Chereads / The Casanova’s Queen / Chapter 28 - Chapter 27

Chapter 28 - Chapter 27

"Lucia, I'm so sorry..." sagot niya sa akin. 

"...but it's a no."

Lahat na yata ng sakit na pwede ko maramdaman ay nararamdaman ko na ngayon. It's a no. That means ayaw niya right? No ay ang English ng hindi. Hindi pa naman ako ganon ka tanga para hindi maintindihan ang sagot niya.

Tumawa ako kahit wala naman talagang nakakatawa. Tanginang buhay 'to. Basted ako?

"Okay. Okay fine. You don't want? Okay. I get it!"

Umalis ako sa harap niya at nag lakad papalapit sa dingding. Hindi ko mapigilang hindi magalit.

"Ayaw mo?! Edi huwag! Ayaw mo pala e! E ano pang silbi nang mga 'to?!"

Isa isa kong pinag aalis lahat nang naka dikit na letra sa may dingding. Pinag hahablot ko din pati ang mga pictures namin na naka sabit sa kisame. Pati ang mga lobo. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong baklasin. Gusto kong alisin lahat ng 'to. Gusto kong mawala sila!

Ang sikip sikip nang dibdib ko. Parang gusto kong mag wala sa sobrang sakit nang nararamdaman ko!

"Bru..."

"Putanginang 'yan. Ayaw mo akong maging girlfriend?! Bakit? Sabihin mo! Kahit ano pa 'yang dahilan mo gusto kong malaman!"

Wala akong pakialam kung mukha akong baliw ngayon dito. Umiiyak, sumisigaw at binabaklas lahat ng pinrepare ng kapatid ko.

"Luke! Kainin mong mag isa yang cake na 'yan! Ubusin mo 'yan ngayon din! Ayaw kong makitang may matitira diyan!"

"Lancie paputukin mo 'yang mga lobo na hawak mo! Umalis na tayo dito at wala rin naman palang kwenta 'tong pinlano ko!"

"Bakla, stop it na."

"Tangina! Bakit ba ayaw mong ma alis na letra ka!?"

Napa upo ako sa sahig dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Feeling ko napaka kawawa ko. I know I hurt him so damn much. Pero bakit ganito? Ginagantihan niya ba ako? Gusto niya rin ba akong saktan? Pwes nag tagumpay na siya kung 'yun man ang gusto niyang mangyari.

"Baby, stand up."

Napa tigil ako sa pag iisip  nang dahilan kung bakit siya nag no nang marinig ko ang boses niya sa may likod ko. Ako ba kinakausap niya?

"Do you think I said no dahil ayaw kong maging girlfriend kita?"

Pinunasan ko ang mukha ko atsaka ko siya tinignan. Naka tayo siya ngayon habang naka upo pa rin ako. He looks so handsome kahit pa may mga pasa siya sa mukha. Oh God! Bakit ba masyado mo siyang pina gwapo?

"What do you mean? Ang sabi mo no diba? So that only means you don't want me! Bakit? Nabugbog ka lang narealize mong hindi mo na ako mahal? Yun ba yon? Kaya ayaw mo na sa akin?"

"What the fuck? Of course I love you. At hindi mag babago 'yun. I said no, because I don't want you na ikaw ang mag tanong sa akin nun. It should be me asking you that."

"It doesn't matter kung sino ang mag tanong. I love you. So I have the rights to ask you that! But what did you do? You reject me! Binasted mo'ko, Evan!" Naiyak nanaman ako dahil na alala ko nanaman ang pag no niya sa tanong ko.

"It's not like that, baby."

"You even asked me those damn questions! Pinakaba mo ako!"

"Stop crying. I don't wanna see you crying. Ako ang lalaki kaya ako dapat ang mag tatanong. Ikaw ang babae sa ating dalawa kaya ikaw dapat ang sumasagot."

"Tae naman kayo! Ano ba talaga? Pag aawayan niyo pa ba 'yan kung sino ang mag tatanong?"

