Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 114 - Chapter One Hundred-Fourteen

Chapter 114 - Chapter One Hundred-Fourteen

Suot ko ang isang eleganteng white with gold linings na dress. Three inches above the knee at one shoulder strap. All in all mukha akong cast sa isang pelikula, isang greek goddess.

Sa bahay mismo namin ang party. Ang Perez Estate. Mala-fairytale ang theme ng ball. Mostly gold color ang design ng paligid. May mga nakahilerang malalaking crystal chandeliers sa itaas. May orchestra rin na tumutugtog sa stage. May sumasayaw sa gitna. Nag-simula na ang party kanina pa. Kinakabahan ako.

Hindi ko pa nakakausap sina Mama at Papa tungkol sa fiance ko. Ang dami nilang kausap. Ang daming nakapaligid sa kanilang mga importanteng tao. May ilang media rin ang kasama sa party. Mga importanteng tao mula sa ibat-ibang parte ng Asia. Isa ito sa mga pinaka-hihintay na event. Ang pag-sasama-sama ng mga itinuturing na maharlika. Kaaway man o hindi. Nagtatawanan sila na akala mo sila na ang pinaka-close na magkaibigan.

Sumasakit na ang ulo ko. Wala ang Crazy Trios. Mayaman sila pero hindi ganon kayaman ayon sa standards nila Papa. Kasama sa party na ito ang Top Ten Most Succesful Businessmen around Asia. Kasama ng mga imbitadong 'yon ang pamilya nila, lalo na ang mga anak nila. Dahil sa pagtitipon na ito, gusto rin nilang maghanap ng possible partner para sa mga anak nila. At iyon ang pino-problema ko. Kanina pa ako sinusundan ng mga lalaki dito. Gusto nilang isayaw ako. Kanina pa ako nagsasayaw. Naka-anim na ako sa loob ng isang oras. Walang tigil na waltz.

"Sorry boys but you have to find someone else to dance with. I'm taking her away for a little girl talk," sabi ni Audrey sa mga lalaking nakapaligid sa akin.

Naka-suot ng red seductive dress si Audrey. Tube style, floor length dress na may mahabang slit sa gilid. Biglang naglaway ang mga lalaki sa paligid ko. Hinila ako ni Audrey palayo sa kanila.

"Gosh! Is it just me or we're just surrounded by horndogs? It's impossible to find a guy here who can sweep me off my feet."

"Wow, Audrey! Ano'ng nangyari sa nerdy look mo?"

"I'm not a nerd."

"Really?" tumaas ang isang kilay ko.

"Ugh. Dahil lang sa nagsusuot ako ng salamin sa school nerd na agad ako? Well sorry for not choosing contacts over eyeglasses."

"Wow Audrey, sensitive ka pala."

"Is that how you say 'thank you' to someone who just saved you from a pack of wolves?"

"Hehe. Uhm. Thanks. So kumusta naman ang gabi mo?"

"Don't ask."

Inabutan ako ng wine glass ni Audrey galing sa server na palakad-lakad sa paligid na may dalang drinks. Yung ibang server may dalang foods na nakatusok sa toothpick. Actually may mga buffet tables naman. Ang kaso mukhang mas gusto nilang uminom ng wine.

"So ano ang main event?" tanong nya habang paunti-unting iniinom ang kanyang wine.

"I don't know."

"Surprise. Surprise."

"Sino sa tingin mo ang papasa sa taste mo? Sa dami ng lalaki rito siguro naman may nagustuhan ka?" pag-iiba ko ng usapan.

"Well that one," she pointed to the blond with blue eyes. "Is Alexander Charleston. Young, smart and very handsome."

"Yeah. He's not that bad."

"He's gay."

"Oh."

"That one," she pointed to the raven hair japanese looking guy across the room. "Hiro Yamamura, he's from the wealthiest clan in japan."

"Handsome."

"Yeah. He's a masochist"

"Huh?"

"Quite crazy if you ask me. Nakakaramdam sya ng arousal kapag sinasaktan sya."

"Pano mo nalaman?" mabuti nalang hindi ko iniinom ang wine ko dahil siguradong lalabas 'yon sa bibig ko.

"Kung umiikot ka at nakikinig sa mga gossipers dito, walang sikreto ang hindi maitatago."

