Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 70 - Chapter Seventy

Chapter 70 - Chapter Seventy

Michelle Santa Maria

Nakatingin na naman sya. Nararamdaman ko na nakatingin sya sa'kin. Eeeeh! Kumain nalang ako nang tahimik. Hindi ko inaangat ang ulo ko baka kasi mapatingin ako sa kanya. Bakit ba kasi sya nakatingin sa akin? Siguro tinitignan nya kung marunong akong kumain nang ayos. Tapos kapag nagkalat siguro ako, pagagalitan nya ako! Waaaahh!

"Lucien? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" tanong sa kanya ni ate Riri.

"Sinabi ko na sa'yo hindi ba? Si Nate nalang ang sasama sa'yo sa exhibit. Marami akong kailangan asikasuhin dito sa hacienda," ang sungit sungit talaga ni kuya Lucien.

"Pero si Nate na ang kasama ko don sa isang event, nakakasawa na."

"Arte," bulong ni Sammy.

Tumingin ako kay Sammy.

"Sammy?" bulong ko

"Huh? Ah-hahaha! Ang sarap ng isda," sabi nya sa'kin.

"Talaga? Pero mas masarap yung adobo," tinignan ko yung plato nya.

Wala syang adobo sa plato nya. Lalagyan ko nalang sya. Tinignan ko yung mga nakahain na pagkain, yung adobo ang layo. Hindi ko abot. Tumayo nalang ako para maabot. Pero...bigla iyong inabot nung nakakatakot na lalaki at inilapag sa harap ko. (.__.")

"Hindi mo kailangan tumayo, magsabi ka lang. Kaya mo naman magsalita hindi ba?" tanong nya sa'kin na parang galit.

Napaupo ulit ako at yumuko. WAAAAAAAH!! Inaaway nya ako! Sabi na papagalitan nya ako eeh!

"Kuya, hindi lang talaga gusto ni Michie na mang-istorbo ng iba kapag kumakain," pagtatanggol sa akin ni Maggie. I love you Maggie!

Nakisali rin si China. "Oo nga, kahit sa bahay namin—"

"Sa ginagawa nyang pagtayo mas nakakaistorbo sya."

Mali na naman ako. Hindi na ako kakain kasama sya kahit na kailan! Waaaaah!! Gusto ko nang umuwi!

Miracle Samantha Perez

Bakit ganito 'tong Lucien na 'to? Ang sungit nya kay Michie ah. Pero masungit din naman sya kanina kay Rica.

"Senyor may tawag po kayo," anunsyo ng isang kasambahay na babae.

"Excuse me," tumayo na si Lucien at pumunta don sa may telepono.

"Hmp! Ayaw nya akong samahan," maktol ni Rica whatever.

"Ang sungit ni kuya," bulong ni Maggie.

"Yae mo na 'yon. Michie hwag mo pansinin 'yon mainit lang ang ulo non kasi kanina pa nakabilad sa araw," paliwanag ni China.

Kumain nalang ng tahimik si Michie.

"One more Daddy," sabi ni Angelo. "One more."

Sinusubuan ni Red si Angelo.

"Kumain ka rin ng gulay para lumaki ka'ng katulad ni Daddy," sabi ni Red kay Angelo.

"Nooooo! I don't wanna!"

Napapangiti naman ako sa kanilang dalawa. Mukha talaga silang mag-ama. Sa sobrang ganda nilang tignan na dalawa pakiramdam ko maluluha ako. Ang ganda nilang tignan.

"Red gusto mo tulungan kita?" tanong ni Riri.

Nawala bigla ang ngiti ko. Ano raw? Pakiramdam ko biglang tumigil yung magandang music sa isip ko habang pinapanood ko sina Angelo at Red. Eeesh! May sumingit.

"Mahilig ka ba sa mga bata?" tanong ni Red.

"Oo naman hahaha," ang landi ng tawa nya.

"Ahh magkaiba pala kayo ni Samantha, ayaw nya kasi sa mga bata," kwento ni Red na syang agad ko'ng ikinainis.

Bakit kailangan nya akong ikumpara sa babaeng 'yan? JARED DELA CRUZ isinusumpa kita! Magkaka-pimples ka ngayong araw!

"Really? Bakit naman? Ang saya kaya mag-alaga ng mga bata. Hahaha! Mas bagay pala tayo, hindi, biro lang," hinampas nya ulit si Red sa braso.

Magkatabi sila sa upuan. Nasa tapat ko sila. Ayaw ko na silang pansinin dahil nasisira ang gana ko sa pag-kain. Pero ang hirap dahil sa malalanding comments ni Rica.

"Wow! Ang tigas naman ng muscles mo sa braso, palagi ka sigurong nasa gym?" Ayaw pa nyang tanggalin ang kamay nya sa braso ni Red.

Simpleng manyak 'tong babaeng 'to ah. Ito naman si Red mukhang nag-eenjoy. Lechugas, napakahilig sa babae. Panira ng mood. Eh di sila na. Eeesshh! Kadiri tingnan. Eeew! Bakit ba ganito ang mga type ni Red? Ergh.

Ang sama-sama ng tingin ko sa kanilang dalawa. Nagulat ako nang biglang lumingon sa akin si Red, ngumiti sya at kinindatan ako. What?