Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 124 - Chapter One Hundred Twenty-Four

Chapter 124 - Chapter One Hundred Twenty-Four

In-end ko ang call pagkatapos ko malaman ang lahat. Magkakaibigan kaming apat? Ako at si Audrey..mag-bestfriend? Napatawa ako nang mapakla. Kaya pala. Kaya pala galit na galit sya sa'kin. Dahil nakalimutan ko sya. Pati na rin sina Red at Timothy. Kinalimutan ko na rin sila.

[Hindi naging maganda ang epekto ng pagkawala mo sa batang 'yon. Obsessed sya sa'yo Samantha. Kaya pilit ka namin inilalayo sa kanya.]

Si Timothy? Obsessed sa'kin? Bakit?

[Kamamatay lang ng Mama nya noon. Sa tingin namin may na-develop syang pagkagusto sa'yo dahil sa pangungulila nya sa ina.]

Tinignan ko ulit ang video. Ang gumanap bilang beast ay isang matabang batang lalaki. Natawa ako na may kasamang luha sa mata. Si Timothy pala ang batang 'yon. Hindi ko naimagine na mataba sya dati. Si Audrey ang gumanap bilang Mrs. Teapot. At si Red ang gumanap bilang Beauty. Mukha talaga syang babae nung bata pa. Pinakamaganda sya sa lahat. Lumingon ako sa mga paintings.

Mga alaala. Tinitigan ko ang portrait ng malaking puno. Up-close kung titignan mabuti ay may makikitang nakaukit na pangalan sa katawan ng puno.

~Sammy and Timmy~

[Sinundan ka nya. Kahit sabihin ko pa sa kanya noon na nasa Canada, France o Japan ka pa, pumupunta sya. Hinanap ka nya. Ganon sya ka-obssesed sa'yo Samantha.]

Obsessed? Hindi. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit nya ako sinundan. Tinitigan ko nang mabuti ang puno sa painting. Pamilyar. Isang alaala ang muli kong nakita. Pinakamahalagang alaala twelve years ago.

"I'm a Princess! I'm a Princess!" sigaw ng six years old na Samantha. Nakasuot sya ng pang-prinsesang damit.

"I'm a teapot! Look!" sabi ni Audrey na halos kainin ng costume nya.

Dumating ang matabang bata na si Timmy.

"You're Beast!" puna ni Samantha.

Hindi umimik ang batang Beast. Nakatitig lang ito kay Samantha. Maya-maya. Bigla syang hinila nito palabas ng classroom. Pumunta sila sa may malaking puno.

"You're so beautiful."

"I know! Mommy told me that I'm the prettiest!"

Timmy stared at her with so much adoration. Ayon sa kwento na naririnig nya sa tuwing hahalikan ng prinsipe ang prinsesa ay isang magic ang lumalabas. Out of the blue, he kissed her lips.

"Eew!" she pushed him away angrily. She suddenly punched him in the face hard and cried. "Nobody will marry me now! WAAAAAAAHHH!"

He smiled. "I'll marry you."

"UWAAAH!!"

"My Mom said if I did something bad I had to take responsibility. I will marry you when we grow up. So don't cry."

"B-But you're fat! You won't be handsome like Jae!"

"I won't be fat anymore then! I'll be much more handsome than Jae!"

"R-Really?" she wiped her tears.

"I promise!"

"Pinky promise?"

"Yes. Pinky promise."

They crossed their pinkies. He carved their names on the tree. It was childish. It was immatured. It was stupid. It was innocent. It was sweet.

Hinawakan ko ang painting ng puno. Hindi ko alam kung bakit ako naging fairy kung ako naman pala talaga dapat si Beauty. Limot ko na talaga. Pero si Timothy...sinundan nya ako pagkalipas ng ilang taon. Hindi ka sumuko Timothy. At nang makita mo ako hindi ka man lang nagpakilala? Hanggang sa huli...inilihim nyo sa'kin. Ang unfair mo talaga. Nandito na ako Timothy. Pwede mo nang tuparin ang pangako mo. Pero nasaan ka na ba? Bakit wala ka rito ngayon?

***

Nagkulong lang ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras. Tinignan ko lang isa-isa ang mga gamit na nakalagay sa salamin. Mga laruan na pambabae ang iba sa kanila. Sa tingin ko, akin ito noong bata pa ako. Kinolekta lang lahat ni Timothy at itinago. Siguro kung hindi ko kilala ang lalaking 'yon, iisipin ko na isa syang creepy stalker. Tinignan ko rin ang mga old photos.

