Chereads / Two Wives / Chapter 13 - Kabanata 13

Chapter 13 - Kabanata 13

Date

"We need you here, Meredith," Ellwood told to me.

"Yeah, alam ko naman yan," may pagkamalat na boses kong sinabi.

"Hey are you alright? Mukang napapabayaan mo yata ang sarili mo?"

Napa iling ako dahil mas bumaba ang boses nito nang magsalita.

"Ayos lang ako, Ellie." I hushly said, pinigilan ko rin ang pag ubo. Ilang araw na kasing masama ang pakiramdam ko. Pinipilit ko lang na pumasok sa opisina kahit na may lagnat ako.

Narinig kong nag pakawala ito ng mabigat na paghinga kaya napa sandal ako sa sofa set na kina uupoan ko.

"You're lying," pag kumpirma nito.

"I'm fine, I swear.." ulit ko, ngunit hindi ito sumagot.

I sighed frustratedly and lolled my head at the sofa. Pakiramdam ko ay mas tumataas ang lagnat ko dahil sa pangungulit nito.

"Tell mom, I'll be home next week."

"Make it early as you could, nauubosan na ako ng ida dahilan kay Tita.."  Ellie sounded desperate, kung hindi ko lang rinig ang malakas na tugtog mula sa kaniyang background ay iispin kong seryoso ito.

"Titignan ko kung papayagan ako ni–ng boss ko."

"Here we go again, ilang beses ko bang sasabihin saiyo na tigilan mo na yang kalokohan mo.. Why don't you ask attorney Sanchez regarding this matter, para wala kanang problema."

Umiling ako ng sunod sunod. Alam kong una palang ay hindi na ito pabor sa plano ko at napipilitan nalang itong sakyan ang gusto ko dahil sa pakiusap ko sa kaniya.

"You know I can't do that Ellie, wala pa siyang maalala.."

"Damn it, hindi dahilan yan para hindi siya bumalik saiyo. You're the legal wife, hindi pwedeng habang buhay siyang ganyan at talikuran ang responsibilidad saiyo bilang asawa niya. He can't played around and acting like nothings happened."

Hindi ako naka sagot, tuluyan na akong nahiga sa malambot na sofa at pumikit ng mariin.

"If I were you, I will file a case against him" he said seriously.

"Enough, hindi ko gagawin ang sinasabi mo. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na babalik s'ya at tuluyan na akong ma aalala. " buo ang loob kong sinabi habang sapo ang ulong masakit.

He let out a sighed over the phone, kaya umangat ang labi ko. Kaylan ba ako hindi nanalo dito pag nagtatalo kami? I always make an excuse and fight what I think is right, pero alam kong pinagbigyan lang niya ako ngayon.

"Take your med, and I'll call you later when I got home." aniya, na sa tono ng pagsuko.

I end up the call matapos kong ibilin dito na mag-ingat sa pag uwe. Tumayo na rin ako para umakyat at magpahinga na sa sariling silid. Mag-iisang linggo na rin mula ng umalis ako sa puder nila Alessandra at naninibago pa rin ako sa pananatili inupahan kong apartment.

Labag man sa loob ko ay wala na akong nagawa. I felt sad about it, nasanay na akong umaga palang ay kumikilos na sa bahay, kung noon ay hindi ako sanay sa hirap ng trabaho, ngayon ay hinahanap hanap na ito ng aking katawan. Hindi gaya ng sa opisina na maghapon lang akong naka upo at nag hihintay ng utos ni Gabriel. Pinasya ko ng matulog, hindi na kasi maganda ang pakiramdam ko kanina pa. Pinilit ko lang talagang pumasok ngayong araw. Gustohin ko man umabsent ay hindi maari dahil sa tambak na trabaho sa opisina.

Gabriel and I haven't talk that much after that incident. Kakausapin lang ako kung may ipapagawa oh iuutos, madalas din itong nasa labas ng opisina para makipag meeting sa mga investors and client.

"Pag tumawag ang client natin from Queenstown sabihin mo I'll be on my way to our meeting place." utos nito ng lampasan ako para lumabas ng opisina.

"Ah, sir?!" maagap kong tawag dito na lumingon saakin.

