Chereads / The Casanova’s Queen / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

Naka tago kami nila Luke dito sa may labas ng bahay at sumisilip sa loob. Tatlo lang kaming nandito at pina iwan na namin si Buboy kasama ang jowa niya. Alam kaya niya kung ano ang pagka tao ng boyfriend niya?

Heh! Bakit ko ba iniisip 'yun ngayon? Tsaka ko nalang sila chichikahin. Ang mahalaga ngayon ay ang bebe Evan ko. Kailangan namin siyang maitakas dito. I hope he's okay.

"Lucia, take this."

Inabot sa akin ni Luke ang isang baril. Maliit lamang ito at pwede ring maging kutsilyo. Kinuha ko 'yun para magamit ko. Mahirap na at baka mamaya ay mapalaban ako nang wala sa oras. Kailangan ko pang iligtas si Evan. I still need to talk to him. Hindi pwedeng dito kami matapos.

"Thanks. Pupunta ako sa likod. Susubukan kong pumasok doon."

"Okay. I'll go here. Brandon, go to the other side. You two, be careful."

Nag hiwalay na kaming tatlo at pumunta na ako sa may bandang likuran ng bahay. May dalawang lalaki ang nasa likod at nag uusap. Naka upo sila habang may alak sa mesa at nag iinuman. Wow ha! Pa chill chill lang sila samatanlang yung bebe ko nasa loob at hindi ko alam kung ano nang nangyayari sakaniya.

Pinakinggan ko muna sila at nag isip kung anong gagawin ko. Tinignan ko kung may mga baril ba sila or what pero wala. Wala silang mga armas kaya malamang sa malamang ay hindi na ako mahihirapan na sugurin sila. Bobo rin ng mga 'to.

"Narinig ko na si Lucia Dela Rosa ang girlfriend nung lalaki sa loob."

"Ano?! Totoo ba 'yang sinasabi mo?"

"Oo. Mali yata na pinatos natin 'to."

Kilala nila ako? Tinitigan ko ang dalawang lalaki at medyo pamilyar nga sila sa akin. Anong ibig sabihin nila na mali na pinatos nila ito? May nag utos ba sakanila? At bakit ako napasok sa usapan?

"Hindi ba natalo niya noong nakaraan si Leon? Paano kung sumugod 'yun dito?

"Oo. Marami ang pumusta sakaniya noong laban. Hindi niya pa naman siguro nababalitaan ang nangyari. Hinahanap pa rin naman ng iba nating kasama yung kapatid ng lalaki sa loob."

"Sana mahanap pa nila. Kung hindi malilintikan tayo kapag nalaman ni Lucia 'to."

Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag uusapan nila. It's too obvious that they are part of the underworld dahil kilala nila ako.

Lumapit ako sakanila at sinugod sila. Pinukpok ko sa ulo ng baril ang lalaki at mabilis kong nasipa ang mukha ng kasama niya. Hindi ako nahirapan at agad ko silang napa tumba. Weak.

"Ge. Tulog lang kayo diyan."

Dahan dahan kong binuksan ang pinto sa likod at pumasok ako. Kusina ang unang bumungad sa akin at mygosh! Ang dumi naman ng kusina na 'to. Walang masyadong gamit at puro sapot ang makikita mo rito. Jusko! Bakit kaya hindi nila i try gawing haunted house 'to? Dapat kay Jurassic Soho at Katarata Sanchez ito ang puntahan tuwing November 1 e. Tutal mahilig sila sa mga maligno.

Diniretso ko ang daan at pag labas pala ng kusina ay sala na. Agad kong nakita si Evan na nasa may gitna at naka tali. Tangina. Wala siyang malay at nandoon lang siya at naka higa. Bigla akong naka ramdam ng galit dahil sa nakikita ko ngayon. Hayop talaga ang may gawa nito sakaniya! 

May limang lalaki ang nandoon at hindi na ako nag dalawang isip pang lumapit sa kanila.

