Chereads / The Casanova’s Queen / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

Two days na ang nakaka lipas at panay ang tawag sa'kin ni Evan the next day after ng game nila. Hindi ko siya sinasagot. I turned off my phone para hindi niya ako macontact. Hindi na rin muna'ko umuwi sa unit ko dahil alam kong pupuntahan at pupuntahan niya'ko. I don't want to see him.

Nagpa uwi ako kay Luke sa Mansion nila tutal wala pa rin naman ang parents niya at nasa retreat ang kapatid niya. Dito muna ako tumutuloy for the past two days.

Ang sarap sana basahin ng mga messages niya telling that he misses me. Pero magpapa loko pa ba 'ko? Tama na yung mga narinig ko. I'll cut my connection to him. I love him but kung ganon ang tingin niya sa'kin? No thanks. I know my worth.

And for those two days, everytime na na alala ko ang mga sinabi niya hindi ko maiwasang mapa luha. Pinipigilan ko nalamang ang sarili ko dahil ayaw kong makita ni Luke na umiiyak ako. I don't want to see him that it hurts me.

I already talked to him na huwag niyang gagalawin si Evan. But I don't know kung susundin niya ba ako. Knowing Luke? He'll do everything just to get even sa mga taong nanakit sa akin. Baka mamaya ipapatay niya si Evan o siya mismo ang pumatay. Kaya todo bantay rin ako sakaniya na baka may gawin siya or what.

"Luke? Saan na ba si Kennedy? Akala ko pupunta siya dito?"

"He didn't tell me yet. I don't know where is he."

Nagba balak kaming mag dinner nila Luke at Kennedy outside. As long as kaya kong libangin ang sarili ko, gagawin ko. Ayaw akong ma alala ang hampas lupang minamahal ko na 'yun. Punyeta talaga.

Wala muna akong balita sakaniya. I don't know how is he at wala akong balak alamin. And to tell you honestly, after kong marealize na hindi lang pala like ang nararamdaman ko para sakaniya ay hindi kona nakalimutan ang pangalan niya. Bwisit na habit 'to! Kung kailan gusto kong isantabi at kalimutan muna ang nararamdaman ko tsaka naman rumegister ng bongga sa isip ko ang pangalan niyang pang playboy, pang pokpok at manloloko!

"Tutal wala pa rin naman siya, I'll just go. Tell him na bukas nalang tayo mag dinner together. I'll just meet my gangmates at may laban pa kami."

I talked to my gangmates last night and luckily we have a gang fight tonight. I want to release my stress. I want to remove all the pain here in my chest. Kahit man lang sana sa ganitong paraan mailabas ko ang nararamdaman ko. I want to feel at ease. Dahil everytime na naiisip ko ang mga salitang narinig ko noong araw na 'yun ay sumisikip ang dibdib ko.

"Are you sure?"

"Yes. I'm sure."

"Lucia, be careful. Huwag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo."

"I won't. Don't worry. And please, yung bilin ko sa'yo. Okay?"

Hindi siya kumibo at naka tingin lang siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Luke." Matigas ko na sabi sakaniya.

"Ako ang kuya mo Lucia. Huwag mo 'kong gamitan ng ganyang tono. Mas matanda ako sa'yo."

"E kasi naman!"

Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Silly. Inlove ka na talaga sa gagong 'yun. Pasalamat ka nalang na hanggang ngayon hindi ko pa siya binubugbog. Pero malay mo bukas naka ganti na pala ako."

Pinag hahampas ko siya sa dibdib at tawa siya ng tawa.

"Come here." Hinila niya ako at yinakap ng napaka higpit.

I so love my brother! At buti nalang pinili kong magka ayos kami dahil kung wala siya ngayon sa tabi ko, baka hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Lucia, you deserve the best. Don't love a man dahil mahal mo lang siya. Mahalin mo sana yung lalaking karapat dapat. Yung lalaking hindi ka sasaktan. I hurt you already before. We made you cry. Ako at si Papa ang unang bumiyak ng puso mo. At hangga't maari ayaw ko ng madagdagan ang listahan ng mga lalaking mananakit sa'yo."

"Pinapa iyak mo nanaman ako. Gago." Hinampas ko ang likod niya.

"Dalaga ka na talaga. Marunong ka ng mag mahal. I'm so proud of you."