I stunned for a beat seconds, ngayon ko lang ulit kasi nahuli ang mailap nitong mga titig. Tila nag sikip ang paghinga ko, ramdam ko din ang malakas na pintig ng aking puso kasabay ng pag iinit ng ilalim ng mga mata.

"What?!" his voice sounded irritated nang hindi ako makapag salita.

"Uh, Miss. Gonzalez wants to talk to you.." I mutter under my breath, ramdam ko pa rin ang paos kong  boses.

"She's on the phone right now."

Naglakad ito ng marahan palapit sa harapan ng desk ko. Mabilis ko naman inabot dito ang cordless phone sa kaniya, ngunit aksidenteng dumaplis ang daliri nito sa aking mainit na palad.

He gave me a quick glance that made me gasped, kaya mabilis akong nagyuko at naupo, pilit na pinapakalma ang kabadong puso. Binalik ko ang pansin sa aking ginagawa ngunit hindi ko mapigilang ibalik dito ang tingin maya't maya..

Ilang minuto pa ito mula sa distansya habang kausap ang isa nitong kliyente. Bakas ang ngiti nito sa labi habang marahang naglalakad. I stop and stared at him for a while, hindi namamalayang naka sandal nalamang ako sa aking office chair.

As he turned his eyes at my direction, my heart pounding fast, I really felt hot. Hindi ko maintindihan kung dahil ba 'to sa lagnat ko oh dahil sa nakakapaso niyang mga titig.

"Pag dumating si Miss. Gonzalez, papasokin mo sa opisina ko. I'll be back in a minute." aniya na sumulyap muna sa kaniyang relong pam bisig bago lumipad ang tingin saakin.

"Y-yes, sir.." I almost whispered to him.

Tumalikod na ito saakin ngunit agad ring pumihit paharap. I nervously laid back against the chair because of his quick action. He looked intently into my eyes while his both hands is at my table.

I moved to my seat but he leans in, his large hand touches my forehead. The skin bore a marks of years of hard work. The veins and tendons on the back of them were prominent.

"Did you take your medicine on time?" he asked me slowly.

Tumango ako dahil hindi ko magawang magsalita pa. Paano niya nalamang may sakit ako? Wala na ang palad nito sa aking noo pero pakiramdam mo ay mas lalong tumaas ng lagnat ko sa init ng kaniyang palad.

"Pwede ka ng umuwe, ibibilin ko nalang kay Sarah ang pagdating ni Reisha," aniya saakin.

Agad na nag angat ang tingin ko dito matapos ay nag iling, "Ayos lang naman ako, kaya ko pa ang mag trabaho.." I said in my hushed voice..

He studied me for a long moment before he let out a breath. "Kanselahin mo na ang mga natitira ko pang meeting, I'll be back in a minute. " aniya saakin bago mabilis akong talikuran.

Nagugulohan man ay ginawa ko ang inutos niya, mabuti ay lunch time na kaya lumabas ako para mag order ng pagkain at makabile na rin ng gamot sa cafeteria.

Sa pinto palang ay naka agaw ako ng atensyon, halos lahat ay tumingin saakin ng matalim habang ang iba ay tila walang pakielam. I slowly walks towards the counter to  order a food.

"Hi, kamusta?"

Nilingon ko ang maliit na boses na nagsalita sa tabi ko, dahil hanggang balikat ko lang ito ay yumuko ako para ito ngitian.

"Ayos naman,"

"Wanna join us?" aniya saakin.

Nginuso nito ang table sa sulok kung saan ang may pinaka maingay na lamesa. Dalawang babae pa ang naroon gaya ni Reena at mukang nasa late twenties na rin ang edad ng mga ito.

"Sige.." pag sang ayon ko matapos kong maka order ng lunch at makabile ng gamot.

"Guys, this is Meredith my new found friend!" pakilala niya saakin nang makalapit sa okupado nilang lamesa.

"Hi! I'm Zaya!" a girl with a curly hair greeted me..

I beamed and offered her a warm hand shake bago sulyapan ang katabi nitong may suot na makapal na salamin.

"Cheney! Nice to meet you, Meredith!" pakilala naman nito bago ako kawayan.

Ngumiti ako bilang tugon at na upo na sa tabi ni Reena.