"Lucia! The fuck." Dinig kong bulong ni Luke sa akin na nasa kabilang banda habang nag tatago pero hindi ko na siya pinansin pa at sinugod ko na ang limang lalaki na nandito.

"L-lucia? Paano ka naka pasok dito?!"

"Anong ginagawa mo?!"

Lumapit ang dalawang lalaki sa akin at sinugod ako. Iniwasan ko ang bawat suntok at sipa na binibigay nila. Anong karapatan nilang ganituhin si Evan?! Pakiramdam ko mapapatay ko sila sa ginawa nila sakaniya. Mga hayop! Mabilis kong isinaksak sakanila ang patalim na binigay sa akin kanina ni Luke. Letse kayo!

"Your temper is fucking dangerous." Narinig kong sabi ng kasama namin na si Breakup. Nandito na rin siya at tinutulungan niya akong gulpihin yung tatlo pa.

Napa tumba ko na ang dalawang lalaki at tumulong na rin si Luke.

"Ano ba, Lucia?! Bigla bigla ka nalang sumusugod! Paano kung may nangyaring masama sa'yo?"

"I can handle! Fuck them all."

Tumakbo ako palapit kay Evan at inalis ko ang pagkaka tali niya.

"Evan.." hinakawan ko ang mukha niyang may mga dugo pa. Punong puno ng dugo ang white shirt niya.

"Evan, wake up. I'm here now." Inalog alog ko ang pisngi niya pero naka pikit pa rin ito at walang malay.

Hindi ko na napigilan ang ma iyak dahil sa estado niya ngayon. This is all my fault. This won't happen kung hindi ko siya hinayaang umalis kanina. All of this happened because of me.

"Evan, wake up please."

"Lucia, we'll carry him. Let's bring him in the hospital. Umalis na tayo."

"Kasalanan ko lahat ng 'to, Luke. Kasalanan ko."

"Hindi ngayon ang tamang oras para sisihin mo ang sarili mo. Get up. Fix yourself."

Binuhat ni Luke at Breaky si Evan. Lumabas kami ng bahay at nag simulang mag lakad papuntang kotse.

"Man, I think those people are members of underworld too. Some of them look familiar."

"Narinig ko rin na kilala nila ako."

"I know them, actually. But I don't know what's the reason why they got them."

Nang maka dating kami sa sasakyan namin ay sinalubong agad kami ni Barney at ng jowa niya. Isinakay ni Luke si Evan sa sasakyan ko.

"Kuya Evan! Oh my god! Is he okay?"

"Lucia, drive your car. Mabilis kang mag drive so agad tayo makaka dating sa hospital. Bella, Brandon and Jayden, use my car. Just follow us."

Sumakay na ako sa may driving seat at pumasok na si Luke sa likod habang naka higa si Evan sa likod at naka unan sakaniya si Evan.

I start driving and I drive my car as fast as I can.

"Lucia, natatakot ako sa pagda drive mo. Lintik na 'yan. Ang bilis!"

"Sabi mo bilisan ko?! Atsaka kailangan nating bilisan dahil baka mapano pa si Evan! He needs a doctor!"

"He's just fine. Gago kasi ang bestfriend mo. Binugbog si Evan tapos nabugbog nanaman siya. Anong klaseng mag bestfriend ba kayo? You two are so impulsive."  

Hindi na ako sumagot at nag focus nalang ako sa pagda drive. Sinamahan ko na rin ng dasal na sana okay lang siya at sana magising na siya. Pakiramdam ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko pati na rin ang may gawa nito sakaniya kapag may nangyaring masama sakaniya kahit pa sinabi ni Luke na he's just fine.

Once he's okay I'm gotta talk to him. He needs to know the truth. He doesn't deserve this. Mas deserve ko pa nga ang mabugbog kaysa sakaniya dahil sa ginawa kong pananakit. Nakita nga namin siya wala naman siyang malay. Parang gusto kong mag nae nae na hindi ko na alam kung ano ba talaga.

With in 1 hour ay naka dating na kami sa City hospital. Tumawag agad ng nurse si Luke at agad agad naman may dumating. Inihiga siya sa may hospital bed at ipinasok sa loob.