Inalis ni Evan ang soot soot niyang kwintas. It's silver necklace with a heart pendant. Bakit niya inaalis ang kwintas niya?

"Lucia, I'm the man here. So I should be the one to ask you that. Okay?"

Tumango nalang ako sakaniya. Ayaw ko nang pag talunan kung sino ba dapat ang mag tanong. Dahil kung ipaglalaban ko pa na dapat ako ang mag tanong ay baka hindi kami matapos. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang magka bilang pisngi ko. Kinikilig ako. Parang sira 'tong si Evan! Ih!

"I love you so much and I'll be the most blessed man on Earth if I become your boyfriend. You hurt so many guys and you hurt me too but I can accept all the pain just to be with you because I love you."

Tumango tango ako na parang tanga sakaniya. Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga salitang ganito. This is the first time I felt this.

"I said no because I don't want you to ask me that, not because I don't love you or I don't want to be with you. You are the last woman I want to spend my whole life with."

"Edi sorry! Sige na tanungin mo na ako nang matapos na 'to."

He chuckles. Luh ulit!

"Lucia Dela Rosa, you are the first woman who captivated my heart. You caught my attention for the first time we met. I know I was a dork para pag pustahan ka namin. But because of that fucking bet that I had and the bet that you had with Hong we had the chance to know each other well. We fell inlove and was caught by our own traps. Hindi ako nag sisisi na nangyari sa atin 'yun. I love you so damn much. To tell you honestly, titi ko lang ang napapa tibok mo noon pero iba ka dahil pati puso ko napa tibok mo na rin ngayon."

"Yuck! Ang bastos mo naman, bro! My innocent ears!" Sigaw ni Kennedy.

Natawa naman ako sa linyahang 'yun. Bwisit na Palermo'ng 'to! Hanggang dito ba naman ay dadalhin niya ang pagiging manyak niya! But it's okay. Kilig pa rin ako pati pempem ko. Banamanyan!

He stared straight into my eyes.

"Baby, will you be my girlfriend?"

Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nasasaktan ako kung hindi sa sobrang tuwa na nararamdaman ko. TOJIN! /Tears of joy ika nga/

"Yes. I'll be your girl. And this time it's real. No more bet. No more faked feelings."

Hinalikan ko siya at pagkatapos nun ay yinakap ko siya ng sobrang higpit.

"Damn it. If this is a dream, I don't want to wake up anymore."

"Idiot. This is not a dream!"

Humiwalay siya sa pagkaka yakap sa akin at iniligay niya sa leeg ko ang kwintas na soot soot niya kanina.

"Huwag mong iwawala 'to. Yari ka sa'kin pag nawala 'yan."

Sinulyapan ko ito and it's so beautiful.

"Yeheeeey! Congratulations new love birds!! Wooohoooo!"

Tuumayo kami ni Evan at pinahiga ko siya ulit sa kama. My gosh baka mamaya may masakit pa pala sakaniya ako pa sisihin ng parents niya.

"Wow naman, bru! Isusulat ko 'to sa diary ko. Ang araw na nagkaroon ng first boyfriend ang bestfriend ko."

Nilingon ko silang lahat at niyakap ko sila isa isa at nagpa salamat.

"Oh my god, bakla! Naiiyak ako. Nakaka inggit! May boyfriend ka na ako nganga pa rin kay Patricio! Kainis!"

"Congrats. Stop crying now." Niyakap ako ni Luke at hindi pa man tumatagal nang dalawang segundo ang pagkaka yakap niya sa akin ay hinila na ako agad ni Evan.

"Why? What's wrong?" Tanong ko sakaniya.

"Don't you dare. Ex mo siya. I'm now your boyfriend and I don't want to see you hugging him! He's my great competitor!"

Natawa si Lancie at Kennedy sakaniya. He's really cute when he's jealous. Mygoodness.

"Evan, Lucia is yours okay. Don't worry dahil hindi na kami mag babalikan niyan. May mahal na akong iba." 