"Diba may dalawang linggo kanang nag tatrabaho dito? Bakit ngayon ka lang yata bumaba para mag lunch?" tanong ni Reena saakin.

Napalabi ako dala ng matinding hiya, sa totoo lang kasi ay may baon ako araw-araw kaya hindi ko na kailangan na bumaba para mag lunch sa cafeteria, ngayon lang ako hindi nakapag luto dahil sa masamang pakiramdam.

"Masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapag luto ng baon ko ngayong araw." I shyly said, tinuon ko na rin ang pansin sa kinakain.

It's my choice. I want to distance myself not only for myself but for Zekiah. Ayokong may maka alam ng tunay kong pagkatao sa ngayon. Gusto kong protektahan si Gabriel hanggat maari, lalo na ngayon nasa publiko kami.

"Masarap naman ang pagkain dito ah? Pang high class nga ang luto ni Aling Dulor," Cheney told me, while chewing the food in her mouth.

"Hmm, mukang masarap nga." pag sang ayon ko dito.

"By the way, paano ka pala na tanggap bilang bagong secretary ni sir, Magnus?" ma intrigang tanong naman saakin ni Zaya, hindi naka ligtas saakin ang pilya nitong ngiti.

"Kasambahay nila ako before.."

"What?! No way?!" halos sabay-sabay nilang reaksyon saakin.

Puno naman ng pagtataka ko silang sinulyapan para matigilan dahil sa tila hindi na ito mag kanda tuto sa kanilang pagkaka upo.

"What is it feeling na makasama sa iisang bahay ang isang Gabriel Magnus?!" Zaya asked me excitedly.

Heat rushed up on my both cheeks, gaya nila ay hindi ko na naitago pa ang pamumula ng muka.

"Ayos naman, mabait si Gabriel." hindi ko napigilang ngumiti habang sinasabin'yon, hanggang sa tumili na sina Cheney at Zaya dahilan para maka agaw kami ng atensyon ng ibang kumakain.

"Girls ano ba! Wag n'yo naman ipahalatang patay na patay kayo sa boss natin!" suway dito ni Reena habang pinandidilatan ng mata ang dalawa.

"Wag ka ngang OA d'yan, alam naman naming si Sir Marcus ang type mo at hindi si Sir Gabriel!" pag irap dito ni Zaya.

Agad naman tumiklop mula sa pagkaka upo si Reena at hindi na nakapag salita pa.

"Tell us more about him, mas hot ba siya pag naka pambahay lang?!" Zaya asked me again.

I bit my bottom lip, agad na nag flashback sa isip ko ang mga araw na nilagi ko sa mansyon. Pinikit ko ang mga mata, his steamy hot body, his big torso and his broody chest lahat ng iyon ay malinaw pa sa aking isipan. His voice rummaging all veins in my body. He's intense, ruthless with a good heart, soft and strong at kung paano mamula ang puso ko kada mag tatama ang mga mata namin.

"Hoy kayo ha, mamaya may makarinig sa inyo sige kayo baka bukas lang wala na kayong trabaho!"

Kunot noo kong sinulyapan si Reena na sinusuway ang dalawa. Agad din naman nag si tahimik ang mga ito at yuko ang ulo na tinuon na ang pansin sa kinakain.

I get her point pero ang sisantehin sila dahil lang sa pinag uusapan si Gabriel ay labis kong pinag tatakhan.

"Ah, pwede bang magtanong?"

Sandali muna akong lumingon sa kabilang lamesa bago ibalik ang tingin kay Reena.

"Oo naman, tungkol saan ba?" aniya saakin.

"Tungkol sa mga naging secretary ni sir, Magnus. Hmm, paano sila tinangal? no I mean paano sila natangal? Nag resign ba sila?" may kuryosidad kong tanong.

Pansin ko ang pag antala ng mga ito sa pagkain, sabay-sabay rin nag tinginan ang tatlo na parang walang gustong mag salita isa man.

"Is it about Alessandra?" I asked clearly.

Ngunit tila wala pa rin nais magsalita sa mga ito, they simply ignored my question. Even their facial expression is absolutely unvarnished.