"What happened to him, bro?" Tanong ng doctor sakaniya.

"Someone beat him. At ayan nawalan ng malay. I checked his wounds and some of his bruises at buti nalang hindi gaanong malala. Check him again. Make sure he'll be fine or else I'm gotta plant some bombs here in your hospital."

"Fuck you. Ikaw na kaya ang Doctor?"

Do they know each other para mag usap nang ganito?

"You moron. I don't want to see my sister crying if something bad happened to him. Just do your job, bro."

"Is it okay if sumama ako?" I asked the doctor. I wanna be with him para if ever na magising man siya ay ako ang una niyang makikita.

"I'm so sorry but you can't Miss. Only the medical team are allowed to go inside with the patient. So if you'll excuse us."

Hinawakan ni Luke ang braso ko at pinigilan niya ako sa pag sama sa loob. Naiwan kami dito  sa labas ng ER Room at nag hintay na lamang. Umupo ako sa may waiting area. I have no choice but to wait. Damn it. Napatakip ako ng mukha at hindi ko mapigilan nanaman ang mag alala.

"Don't worry too much, Lucia. He'll be okay."

"Remind me to kill those fucking bastards after this. Kung sino mang may pakana nito ako mismo ang bubugbog sakaniya na hayop siya."

"Anyway, may alam ka bang ka away ni Evan or nung kapatid niya? We still don't know the reason why this happened to them and we need to know it. Hindi natin alam kung magiging safe na ba sila o hindi."

"I don't know. Wala naman siyang naiki kwento sa akin. Dalawa pa talaga sila ng kapatid niya. Mga letse!"

"It's either because of you or because of him. You are connected to Evan at lagi kayong mag kasama. If you're the reason you should be careful specially him dahil maaring gamitin siya against you. Kung siya naman mismo ang dahilan malay mo may nagalit sakaniya dahil sa kalandian niya noon. Ngayon lang gumanti."

"Alam mo nakaka inis ka. Ikaw papa bugbog ko diyan e."

Pero paano kung tama si Luke? Hindi kaya dahil sa may kalandian noon si Evan tapos nasaktan niya? Tapos nagalit at ginantihan siya ngayon? Hindi malayo mangyari 'yun diba? Si Kennedy nga nabugbog niya si Evan dahil sa nangyari so hindi rin malayo na mangyari 'yun sa iba.

"But Luke, I heard the two guys talking about something. Sa pagkaka intindi ko parang inutusan sila."

"What do you mean?"

"Ang pagkaka sabi kasi, base daw sa narinig nila girlfriend daw ako ni Evan at sana daw hindi na nila pinatos 'yun."

"So that only means na hindi ikaw ang talagang gusto nilang bawian or gantihan?"

"I don't know. Siguro? Kasi kung ako talaga edi dapat alam na nila na ako ang girlfriend. Kaso sa pagkaka sabi nila parang nagulat sila e. Naguguluhan nga rin ako e."

"Ang advance naman nila mag isip. Hindi pa naman kayo ni Evan e."

"Ate! How's kuya? Where is he?" Na tigil ang pag uusap namin ni Luke nang dumating si Barbie. May band aid siya sa ulo. Siguro ay ginamot na rin ang sugat niya.

"He's inside. They are checking them now."

"Thanks God!"

"Lucia, I think you should call their parents. Para malaman nila ang nangyari sa kanila."

Shocks! I almost forgot. Baka mamaya nahimatay na ang Mom niya sa pag aalala.

"What should I say? Na nabugbog ang anak nila at nakidnap silang dalawa?"

"Yes. Atleast say the truth."

Kinuha ko ang cellphone ko and dialled his Mother's number. Ilang ring lamang ito at sumagot na agad ang Mom niya.

"Hello, Lucia. May balita ka na ba?" His mom is crying. Malamang ay alalang alala na ito.

"Mom, Betlog is with me. And we're here in the hospital. N-nasa ER po si Evan."

