Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 61 - Chapter Sixty-One

Chapter 61 - Chapter Sixty-One

Fourth day ko na rito sa Pendleton High, last day ko na dito bukas, may isang bagay lang akong natutunan; mag-cutting! Wala naman kasing pakialam ang mga teachers sa mga estudyante kung may natutunan sila. Well, maliban sa cool na music teacher na nirerespeto ng lahat ng students, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil cool sya.

"Ngayong araw mag-uumpisa tayong mag-practice para sa Christmas Concert, lahat tumayo at kumuha ng mga instrument," utos ni Sir Anthony, tawagin nalang daw namin sya sa first name nya para cool.

"Kami rin po ba kasama?" tanong ni Audrey.

"Ah oo nga pala, hindi kayo required dito, manuod nalang muna kayo at siguro tulungan nyo narin akong punahin ang mga mali nila, okay ba girls?" pinakita ni Sir ang kanyang shiny-sparkle-sparkle-white-teeth. Bigla kong naalala ang teacher ni Rock Lee sa Naruto.

"TOP, ano'ng iyo?" tanong ko.

"Ito," kumuha sya ng Saxophone.

"Marunong ka?" Grabe gusto ko syang marinig tumugtog nun! Ang sexy nya tingnan habang hawak 'yon!

"Oo, nag-aral akong tumugtog nito simula nang bata pa ako."

"Uwaah! Hindi mo sinasabi sakin na may hidden talent ka pala?"

"Bakit? Nagtanong ka ba?"

"Oo nga 'no? Okay—AH! May naalala akong laro!"

"Gusto mo maglaro? Ngayon?"

"Twenty questions! Magtatanong ako at dapat sumagot ka, then turn mo na para tanungin ako."

"Game!"

"Okay ako muna! Favorite color?"

"Black. You?"

"Pink! Favorite sport?"

"Basketball? You?"

"Horseback riding. Favorite movie?"

"Cast Away. You?"

"A Walk To Remember! Favorite food?"

"Strawberry. You?"

"Barbecue! Favorite pet?"

"I hate pets. You?"

"Cats. Fav—"

"Pendleton, you're up! Atta boy!" tawag ni Sir Larkin.

"Later Wifey," pumunta na si TOP sa unahan dala ang kanyang saxophone.

Ano kayang tutugtugin nya? Magaling kaya sya? Pumunta sa harap namin si TOP. Lahat kami tahimik lang habang nakatingin sa kanya. Ang sexy nya tingnan habang hawak ang saxophone!

Itinapat na nya ang saxophone sa bibig nya, lahat kami pigil ang hininga. Ano kayang tutugtugin nya? Nagsimula na syang tumugtog at narecognize ko ang piece na yon. Iyon ang... PINK PANTHER?! Pink Panther! WAAH! Ang CUTE!! Pero wait lang. Bakit 'yun ang tinugtog nya? Parang err... Hindi naman sa hindi bagay pero, bakit kaya yun?

"Hahaha! You're still the best kid!" tumatawang sabi ni Sir Larkin.

"Ang galing mo TOP!" puna ni Audrey.

"Sana marunong din si Six ng saxophone!" - Cheska

"Whoo! Tol! Nakaka-elibs!" - Jun

"Oo nga! Elibs! Mah mehn!" - Mond

"Kekeke! Mas magaling parin ako!" - Jack

Classmate din nga pala namin itong tatlo pang myembro ng Lucky 13. Nagpalipat sila. Sina, Jack, Mond at Jun.

"Bakit Pink Panther?" tanong ko ng makaupo sa tabi ko si TOP.

"Wala akong maisip na ibang pyesa. Pangit ba?" sagot nya.

"Hindi!" umiling ako. "Ang cute mo nga eh!"

"Ako? Cute? Sino'ng tinatawag mong cute? Ano ako tuta?"

"Oo! Para kang tuta. Ang cute! Nakaka-inlove!"

"Tss." Nag-iwas sya sandali ng tingin. "Talaga?"

"Oo! Yun ba ang tutugtugin mo sa Christmas Concert?"

"Hindi ko pa alam. Mga bata sa Orphanage ang manunuod sa Concert. Fund raising na rin dahil maraming bisita ang pupunta."

"Mga bata sa orphanage?"

"Yeah, para sa kanila yung kikitain sa concert. Dahil wala silang mga magulang, ang school na ito ang madalas sumuporta sa kanila."

Hmm? Kung ganon kaya naman pala pursigido si Sir Anthony sa pagpilit sa mga seniors na mag-practice. Kung iisipin mabuti, hindi naman pala ganon kasama ang mga taga-Pendleton High.