo nandito na si Mommy."

"Mommy... Huk... Mommy..." mahinang umiiyak si Angelo habang nakayakap sa'kin. Nanginginig sya.

"Sam atleast hayaan mo muna akong magpali—"

"Just save it Red! I've had enough of this already! Muntik nang mawala si Angelo dahil sa kapabayaan mo at hindi ko na hahayaan pang maulit 'yon." Lumakad na ako palapit sa pinto.

"Samantha! Sandali mag-usap muna tayo—SAM!"

"You're free to leave this house Red, we don't need you," sabi ko bago lumabas ng silid.

Naiinis ako. Paano nya nagawang iwan si Angelo? Aist! Alam ko'ng mahilig sya sa babae pero para iwan si Angelo? At isipin ko pa lang na muntikan nang mawala sa amin si Angelo. Hindi ko yata sya mapapatawad kapag nangyari 'yon. Ano ba ang iniisip nya? Ipinagkatiwala nya sa babaeng may fake na boobs si Angelo! Halata naman na ang utak non nalunod na sa anesthesia sa sobrang dami ng ipinaretoke!

Nang pabalik na kami ni Angelo sa kwarto ni Michie nakasalubong namin si Lucien.

"Good morning," ani nya sa baritonong boses. "Ang sabi sa'kin may sakit ka raw. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Inayos ko ang karga ko kay Angelo. "Good morning din, oo ayos na ako."

"Hindi ka nakakain kagabi hindi ba? Sumabay ka na sa akin kumain," alok nya.

Hindi nya hinintay ang sagot ko. Naglakad na sya pababa sa hagdan. Tsk! Sige na nga, nagugutom na rin ako. Hinimas ko ang likod ni Angelo.

"Angelo kakain tayo okay?"

Hindi sya sumagot.

"Okay," bulong ko at sinundan na si Lucien.

***

"Ilang taon na sya?" tanong ni Lucien sa akin.

Kasalukuyan kaming nakain. Kami lang, sya, ako at si Angelo. Ang haba ng lamesa tapos kami lang tatlo. Kaya ayoko umuwi sa bahay namin, ganito rin ang setting. Ang laki ng mesa, ang daming pagkain kaso ang lungkot.

"Malapit na syang mag-three," sagot ko.

Sinubuan ko si Angelo. Ayaw nyang umupo sa silya nya. Ayaw nyang humiwalay sa akin kaya naman sa lap ko sya nakaupo. Parang natatakot sya na mapag-isa. Ang kapatid ko, na-trauma yata sa nangyari, sobrang tahimik pa nya.

"Must be hard for you na maging isang ina, pero mabuti at hindi ka nagpa-abort o hindi mo ipina-ampon," pahayag ni Lucien.

Parang ang bitter ng pagkakasabi nya don.

"Hindi ko anak si Angelo. Kapatid ko sya, hindi ba nasabi sa'yo nina Maggie?"

Medyo natahimik sya.

"Hindi mo dapat sinasanay ang kapatid mo na maging ina ang tingin sa'yo. Hindi ka ba nag-aalala sa mga iniisip ng tao sa'yo? Sa tuwing may kasama kang bata, aakalain nila maaga kang nag-asawa."

"Ayos lang naman, hindi ko nalang sila pinapansin."

Tumango tango sya.

"Kung hindi mo mamasamain, kaya mo ba ako tinatanong ay dahil sa past experiences mo?" tanong ko sa kanya.

Tinignan nya ako ng matiim.

"Nasabi na pala nila sa'yo?" ngumiti sya nang mapakla.

Tumango ako.

"Alam mo kuya, hindi ka dapat maging masungit kay Michie. Pareho naman kayo ng pinanggalingan hindi ba? I mean... No offense Lucien. Napansin ko lang kasi na parang mabigat ang loob mo kay Michie."

"Sa tingin mo?" tanong nya.

"At sa tingin nya, at sa tingin naming lahat na nakakakita. Iniisip namin na galit ka sa kanya. For what reason?"

Tumawa sya na parang hindi makapaniwala. Medyo natulala ako. Ang... gwapo nya. Ang ibig ko'ng sabihin. Lalaking lalaki ang tawa nya.

"Hindi ako galit sa kanya. Walang rason para magalit ako sa kanya."

"Eh?"

"I may not be her blood relative, pero hindi ako galit sa kanya. Binabantayan ko lang sya."

"Kung ganon...?"

"Nanggaling kami sa iisang orphanage ni Michelle. She may not remember me now but I still remember her as my little girl..." nakangiting sabi nya.

"What?! OMG!" gulat na sabi ko.

Mas natawa sya sa reaksyon ko.

"I'm just trying to keep an eye on her. Like the way you keep an eye for your little brother."

Napangiti ako. Napatingin ako kay Angelo. Err. Nakatulog na pala sya. Teka! Pinapakain ko pa sya ah! Nakapatong yung dalawang braso nya sa lamesa at ginamit nya itong unan.

"I'm sorry kung pinag-isipan kita nang masama," hinging paumanhin ko.

