Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 64 - Chapter Sixty-Four

Chapter 64 - Chapter Sixty-Four

"KYAAH! GO SIX!"

"Loser..."

"Ano 'yon Audrey?"

"Tinamaan ka ba?"

Last day na namin dito sa Pendleton High. Ang bilis lumipas ng mga araw. Nandito kami sa Gym, P.E. Naglalaro ang mga boys ng basketball. Maliban kay TOP. Nakahiga lang sya sa bench at naglalaro ng game sa cellphone nya.

"TOP, hindi ka ba maglalaro?"

"Hindi."

"Diba dapat nagpa-practice ka kasama nila? May game kayo sa linggo diba?"

"Hindi na kailangan, kami rin naman ang mananalo," sabi nya habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

"Sinasabi mo lang yan dahil tinatamad ka tumayo. At kung sigurado ka na kayo ang mananalo bakit ayaw mo akong pasamahin?"

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?" umupo sya at tumingin sa akin, tinago na nya yung cellphone nya.

"Oo."

"Sikreto."

"Sabihin mo na!"

"Hindi mo na kailangan pang malaman," tumayo sya at nag-inat.

"Hindi mo talaga sasabihin?"

"Nope."

"At hindi mo rin ako isasama?"

"Yep."

"Psh! Sige bahala ka, makikipag-date nalang ako sa ibang lalaki sa Sunday."

"Okay."

What? Okay lang sa kanya na makipagdate ako sa iba sa Sunday?! Hindi sya affected?! Wala syang pakialam?!

"Ano'ng ibig mong sabihin na OKAY?!"

"Na pwede mong gawin anuman ang gusto mo sa linggo, hwag ka lang makikialam sa game namin. Hwag kang pupunta."

Tinignan ko sya nang matagal. Seryoso lang sya. I can't believe this!

"Seryoso ka?! Okay lang sayo na makipag-date ako sa ibang guy?"

"Gawin mo kung ano'ng gusto mo."

"Fine! Gagawin ko talaga yon!"

"Okay."

"Shut up!"

"Okay."

Mas mahalaga sa kanya ang game na yon kaysa sa girlfriend nya?! What a b@stard! Ano bang meron sa game na yon?! Parang mas nacu-curious akong pumunta.

"Wifey. Galit ka ba?" kinulbit nya ako sa balikat.

"HINDEEE!!!" mataray na sagot ko.

"Okay."

"HEADS UP!!"

Lumipad nang mabilis ang bola sa direksyon namin

Ilag! Nag-duck ako habang nasalo naman ni TOP ang bola na ihinagis ng Coach. Muntik na akong tamaan.

"Pendleton! Tumayo ka dyan, mag-practice ka rito!"

"Yow Coach! Hayaan mo nalang si TOP don. Hindi mo ba nakikita na kasama nya ang girlfriend nya?" sabi ni Red.

"Sigurado naman na hindi mawawala ang girlfriend nya kung magpa-practice sya dito. Mas mabuti nga na mag-practice sya habang nanunuod ang nobya nya hindi ba? Makakapag-pasikat sya."

"Pero Coach e-"

"Bumalik ka sa pwesto mo Dela Cruz. Pendleton pumunta ka rito!"

"Ah shit! You don't have to tell me twice Coach," sagot ni TOP.

"Yeah! Yeah! Hurry up!"

"Hehe! Ayan Hubby mag-pasikat ka na! Go Hubby! Woot! Woot!"

"Hwag kang manuod," tinignan ako ni TOP na parang ayaw nya talaga akong manuod.

"Bakit naman?!" Di ko mapigilan na masaktan.

"Pumikit ka! Hwag kang manunuod."

"Eh! Magpractice ka na nga lang don!" tinulak ko sya.

Nag-jog sya papunta sa team nya, Lucky 13.

"GO HUBBY!" cheer ko.

Binigyan na naman nya ako ng tingin na 'yon. Yung parang hindi nya alam kung ano'ng gagawin nya. Tumingin din sa'kin si Red tapos tinapik nya sa balikat si TOP na parang ine-encourage nya.

*PRRRRTT!!*

Nag-umpisa na ang game. Practice game. Nahati sa dalawang team ang Lucky 13. Ang jump ball ay nakuha ni TOP dahil matangkad sya. Whoo! Go Hubby! Napunta sa team nya ang bola. Si Red ang may dala ng bola, binantayan naman sya ni Jack. Kaya pinasa ni Red kay Six ang bola. Nagkaron ng opening kaya naipasok ni Six ang bola sa ring, two points.

