*JARED DELA CRUZ*
"Dude, ano ba talaga ang nangyari?" tanong sa akin ni Vin.
"Ang tagal mong hindi nagpakita tapos malalaman nalang namin na engaged ka na?" hindi makapaniwalng tanong sa akin ni Sun.
"Sa lahat ng babae, bakit si Samantha pa?" reklamo ni Kyo na parang kasalanan ko.
"Tsk! Laking gulo naman nito," komento ni Jack.
Inubos ko ang alak sa baso ko.
"Dude. Si TOP?" usisa ni Dos.
"Siguradong galit na galit 'yon," sabi ni Seven na nag-aalala.
"Alam naman nating lahat kung paano pahalagahan ng gagong 'yon si Samantha. Malamang baka makapatay na 'yon ngayon. Congrats Red, buhay ka pa," biro ni Pip pero seryoso ang mukha.
"Tignan nyo nalang ang mukha ni Red. Sabog," anunsyo ni Mond.
"Mabuti nalang wala ako sa party. Ayokong hawakan si Pinuno habang galit, baka ako pa mapatay nun eh," pasasalamat ni Six.
TAKTE. Nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko. PAKSHET YAN. Ininom ko 'yon ng diretso. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Samantha kagabi. Parang...para syang namatay. Kung hindi lang sana sya nagmahal ng iba. Kung hindi lang sana nya minahal ang kaibigan ko nagawan ko pa sana ng paraan. Kaya ko rin naman magmahal eh. Isinumpa ko na mamahalin ko ang magiging asawa ko. Kaso ganito ang nangyari.
Alam ko naman simula palang na ipakakasal ako ng mga magulang ko sa iba. Isa iyong tradisyon sa pamilya namin. Kaya naman simula palang noon, kinalimutan ko nang magmahal. Dahil hindi rin naman ako makakasiguro kung kami ng taong mahal ko ang magkakatuluyan. Iyon ay kung nagmahal ako. Hindi ko parin alam ang ibig sabihin ng salitang 'yon. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal.
Nangako ako noon na kung sino ang ibigay sa'kin ng mga magulang ko, gagawin ko ang lahat para mapag-aralan kong mahalin sya. Para kahit papaano maging masaya ang mapapangasawa ko. Si Samantha. Hindi naman sya mahirap mahalin. Pero sa tingin ko kung magiging asawa ko nga sya, hindi ako sigurado kung mapapasaya ko sya. May isang bagay lang akong nasisiguro, hinding hindi ko sya sasaktan kahit kailan. Poprotekhan ko sya sa lahat ng bagay na makakasakit sa kanya. Lalong lalo na kay TOP, dahil ngayon sya lang ang kayang manakit kay Samantha.
*MIRACLE SAMANTHA PEREZ*
Tinawagan ako ni Red. Magkikita kami ngayon. Nandito ako sa isang coffee shop, wala parin sya. Tinitigan ko ang maliit na box sa kamay ko. Ibibigay ito dapat ni Timothy sa'kin kagabi. Kung hindi lang sana nangyari 'yon. Binuksan ko ang box at tinitigan ang singsing na may tatlong maliit at kumikinang na bato. Dapat ngayon... nakasuot na 'to sa'kin. Dapat naisuot na ito sa akin ni Timothy kagabi. Gusto kong isuot ang singsing pero wala akong lakas ng loob para gawin 'yon. Alam kong hindi na ito para sa akin.
"Kanina ka pa?" Napatingin ako kay Red.
"Hindi naman," sagot ko. Ibinalik ko ang maliit na kahon sa bag ko.
"Sorry pinaghintay kita," umupo sya sa harap ko.
Pansin ko na meyo basa ang jacket nya. Umuulan sa labas. Hinubad nya ang jacket nya at ipinatong sa katabing upuan nya. Hindi ko magawang hindi sya ikumpara kay TOP. Kung si TOP ay lean and muscular. May pagka-bulky naman ang katawan ni Red. Medyo fit ang puting shirt nya at meyo nabasa ang sa bandang balikat nya. Kumakapit tuloy yung damit nya sa katawan nya.
Mas naging visible pa ang curve ng muscles nya sa shirt nya. Mas maputi din sya compared kay TOP na may pagka-tan ang skin. Pale white at smooth ang skin ni Red. Almost perfect na parang sa babae. Yung mukha nga lang nya, kung hindi sya nasuntok kagabi alam kong perpekto rin ang skin nya 'ron.
May cut sya sa labi at may pasa sa may kanan na cheekbone. Hindi maipagkakaila na gwapo nga sya. Ngayon alam ko na kung bakit halos lahat ng mata ng mga kababaihan ay nakatingin sa kanya.
"Ano po'ng order nyo Sir?" tanong ng waitress na abala sa pagtingin kay Red.
"Black Coffee," sagot ni Red at tipid na ngumiti sa batang waitress. "Ikaw Sam?"
Umiling ako. Kanina pa ako naka-order ng milk tea.