"Oh." Tumango tango ako.

"And ang pinaka-interesting na nalaman ko ay tungkol sa'yo."

I coughed. "Ano naman ang tungkol sa'kin?"

"Hmm. Malalaman mo sa main event."

May lumapit na lalaki at niyaya si Audrey na makipag-sayaw. Tumugtog ang isang mabagal na kanta ng isang babae.

My life before you was full of pretensions

I lived as a princess with silver forks in mouth

It was perfect but not wonderful

Iniwan ako ni Audrey at sumama sa partner nya. Tumingin ako sa paligid. Napansin ko na ako lang ang nag-iisa rito. Matagal pa ba matatapos ang party na 'to? Kung umalis nalang kaya ako? Lumipat ako sa mas tagong parte para hindi ako makita ng iba.

Tumingin ako sa mga nagsasayaw. Ayokong makita ako ng mga lalaking nakapaligid sa akin kanina. Ayokong makipagsayaw sa kanila. Nilibot ko pa ang tingin ko sa paligid. Hindi lang naman ako ang wallflower dito, may ilan din. Kakatingin ko sa paligid parang may nakita akong pamilyar na mukha.

As you walked towards me, I saw the lightest darkness

You have freed my soul from wounds and sadness

It wasn't perfect but wonderful

Kumurap-kurap ako at tinitigan nang mabuti ang matangkad na lalaki sa kabilang dulo. Kamukha nya si Timothy. Pero hindi sya 'yon. Ano naman ang gagawin nya dito? Hindi sya 'yon. Namalikmata lang siguro ako. Palagi ko kasi syang iniisip eh.

Pinanuod ko sya, hindi sya nakatingin sa akin. Parang may hinahanap sya. Hinahanap siguro nya ang date nya. Hmm. Tumingin sya bigla sa direksyon ko at ngumiti. Nagulat ako. Ako ba ang nginitian nya? Tumingin ako sa likod ko. Kurtina. Tumingin ulit ako dun sa lalaki. Yung buhok nya color mais, pale yellow, naka-white tuxedo sya na may blue rose sa kaliwang dibdib. Mula sa malayo mas lumapad yung ngiti nya. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang nginitian nya kaya umiwas ako ng tingin. Parang kinakabahan ako.

Parang may butterflies sa stomach ko. May kamukha sya. Lumakad sya palapit sa'kin. Mas lalo akong kinabahan. Pinanood ko lang syang maglakad. Ano ba ang tamang word para i-describe ang paglalakad nya? Parang lumulutang sya sa hangin, napaka-gaan ng mga hakbang nya.

However our flaws perfect our world

"Love, I'm looking at you," sambit nya habang nakatingin nang mabuti sa mga mata ko.

"T-Timothy?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"How come you're here?" Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

"You don't want me here?"

"N-No. I'm happy to see you," I smiled.

"Shall we?" inilahad nya yung kamay nya sa'kin.

Because it feels like a perfect day when I'm with you

Your voice when you whispered Miracle sounds so true

Ngumiti ako at hinawakan ko ang kamay nya. Pumunta kami sa gitna ng hall at nagsimulang magsayaw.

As if I am a blessing that helps you see the light

It is so wonderful to see our world shines so bright

"Your hair is blonde." Titig na titig ako sa buhok nya.

"So you noticed."

"Looks good on you." Bumalik sa mga mata nya ang tingin ko.

"I had a nightmare. You were dancing with a young man with light blonde hair."

"That's why you changed your hair?" I giggled.

"I was trying to change that nightmare into a reality, just not the part where you were dancing with another guy."

"You're such a cheeseball. I love you."

Ngumiti sya at umiling. Kita ko ang kislap sa mga mata nya habang nakatingin sa'kin.

"I didn't know you were coming," sabi ko.

"You knew. You just forgot."

"What do you mean?"

"Your family invited us, remember?"

And it all came crashing down on me. Pano ko nakalimutan? Invited nga pala sila! Invited ang pamilya nila! Kung ganon kapag in-announce na ang engagement ko, nandito sya? No. Bakit kailangan pa nilang i-invite ang pamilya nila Timothy? Gusto ba talaga nila Mama na masigurado ang lahat?