Parang gusto kong masuka sa sinasabi ni Luke. Jusko! Kailan ba kami aamin na mag kapatid kami? Bahala siya diyan. Nag eenjoy ako makitang nag seselos siya kay Luke. Hindi ko muna sasabihin sakaniya 'yun. Surprise nalang.

"Are you saying the truth?"

"Hell yes I am. Kung gusto ko siyang agawin noon ko pa sana ginawa."

"Hay naku! Tama na 'yan. Let's take a selfie! Post ko sa facebook ko. Mainggit lahat ng nagkaka gusto sa inyo dahil ngayon bo broadcast na natin na mag on kayong dalawa!"

Bigla naman akong napa tigil dahil naisip ko ang pwedeng maging kalagayan ni Evan lalo na sa mga taong nakaka kilala sa akin sa underworld. His safety. Tumingin ako kay Luke at mukhang nagets niya na ang gusto kong sabihin.

"It's okay. Ako na ang bahala." Sagot niya sa akin.

"Bahala saan, Luke?" Tanong ni Lancie.

"Ah, ako na bahalang sumagot sa drinks natin once na maka labas si Evan dito. We need celebration right?"

"Dude, I can pay. You don't need to treat us."

"Arte mo naman, Evan! Ikaw na nga nililibre ng Ku— Este ni Luke e. Pasalamat ka pa nga."

"Oo nga! Huwag ka na ngang bitter kay Luke. Wala na sila ni Lucia at ikaw na ang mahal ni Lucia. Atsaka iisang squad na tayo ngayon dito kaya huwag ka nang umarte diyan ah."

"Who told you na nag iinarte ako?"

"Ay hindi ba?" Pang asar kong tanong sakaniya.

"Come here baby. Let's cuddle para gumaling ako agad." Hinila niya ang kamay ko at inihiga sa hospital bed.

"Banaman yan! Nakaka inggit! Tara nga Luke higa rin tayo sa sofa. Tayong tatlo ni Kennedy. Atleast ako dalawa lalaki ko. Si Lucia isa lang."

"Atleast ako mahal ako kahit isa lang."

"Alam mo sasabunutan kita. Edi ikaw nang mahal ng mahal mo. Punyetang Patricio na 'yan. Naiinis nanaman tuloy ako!"

"Mahalin mo kasi yung nag mamahal sa'yo Lancie. Minamahal mo kasi yung hindi ka mahal e. Diba Luke?"

"Oo nga."

"Ay ewan ko sa inyo! Kumain nalang tayo ng cake. Iligpit mo lahat ng kalat Kennedy. Masipag ka diba?"

"Bakit ako nalang lagi taga ligpit ng kalat niyo?"

Napuno nang tawanan ang room. How I wish lagi kaming ganito. Masaya.

"Baby, I'm so happy." Bulong sa akin ni Evan.

Hinarap ko siya at yinakap ng mahigpit. Hindi lang siya ang masaya kung hindi pati ako. After all we've been through dito rin pala ang bagsak namin.

"Ouch. Ouch! Wait yung tiyan ko."

"Sorry. Sorry! Hindi ko sinasadya."

"Baby, you love me. I can't believe it." Naka ngiti niyang sabi habang naka titig sa akin.

"Huwag ka maniwala. Joke lang 'to."

"Kung joke lang 'to bubuntisin na kita ngayon palang para wala ka nang kawala sa akin." Nasampal ko siya sa may pisngi dahil sa sinabi niyang 'yun. Nandito ang kapatid ko at baka mang galaiti 'yun once na marinig niya ang pinag sasabi nang manyak na 'to.

"Damn baby. Ang sakit pa ng mukha ko tapos sinasampal mo ako."

"Ang bastos mo naman kasi na letse ka. Akala mo tayo lang dalawa dito."

"Paalisin ko na kaya sila tapos gawa na tayo ng baby?"

"Gagu." Pero parang gusto ko 'yun! Ang landi ko.

"But baby, kinikilig ako. Ganito pala pakiramdam pag kinikilig. Gusto kong tumalon."

"Hoy Evan! Maka landi ka diyan kay Lucia parang walang tao dito ah."

"Landiin mo kasi si Patricio. Turuan kita?"

