Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 66 - Chapter Sixty-Six

Chapter 66 - Chapter Sixty-Six

"Timothy," tawag ko sa kanya.

"Mm?"

"Gusto mo ba na ahitan kita?"

"San mo ko balak ahitan?" tanong nya.

Naka upo kami ngayon sa sofa. At napansin ko na medyo nagkakabalbas na sya. Dahil bulag nga naman sya kaya hindi nya magawang mag-ahit nang madalas. Pero nakakagalaw naman sya nang maayos. Baka hindi lang talaga nya naiisipan ahitin?

"Sa mukha Timothy san pa ba?" sagot ko.

"Malay ko kung saan mo binabalak?" depensa nya.

Counter Strike? May attack at defense?

"Alam mo basketball player ka nga, ang galing mo dumepensa," sabi ko nalang.

"Natural kailangan protektahan ang bola."

Bakit palaging green ang naiisip ko sa mga salita nya? Malala pa sya kay Red eh. Si Red walang pasubali kung gumamit ng mga salita pero 'tong si Timothy mapapaisip ka talaga. Double meaning lagi?

Hinila ko ang kamay nya. "Halika Timothy aahitan kita. Nagkakabalbas ka na oh hahaha!"

Dinala ko sya sa banyo. Hinanap ko sa cabinet doon kung nasaan ang shaving cream at yung razor.

"Pano ba 'to? Ilalagay ko na kagad yung cream sa mukha mo?"

Tumabi sya sa akin sa sink. Binuksan nya ang faucet at naghilamos.

"Timothy hinahayaan mo ba na gawin ito sa'yo ni Ami?"

Humarap sya sa akin na basa ang mukha. Masyado ako'ng nacucurious sa relasyon nilang dalawa ng nurse na 'yon. Dalawang taon din kaya silang nagsama sa iisang bahay. Ano kaya ang mga ginawa nila?

"I only let her do her work here since she's my nurse," he said.

Nilagyan ko na sya ng cream sa mukha. Ano naman ang ibig sabihin non?

"So hinayaan mo nga?" tanong ko.

THERE WAS A BIG 'OUCH!' inside me. Ah, I'm so childish. Ang bilis ko mag-selos.

"You're overthinking this Wifey. Aside from you, wala na akong hahayaan pang may gumawa nito sa'kin."

"Talaga?!"

"You're putting too much cream, Miracle."

Eh? Oo nga, naging parang icing sa cake yung cream. Napadami nalagay ko. Binawasan ko nalang. Kinuha ko na yung Gillette. Grabe kinakabahan ako ah. Pero iisipin ko nalang na parang pagshe-shave ng legs lang yan.

"Timothy uumpisahan ko na ha? Hwag kang gumalaw baka masugatan kita," medyo kinakabahan at excited na sabi ko sa kanya.

"Yeah. Go ahead."

"Hetooo naaa." Inilapit ko na ang razor sa mukha nya. "Hayaaan naaa." Waaaaahhh. Teka hinga muna nang malalim. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.

"Just do it Miracle," tila naiinip na udyok nya.

Hay Timothy, hindi mo ba alam kung gaano kadelikado para sa'yo ang gagawin ko? May hawak akong razor na gagamitin ko sa mukha mo. Hindi ka ba nag-aalala sa magagawa kong damage sa mukha mo? Nakahinga ako nang maluwag nang naumpisahan ko na.

"Your hand is very light."

"Kailangan ko'ng mag-ingat. Baka masugatan kita."

Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha nya. Masyado ko kasing tinitignan ang mukha nya. Baka magkamali ako. Nakapikit sya at medyo nakangiti.

Ang gwapo nya talaga! Ang perpekto ng bawat anggulo ng mukha nya. Habang tinitignan ko ang mukha nya nagulat nalang ako nang bigla nyang hapitin ang bewang ko. Nakaikot sa waist ko ang mga kamay nya. Mas lalo na tuloy ako'ng napalapit sa mukha nya.

"Timothy!"

"Please continue Wifey." he whispered.

Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko, nadistract ako at nasugatan ko sya.

"AAAAAAH!! Sorry Hubby!"

May dugo. Nasugatan ko sya. Isa itong napakalaking kasalanan! Paano ko nakuhang sirain ang gwapo nyang mukha? Humiwalay sya sa pagkakayakap. Napahawak sya sa pisngi nya na may sugat.

"It's okay."

"Waaah! Masakit ba?" Halos mahimatay ako nang biglang may umagos na dugo galing sa sugat. Ano'ng gagawin ko?! "WAAAAAA!! Timothy!!"

"Give me a towel."

Binigyan ko sya ng towel. Pinunasan nya lang ang mukha nya. Nawala na ang ibang cream pero yung sugat nya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Timothy. Yung pisngi mo. Sorry."

"I said it's okay Wifey," buntong hininga nya. "It's fine, you have nothing to worry about. I'm used to it. This is nothing but a tiny cut compared to the cuts I got from gang fights."

Oo nga pala. Pero kahit na. Huhu!

"O sige, i-disinfect nalang natin 'yan tapos lagyan natin ng band-aid," kukuha na sana ako ng band-aid nang bigla na naman nya akong yakapin.

"Do it," he said.

"Eh?"

"Heal me."

Tinitigan ko yung mukha nya. Sobrang lapiiiiiitt!

"Kukuha muna ako ng gamot para dyan—" bigla nyang hinawakan ang mukha ko.

"Do it Wifey."

Do whaaaatt? Tinitigan ko sya nang matagal. Hanggang sa na-gets ko na ang ibig nyang sabihin. Hinalikan ko ang bahagi ng pisngi nya na nasugatan. At niyakap ko sya nang mahigpit. Kisspirin at Yakapsule.

"Miracle."

"Yes Hubby?"

He cupped my face and traced my lips and then he kissed me.

"Wait for me."

"I will," I pulled him closer and kissed his lips.

That was our last day together. Hanggang kailan mo kaya ako paghihintayin Timothy?

"...mmy."

Bakit hindi mo pa ako tinatawagan? Palagi ko naman tinitignan ang cellphone ko baka sakaling tumawag ka, nag-iwan ng voicemail or kahit pa text kahit imposible. Pero bakit wala?

"SAMMY!!!" may sumigaw malapit sa tenga ko.

"WAAAAH!!" nalaglag ako sa sofa.

Napakurap ako bago tumayo. Tinignan ko si China. Kailan pa sya nakapasok ng kwarto?

"HAHAHA!" malakas na tawa nya na nakahawak pa sa tyan.

"CHINA!!"

"Bakit ba kasi kanina ka pa tulaley dyan? Kanina pa kita tinatawag"

"Bakit ba?" tumayo ako at umupo ulit.

"Yung cellphone mo kanina pa nag-riring," inabot nya sa'kin ang cellphone ko.

Unregistered number. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ko itong sinagot.

"Hello?"

[Wifey] boses ni Timothy!

Pakiramdam ko tumigil ang oras nang marinig ko ang boses nya. Napatayo ako bigla at halos mahalikan ko na ang cellphone ko sa sobrang saya!

"TIMOTHY!!!"

Sa wakas tumawag na sya! Timothy.

Related Books

Popular novel hashtag