"Abnormal! Anong palagay mo sa akin hindi nag mamahal? Mahal ko kaya kayo."

"No. I mean, hindi ka nalang puro landi. Dati kasi daig mo pa ang pokpok sa dami ng lalaki mo."

"What the hell? I'm still virgin! Pokpok ka diyan."

Gagong 'to. Ginawa pa 'kong bayarang babae. Piste.

"Baka gusto mo bigyan kita ng listahan ng mga lalaking nilandi mo."

Napa hiwalay ako sa pagkaka yakap niya.

"What the?! Seryoso ka ba?"

Nag smirk siya sabay taas ng kilay. "You know me, Lucia. I always find ways. I was always updated when I was in California at lahat ng mga naging lalaki mo, kilala ko."

"You know what? Ang creepy mo!"

Lumapit siya sa akin tsaka pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.

"Don't cry. Stop it. Hindi na nga kita pinapaiyak pero iniiyakan mo naman ang ibang lalaki. Go now. Mag iingat ka. Sunod ako after I finish all my paper works."

"Sunod ka agad ha? Pag cheer mo'ko."

"Oo na. Ingat sa pagda drive."

Hinalikan niya muna ako sa noo atsaka na ako umalis. I'm so lucky to have a brother like him.

I drove my car going sa isang event center where all the gang fights happen. The fight will start at 9:00 pm and 8:45 pm palang naman ng gabi.

Pagka dating ko ay mabilis akong pumasok sa loob. Sinalubong agad ako ng mga ka member ko.

"Yow, Queen! Kamusta?"

"K lang." Tipid kong sagot.

"Queen, bakit maga mg mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni C.

"Sinong nagpa iyak sa'yo? Ako mismo gugulpi! Lulumpuhin ko 'yon."

"Kapag maga mata, umiyak? Hindi ba pwedeng nakagat lang ng bubuyog?"

"May bubuyog pa ba sa gabi?"

Umupo kami sa may isang table at binigyan agad kami ng drinks ng waiter.

"Anyway, sino makakalaban natin ngayon?" I asked I sipped my drinks.

"Yung favorite mong team, Queen." Sagot ni A.

"Who?" I arched my eyebrows.

"Leon's Team. Bugbugin natin ng husto ang mga 'yun."

"Really?"

Natuwa naman ako sa ka loob looban ko. Humanda ka sa akin ngayon.

Kinwento ko sakanila ang nangyari noong nag beach kami. Dahil nandoon din si Leonardo that time at nag hamon pa ng bugbugan. But thanks to Luke dahil natakot niya sila. Pero bigla akong naka ramdam ng pag sisisi na kinwento ko 'yun. Bakit ko pa ba kinwento? Na alala ko nanaman tuloy ang punyetang lalaking yun! Kainis.

"Are you okay, Queen?" Tanong sa akin ni B.

"Don't worry. I'm fine."

"Leon is really out of his mind. Can't he just accept na natalo mo siya?"

"Maybe because of his ego, dude. That's why."

"Kailan ba mauubos yang ego at pride niya? Napaka yaman na niya sa ego at pride. Try niya kaya mag donate sa iba."

Tumahimik na kaming lima nang mag salita na ang announcer sa gitna. That's the cue that the fight will start. Kating kati na akong mailabas lahat ng nararamdaman ko ngayon. And I'm so lucky that it's Loperamide's group ang makakalaban namin.

Pumunta na kami sa gitna at ganoon rin ang group ni Lizardo. My god. Just by looking at his face nang gagalaiti na'ko sa gigil. Bwisit siya. Sarap tsinelasin ng mukha.

"I'll fight first with that fucking Lame."

"Are you sure, Queen?"

"Yes." 

I can't wait to beat him. Pumunta ako sa gitna at nagulat pa ang mga ka myembro nito. Nag simula ring mag hiyawan ang mga taong nanonood dito. Kapag ganito kasing nauna ang mga leader na mag laban ay hindi pwedeng maki alam ang mga members nito. Kapag natumba na ang leader that's the time na pwede nang maki alam ang mga ka members nito. So this fight will be a fight of  both team leaders first.

