Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 112 - Chapter One Hundred-Twelve

Chapter 112 - Chapter One Hundred-Twelve

"Miss Samantha may mga bisita po kayo," sabi ng maid.

Ibinaba ko ang picture frame na hawak ko. Ang picture namin ni Timothy.

"Sino?"

"Sina Miss dela Vega po."

"Sabihin mo busy ako, hindi ko sila mahaharap ngayon."

"Pero Miss import—"

"Sabihin mo busy ako," matigas kong ulit.

"Sige po Miss," sagot nya at umalis na.

Ang Crazy Trios. Kailan ba sila titigil sa pagpunta dito? I sighed. Two weeks na akong nagkukulong dito sa bahay. Ang tagal ko na nga palang hindi nagpapakita sa kanila. Sa bahay lang ako. Hindi ito sapilitan katulad ng dati. Ako mismo ang may gusto nito. Mas mabuti nang ganito.

Ayoko munang may makita na kahit sino. Si JG lang ang tinatanggap kong bisita.

'knock.knock'

"Come in!"

Bumukas ang pinto.

"Princess?"

"Kuya." Pumasok sa kwarto ko si Kuya Lee.

"Hanggang kailan ka magkukulong dito?"

"Hanggang sa makalimutan nila ako."

"That's not possible."

"Ano'ng oras darating ang damit ko?"

"Princess," he sighed.

"Kailangan ko nang isukat 'yon, bukas na ang party."

"Supposedly three in the afternoon."

"Good. Sina Mama at Papa ano'ng oras darating?"

"Tomorrow morning."

"Okay."

Isasara na sana nya ang pinto pero napatigil sya. "Princess are you okay?"

"Of course I am okay. I am great. Never been better," sarcastic kong sagot.

Ilang beses na ba nyang itinanong sa'kin 'yan? Ilang beses ko nang sinagot ang tanong na 'yan. Syempre hindi ako okay. I am miserable. Ang sakit sakit ng puso ko, hindi ko nga alam ang gagawin ko para mawala ang sakit eh. Si Timothy lang kasi ang gamot. Kisspirin at yakapsule.

"Come here," sabi nya at ibinuka ang dalawang braso nya para sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap nya ako. "I know what it feels like. I just want you to know that I'm here, always."

"I know Kuya. Thank you."

"No need to thank me."

"Still."

He patted my head and left the room. Bukas na. Bukas ko na malalaman kung sino ang fiance na ibinigay sa'kin ng parents ko. Ang dahilan kung bakit ko iniwan si Timothy. Bumalik ako sa ginagawa ko kanina. Tinitigan ko ulit ang picture namin ni Timothy habang nasa hill kami. Mabuti nalang nakuhanan ko ng picture ang mga sarili namin bago kami maghiwalay.

'knock.knock'

Tsk! Naman! Bakit ang daming kumakatok?! Binuksan ko ang pinto.

"Miss Samantha may bisita po ulit kayo."

"Sabihin mo busy ako."

"Pero Miss—"

"Sa susunod na may maghanap sa'kin sabihin mo, umalis ako."

"Pero Miss—"

"Basta yun ang sabihin mo," sabay sara ng pinto.

Naman! Hindi ba sila nakakaintindi na ayaw ko munang makipag-usap sa kahit na kanino? Pareho lang naman ang mga itatanong nila eh. 'Okay ka lang 'ba?' paulit-ulit na lang ang mga tanong nila. Ano ba ang gusto nila? Na aminin ko na hindi ako okay? Tapos makikita ko na malulungkot sila para sa'kin? Ayoko nang ganong pakiramdam.

Ayokong mag-isip. Ipinikit ko ang mata ko at nakita na naman ang mukha ni Timothy. Minulat ko kagad ang mga mata ko at bumangon. Lagi ko syang nakikita sa tuwing ipipikit ko ang mata ko.

BAAM!!

Nagulat ako nang padabog na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok ang hindi ko inaasahang bisita. Napatayo ako mula sa pagkakaupo. Isinara nya at ni-lock ang pintuan. Humarap sya sa'kin at ngumisi.

"Audrey what are you doing here?"

"Funny. I should ask you the same," sagot nya habang nililibot ng tingin ang kwarto ko.

"Wala ako sa mood na makipag-usap."

"Pwes makinig ka sa sasabihin ko!"

"MISS SAMANTHA!! AYOS LANG PO BA KAYO?!" sigaw ng maid sa saradong pinto.

Mukhang nagkakagulo sa labas. Ito ba ang bisita na sinasabi ng maid kanina?

"Hanggang kailan ka magtatago mula sa'min Samantha?"

"Wala ka na ron."

"Ang selfish mo talaga."

"Leave me alone!"