I chuckled, "Come on, Alessandra and I are good friends! Siya nga ang nag pasok saakin dito bilang bagong secretary ni Gabriel." I smiled widely to give them my assurance.

"She's spoiled brat," Zaya commented

"No, a wicked witch!" Cheney exclaimed, hinubad ang salamin para ako titigan matapos ay saka muling ibinalik mula sa pagkaka suot.

"Evil, is the right word to describe her!" Reena bluntly said to me.

Napalunok ako, hindi kaya nag kakamali lang sila ng akala? Alessandra is very sweet and loving, kahit kaylan ay hindi ko pa ito nakitaan ng pagka biolente.

"Are you sure about that?" I asked her with my disbelieving look.

She turned her head from side to side and lastly to my face.

I chuckled again, "No way, she's a lovely person, baka nagkakamali lang kayo." pag tatangol ko dito.

"Siguro dahil hindi mo pa siya nakikitang magalit," Cheney mumbled to me, matapos ay sumulyap sa kabilang lamesa.

"Walang tumatagal na secretary si Mr. President dahil sa masyadong selosa si Alessandra." she whispered.

"Walang permanenteng secretary yang si Sir dahil din sa ka malditahan ni Alessandra, biroin mo ha, kung ipahiya niya ang secretary ni Sir sa maraming tao ganon-ganon nalang. Even, out of the country my radar yang si Alessandra, parating naka sunod sa asawa!" si Zaya.

"She's right." Cheney seconded.

I shook my head, hindi pa rin ako naniniwala na kayang gawin iyon ni Alessandra. Siguro na mi-misinterpret  lang nila si Sandra dahil hindi pa nila ito nakikilala.

Hanggang makabalik sa opisina ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang mga narinig mula sa kanila. Kung pagbabasehan ko ang sinabi saakin ni Marcus pati na rin nila Reena, dapat nga ba akong kabahan?

Natigil lang ako sa pag iisip ng may lumapit saakin babae.

"Good after noon, I'm looking for Gabriel Marcus." she said with a tiny smile on her face.

She's figure sat well on her thin-body, her thin eyebrows eased down gently to her black, beetle's-leg eyelashes. Sandali ko pang pinatagal ang pagtitig dito, her moon shadow-black hair and her enticing heart shape lips bounced her personality.

"Uh, you must be– Reisha Gonzales?"

"Yes!"

Tumango ako dito ng bahagya at tumayo mula sa pag kaka upo.

"Please follow me inside, pabalik na rin si Mr. Magnus. Pakihintay nalang siya sa loob." sambit ko ba pinapasok na sa loob ng kaniyang opisina.

"Thank you.." she said to me after she shifted on her seat.

"Ah, anything you want ma'm?" I asked, then gave her a smile.

"Water would be better." she replied.

Mabilis ko itong tinalikuran para ikuha ng malamig na tubig. Nalingonan ko ang pag dating ni Gabriel, sandali itong sumulyap saakin na hindi na nag salita pa bago diretsong pumasok ng kaniyang opisina.

Sumunod din ako agad at bahagyang kumatok bago itulak ng bahagya ang malaking dahon.

Gabriel's eyes shifted on me, hinihintay ang pag pasok ko.

"Uh, heres your water, ma'm." marahan kong nilapag sa lamesa ang dala kong tubig.

"Thank you." she said.

Yumukod ako sandali para tahakin na ang daan palabas nang mag salita si Gabriel.

"Did you take your medicine?" he asked with full of authority.

Mabilis ang naging pag lingon ko, smiled a bit at the woman in front of him. Gusto kong umaktong normal sa harap nito, ayokong may isipin itong hindi maganda tungkol saamin dalawa.

"Y-yes, sir.." I almost whispered.

"Good, so lets start?" aniya sa kaharap na hindi na ako muli pang sinulyapan.

Puno ng kaba akong bumalik sa sariling lamesa. Mabuti ay maganda ganda na ang pakiramdam ko, naka tulong ang pag inom ko ng maraming tubig kaya bumaba ang lagnat ko.

Hindi pa nag iinit ang pwet ko sa pag kaka upo ng biglang bumukas ang pinto na siya kong ikina lingon.

Agad akong tumayo para batiin ito,

"Take care ma'm!" I sweetly said to her.