Gulat ding naka titig sakin si Lasinggero. Siguro iniisip niya na hindi ko gagawin 'to. Na hindi ko siya papatulan at hindi ko siya lalabanan nang una. Wala akong paki alam kung babae ako at lalaki siya. I know my capability at kung nagka mali man ako sa pag titiwala sa instinct ko at kay Evan pwes dito hindi ako magkaka mali. Pero bwisit! Bakit ba nasingit ko nanaman siya dito? Erase! Erase! TCB. /This can't be/ Kailangan kong mag focus. I need to win this.

"What are you waiting for? Come here you idiot." Aya ko sakaniya dahil nandoon pa rin siya sa kabilang dulo.

Lumapit naman ito at nag lakad papuntang gitna.

"What a brave woman."

"Thanks for the compliment." I answered.

"Ang lakas ng loob mong mauna. Do you think you'll win this time?"

Tumawa ako sakaniya nang may halong pang aasar.

"Ilang beses ko na bang narinig sa'yo yan? Kada mag lalaban nalang tayo sa drag racing 'yan sinasabi mo pati ba naman dito? Hindi ka pa ba nag sasawa?"

"Lucia, Lucia, Lucia. This is not drag racing. This is a gang fight."

"Letse, Lupa, Langhiya."

"What the? Leon ang pangalan ko. Moron!"

"Sorry but not sorry. But remembering  your fucking name is just a totally waste of my precious time."

"Fuck you. I'll make sure you'll die tonight!" Nag kibit balikat lang ako sakaniya at nag make face bilang pag sagot.

Nag labas siya ng kutsilyo mula sa likuran ng pants niya at mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin. I positioned myself and waited for his first attact.

Well, let the battle begin.

Evan's POV

It's been 3 days at wala pa ring paramdam sa akin si Lucia. I've been calling her noong game namin pero hindi siya sumasagot. She didn't watch our game too. I don't know what to think anymore.

She's been ignorning me for the past few days at mas lumala pa ngayon dahil hindi ko na siya macontact. Mas lalo tuloy akong hindi makapag focus sa game namin. Ilang beses na rin ako nagpa balik balik sa unit niya because I want to tell something to her pero hindi siya umuuwi. I'm fucking worried.

Hindi na ako pinasok ni Kai during our last game at nabangko nalang ako. What can I do? My fucking mind is flying towards Lucia. This is the first time I experienced this one. Fuck. I'm about to lose my mind!

"Evan, do 100 push ups. You're really out of your mind! Pagkatapos mo, tumakbo ka paikot dito sa court ng 50 times."

"What?"

"Don't test my patience." Seryosong sabi ni Kai tsaka umalis sa harap ko.

Napa sulyap naman ako kay Kennedy at ang sama ng titig niya sa akin habang nag didribble ng bola. Anong problema niya? Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na parang ang init ng dugo niya sa akin. Parati niya rin akong binabara. Although nambabara talaga siya minsan pero iba ang dating nang sa'kin. Parang may laman.

Nag umpisa na akong mag push up dito sa may gilid at hindi na lamang siya pinansin. Ano na kayang ginagawa ni Lucia at this time? Fuck it. Noong game namin hinanap ko siya at nag baka sakali that she'll attend but she  didn't.

Maybe he's with Luke again. That fucking guy is really getting into my nerves. Hindi ko ugaling maging insecure because I know I'm handsome, hot and fucking yummy. But whenever Lucia is with him, pakiramdam ko ang pangit pangit ko. I want to beat his fucking ass. Damn it.

Gigil na gigil ako sa pag pupush up dahil sa naiisip ko nang may lumapit sa akin na dalawang babae. Hindi ko sila pinansin. Wala na akong pakialam sa mga babae ngayon. Nawalan na ako ng ganang tumingin sa iba. I only have my eyes for Lucia.

"Hi Evan! Do you still remember me? Naging textmate tayo last year."

The fuck? How can I remember her? Last year pa 'yun. At sa dinami rami ng mga katext ko malamang hindi ko na siya ma aalala. Ano siya? Chicks?

"Evan, dinalhan ka namin ng tubig oh. May towel din dito. Gusto mo punasan kita?"

Napahinto ako sa pag push up ko at tumayo. Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang dalawang babae na nasa harap ko habang naka tingin sa akin. Wala. Pangit. Di hamak na mas maganda pa rin si Lucia. Hell! Wala na yatang ibang laman ang utak ko kung hindi siya. I even wrote her name on my test paper the other day instead of my name.