"What?! Which hospital is that?! What happened?! Oh my god Daddy, yung anak natin!"

"Lucia, this is your dad. Which hospital are you in?"

"Sa may City Hospital po."

"Okay. Wait us there. Is Bella okay?"

"Yes po. He's okay naman po, dad."

"Papunta na kami."

Tito ended the call and I looked at Bella. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"I think I should go. Your parents are coming. They must not see me, babe."

Napa tingin ako kay Jackstone dahil sa sinabi niya. Huh? Bakit naman?

Lumapit si Jaguar kay Bata at hinalikan niya ito sa ulo. Ang sweet! Potang Evan gumising kana diyan at sana maging ayos ka na dahil nalalamangan na tayo sa kerengkeng ng kapatid mo.

"I'm really sorry. Let's just meet tomorrow."

"I understand, babe. I love you."

"I love you too."

Nag pa alam ang boyfriend niya kay Luke at mabilis siyang nag lakad na palayo. Kami nalang ni Luke at Bakla ang naiwan dito.

"Bakit hindi siya pwede makita ng parents mo?" Tsismosa na kung tsismosa but I wanna know the reason why.

"They know we broke up. They don't know na kami pa rin until now."

"Ahh. So ayaw ka pa nilang mag boyfriend ganon?"

"Okay lang sa kanila na mag boyfriend ako pero ayaw nila sakaniya. Specially Dad."

Na iintriga na ako sa love story nila ha. Why do they hate him? Samantalang ako, welcome na welcome noong dinala ako ni Evan sakanila. Isn't unfair?

"Why? I think your boyfriend loves you so much naman. And he's kind I think?"

Huminga ng malalim si Baseball at tinignan kami ni Luke sa mata. Naka tingin lang kami sakaniya at hinihintay siyang sumagot.

"Because Dad knows na he's a member of a Mafia group, Ate."

"What?" Gulat na tanong ni Luke.

"Dad is against about that. But Mom doesn't know. Mom only knows na Jayden is a type of guy who always fights and loves to get in trouble."

"Does your Dad knows that it's me who's their Boss?"

"No, Kuya. Masyadong mahirap malaman ang profile mo. That's the only thing na alam ni Dad. He doesn't know kung anong Mafia ni Jayden."

"Bea, umamin ka nga sa akin. So you know that Me and Luke are b-?"

"Yes, Ate. I know you two are brothers and sisters because of Jayden. Jayden saw our pictures. I'm so sorry if hindi ko sinabi na alam ko. Ayaw ko lang talaga ipa alam na alam ko because I know you two are hiding it. I know too that Kuya Luke is a powerful Mafia boss and you're a leader of a gang. Kaya Ate, don't let Dad to know about it. Dahil baka pati kayo ni Kuya ay hadlangan niya."

"Hindi ba parang masyado kang bata para kay Jayden?"

"Age doesn't matter, Kuya." Tumawa siya at parang kinilig. Batang 'to! Harot masyado. "I know na yung mga dumukot sa amin ay myembro ng mundo niyo. At alam ko sobra na 'tong hihingiin kong pabor, pero pwede ba Kuya at Ate na huwag na nating sabihin ang buong nangyari. Dahil baka kapag hinalungkat ni Dad ang lahat ng 'yun ay malaman nila ang totoo. Kung sino talaga kayo. At baka malaman nila na nag kikita pa rin kami ni Jayden."

"Don't worry. Brandon is doing his job now. Papalabasin natin na naka takas lang kayong dalawa."

"But do you have any idea kung sino ang may gawa sa inyo non? Because we're thinking na baka it's either ako ang gustong gantihan o ang kuya mo talaga." 

"But base sa narinig mo Lucia kanina baka hindi ikaw ang dahilan."

"What about your Dad? Wala naman ba silang ka away or what when it comes to business?"

"Wala Ate. Sinisecure ni dad ang about diyan dahil ayaw niya kaming mapahamak."

Jusko sumasakit ang ulo ko sa pag iisip.