"Naituro na lahat ni Lucia kung paano mang landi pero hindi tumalab."

"Iba nalang kasi landiin mo, bakla. Pili ka diyan sa dalawa oh. Luke or Kennedy."

"Sorry, Lancie pero loyal ako sa crush ko. Kay Luke nalang siya. Wala ka pa namang girlfriend diba, Luke?"

"Wala. Busy ako e."

"Busy siya pero walang girlfriend. Pwede na 'yan!"

Nag tawanan kaming lima dito at namula ang mukha ni Luke. Luh! Don't tell me apektado siya kay Lancie? Hahahahahahaha!

Natigil ang tawanan namin nang pumasok si Babygirl at kasama niya si Jackenpoy. Naku 'tong bata na 'to! Atapang a tao rin e. Pag nahuli sila ng tatay niya yari siya!

"Bella, you two shouldn't be together here. What if Dad sees you?"

Does he know about their relationship? If he does, well ang supportive niyang kuya.

"It's okay, Kuya. Mamaya pa naman ang dating nila."

"Kamusta ka, bro?" Tanong nang jowa niya sa bebe ko.

"I'm good I think."

"Oo nga pala, Evan! Iniba namin ang kwento para hindi malaman ng parents niyo ang totoo."

"What do you mean?"

Inexplain naman namin sakaniya kung ano ba ang sinabi namin sa parents nila. Mahirap na at baka magka  iba iba kami ng version.

"Bakit kailangan ganon ang kwento, bakla?"

"E kasi nga kailangan namin pag takpan kung sino talaga kami. Lalo na't hindi namin alam kung bakit ba dinukot ang dalawang 'to."

"Bakit hindi nalang kasi kayo magsipag layas sa magulo at delikadong mundo na 'yan?"

Hindi kami sumagot sa sinabi ni Evan. I know he doesn't like me being a part of that world. But what can I do? This is me. This is us.

"Kuya, wala namang may galit sa'yo diba?"

"As far as I know wala naman. Wala naman akong nakaka away sa SWU e." 

Hanggang ngayon pala isipan pa rin sa amin kung ano ba talaga ang dahilan. Feeling ko tuloy bumubuo kami ng puzzle!

"Luke, don't you have any updates? Ano na daw nangyari sabi ni Brandon?"

"Wala pa. Tikom pa rin ang bibig nila."

"I don't want to talk about it for now. I'm so happy so let's change the topic. I'll just talk to Mom and Dad. And you Jayden, naiinis pa rin ako sa pag mumukha mo na gago ka."

"Alam mo Evan ang dami mo pang sinasabi. Magpa galing ka nalang diyan para makalabas ka na dito at makapag celebrate tayo."

"Oo nga!"

"Lucia, uwi na muna ako. I need to sleep." Pa alam ni Luke sa akin.

"Ay oo nga pala. Wala ka pang tulog. Kayo  ba Lancie at Kennedy?"

"Alis na rin kami. May pasok pa ako e."

"Hatid ko na kayo sa labas. Maraming salamat talaga. Evan hatid ko lang sila."

"Balik ka agad ah."

Lumabas na kami ng kwarto niya at nag lakad papalabas ng hospital.

"Bakla! I'm so happy for you! Bebe for real na talaga ituuu! Pero wait, so hindi pa talaga alam ni Evan na kapatid mo si Luke?"

"Hindi pa at wala akong balak sabihin."

"Bakit naman?"

"Natutuwa ako kapag nag seselos siya e."

"Masama yan bru. Dapat sa isang relasyon walang natatagong sikreto. Masama ka talagang babae."

Inakbayan ako ni Luke at tatawa tawa ito.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala. Dalaga na prinsesa ko e. Yari ka kay Papa niyan."

"Okay na kayo ng Papa mo, bru?"

"Oo. Okay na sila."

"Oy hindi pa kaya!"

"Ang dami mong arte sa buhay bakla. Ayaw mo nun? Saya saya na ng life mo ngayon. You and Luke are okay. Tapos may boyfriend ka pa na mahal na mahal ka. And if you and your dad be perfectly okay edi ang perfect na!"