"Grabe yung pawis mo. Heto oh. Tubig. Inom ka."

Binuksan ng isang babae ang mineral water at inabot sa akin 'yun pero hindi ko tinanggap. They are nothing compare to my Lucia. Fuck. I really miss her so much.

Lumapit sa akin ang isang babae at pinunasan ako ng towel sa may mukha. What the fuck?

Itutulak ko na sana siya ng marinig kong mag salita si Kennedy sa likod ko.

"Porket wala si Lucia dito nakuha mo ng mag landi."

Nilingon ko siya at ang sama pa rin ng titig niya sa akin. What the fuck is wrong with him? Kung nakaka matay man ang tingin baka noong isang araw pa'ko pinag lalamayan. I know na may problema siya sa akin. I can feel it. But I don't fucking know what is it.

"I'm not flirting with them."

"So what the hell are you doing? Having a no malicious moment with these two ugly hoes?"

Nagulat ako sa way ng pananalita ni Kennedy. Hell. This is the first time I heard him talking like this. Kennedy is known for being kind and innocent. Is this Kennedy?

"What's wrong with you, bro?"

"Don't call me bro. We're not brothers." Bumaling siya sa dalawang babae na nandito pa rin sa likuran ko at nakikinig sa usapan namin.

"You two. Get the fuck out of here. Humanap kayo ng ibang lalaking lalandiin niyo."

What the fuck? He sounds gay. Does he like me? Tumakbo naman pa alis ang dalawang babae. Maybe they got scared to him.

"Do you have a problem with me, bro?" I asked again. I wanna know if he has because I don't what to think anymore. It is better if I'll ask him rather than guessing.

"I told you, don't call me bro because we're not brothers."

"I don't know what the fuck I did to you for you to act like this. Dahil ba sa wala ako sa focus sa practice?"

I'm fucking clueless! I don't wanna make a fight with him. Bestfriend siya ni Lucia kaya ayaw kong ma badshot sakaniya.

"Ang kapal din ng mukha mong tanungin ako niyan no? Alam mo kating kati na ang kamao kong suntukin ka nitong mga nakaraang araw na hayop ka. At pasensiya na dahil ngayon hindi ko na mapigilan pa."

Mabilis siyang lumapit sa akin at sinuntok ako sa mukha. Napa higa ako sa sahig dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya sa akin 'to.

"What the fuck is wrong with you?!"

Hindi paman ako nakakatayo pero lumapit siya sa akin at sinuntok nanaman ako ulit.

"Kennedy! Evan! Stop it!"

Pinag susuntok niya ako at hindi ako makaka payag na hindi gumanti. The fuck! What's wrong with this guy?! Binubugbog niya ako sa hindi ko malaman na dahilan. He's crazy!

Gumanti ako ng suntok sakaniya pero masyado siyang magaling umilag.

"Kennedy! Ano ba?!"

Pumagitna na sa amin si Lancie at lumapit na rin ang ibang mga ka teammates namin para umawat.

"What's wrong with the both of you?!" Galit na tanong sa amin ni Kai.

"I don't fucking know to this guy! Damn him! Bigla bigla nalang nanununtok!"

Pinunasan ko ang dugo sa bibig ko. Tangina ng Sarmiento na 'to. My face is so painful.

"Tangina mong hayop ka. Hindi mo alam? Gago!"

"Itatanong ko ba kung alam ko? E mas gago ka pala! Ilang araw ka ng badtrip sa akin baka akala mo hindi ko napapansin 'yon. Kung may problema ka sabihin mo! Hindi yung basta basta ka nalang mang gugulpi diyan!"

"Talagang mag papanggap ka na wala kang alam ha? Putangina. Anong ginawa mo sa bestfriend ko?! Pinag laruan mo! Tangina bitawan niyo nga ako!"

"Kennedy! Tumahimik ka nga! Pati ako nasasaktan na ha!" Awat sakaniya ni Lancie.

"Ano?! Sumagot ka! Ngayon mo ilabas yang kalandian mong tarantado ka! Tangina mo. Mapapatay talaga kitang hayop ka!"

Kumawala si Kennedy sa pagkaka hawak sakaniya ni Hong at biglang lumapit kay Kent. Sinuntok niya rin ito at napa tumba si Kent sa may sahig. Tumakbo si Hong at Lancie papalapit sakaniya at inawat nanaman siya.