"Don't be like that, matapos kong mag-sayang ng oras para puntahan ka? Paaalisin mo lang ako kagad?"

"Oo," sagot ko.

"Freakin stubborn heartless—"

"—Bitch?" I cut off.

"No. Coward."

"MISS SAMANTHA!!! KUKUNIN PO NAMIN ANG SUSI!!!" sigaw ng mga maid at narinig ko ang mga yabag nila.

"Wow! Mukha ba na papatayin kita at ganon sila kumilos?"

"Oo kaya umalis ka na bago pa sila tumawag ng pulis."

Nagtitigan kami nang matagal. Bumuntong hininga ako at umupo sa sofa. Sumenyas ako na umupo sya sa futton.

"Ano ba talaga ang ipinunta mo rito Audrey?"

"Alam mo na kung ano," tumaas ang isang kilay nya.

"Kung tungkol ito sa kanya, please get out. Ayoko nang isipin pa sya."

"Two weeks kang hindi nagpakita, pinapatay mo sya."

"Please Audrey."

"Noong first week kung anu-anong dahilan ang sinabi sa kanya ng mga kaibigan mo. Second week halos mabaliw na sya sa pag-iisip kung bakit hindi ka nagpapakita. Alam mo ba na hindi na sya napunta sa practice nila? Palagi syang naka-abang sa bahay nyo ng tatlong baliw mong kaibigan. Don't be surprised if makikita mo sya sa tapat ng gate mo ngayon. Ganon na sya kadesperado na makita ka. What is wrong with you Samantha? Atleast sana hwag mo syang pagmukhaing tanga na naghihintay sa wala!"

"Audrey! Kung pumunta ka rito para sabihin sa'kin kung gaano sya ka-miserable ngayon, pwede ba?!" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Pwede ba na ano?" Tumaas ang isang kilay nya.

"Ayokong marinig! Umalis ka na please."

Tumahimik sya at tumayo. Akala ko aalis na sya pero..

"YAN ANG HIRAP SA'YO SAMANTHA! PALAGI KA NALANG UMIIWAS KUNG PWEDE MO NAMAN HARAPIN!! TUMATAKBO KA SA BAGAY NA ALAM MONG HINDI MO KAYANG IWAN!! BAKIT MO SYA PINAPAHIRAPAN NANG GANITO?! KUNG IIWAN MO SYA, GAWIN MONG MALINIS!! HINDI KATULAD NITO NA WALA KAYONG CLOSURE!! UMAASA SYA SA WALA!! PINAG-MUMUKHA MO SYANG TANGA!!"

Closure. Masyado akong natatakot gawin yon. Tinitigan ko sya. Ang talim ng tingin nya sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Sampalin mo na ako."

"A-Ano?"

"Dito oh," itinuro ko ang kanan na pisngi ko. "Sige na, alam ko naman na 'yon talaga ang gusto mong gawin kanina pa."

"Samantha!"

"Isang beses lang 'to Audrey, samantalahin mo na. Hindi ako gaganti."

"Ch. You're unbelievable."

And she slapped me.

"Shiz!" SHIT, THAT HURTS!

Ngumiti sya nang sobrang lapad.

"Oww.."

"Such a baby."

"Mahinahon ka na ba?"

"Yes!" ngumiti na sya.

"Good. Makakaalis ka na."

"Gosh! Di ka naman atat na itaboy ako 'no?"

"Wala ka na naman sasabihin pa di'ba?"

"Meron pa."

"Hwag mo nang sabihin."

"You know what? Fine! Your loss is my gain."

"Whatever."

"Try not to be such a bitch next time I visit you."

"Tell that to yourself Audrey."

"I don't have to," she smirked "I am one."

With her head held high she walked out of the room. Pagkaalis ni Audrey natahimik din ako. Pero saglit lang ang katahimikan ko dahil may muling kumatok sa pinto ko. Eesh! Ano na naman?! Parang awa nyo na, tantanan nyo na ako!! GUSTO KO NANG MAGPAHINGA!!

"Okay! Pasok!" Kung sino ka man.

"Miss Samantha may—"

"Bisita na naman?"

"H-Hindi po Miss. M-May tawag po para sa inyo."

"Ah ganon ba? Okay."

Pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan nakakonekta ang tawag sa telephone.

"Samantha speaking."

[SISTER-IN-LAW!!!] may sumigaw sa kabilang linya.

"Sweety?"

[SISTER-IN-LAW!! SI TIMOTHY NAGSU-SUICIDE!! WAAAAAHH!!]

"A-ANO?! S-SUICIDE?!" Lumaki ang dalawa kong mata.

[Oo! Please puntahan mo sya here sa condo nya! Now na!]

"O-Oo pupunta na ako!"