Ang taba talaga ni Timothy noong bata. Ang singkit ng mga mata nya at ang chubby ng cheeks nya. Hindi ko akalain, ang hirap talagang iimagine na sya 'yon. Binuklat ko ang pahina ng photo album. May isang larawan doon na may apat na bata. Ito ang picture sa play. Naka-costume pa sila, magkakaakbay sila at nakangiti sa camera. Nag-iisang picture lang 'yon. Wala nang kasunod pa. Isinara ko ang album. Ang sabi ni Kuya Lee..naaksidente raw ako. Pero wala naman akong maalala tungkol don. Hindi ko talaga maalala kahit ano'ng isip ang gawin ko. Napatingin ako sa cellphone ko na kasalukuyang nag-iingay. May tumatawag.

"Hello?"

[Samantha. Pauwi ka na ba?] si Red.

"Uhh.. Oo, paalis pa lang."

[May nangyari ba? It's late, mag-stay ka nalang muna dyan. May bagyo raw ngayon baka may mangyari pa sa'yo sa daan.]

Tumingin ako sa bintana. Medyo madilim na.

"No. Hahanapin ako ni Angelo. Uuwi nalang ako."

[Ako na ang bahala sa kapatid mo. Hwag ka na munang umuwi.]

"Pero—"

[No buts Samantha. Stay there. Hindi ka pa nakakapagpahinga sa byahe. Masyado ka nang pagod.]

"Alright.." I sigh.

[Ako na ang bahala magpatulog sa bubwit na 'to. Bye.]

"Okay. Thanks. Bye."

Ang hirap talaga makipagtalo sa taong 'yon. Tumayo na ako at ibinalik ang photo album sa lalagyan. Nag-blink ang cellphone ko. Malapit nang ma-lowbat. Nasa sasakyan ang charger ko. Lumabas muna ako ng bahay para kunin ang charger na nasa loob ng sasakyan ko. Shoot! Nalaglag ang susi. Nang mapatingin ako sa lupa nagulat ako sa nakita ko.

Nakatingin sya sa'kin. Gulp! Isang nakakatakot na kulay brown Labrador Retriever dog. Sa tingin ko kinikilala nya ako. WAAAHH!! Lumapit sa'kin bigla ang aso. Akala ko dadambahin nya ako pero nagulat nalang ako nang kunin nya sa pamamagitan ng bibig ang susi.

Trained na aso siguro ito. Matulungin.

"Thank you sa pag-dampot ng susi Doggy." Inilahad ko ang palad ko para sa susi.

Tinignan nya lang ako habang kagat ang susi, bigla syang tumakbo palayo. ANG CAR KEYS KO!! Tinangay ng aso ang susi ko! Hindi ako makapaniwala. Tumakbo rin ako at sinundan ang aso.

"DOGGY!! HEY!! IBALIK MO SA'KIN 'YAN!! BAD DOGGY!"

Ang hirap tumakbo sa buhangin nang naka-heels! Tumigil muna ako sa pagtakbo at tinanggal ang sapatos ko. Tinignan ko kung nasaan na ang aso. Darn it! Hindi ko makita! Paano ako uuwi?

Malapit nang ma-lowbat ang cellphone ko. Wala na ang susi ko! Pano na 'yan?! Nasa sasakyan pa naman ang wallet ko! Ano 'yon, babasagin ko ang salamin ng kotse ko? Lumingon ako sa sasakyan.

Paano ko gagawin 'yon? Mercedez Guardian ang kotse ko. Bulletproof. Hopeless. Naglakad nalang muna ako sa dalampasigan. Baka sakaling makita ko ang aso na nagnakaw ng susi ko. Naman! Kanino kayang aso 'yon? Sino naman kaya ang mag-aalaga ng ganong aso rito? Mangingisda? Pero..baka sa mga tourist? Naglakad pa ako. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa napalayo na ako sa kotse ko.

"ARF! ARF! ARF!"

May narinig ako! Lumingon ako kung saan nanggaling. Ayooon. Kasama nya ang master nya. Ano'ng klaseng master 'to? Pinapabayaan gumala ang aso nya! Eh kung nakagat kaya ako nun kanina?! Tapos may rabis pa pala, tapos nakuha ko yung sakit, tapos namatay ako..pero kung sabagay..makakasama ko si Timothy.