"I'll talk to Papa one of this days. I'll introduce Evan to him."

"Edi okay na nga kayo. Denial ka pa e. Balik kita sa pinanggalingan mo."

"Gago mo, Luke."

Naka dating na kami sa may parking lot. Sumakay na sa iisang kotse si Kennedy at Lancie. Magkasama sila doon.

"Lancie! Nag absent ba kayo ni Kennedy?"

"Oo gaga! Ikaw rin absent ka baliw."

Ay potek! May pasok nga pala ako ngayon jusko! Ano nanaman kaya sasabihin ko sa Prof ko? Nag aaral na paman din ako ng mabuti.

"Silly girl."

"O siya bru, una na kami. Balik nalang kami diyan mamaya after class. Mag iingat kayo ni Evan. Pati ako kinakabahan sa inyo."

"Huwag kang mag alala bru. Strong ako. Sige na. Ingat kayo!"

Ini start na ni Kennedy ang sasakyan niya at nauna na silang umalis ni Lancie. Nandito pa rin si Luke at hindi pa umaalis.

"O? Ano pa hinihintay mo?"

"Lucia..."

"Bakit?"

"Starting from now you need to watch Evan. Duda ako sa pagkaka kidnap nila e."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Anong pinag dududahan niya?

"Bakit?"

Pumasok ako sa kotse niya at isinara ko 'yun para walang makakita at maka rinig sa amin. Mahirap na.

"Pumasok ka pa talaga. Iba lang ang pakiramdam ko."

"Paanong iba?"

"Starting from now you need to watch all of his actions."

"Pinag dududahan mo ba ang boyfriend ko?" Masungit ko na tanong sakaniya. Binatukan niya ako kaya napa aray ako. Aba gago 'to ah!

"What I mean is be alert and lagi mo siyang babantayan. Brandon searched and investigated  all the people na pwede mag banta kay Jayden at Bella pero wala siyang nahanap. In fact, base sa sinabi mo na narinig mo hindi ikaw ang pakay nang mga dumukot sakanila. So the last catch here is Evan. Siya ang puntirya ng kumidnap sa kanila. Nadamay lang si Bella dahil mag kasama sila."

"Sino naman ang galit sakaniya at gagawa nun?"

Wala akong maisip na may galit sakaniya to the point na kikidnapin siya at sasaktan.

"We don't know. That's why you need to look after him."

"Wow ha. Ang swerte niya sa akin. May girlfriend na siyang maganda, may body guard pa!"

"Ginusto mo 'yan e."

"Pero nacucurious ako kung sino. Evan is a nice guy. Maybe I'll ask him and Kennedy about it at kailangan nilang isiping mabuti."

"Just be careful. We don't who is Evan's enemy. Brandon is still handling those idiots na kumidnap sakanila. Maybe as of this time pinapahirapan na niya ang mga 'yun."

"Kinakabahan tuloy ako, Luke. Paano kung maulit nanaman 'to?"

"That's why I'm doing everything para maayos 'to. But I want you to know na ginagawa ko 'to hindi para sakaniya kung hindi para sa'yo."

"Kainis ka talaga! Thank you Luke. I don't know what will I do if you're not here."

"Pasalamat ka talaga kapatid mo ako."

"Edi salamat. Salamat at na anakan ni Papa ang Mom mo. Hahahaha!" Tumawa ako pero hindi siya tumawa.

"Uy! Joke 'yun! Tumawa ka naman. Seryoso mo masyado."

"Nabigla lang ako dahil nakukuha mo nang mag biro about sa sitwasyon na 'yan."

"Well, wala naman akong magagawa diba? Tanggap ko na rin naman."

I hug him and he hugs me back.

"Yari ka kay Papa talaga. Hindi ka pa nagpa paliwanag don."

"Ako bahala don. Takot sa'kin 'yun!"

"Bumaba ka na. Baka hinahanap ka na ng boyfriend mong panget."

"Bitter mo no! O siya mag iingat ka. I love you!"