"Or maybe because of Jayden? You're his girlfriend and you know how dangerous it is kapag may ka relasyon kang myembro ng Mafia. Magka sama kayo ng kuya mo kanina at baka nadamay lang siya. But your relationship is secret right?"

"Yes, no one knows about it. Kayo lang nga ang may alam ngayon."

Wala nang sumagot sa amin at natahimik kaming tatlo. We still don't know the reason why this happened. Sakto namang dumating ang parents niya kaya napa tayo kaming tatlo.

"Bella! What happened?!" Umiiyak ang Mom niya habang yakap yakap ang anak niya.

They are really worried ofcourse. Noong ako nga lang ang na hospital ay nag histerical ang Mom niya. Paano pa kaya ngayon na anak niya ang nandito.

"I don't know, Mom. Basta nalang may kumuha sa amin ni Kuya at dinala kami sa isang lugar. Good thing naka takas po kami and I immediately called Ate Lucia to help us. I described the place to them at nag tago kami ni Kuya until such time na dumating silang dalawa ni Kuya Luke."

She's really serious to change what really happened.

"Oh my god. Where's your Kuya? How is he?!"

"He's inside po, Tita. The doctor is checking him. Nawalan siya ng malay dahil sa bugbog na nakuha niya but I think he'll be fine."

Tae. Sasabihin ko ba na pati si Kennedy ay naki suntok sakaniya kahapon? At siya ang unang nang bugbog.

"Can you still remember their faces, Bella?" Tanong ng dad niya.

"Po?"

"Yung mga dumukot sa inyo ng Kuya mo. I'm going to sue them! Fuck them for doing that to you and your Kuya! Paano nalang kung may nangyaring mas worst pa dito?!"

Nagulat ako sa Dad nila dahil para siyang bulkan na sumabog. Kanina kalmado lang siya but now he's really angry. Oh my god. Hindi ko na sasabihin na pati si Kennedy ay naki bugbog dahil baka pati si Kennedy ay maipa kulong. Patawarin mo ako Evan pero ayaw ko namang makulong ang bestfriend ko.

"No, Dad. I can't remember their faces in fact they are wearing masks."

"We'll talk again later. Hindi ko palalampasin ang nangyaring ito."

Sakto namang lumabas ang gwapong doctor mula sa ER at lumapit kami sakaniya.

"How was my son, Doc? Is he okay?"

"He's okay Ma'am. Nawalan siya ng malay dahil sa sobrang mga pasa na natamo niya at pagod pero wala namang major injuries siyang natamo. He's fine now and let's just wait na magising siya."

"Thanks God, he's fine! Can we see him now?"

"Yes. We're just going to transfer him in another room. You can see him there."

"Thank you, Doc."

"Sige po. Mauna na po ako. Bro..." tumingin siya kay Luke at sumenyas na sumama ito sakaniya.

Lumapit sakaniya si Luke at nag lakad silang sabay pa alis.

"Do they know each other, Lucia?"

"Opo?"

"Lucia, maraming maraming salamat dahil kung hindi dahil sa'yo baka hindi pa natin mahahanap ang dalawang 'to."

Ngumiti lang ako sakanila at hindi na ako sumagot dahil nakokonsensya ako na may tinatago kami sakanila.

"I'll talk to the Nurse para sa room ni Evan."

"Sama na ako sa'yo. Maiwan muna namin kayo Bella and Lucia."

Umalis ang parents nila at naiwan kami ni Batuta dito.

"Best, kapag kinausap ka ng Dad mo ayusin mo ang pag sagot kung ayaw mong makahalata siya na may tinatago tayo."

"Yes, Ate. Don't worry I can handle it."

Inilipat na sa isang private room si Evan at ako ang nag babantay sakaniya. Naka higa siya sa may kama at payapang natutulog. Umuwi na si Betchin para makapag pahinga at kinailangan ding umalis ng parents nila dahil may kailangan pa silang asikasuhin about what happened. Sana talaga malusutan ni Bibigandanghari ang lahat nang katanungan na itatanong sakaniya ng Dad niya.