Lumapit ako. Nakaupo ang lalaki sa buhanginan. Nakatalikod sa'kin at nakaharap sa papalubog na araw. Somehow parang nakaramdam ako ng deja vu. Naalala ko bigla si Timothy nang panuorin namin ang sunset noon sa hill. May kirot na naman sa puso ko. Napalunok ako para pigilan na bumangon ang sakit sa puso ko.

"Sam. Where did you get this?" hawak ng lalaki ang car keys ko.

Sam? Pangalan ko? Kapangalan ko ang aso?

"ARF! ARF!"

Tumingin sa'kin ang aso. Pinat sya sa ulo nung master nya. Nasisilaw ako dahil sa'kin nakaharap ang liwanag. Mas lumapit pa ako.

"What is it?"

"ARF! ARF!"

I was shocked. His voice. It was..

"What's wrong Sam?"

Pakiramdam ko nag-yelo ang buong katawan ko at nabasag. Ang boses nya...

"ARF! ARF! ARF! ARF!"

Tumayo ang lalaki. I gasped. Napatakip ako sa bibig ko. His back was achingly familiar. Matangkad sya, malapad ang likod. Kilala ko sya.

"Who's there?"

"ARF! ARF! ARF!"

Humarap sya sa'kin.

"Timothy.." mahinang sambit ko.

Nakatingin lang sya sa direksyon ko. Nakakunot ang noo nya. Tumahimik ang aso na nasa tabi nya. Walang reaksyon ang mukha nya. Buhay sya.. Buhay sya! Nandito sya! Tinitigan ko sya. After two years nagkita na ulit kami! Ngumiti ako.

Ang laki ng ipinagbago nya. He's not the same boy I left two years ago. He's now a man. Nag-matured na sya. Mas naging manly ang features ng mukha nya pati katawan nya. Rugged look suits him well. Nakasuot sya ng blue shirt at baggy shorts. Ang buhok nya medyo mahaba na, naka-tali sa likod. Nakangiting lumapit ako.

"Who's there?" tanong nya ulit.

Napatigil ako sa paglapit at nawala ang ngiti ko. Kumunot ang noo ko. Hindi na ba nya ako nakikilala? Nanatili akong nakatitig sa kanya. Huminga sya nang malalim. Muli syang tumalikod sa'kin at umupo sa buhangin. Parang hindi nya ako napansin. Bakit ganon? Parang hindi nya ako nakita.

Lumapit ako hanggang sa nasa gilid na nya ako. Hindi nya ako pinapansin. Blanko lang ang mukha nya at nakatingin sa dagat. Silent treatment ba ito? Galit ba sya sa'kin? Uupo na sana ako nang may mapansin ako na bagay na nasa buhangin. Tumingin ako sa bagay na 'yon at kay Timothy. Isa yung.. Isang... Napaatras ako. Hindi. Bakit may ganito dito? Isang long white cane? Bakit sya may dalang ganito? Para lang 'yon sa mga... Nanginig ako. Si Timothy. Kaya ba nya ako hindi pinapansin? Dahil.. Sya ay.. Itinaas ko ang kamay ko. Ihinarang ko sa mukha nya. Wala syang reaksyon. Tuluyan akong nanghina. Umatras ako at napaupo sa buhangin. Bulag sya. Napatingin ako sa aso na katabi nya, isang uri ng guide dog Labrador Retriever. Tumayo na si Timothy sa buhangin. Sinundan ko sya ng tingin.

"Another day passed and you're still not here," he whispered. My heart skipped a beat. It can't be.. "When are you coming back?" He's still waiting? "C'mon Sam."

I watched him walk away. Sinundan ko sya sa pupuntahan nya. Naguguluhan ako. I feel guilty. This is all my fault. May karapatan pa ba ako sa kanya? Iniwan ko sya, kaya sya nagkaganito. Nangyari ito sa kanya dahil sa akin. Kasalanan ko ito. I left him broken. Devastated.

Pano mo nagagawang maghintay parin sa'kin? Hindi ba dapat isinusumpa mo na ako ngayon? Ganito ba... Ganito mo ba ako kamahal? Napahinto ako sa paglalakad. Pumasok sya sa loob ng beach house. Susundan ko pa ba sya? Nahihiya ako. Parang hindi ko na kaya. Ano'ng gagawin ko? Pumasok ako sa loob. Maingat akong gumalaw. Ayokong malaman nya na nandito ako. Natatakot ako'ng humarap sa kanya. Nahihiya ako sa sarili ko. Umupo sya sa sofa. Pinanood ko sya. Tinitigan.