"I love you too kahit may love ka ng iba."

"Corny mo! Bye!"

Bumaba na ako ng kotse niya at inistart naman niya ang sasakyan niya.

"Yung bilin ko ha. Huwag tatanga tanga."

"Oo na potek! Ulit ulit ka."

"Huwag ka rin papa buntis muna ah?"

"Wow naman! Kaka on lang namin!"

"Iba na ang handa. Ayaw ko pang maging Tito."

He started to drive the car at kumaway ako sakaniya. Hinintay kong maka labas siya ng parking lot bago ko naisipang bumalik.

"Lucia!"

"Ay kabayo ka! Ano ba naman 'yan Hong! Maka gulat!"

"Hahahaha! Ang epic ng mukha mo!" Tawang tawa siya kahit hindi naman nakaka tawa. Parang tanga lang. Bakit ba hindi ko naramdaman na nandito pala siya?

"Kita ko na gilagid mo gago. Tumigil ka na diyan."

Tumigil nga siya sa pag tawa at naging seryoso ang mukha niya.

"Good dog. Anong ginagawa mo pala dito? Kaka alis lang nila. Late ka dumating."

"I heard what happened to Evan so I immediately went here. Ano bang nangyari? Is he okay?"

Nag simula na akong mag lakad at naka sunod naman si Dred sa akin.

"May kumidnap sakanila kahapon. Silang dalawa ni Bayabas."

"Bayabas? Sinong Bayabas?"

"Yung kapatid niya. Hindi mo kilala?"

"Kilala ko ang kapatid niya at Bella ang pangalan nun sa PAGKAKA TANDA KO."

"O basta 'yung kapatid niya. Tapos ayun good thing nakatakas si Boots at ti-"

"It's Bella, Lucia. Huwag mong idamay dito ang side kick ni Dora."

"Basta ayun nakatakas kapatid niya at tinawagan ako. So Luke and I went there to rescue them."

"What the fuck? Sino naman kaya may gawa nun? Is he okay now?"

"We're still finding out kung sino. And yes. He's actually fine now. Nandoon siya sa room niya at nag papahinga. Sana nga makalabas na siya."

"Pupunta rin si Kai at iba naming mga teammates mamaya. Nauna lang ako dahil free time ko. I was really worried specially after what happened in the hospital."

"Nga pala speaking of that, kami na! Yiiiee." Halos mapatalon pa ako habang sinasabi 'yun kay Hong. Iba talaga ang kilig na dala sa akin ni Evan. Para akong bulati na nilagyan ng asin.

"What?"

"Kami na kako. Officially! Kaya nga nandito na ako at kasama siya e." Kinikilig parin ako habang sinasabi 'yun sakaniya.

"Para kang timang. Umayos ka nga. Makita ka ng ibang tao diyan baka isipin nababaliw ka."

"Baliw naman talaga ako. Baliw sakaniya. Saya saya Kuya Dred!"

"Hoy! Baka nakakalimutan mo na 'yung pustahan natin. Panalo ako. You fell inlove with him."

"Ay oo nga pala no? Ano ba gusto mong premyo?"

Noong time na nag pustahan kami sinabi ko kung anong gusto kong makuha but he didn't tell kung ano ba magiging premyo niya.

"Ikaw." Napa hinto ako sa pag lalakad sa sagot niya at inambahan ko siya ng suntok.

"Kokonyatan kita."

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro. Hmm? Pag iisipan ko muna. Syempre nanalo ako dapat maganda premyo ko. Tsaka ko na sasabihin. Kailangan ko munang mag isip nang mabuti. Basta huwag mo akong tatakasan."

"Dami mong time ha. Isip isip ka pa. At hindi kita tatakasan huwag kang mag alala."

Nakarating na kami sa room ni Evan. Pumasok kami ni Dred at nadatnan namin siyang kumakain ng ubas.

"Hong! You're here!"

"Saan na si Baboy at Jolens?" Tanong ko kay Evan na busy'ng busy kumain. Sana sa susunod ako naman kainin niya! Yikes.