Nagpa kuha nalang din ako ng damit kay Luke sa unit ko para may pang palit ako. Mygosh. Antok na antok na ako at wala pa akong tulog.

"Evan, gumising ka na diyan."

Hinawakan ko ang kamay niya. Tinitigan ko ang mukha niya at ang payapa niyang natutulog. Para siyang anghel kapag tulog. Mukha siyang mabait. Yung tipo ng taong hindi gagawa nang anumang kagaguhan. Pero syempre, kapag tulog lang siya. Dahil kapag naka gising na siya ay sobrang landi niya. Daig niya pa ang rapist. Namimiss ko na tuloy ang landian moments namin.

Napa tigil ako sa pag himas sa kamay niya nang may kumatok sa pinto at bumukas ito. It's Luke.

"Ito na ang lahat ng pinakuha mo." Nilagay niya ang mga gamit na dala niya sa may lamesa. "Magpa hinga ka na kaya muna? Tulog ka muna diyan oh. Ako na mag babantay sa gago na 'yan at ako na rin ang mag aayos ng lahat nang 'to."

"No. I'm okay, Luke. Ikaw na ang matulog. I should be the one who needs to prepare that."

"Just go to sleep. Ako na nga sabi. Huwag ka ng umangal pa. Change your clothes in the rest room and sleep. Understand?"

"Oo na!"

Kumuha ako ng damit sa bag at pumasok na ng cr para mag hilamos at mag palit ng damit. Pag labas ko ng CR ay busy na si Luke sa pag dedesign dito sa hospital.

"Luke, gandahan mo ah. Gusto ko kapag nakita niya 'yan mapapa oo siya agad agad."

"Wala ka bang tiwala sa akin? Matulog ka na nga. I alredy called Lancie and she's already buying balloons. She'll come here with Kennedy."

"Wow! Supporting friends and brother. I love you all."

"I love you, too. Now sleep."

Humiga ako sa may sofa. Pinlano ko kasi at sinabi ko kay Luke na isusurprise ko si Evan. Mamayang gabi pa naman daw ang balik ng parents niya so this is the perfect timing to ask him to be my boyfriend. I don't fucking care kung babae ako. I love him, so I'll do this no matter what happened.

Maybe some might think na desperada ako for asking a man to be my boyfriend, but who cares anyway?

Sinulyapan ko for the last time si Luke at natawa ako dahil busy'ng busy siya sa pag didikit ng mga letra sa dingding.

Thanks God for having a brother like him and friends who'll support me for everything I do and a man who loves me so damn much. I couldn't ask for more.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog. I'm so tired and sleepy. At sana sa pag gising ko gising na rin si Evan.

- -

"Lucia! Gumising ka na diyan."

"Ano ba.."

"Tae ka bakla. Tumayo ka na at gising na si Evan! Yung surprise mo!" Bulong sa akin ni Lancie.

Bigla naman akong na alarma nang marealize ko na may surprise nga pala ako. Shit! Mas nauna pang nagising sa akin si Evan?! Nakita niya na ba ang surprise ko?

Napa tayo ako at tinignan ang kabuuan ng hospital. Lancie is here and she's holding three heart balloons habang si Luke ay may hawak hawak na cake. There are also pink and red balloons around the room pati ang mga pictures namin. Pinakuha ko kay Luke ang mga pictures na nasa unit ko at inilipat dito. Dahil kung magpapa print kami ay baka abutin kami ng siyam siyam.

I checked the wall and there are letter balloons na naka dikit doon. There is a big question on it. I read it through my eyes at napa smile ako

WILL YOU BE MY BOYFRIEND?

Tinignan ko si Evan na nasa hospital bed habang nasa tabi niya si Kennedy at tinatakpan niya ang mga mata nito.

"What the fuck, Kennedy? Get your hands off."

"Mamaya na, Evan."

Sinenyasan ko si Kennedy na alisin niya na ang pagkaka hawak niya kay Evan para makita ang kabuuan ng room niya ngayon.

Bigla akong ginapangan ng kaba. Shit.