"Thank you, I'll expect your presence at my birth day party tonight." aniya saakin.

I blinked my eyes surprisingly, "Ma'm?"

"Sige, mauuna na ako."  she declares and waved me goodbye.

Nagtataka akong lumingon sa pintong naka sarado at ganon nalang ako napa pitlag ng tumunog ang intercom.

"Sir?"

"Come inside my office." sabi nito sa kabilang linya bago niya ibaba ang tawag.

Napa hugot ako ng malalim na paghinga bago itulak muli ang pinto pabukas.

Gabriel remain seated at his chair, staring straight to my direction. Napa lunok ako ng banayad dahil sa malamlam nito mata saakin.

"M-may kailangan po kayo, sir?"

Pinanatili ko ang pagka pormal ng boses dito kahit pa gusto ko ng malusaw sa malamlam niyang pag titig.

"Come with me tonight at the party," diretsahan nitong sinabi.

Gaya kanina, napa kurap ang dalawang mata ko dahil sa kabiglaan. Maging ang puso ko ay pumintig ng malakas.

"Don't worry It's a business party." he maliciously chuckled to me.

"I'm sorry, but I couldn't." tahasan kong pag tanggi.

Bakit hindi si Alessandra ang ayain niya para umattend sa party na 'yon?

"Again it's a business matter," he clearly said to me.

"Why didn't you present your wife instead of me?"

His brows creased and looked at me darkly. "Walang kinalaman si Alessandra dito, beside Marcus and Sarah will both attend the party tonight."

I sighed heavily at that, kung hindi ko kilala si Alessandra or ibang tao siya sa harapan ko, malamang hindi ko siya tatanggihan. But hell, yes! He is my husband at habang sumisikip ang mundo sa pagitan naming dalawa mas lalo kong gustong lumayo.

This is what I wanted in the first place, ang mapalapit sa kaniya but not that way, I don't wanna put him in to too much risk, dahil lang hindi ako makapag desisyon ng tama para sa aming dalawa.

"I'm sorry, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon." I slowly said, lower my head down para hindi nito hanapin ang totoong sagot sa mga mata ko.

I instantly flew my eyes on him nang bigla itong tumayo para ako lapitan. I nervously took one step back ward but his big hand settling on my forehead.

"You seem okay," he mumbled.

I bit my inner lip and move to my side ways to avert his gaze. Hindi ko na rin ma kontrol ang bilis ng pag tibok ng puso ko, I'm afraid he might hear my loud beating heart kaya tuluyan na akong lumayo dito.

"You are going with me, weather you like it or not." he declares, eyes remained darker and show a sudden seriousness.

My eyes widened, my heart violently beating against my chest, tila nais na nitong sumabog ano mang sandali.

"Don't worry we're not acting like a couple one at the party," he chucklingly said and gave me a malicious smile.

Tumiim ang labi ko at tumaas ang kilay dito. How dare him accusing me like that? I'm the one who should remind him about this, kahit pa ang totoo ay iyon naman talaga ang iniisip ko sa una palang. Damn it!

Kung pagbabasehan ko ang sinasabi nito, mukang wala naman masama kung sasama ako sa kaniya. Beside Marcus and Sarah will be at the party too. Ang labis ko lang na ikinababahala ay baka may makakilala saakin, our family is known to be rich and popular pag dating sa business world in east cost, hindi malayong may mapadpad doon na kakilala ako or the worst thing is Hezekiah.

"I really sorry," pag tanggi kong muli sa huli.

Humalakhak ito saakin na tila buminge sa buong opisina ang pagtawa nito na siya kong lalong ikinabahala.

"I'm not asking you to accompany me. I ordered you because I said so! I'm your boss and you are my secretary. Who are you to disobey me?!" his voice wretch my heart out.

Napalunok ako, tila nawalan ng lakas para ipagtangol ang sarili at nag yuko nalang. Nasaktan ako kung paano niya binitawan ang salitang 'yon saakin. Iyon lang ba ako para sa kaniya? Wala na ba talaga siyang katiting na natatandaan saakin? Saamin?

He sighed heavily and reach my chin gently. Dala ng gulat ay agad ko itong tiningala ng tingin.

"Be my date for tonight."