"What the fuck?!" Sigaw ni Kent.

"What the fuck? Ulol! Isa ka pang hayop ka! Tangina niyong dalawa kayo. Pag laruan niyo na ang mga babaeng gusto niyong pag laruan pero huwag niyong madamay damay ang bestfriend ko sa mga katarantaduhan niyo sa buhay. Mga gago!"

"Kennedy! Calm the fuck down!" Sinampal na siya ni Lancie para kumalma ito pero hindi siya natinag.

Hindi ako sumagot sa lahat ng paratang niya sa akin because all of those are true. But, how did they know about the bet? Alam na ba nilang lahat?  Does Lucia know about it? Kaya niya ba ako iniiwasan ay dahil doon? Fucking shit. Maybe that's the reason why she's avoiding me.

Hindi ako magagalit kung 'yun ang dahilan nang pag suntok niya sa akin. I deserve it. Hindi ko siya masisisi dahil nagpaka gago talaga ako sa part na 'yun. At bestfriend niya ang ginago ko.

"Tangina niyo! Huwag na huwag kayong lalapit sa akin. Mapapatay ko kayo."

"Dred, Lancie, ilayo niyo muna si Kennedy dito. And Kennedy, kumalma ka."

"Pakalmahin mo ang kalandian ng hayup na 'yan. Baka sakaling mapakalma ako. Fuck you, Palermo. Just fuck you!"

Nag lakad na palayo sila Lancie kasama si Kennedy at Hong. Hila hila siya nung dalawa at pupumiglas pa rin ito.

"Are you okay?" Kai asked me. Binigyan niya ako ng towel para punasan ang dugo sa mukha at bibig ko.

"Captain, try mo magpa suntok para malaman mo kung okay ako."

"Don't kid around, Palermo. Pero mali talaga ang ginawa mo. Hindi ko masisisi si Sarmiento kung ganon nalamang ang galit niya sa'yo."

"Tangina ng Sarmiento na 'yun. Galit na galit."

"Huwag ka ng mag reklamo Kent. It's our fault in the first place."

"Just go in the clinic. I'll talk to Sarmiento once he calm his ass down. Ayaw kong may away sa team natin."

"Evan!!"

Napa tingin kaming lahat kay Lancie na ngayon ay nandito ulit sa gym. Hingal na hingal siya dahil mukhang tumakbo pa ito pabalik dito.

"Why? What's wrong?"

"Si.. S-si L-lu.."

"Huh? Pwede ba kumalma ka muna."

Huminga muna siya ng malalim ng ilang beses bago ulit nag salita.

"Si Lucia nasa hospital!"

"What?!" Nag simula siyang umiyak at putangina ang lakas ng tibog ng puso ko ngayon.

"Luke called me. N-nasa hospital d-daw siya at critical."

"Yo-you're  kidding me right?"

"Sapalagay mo iiyak ako ngayon sa harap mo at sasabihing nasa hospital siya para mag biro?!"

Hindi ako naka sagot at bakla na kung bakla pero biglang tumulo ang luha ko.

"Saang hospital, Lancie?" Tanong ni Kai. Siya na ang nag tanong dahil bigla akong natulala sa loob ng ilang segundo.

"Sa St. Mary's Hospital. Papunta na doon si Dred at Kennedy. Binalikan lang kita dito para sabihin sa—"

Hindi ko na hinintay pang matapos ni Lancie ang sasabihin niya. Tumakbo na ako palabas ng gym.

"Evan! Hintayin mo'ko!"

Kahit may mga dugo pa ako sa mukha at masakit ang mga suntok ni Kennedy ay hindi ko na ininda 'yun. Lucia is in danger. I want to see her.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko. Sumakay din si Lancie at hingal na hingal pa ito habang umiiyak pa rin.

God, please make her safe. I maybe an asshole para pag pustahan siya. But once na maging okay siya I'm going to tell everything to her kahit iwasan niya pa ako at kahit ayawan niya ako. Just make her safe. Damn it!

- -

Anungginagawanila? 😂 Guys if you want to be updated follow/add me on these accounts! Thankyouuuuuu.

Twitter/Instagram - @darinreld

Facebook - Darlin Reld

Youtube - Darlin Dela Cruz

Thankyouuuuuuu.