"Coming right up," masayang sabi ng babae at umalis na.
"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko.
"May pupuntahan tayo mamaya."
"Saan naman?"
"Kapag nalaman mo baka bigla kang umalis."
Ininom ko ang milk tea ko. "As long as hindi tayo makikipagkita kay TOP, sasama ako sa'yo."
"Okay. May gusto lang akong hilingin."
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Kahit ngayong araw lang, kalimutan muna natin ang pangalan na 'yan."
***
Dinala ako ni Red sa isang bar. Puno ng nagsisiksikang katawan sa gitna. Lahat sila sumasayaw nang magkakadikit ang mga katawan na parang nilagyan ng glue. Malakas din ang tugtog. Medyo wild ang mga tao. Yung iba naman nag-iinuman lang sa kanikanilang table. Cocktail ang ibinigay sa'kin ni Red. Nakaupo kami sa harap ng bartender. Ang sabi nya kailangan daw namin bawasan ang stress sa katawan namin. Kaya nandito kami dahil ito daw ang solusyon.
"Pre, ipakilala mo naman ako," sabi ng bartender kay Red.
"Samantha meet Enzo, Enzo si Samantha. Sya ang fiancee ko kaya hwag kang magkakamali loko," sabi ni Red kay Enzo na may warning tone.
"Chill," itinaas ni Enzo ang dalawang kamay nya na parang naka-surrender.
"Ingat ka kay Enzo, madaming nabibiktima yan," pabirong sabi ni Red sa'kin.
"DUDE! Ako ba o ikaw? Mas madami kang biktima—Opps! Sorry," sabi sa'kin ni Enzo na mukhang guilty.
Nag-roll ng mata si Red. Ngumiti ako.
"Okay lang. Alam ko naman ang tungkol sa mga affairs nya. Casanova sya di'ba? Alam ko ang bagay na 'yon tungkol sa kanya," nakangiting sabi ko.
Parang hindi makapaniwala sa narinig si Enzo at tumingin kay Red.
"Ikaw ang pinakamalaking gago sa mundo kapag pinakawalan mo ang babaeng ito," nakangiting sabi ni Enzo kay Red.
Tumawa lang si Red at ipinilig ang ulo. Ininom nya ang beer nya.
"Siraulo sa tingin mo hindi ko alam?" sagot ni Red.
Nagulat ako sa sagot nya. Tumawa nang malakas si Enzo. Agad akong namula.
"Mabuti naman dahil unang beses ko palang makita ang fiancee mo na pumasok sa bar ko, gusto ko na syang agawin sa'yo. Man, you one lucky b@stard!" sabi ni Enzo.
Naubo ako sa iniinom ko.
"Gago," sagot ni Red.
Tumawa si Enzo. May mga lumapit na customers kaya naman nalipat ang atensyon nya. Tumalikod si Enzo at nagserve ng drinks sa mga customers.
"5% alcohol lang pinalagay ko sa iniinom mo, hindi ka malalasing hwag kang mag-alala."
"Gusto ko ng Martini," sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka?"
"Oo, wala ka naman balak iwan ako dito diba? Kapag nalasing ako ikaw na bahala sa'kin."
"Pero Samantha—"
"Sabi mo nandito tayo para magtanggal ng stress at mag-enjoy?"
"Tsk! Oo na, panalo ka na."
"Yay!" I clapped my hands.
"Parang bata. Ang cute!" Bigla nyang pinisil ang pisngi ko.
"A-Araaaaay!!"
"Hahaha! Yow Enzo! Ano sa tingin mo? Cute ba ang fiancee ko?" tanong ni Red habang hawak parin ang pisngi ko.
Napatingin sa'kin si Enzo.
"Oo na cute na sya. Bitawan mo na ang pisngi nya bago pa masira, namumula na," turo ni Enzo sa pisngi ko.
Binitawan ako ni Red. Hinimas ko ang pisngi ko at binigyan ng evil glare si Red. Lasing na siguro 'to.
"Oo nga pare ang Cute nya. Hahaha!" sabi ni Enzo.
"Martini daw para sa kanya."
"Roger that!" at inasikaso na nya ang drink ko.
"Babe!" napatingin ako sa sumigaw.
May isang babae ang kumapit sa braso ni Red.
"Denka," ngumiti nang malapad si Red sa babae.
"Ang tagal kitang hindi nakita. Na-miss kita Babe." Hinimas nya ang chest ni Red.
Awkward. Ininom ko nalang ang martini ko na ibinigay ni Enzo. Sa tingin ko naaawa sa'kin si Enzo dahil binigyan nya ako ng apologetic look para sa kaibigan nya. Ngumiti lang ako.
"Kami na ni Luke Babe! So hindi na ako makakadalaw sa condo mo."
"Wow! Sinagot ka na pala ng lokong 'yon sa wakas?"
"Oo eh. Mamimiss ko ang pagkain ng luto mo sa condo mo," she gave him a seductive look.
Bigla akong nasamid at naubo.
