Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 69 - Chapter Sixty-Nine

Chapter 69 - Chapter Sixty-Nine

Pinanuod ko syang lumayo. Naghihintay sakin si JG. Pero nasa harapan ko ngayon si TOP. Ano ang gagawin ko? Susundan ko ba si TOP? O babalik ako kay JG? Ugh! This is so freaking frustrating! Sino?! Kanino ako pupunta?! Si JG o TOP?

Sammy and Gabby day ngayon. Sya dapat ang kasama ko at hindi si TOP. Kaya sa tingin ko si JG ang dapat kong puntahan. Pero...

"Hubby! Sandali!" hindi ko natiis at hinabol ko ulit si TOP.

Pag-takbo ko may mga nakabunggo akong grupo ng mga babae.

"AH!" sigaw ko at napaupo ako sa sahig.

"AHH!" sigaw ng nakabunggo ko. "You stupid! Tignan mo nga ang ginawa mo sa damit ko! Ugh!"

Tumingala ako at nakita ang isang malaking babae na may basang damit. Natapunan ng iniinom nyang soda nang magkabungguan kami. Tumayo ako.

"Sorry!" tinignan ko ang dinaanan kanina ni TOP. Wala na sya ron.

"Sorry?! Yun lang yon?!" sigaw ulit ng babae.

"Sumama ka samin," may humatak sa akin na dalawang babae sa magkabilang braso ko.

"Saan nyo ako dadalhin?"

"Shut up bitch!"

"Walang pumapahiya sa'kin nang hindi nagbabayad!" sabi ng babaeng may basang shirt.

***

Tinulak nila ako patungo sa parking lot. Walang ibang tao.

"Ano ba ang kailangan nyo?" tanong ko.

"Tumahimik ka sabi!" bigla akong sinampal ng isa sa kanila.

Napahawak nalang ako sa pisngi ko. Ang sakit ha!

"Hindi mo ba kilala kung sino ang ipinahiya mo?!" tanong ni Orange girl. Nakasuot kasi sya ng orange shirt.

"Hindi, bakit sikat ka ba?" tanong ko sa babaeng nakabunggo ko.

Mas lalo syang nagalit.

"Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan ha," sabi ng malaking babae.

"Ako?" I smirked. "O baka naman kayo?"

Sinampal nila ulit ako. Isa nalang talaga at hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na patulan sila.

"Isa nalang talaga..." bulong ko.

"Hahaha! Ano?" tumawa sila. "Ano'ng gagawin mo? Iiyak ka na ba kapag sinampal ka ulit namin?" tumawa ulit sila.

"Girls, bakit hindi natin turuan ng leksyon yan, para naman tumatak sa kukote nya kung sino tayo at kung bakit hindi nya tayo dapat na banggain?"

So gusto nila ng away? Mukha silang sanay makipaglaban. Pero kaya ko sila. Siguro? Tatlo lang naman sila. Siguro naman kaya ko sila. Hindi ko pa nasusubukan na makipaglaban sa tatlong babae. Speaking of tatlong babae, nasan kaya ang Crazy Trios?

Nabalik lang ang isip ko sa tatlong babae nang muli nila akong sampalin. Ah shiz! Bakit may nalalasahan akong dugo sa bibig ko? Don't tell me... Hinipo ko ang labi ko, may cut.

Now, pano na ako makakakuha ng kiss mula kay TOP kung hindi na mukhang desirable ang labi ko?! Damn.

"You're gonna regret this... for the rest of you're worthless life," I smirked at them evily. Sino ang uunahin ko?

Nauna si Orange girl. She tried to punch me but I easily dodged it. I caught her arm and I twisted it painfully behind her.

"AHH!" she cried. I kneed her in her stomach. She dropped to the ground gasping for air.

Ang sumunod, yung malaking babae. She tried to kick me, but I caught her legs. Masyado syang mabagal kumilos. Hinila ko ang paa nya and I punched her in the face. She stumbled back and I saw blood in her lips. Now, we're even. I smiled.

Nagulat ako nang may humila ng buhok ko mula sa likod. Shiz! Nakalimutan ko yung pangatlo.

Sinuntok ako ng malaking babae sa mukha at napahiga ako sa semento. Mabilis akong bumangon. Medyo nahihilo ako sa suntok nya. Malakas sya nang hindi hamak kaysa sa akin.

Nakabangon na rin si Orange girl. Nakapaligid sila sa akin na parang tigre na nakahanap ng pagkain. I'm trapped! Holy Shiz. What do I do?