"WAY TO GO TEAM!" sigaw ni Red, nag-appear sila ni Six

"SIX YOU'RE SO HOT!!"

"Bakit hindi mo ipinasa ang bola kay TOP, Red?! Open sya for three-point shot!" sigaw ni Audrey sa kapatid nya.

Napatingin ako kay TOP, nakatingin sya kay Red tapos umiling sya. Ano yun?

"Ano ba ang iniisip ng mga 'to?" tanong ni Audrey.

Nasa kabilang team ang bola at nakapuntos sila ng three points. Napunta kay TOP ang bola, dinala nya sa side nila pero pinasa nya kay Jun, two points. Huh?

Palaging ipinapasa ni TOP ang bola sa mga ka-team nya kahit na walang nakabantay. Actually wala na talaga masyadong nagbabantay kay TOP, maliban nalang kapag itinatakbo nya ang bola. Hindi sya nag-aattempt na mag-shoot, laging pasa.

"GO HUBBY! SHOOT THAT BALL!" sigaw ko.

Ipinasa na naman nya yung bola. Ano ba?! Nakaka-frustrate naman oh! Bakit ayaw nyang mag-shoot?!

"Ano ba ang problema ng boyfie mo Sam? Hindi ba sya marunong mag-shoot?" tanong ni Cheska na ikinairita ko.

"Marunong sya no! Baka wala lang sya sa mood! Tama! Wala sya sa mood!"

"Wala syang gana mag-shoot kasi nanunuod ka. Bakit hindi ka nalang umalis Samantha? Para naman ganahan sya," sabi sa'kin ni Audrey.

"Ang sama mo naman Audrey. Hwag mo ngang inaaway si Sam."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. At ang isa pa mas kilala ko si TOP kaysa kay Samantha. Mas una ko syang nakilala."

"Pano ka naman nakakasigurado na kasalanan nga ni Sam kaya hindi makapaglaro ng maayos si TOP?"

"Kung may mga mata ka, madali lang makita. At ang isa pa wala naman ibang dahilan para magkaganyan sya."

Siguro nga tama si Audrey. Kasalanan ko. Kaya ba ayaw ni TOP na nandito ako at pinapanuod sya? Hindi ba sya komportable na nanunuod ako? Napunta ulit kay TOP ang bola. Naghanap sya ng mapapasahan pero mahigpit ang bantay sa mga ka-team nya.

"Shoot that ball Pendleton!" sigaw ni Coach.

Ihinagis ni TOP ang bola papunta sa ring. Tumama ang bola sa ring at hindi pumasok. Tumalon naman kaagad si Red para i-rebound ang bola. Nag-dunk sya.

"See? I told you, hindi kayang maglaro ni TOP nang maayos."

Tumayo ako mula sa bleachers at bumaba.

"Sam, saan ka pupunta?" tanong ni Cheska.

"Sa washroom lang."

Lumabas ako ng gym. Naalala ko ang unang beses na nakita ko si TOP na naglaro ng basketball. Nang makita nya akong nanunuod nasira ang game nya. Siguro kasalanan ko nga. Ayaw nya ba talaga akong makita kapag naglalaro sya? Kaya ba ayaw nya akong isama sa Sunday? Dumiretso ako sa labas. Hindi ako pumunta sa washroom. Sa likod ako ng gym pumunta. May malaking puno kasi don na pwede kong akyatin at mula r'on pwede kong masilip ang loob ng gym.

Wala naman tao sa paligid kaya umakyat na ako. This is very unladylike. Lagot ako kay Vice Principal kapag nakita nya akong umaakyat ng puno.

"Nice shot Pendleton! Welcome back to the game!" puri ni Coach.

"WAY TO GO TOP!!" cheer ni Audrey.

Si Audrey, gusto ko syang kalmutin sa mukha. Ako dapat ang nagsaasbi nun at hindi sya eh! Nakatapak ako sa isang matabang sanga. Nasilip ko na rin ang loob, just in time, nakita ko nag-shoot si TOP ng three-point-shot. Ang bilis nya tumakbo, ang liksi ng mga galaw nya at ang smooth ng pag-hagis nya sa bola. Hindi man lang tumama sa ring, naka-center talaga sa ring ang bola.