"And I'm sorry kung inisip ko na iresponsable kang anak sa mga magulang mo at nag-anak ka nang maaga. Ganito lang talaga ako, siguro dahil na rin sa nalaman ko na dalagang ina ang nanay ko na umabandona sa akin noon..."

"Mahal ka ng nanay mo, hindi lang talaga nya alam ang gagawin nya siguro noon."

Ngumiti lang sya.

"Ayaw mong maniwala? Alam mo ba yung 100 Days To Heaven? Yung palabas dati sa ABS-CBN? Yung kay Madam Anna Manalastas? Tsk! Tomo, kapag napanuod mo 'yon maiintindihan mo rin!" nakangiting sabi ko.

Tumawa sya. "No, but thanks anyway."

"Are you sure? Bahala ka, may DVD pa naman ako non, papahiram ko sa'yo hahaha!"

"You're interesting," nakangiting komento nya.

"Thanks! I'll take that as a compliment hahaha!"

"Please do. By all means."

Okay, nag-iba bigla ang tingin ko sa taong ito. Hindi naman pala sya nakakatakot katulad ng sinasabi ni Michie. Masyado lang siguro syang freaked out sa pagbabantay ni Lucien.

"Senyor nakahanda na po ang sasakyan," may matandang lalaking dumating.

"O sige ho Mang Carding, nag-almusal na ba kayo?"

"Opo Senyor, alam nyo naman si Misis hindi ako pinapaalis hanggat hindi ko natitikman ang luto nya," natatawang sabi nung lalaki.

Mga nasa singkwenta na siguro sya kung pagbabasehan ang hitsura.

"Excuse me mukhang kailangan ko nang umalis," hinging paumanhin ni Lucien. "Samantha."

"Call me Sam, kuya Lucien?"

Ngumiti lang sya at umalis na kasama yung lalaki. Hmm... Ang gaan naman pala nya kausap eh. Siguro kailangan ko'ng sabihin kay Michie na mabait naman si Lucien. Sabihin ko na rin kaya na nanggaling sila sa iisang ampunan?

Huh? Galing sa iisang ampunan? Bakit kaya hindi makilala ni Michie si Lucien? Hmm. Nakakapagtaka. Pero hindi kaya mas unang naampon ng mga Dela Vega si Lucien at pagkalipas ng maraming taon, tsaka lang nalaman na si Michie pala ang nawawalang anak ng mga Sta Maria? Ssskk!

Ininom ko na ang kape ko. Ganon nga kaya o masyado lang akong nag-iisip? Pero 'yon na ang pinakamalapit na sagot sa tanong ko. Maliban na lang kung may amnesia itong si Michie? Well, wala naman syang nasasabi sa'kin na may ganon sya kaya malabo na mangyari 'yon.

"Nakikipag-close ka ba sa lalaking 'yon Samantha?"

Bigla ko'ng naibuga ang kape na iniinom ko sa sobrang gulat. Bigla nalang kasing may nagsalita sa likod ko. Tinignan ko si Angelo, natutulog parin sya. Thank God hindi sya nabasa.

"Ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, yung mga ganong lalaki dapat nakikita mo palang tinatakbuhan mo na palayo!"

Si Red.

"Don't talk to me Jared, I'm still pissed."

"Tss! Ang bilis naman mawala at bumalik ng galit mo. Kanina lang SOBRANG saya mo habang kausap sya. Bakit? Gusto mo ba 'yon? MATANDA na 'yon!" idiniin nya ang salitang MATANDA.

"Excuse me, twenty something lang sya no!" Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kasi kailangan ko'ng ipagtanggol si Lucien. Wala kasi sya rito para ipagtanggol ang sarili nya.

"Kahit na! Matanda pa rin sya—teka nga Samantha! Interesado ka nga sa kanya?!"

Biglang sumulpot yung mukha ni Red sa gilid ko.

"Tigilan mo nga ako!" saway ko sa kanya.

"Nagtataksil ka ba?!"

Tignan mo 'tong taong 'to. Kung maka-react parang sya yung boyfriend ko.

"Pwede ba Jared, kinakausap ko lang yung tao tungkol kay Michie no! Hwag ka ngang OA! Hindi ako katulad mo na flirt!"

"Ako pa nga ang OA? Sino ba ang nag-walk out kanina at inakusahan ako ng kung ano-ano? Babae, hindi ko nilalandi si Riri! Ihinabilin ko lang si Angelo sa kanya sandali dahil gusto ko'ng tignan kung ano na ang lagay mo! Masama bang mag-alala sa'yo Samantha?"

W-What? Iniwan nya si Angelo...kay Riri para...puntahan ako? Dahil sa akin? Nag-aalala lang sya sa akin kaya sya umalis sandali? Sya rin kaya ang naglagay ng tubig sa mesa sa tabi ng kama?

Napatingin ako kay—ah! Asan na nagpunta yung lalaking 'yon? Napayuko ako. Hinampas ko yung noo ko. AIST! MALI AKO!

Kung ano ano pa naman ang mga sinabi ko sa kanya kanina. Eh! Hindi ko alam! Kasi! Mainit din ang ulo ko ngayon tapos... AIST! JARED! SORRY!

Related Books

Popular novel hashtag