"Samantha okay ka lang?" hinimas ni Red ang likod ko.
"Yeah. I'm alright."
"Sino naman sya? You're with her?" tanong ng babae na nakatingin sa akin.
"Yup!" sagot ni Red habang nakangiti.
Tinignan ako ng babae from head to toe.
"Nagbago ka na ng type?"
"What do you mean?"
"Mukha syang...inosente. O baka naman mukha lang?"
"Denka.." he groaned.
"Is she your new bedwarmer?"
This time si Red ang umubo. Ano raw ako?
"Takte! Hindi 'yon ganon! Si Samantha, fiancee ko. Alam mo na 'yon."
"Ooohh. Kaya ka siguro matagal hindi nagparamdam sa'kin. Anyway I must be going then, naghihintay pa sa'kin si Buhay Ko eh," she kissed him on the cheek.
"Buhay ko? Yan ang tawag mo sa kanya? Baduy."
"You don't care. Goodluck taming this brute Samantha," she said to me "By the way Jared. Your body is still a wonderland."
Pinanood kong umalis ang kaibigan ni Red. Wow! I'm speechless.
"Old habbits die hard eh?" komento ni Enzo.
"Shut up Enzo," sagot ni Red.
"Tsk. Tsk. Tsk"
"Shes really...pretty," sabi ko.
"You're too good for this wild goose Samantha. Marry me instead?" pabirong alok ni Enzo sa akin.
"Gago! Umalis ka na nga!" naiinis na sabi ni Red.
"Pinapaalis mo ako sa sarili kong bar? Ayos ka ah."
"Magtrabaho ka na lang.. Ang daldal mo!"
Natawa ako sa kanilang dalawa.
"Samantha alam mo kanina ko pa iniisip kung saan kita nakita. Mukha ka kasing pamilyar eh.." sabi sa akin ni Enzo habang nag-iisip.
"Talaga?" tanong ko.
"Oo. Naalala ko na! Noong minsang nakita ko ang wallet nitong si R—hmmpphh!!"
"Ang daldal mo talaga Enzo. Lasing ka na ba? Kung ano-ano na namang kwento ang sinasabi mo," sabi ni Red habang nakatakip ang kamay nya sa bibig ng kaibigan nya
"Hmmmppphh!" pilit na tinatanggal ni Enzo ang takip sa bibig nya.
Ang weird naman nila.
"Uhh. Teka lang ha. Pupunta muna ako sa ladies room," paalam ko.
"Gusto mo bang samahan kita?" nakangiting alok ni Red.
"Hindi na."
Umalis na ako. Nahirapan akong makarating sa ladies room dahil ang dami ng tao. Pumasok ako sa loob at ginawa ko ang ipinunta ko doon. Lumabas din ako kaagad. Maglalakad na sana ako ulit nang may mahagip ang mga mata ko. May dalawang figure ng tao ang nasa may corner at naghahalikan. Their bodies were grinding each other and they were practically eating each others face. Pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit ko sila pinapanood. Dahil sa kilala ko ang isa sa kanila. Si TOP 'yon, hindi ako pwedeng magkamali. Napako ako sa kinatatayuan ko, kahit ano'ng pilit ko na umiwas ng tingin at umalis ay hindi ko magawa.
Si TOP... Si TOP nga talaga 'yon. He was responding to her kissess and to her every touch. For a second there nakita kong bumukas ang mga mata niya at napatingin sa direksyon ko. Pero parang wala lang sa kanya na malaman na nakikita ko sila ngayon. Wala lang sa kanya. Nawala na sila sa paningin ko nang pumasok sila sa isang VIP room. Parang nabasag ang puso ko. Hindi ako makahinga.
*JARED DELA CRUZ*
Ang tagal ni Samantha.
"Para ka naman hindi sanay sa mga babae," sabat ni Enzo na nagmi-mix ng drinks.
"May sinabi ka?" tanong ko at ininom ang beer ko.
"Tsk! Ang sinasabi ko lang, hwag kang palinga-linga dyan. Babalik din kagad 'yon. Para ka naman mawawalan ng—"
"SAMANTHA!" tawag ko ng makita ko sya.
"Tsk Tsk Tsk," umiling nalang si Enzo.
"Red." May mali sa kanya. Namumutla sya at parang matutumba.
"Ano'ng nangyari?"
Bigla nalang tumulo ang luha nya.
"Red. Si—Si—" Hindi na nya maituloy ang sasabihin nya. Lumapit sya sa'kin at umiyak sya sa dibdib ko. "N-Nakita ko sya. N-Nakita ko sya...may babae. H-Hindi na nya ako.." Napahagulgol sya ng iyak.
Niyakap ko nalang sya. Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak. Pero may kutob na ako nang makita ko si TOP di kalayuan na nakatingin sa'min ngayon. Kung nakamamatay lang ang tingin. Ano'ng ginawa nya kay Samantha? Kailangan kong ilayo si Samantha dito.
Ano'ng ginawa nya kay Samantha? Kailangan kong ilayo si Samantha dito