Ngayon napatunayan ko na talaga na hindi nya kayang maglaro kapag nasa malapit ako. Binigyan sya ng tapik sa balikat at high five ng mga ka-team nya. Kita ko kahit dito sa malayo ang facial expression nya, magkasalubong ang kilay na parang nagco-concentrate. Lumingon sya sa bleachers. Ah! Hinahanap nya ako. Umikot yung tingin nya sa buong gym. At parang na-sense nya na may nakatingin sa kanya, tumingin sya sa itaas, sa direksyon ko.

WAAH! Bigla akong nagtago. Nakaupo na ako ngayon sa sanga. Sana hindi nya ako nakita. Nakakahiya 'yon, kailangan ko pang mag-spy para mapanuod sya.

"MALAGLAG KA!!" may biglang sumigaw.

"AAAHHCK!!" sa sobrang gulat ko nawalan ako ng balance at nalaglag. Pero nagawa kong kumapit sa sanga.

"Mag-iingat ka!"

"What the?!" Tumingin ako sa ibaba. Nakakalula. Ang taas pala ng inakyat ko.

"Hwag kang tumingin sa ibaba!"

"Huli na Einstein, nakatingin na ako. Salamat sa late warning mo."

"Susubukan kong umakyat, kaya mo pa bang kumapit sa sanga?"

"H-Hindi ko na ka-YAAHH!" at tuluyan na akong nahulog.

Wala akong naramdamang impact ng pagtama ko sa lupa. Naramdaman ko lang may dalawang braso ang nakahawak sa'kin.

"Hoo~! Buti nalang nasalo kita."

"Huh?" napamulat ako. Una kong nakita ang mukha ng isang gwapong nilalang.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Mr Savior.

"A-Ah oo!" Grabe ang gwapo nya! Kung wala lang siguro akong boyfriend ngayon. Ay teka! Ano ba 'tong iniisip ko?!

"Sigurado ka Ms Perez?"

That voice! Hala! Alam ko na kung sino sya! Waah! Kakahiya naman! Bakit hindi ko sya kagad nakilala?!

"O-Opo Sir Anthony!"

"Hahaha! O sige, kaya mo na bang tumayo?"

Narealize ko na buhat parin nya ako. Agad akong tumango at tumayo na ako. WAAH! Si Sir pala 'yon! Pinagpantasyahan ko ang music Teacher ni TOP! Shiz!

"S-Salamat po Sir!"

"Walang anuman. Nagulat nga ako kasi nakita kita sa itaas ng puno. Ano ba ang ginagawa mo don? Naninilip ka ba?"

"Ehh?! Hindi po ganon Sir! Gusto ko lang pong manuod ng game!"

"Ahh.. Ganon ba? O sige maniniwala ako sayo ngayon pero sa susunod mag-iingat ka ha?"

"S-Sir hindi po talaga ako naninilip! Swear!"

"Cross your heart?"

"C-Cross my heart!"

"Tamaan ka man ng kidlat?"

"T-Tamaan man ako ng kidlat!"

"Hmm." Tumingin sya sa langit. Makulimlim.

"Totoo po! Maniwala po kayo sakin!"

"Ahahaha! Masyado kang seryoso Ms Perez. Nagbibiro lang ako. Alam ko naman na hindi mo yon magagawa dahil galing ka sa magandang eskwelahan. At nabalitaan ko pa na ikaw ang rank one."

"Naniniwala na po kayo sa'kin?"

"Oo. Hahaha! You know, you remind me of someone. Unang kita ko sa kanya nasa itaas din sya ng puno."

"Kayo rin po ba ang sumalo sa kanya nang mahulog sya?"

Nagulat sya. "Pano mo nalaman na nalaglag sya? Pero tama ka, katulad mo nasalo ko rin sya," ngumiti sya.

Kaka-intriga naman.

"Ah. Sino po ba sya?"

"My wife."

What? Akala ko binata si Sir?!

"Siguro maganda po sya."

"Yeah."

"Kung ganon sa susunod po gusto ko syang makita."

Biglang lumungkot ang mukha ni Sir. Tumingin sya sa langit at bumuntong hininga.

"Kung pwede lang," huminga sya ng malalim. "Iniwan nya na kasi ako eh."

"Po?" Iniwanan si Sir ng asawa nya?!

"Nagkaron na kasi sya ng mga pakpak. Nasa langit na sya ngayon."