Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 76 - Chapter Seventy-Six

Chapter 76 - Chapter Seventy-Six

"Nakita mo ba?" tanong sa'kin ni TOP kinabukasan.

"Hindi."

"It's okay Miracle, hindi kita kakasuhan, no worries."

"Argh! Wala nga akong nakita! Nakakainis ka na ah!" binato ko sya ng unan.

"Ah! Hindi mo kailangan maging pikon Wifey," nasalo nya yung unan.

"Kakainis ka kasi eh! Niloloko mo ako."

"Hindi kita niloloko Wifey."

"Eh ano?"

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Ngumisi sya nang nakakaloko.

"You jerk!" kinuha ko yung unan at hinabol sya.

"Bakit ka ba nahihiya aminin ang totoo?" tanong nya habang tumatakbo paikot sa living room.

"Wala nga akong nakita sabi!"

"Kapag ikinasal na tayo makikita mo rin yon kaya-" hinagisan ko sya ng unan sa mukha.

"SHUT UP!!" kinuha ko yung unang bagay nakita ko.

"Miracle, what are you going to do with that lamp shade?"

"I'm gonna throw it to you?" patanong na sagot ko.

Natahimik sya.

"Hehehe!"

"Okay, I'll stop teasing you. Just put that down."

"You promise?" tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Yes," seryosong sagot nya.

"Okay," binalik ko na yung lamp shade sa dating pwesto nya. "Hubby."

"Ano?"

"I'm hungry."

"I'll cook."

***

"Miracle hindi mo kailangan dumikit sa'kin."

"Eeehh. Natatakot ako sa you-know-what."

"Ang taas ng sikat ng araw, hindi ka guguluhin non."

"Pano mo alam?" Tumingin tingin ako sa paligid.

"Dahil sinabi ko."

"Kilala mo ba kung sino yun?"

"Hindi."

"Gano na katagal na nandito sya?"

"Matagal na."

"So meaning matagal na sya dito at sanay ka na makita sya kaya hindi ka natatakot?"

"Hindi, hindi lang talaga ako natatakot sa kanya."

"Kanino ba 'tong beach house?"

"Miracle.."

"Bakit hindi mo masabi?"

"Dahil kapag nalaman mo, magtatanong ka lang nang magtatanong."

"Naiinis ka ba kapag nagtatanong ako?"

"Hindi."

"Eh bakit ayaw mong sabihin?"

Nagkibit balikat lang sya at ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Napaka-malihim mo talagang tao."

"Sasabihin ko din sa'yo kapag kailangan mo nang malaman."

"Kailan naman kaya yun?"

"Soon."

'Ding-Dong'

"May tao! Um-order ka ba ng pagkain?"

"Hindi."

"Sino kaya yun?"

Kumunot ang noo nya. "Miracle, stay here," tinangal nya yung apron nya.

"Sasama ako," tumayo ako sa silya.

"No. Just please, stay here," seryoso nyang sabi.

Tinignan ko sya. Mukha syang may itinatago. Pinanuod ko syang lumabas ng bahay. Sino kaya yung nasa labas? Kaibigan nya siguro. After ten minutes hindi parin sya bumabalik. Sumunod ako sa labas ng bahay. Nagtaka ako nang hindi ko sya nakita.

"TOP!!" tawag ko, tumingin ako sa paligid, wala sya. "TOP!!"

Lumabas ako ng gate at tumingin sa magkabilang direksyon. Wala parin sya. Nasaan na sya? Iniwan nya ba ako dito? Hindi naman nya gagawin yon. Tumingin ako sa bahay. Ayokong maiwan sa loob nang mag-isa. Kahit na sinabi ni TOP na hindi ako gagalawin ng multo don, natatakot parin ako. Kaya naman nagdesisyon kong pumunta sa dalampasigan. Baka nandon si TOP. Hindi naman posible na masundan kaagad kami ni Kuya Lee unless may nakakita sa amin na umalis ni TOP.

May cottage akong nakita kaya doon muna ako umupo. Walang tao sa paligid. Nasaan kaya si TOP?

Sigh. Ang hangin. Ang lamig naman dito. Naka-PJ's pa naman ako. Medyo manipis. Tinignan ko lang yung dagat. Ang ganda. Yayain ko kayang mag-swimming si TOP minsan?

"AACCHHOOO!!" bumahing ako bigla.

"Pagpalain ka hija." Sino yun?

Tumingin ako sa gilid ko.

"Ano'ng ginagawa mo rito sa labas nang mag-isa hija?" tanong ng matandang babae.

"Uhh. Nagpapahangin lang po."

"Ahh. Ikaw ba yung kasama ni Sir Timothy doon sa beach house?"

"K-Kilala nyo po si TOP?"

"Aba ay oo, napaka-bait na bata nun. Lahat nang nakatira dito kilala sya."

"M-Mabait?"

"Minsan tumutulong sya sa mga mangingisda rito. At napaka-bait sa mga bata nun," naka-ngiting sabi ni manang.

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. May ibang side ng pagkatao si TOP na hindi ko pa talaga alam.

"Napaka-swerte mo sa batang yun," naglakad si Manang, mukhang paalis na. "Ay oo nga pala! Hinahanap ka yata nya."

"Nasan po sya?"

"Nasa bahay nyo, sige hija, mauna na ako."

"Ingat po!"