"Sino?"

"Si Buttercup at Jojo."

"Ano?" Hala bakit hindi niya makilala kapatid niya at boyfriend nun?

"Yung kapatid mo ang sinasabi niya at ewan ko sino ba ang tinutukoy niyang isa. Kamusta bro?"

"Ah! Baby you should practice remembering their names. I'm fine bro. Kamusta practice? Galit ba si Kai?"

Umupo si Dred sa sofa at kumuha ng apple tsaka kumain. Wala na ngang dalang pagkain nakuha pa makikain dito. PG talaga 'tong lalaki na 'to.

"Gago ka bro. Ayun alalang alala nang malaman niya ang masamang balita."

"Kai must be a cold prince but he actually cares for us."

"Pabebe lang kasi 'yun."

Umupo ako sa may kama ni Evan at tinabihan siya. Inagaw ko ang ubas sakaniya at ako na mismo ang nag subo nun sakaniya. PSBD! /Para sweet bongga diba/

"Ang corny niyo."

"Bitter ka lang, Hong."

"Whatever. Nga pala, napadalaw na ba dito si Lancie? I've been looking for her this morning."

"Umalis na. Sila 'yung nandito kanina. Kasama niya si Kennedy. Why?"

"Hinahanap siya ni Patricio kanina."

"Weh?" Sabay naming tanong ni Evan.

Himala! For the first time in forever ay hahanapin siya non?!

"Totoo nga. Akala ko nga may lagnat siya e."

"Bakit niya hinahanap, bro?"

"Aba malay ko dun sa dalawang 'yun. Magulo din 'yun e. Buti nalang kayo lumagay na kayo sa tama at tahimik."

"Syempre naman." Evan hugged me at kinikilig nanaman ako.

I can't wait na makalabas siya dito sa hospital. Sisiguraduhin kong hindi lang yakap at subuan ang gagawin namin.

"Kaya ikaw bro, hanap ka na rin nang sa'yo."

"Actually, I'm courting someone now."

"Omg! Who's the lucky girl?"

"I'll introduce her to all of you once na naka labas ka na dito Evan. Kaya magpa galing ka na."

I'm so proud of Dred! Finally! Ngayon ko lang narinig na may nililigawan siya after what happened to us. Dahil puro landi nalang siya after nun. It's good to hear na nag seseryoso na siya ngayon.

"Fuck! O-ouch! L-lucia..." Napa tigil ako sa pag subo ng ubas kay Evan.

Binaling ko ang tingin ko sakaniya at namimilipit siya sa sakit habang naka hawak siya sa tiyan niya. Jusko!

"Evan? What's wrong?!"

"Y-yung tiyan ko. Fuck it! It's fucking painful!"

"Bro? Are you okay?" Napa tayo na rin si Dred sa pagkaka upo niya at lumapit dito sa pwesto namin to check Evan.

Oh my god! What's wrong with him?!

"Call the fucking Doctor, Dred!"

Mabilis na lumabas si Dred at naiwan kami ni Evan dito. Shit! Anong nangyayari?

"Damn it!" Sigaw niya dahil sa sakit. Naka pikit na ang mga mata niya at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Pumasok ang Doctor kagabi na tumingin kay Evan.

"Doc, what's happening to him?!"

"Ah shit! Fuck!" Sigaw nanaman ni Evan.

Chineck ng Doctor si Evan at itinaas nito ang damit na soot soot niya.

"What the fuck is that?! May kumagat ba sa'yo?!" Gulat kong tanong.

May namumula sa gitna ng tiyan niya at pulang pula ito. Saan niya nakuha 'yan?!

"Call your brother, Lucia. Now." Ma awtoridad na sabi ng Doctor. Kinuha ko ang cellphone ko and dialled Luke's number.

"Luke! Pumunta ka dito sa hospital! Bilisan mo!"

"Why? Is there something wrong?"

"Let me talk to him." Inabot ko ang cellphone sa doctor at kinausap siya nito.

"Bro, it's confirmed. They tried to poison him too."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. What the hell is that?!