I missed him so much. At ngayong nandito na sya sa harap ko natatakot akong hawakan sya. Huminga ako nang malalim. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak sa harap nya. Pinipigilan ko ang sarili ko na gumawa ng kahit ano'ng ingay. Tumayo na ako. I can't do this. Not now. I can't just walk in back to his life. I'm so selfish. God! What have I done?

Naglakad na ako paalis. I need to breathe for a second. I need to control my emotions. I can't cry in front of him. I can't just—I stiffened. I stood frozen. In my hand..my phone was ringing oh so loudly.

"Who's there?!" sigaw nya.

Nag-panic ako. Narinig nya.

"Who are you?!" he demanded. He looked angry. Furious.

Shit! Wala sa sarili ko na nireceive ko ang call. Ito ang number kanina na hindi naka-register sa cellphone ko.

[SIS!! NASAN KA?! HINDI MO NAMAN AKO PINATAPOS KANINA EH! HINDI PA PATAY ANG KAPATID KO!! ANO BA?! PATAY AGAD?! ANG SASABIHIN KO LANG NAMAN AY WALA NA SYANG KAKAYAHAN PA NA MAKAKITA!! KAYA DI MO NA KAILANGAN PA MAGPAKITA! MAGPARAMDAM KA NALANG!!—OR MAG-PARINIG!! HWAG KANG MAGPAPAKAMATAY SIS HA!! NASAN KA BA?! NASA BEACH HOUSE SI TIMOTHY!! ANG TAGAL NYANG NAGHIHINTAY—]

Namatay ang cellphone ko. Tuluyan nang na-lowbat. Tinitigan ko ulit sya. His eyes were shaking. Alam na ba nya?

"Who are you?!" his voice broke.

I didn't answer. Hindi ko magawang sumagot. May nakaharang sa lalamunan ko. Patuloy sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.

"I SAID WHO ARE YOU?!!" he took a step closer.

He was shaking. Nabitawan nya ang stick nya. Maingay itong nalaglag sa sahig. Itinaas nya ang dalawang kamay nya na parang kumakapa sa dilim at naglakad palapit sa akin. Malikot ang mga mata nya, sinusubukan nyang makakita sa dilim. Gusto nya akong mahanap.

"If it's you Miracle please say something," he begged desperately. "Please."

Hindi ko na napigilan ang pag-sabog ng emosyon sa loob ko. Umiyak ako pero tinakpan ko ang bibig ko para hindi nya marinig. Tinignan ko sya sa nanlalabong mga mata.

"Please Miracle, if it's you—just please.. Please." Ibinaba nya ang mga kamay nya at tumigil sa paglalakad. Nawala ang kung ano mang pag-asa na nakita ko sa mga mata nya. "Miracle. I can't see you."

Pakiramdam ko nadurog ang puso ko. So I walked up to him and pulled him to me. I hugged him tightly. God knows how much I missed him.

"Timothy," tawag ko sa pangalan nya. Isang mahinang bulong lang 'yon na hindi ko alam kung narinig nya.

He automatically hugged me back. He was holding me like he was afraid of losing me again. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang pakiramdam na makulong muli sa mga braso nya. Nandon parin ang pakiramdam na palagi kong nararamdaman dati. Safe. Warm. Love.

"Miracle?"

"I'm back Timothy. I'm back," hindi ko na napigilan ang pag-iyak habang yakap sya.

"Is it really you? Or am I dreaming again?"

I smiled with tears in my eyes. Inangat ko ang ulo ko para tignan ang mukha nya. God, I missed him so much.

"No. This is real Timothy, I'm back. I came back for you."

Inangat nya ang isang kamay nya para hawakan ang isang pisngi ko. Nakita kong ngumiti sya. Inilapat nya ang noo nya sa noo ko. Pumikit sya. Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata nya. Bumagsak ito sa kaliwang pisngi ko. Pumikit din ako. Sa wakas unti-unti nang nabubuong muli ang puso ko.

"I will never let you go again," pahayag niya. "Never again."

"

Related Books

Popular novel hashtag