Bumalik na ako sa bahay. Bubuksan ko na sana yung pinto nang biglang bumukas.

"Woah!" nagulat naman ako.

"Saan ka galing?"

"Dyan lang.. Hinanap kita, ang tagal mo kasi sa labas."

Niyakap nya ako bigla. Ang lakas ng tibok ng puso nya.

"Tinakot mo ako. Akala ko...may nangyari sa'yong masama," bulong nya.

Niyakap ko nalang din sya.

"Sorry," sabi ko.

"Mag-asawa ba sila, ate?" may biglang nagsalita.

"Hindi! Ako ang papakasalan ni kuya Timothy di'ba?"

Humiwalay ako kay TOP at tumingin sa nag-salita. May dalawang bata ang nakatingin sa amin. Isang batang babae na mukhang seven years old at batang lalaki na five years old.

"TOP, bakit may mga bata dito?"

Pumunta kami sa kusina ni TOP.

"Mga apo ni Lola Lucilla."

"At anong ginagawa nila dito?"

"Naospital ang tatay nila at papunta ngayon don ang lola nila kaya iniwan dito ang mga bata."

"Gaano katagal?"

"Hindi ko pa alam."

"You have got to be kidding me." Ayoko sa mga bata.

"Kuya! Kuya! Nuod kami ng tv!" sabi ni Tommy na hinihila pa ang kamay ni TOP.

"Oo nga kuya! Nuod tayo!" sabi ni Lenny.

"Okay," sagot ni TOP.

"I cannot believe this," bulong ko.

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito! NO!! May mga bata dito sa bahay!! I HATE KIDS!!

"Ate! Gutom na ako.." nagulat ako nang biglang pagtingin ko sa ibaba nandon si Tommy.

"Oh? Tapos?"

"Gusto ko patteti"

"Ano?" Huh?

"Wifey, ipagluto mo raw sya ng spaghetti!" sigaw ni TOP mula sa sala.

"Ako?! Magluluto?! Hindi ako maid!"

"Miracle!" saway nya sa'kin.

"Sabi ko nga kikilos na."

"Ate tulungan kita!" sumunod sa kusina si Tommy.

Ang kulit. Kumuha sya ng silya at tumuntong dun tapos inabot nya yung pasta. Bakit alam nya yun?

"Ito po ate!" sabay bigay nya sakin.

"Ano'ng gagawin ko dito?"

"Papakuluan katulad ng ginagawa ni kuya."

"Ano ba 'yan? Baka mapaso pa ako."

"TOMMY!! Si Spongebob oh! Dali!" tawag ni Lenny.

Tumalon pababa ng silya si Tommy tapos tumakbo palabas ng kusina. Pero sa hindi ko malaman na dahilan, bigla syang nadapa. After three seconds, umiyak sya. At hindi basta iyak. Super mega hyper sonic wave na bumasag sa ear drums ko!

Pinanuod ko lang si Tommy na umiyak. Nasa sahig parin sya, wala ba syang planong tumayo? Tapos biglang nagsulputan sa kusina sina TOP at Lenny.

"Ano'ng nangyari?!" lumapit si TOP kay Tommy at binuhat.

"WAAAAAAAHH!!"

"Miracle, ano'ng nangyari?" yung tingin nya parang nang-aakusa.

"Hoy! Hindi ako ang nagpaiyak dyan ha!" sabi ko.

"Sshh.. Tommy tahan na," sabi ni Lenny sa kapatid nya.

"WAAAAAHH!! MOMMY!!"

"Tommy," mukhang iiyak din 'tong si Lenny.

I don't get it. Ang mga bata kapag umiyak yung isa, iiyak pati yung isa. Ugh! Kainis! Ang ingay!

"WAAAAAHH!! MOMMY!!" then tinuro ako ni Tommy, parang inaabot ako.

Biglang lumapit sakin si TOP karga yung bata.

"Oh bakit?"

"Mommy daw," sabi sa'kin ni TOP.

"Oh?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Kargahin mo muna. Ipag-hele mo hanggang kumalma."

"ANOOO?!" sigaw ko.

"WAAAAAAHH!!" lalong lumakas yung iyak nya.

"Miracle."

"Ayaw!" sagot ko.

"M-Mommy..*sniffs*" si Lenny, mukhang malapit na din umiyak.

"Miracle!"

"ARGH! Akin na nga!" kinuha ko si Tommy mula kay TOP, binuhat ko.

"Tahan na nga!" sabi ko kay Tommy.

"Miracle!"

"Oh bakit na naman ba?"

"Hindi ganyan."

"Eh bakit kasi binigay mo sakin, hindi naman ako marunong eh!"

"Mommy daw kasi."

"Ugh!" dinala ko si Tommy sa sala.

Umupo muna ako sa sofa. Sumunod sa amin si Lenny. Nasa lap ko si Tommy. Nabasa na yung suot ko. Biglang tumahimik si Tommy. Nang tingnan ko, nanunuod na ng tv. Tumigil sa pag-iyak. Buti naman. Si TOP naman naiwan sa kusina. I think nagluluto sya nung patteti. Nakalimutan ko. Hindi pa nga pala ako nakain. I'm starving!

"Let's eat!" after what felt like a decade, sumigaw si TOP mula sa kusina.

"YEHEY!!" tumakbo yung dalawang bata sa kusina.

Mga bata.