Inalis ni Kennedy ang pagkaka takip niya sa mata ni Evan. Pagka alis na pagka alis nito ay napa kunot ang noo niya sa nakikita niya.

"Evan." I called his name.

"I'm so sorry for all the things I've said to you yesterday. But I want you to know na hindi lahat 'yun totoo. I know I hurt you sa lahat ng binitawan kong masasakit na salita. But please give me another chance to prove and to tell you how much you mean to me."

Hindi siya sumagot at walang expression ang mukha niya. Naka titig lang siya sa akin. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko ngayon. Ayaw niya na ba ako? Bakit parang hindi siya natutuwa?

"I already know that you and your friend have a bet from the start. That's why me and Hong decided to have a bet too. And that bet is to make you fall inlove with me. And I'm so sorry for that. Alam kong mali ang nagawa ko. But hindi ako nag sisisi na ginawa ko 'yun dahil kung hindi ko ginawa 'yun hindi ko makikilala kung sino ka talaga. We won't have a good memories right?"

"Then why did you that to me? In the hospital? At bakit mo ako iniwasan sa loob ng ilang araw?" Napa hinga ako ng maluwag. Sa wakas naman ay nag salita na siya.

"I did that because I was hurt. Iniwasan din kita noong mga nakaraang araw hindi dahil busy ako kung hindi dahil I want you to realize na mahal mo ako. And I want to make sure to myself kung ano bang nararamdaman ko para sa'yo. And when I confirmed it to myself that I like you, I planned to tell the whole truth about the bet. But I heard you inside the locker's room together with Kent talking about me. Na hindi ka ma fafall sa akin. I ran away. And that's the most stupid thing I've ever done. Kung sanang nanatili ako at nakinig pa ay nalaman ko na agad kung ano ba ako sa'yo. Kung ano talaga ang totoo."

"So?"

"So I want to say sorry. Sa pambubugbog sa'yo ni Kennedy. Sa pinlano ni Luke sa hospital. Sa mga salitang sinabi ko sa'yo. I'm really really sorry. Nang kausapin ni Kennedy si Kent doon ako naliwanagan. Doon ko nalaman ang lahat."

"Tapos?"

"That's why I'm here. Standing in front of you now. I love you, Evan. I fucking love you to the point I want to ask you to be my boyfriend."

Seryoso pa rin ang titig niya sa akin at hindi pa rin nag babago ang expression niya. Hayup! Hindi man lang ba siya kinilig? Parang gusto kong maiyak sa expression na pinapakita niya sa akin. Bakit parang wala lang sakaniya ang mga sinabi ko? Hindi niya na ba ako gusto? But no! Hindi ako susuko. I'll still ask him no matter what. I'm Lucia Dela Rosa at lahat ng lalaking natipuhan ko noon ay nakuha ko. At walang karapatan si Evan na tanggihan ako sa offer kong 'to!

"Evan, maybe this is not the first time na may mag tanong sa'yo nito. But I still wanna ask you this kahit hindi ako ang kauna unahang babae ang mag tatanong nito sa'yo."

Huminga ako ng malalim atsaka ako lumapit sakaniya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Evan Palermo, will you be my boyfriend?"

Binitawan niya ang mga kamay ko at napa tingin ako sakaniya sa ginawa niyang 'yon. Tahimik lang sina Luke, Lancie at Kennedy na nanonood sa amin.

"Lucia, do you think I still wanna be your boyfriend after all the things you've done to me?"

Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa sa tanong niya. Why is he asking me like this? Ayaw na ba niya? Hindi niya na ba ako mahal? Nasaktan ko ba siya ng sobra sobra kaya ganyan siya?

"Evan... you love me right? You love me! So ofcourse you still want me to be your girlfriend." Tumatawa kong sagot sakaniya pero hindi ko na napigilan na maluha.

Bakit ang sakit? Wala pa namang siyang sinasabi na no pero bakit nasasaktan na ako?

"Are you really that confident that I'll say yes to you?" Inalis niya nanaman ang pagkaka hawak ko sa kamay niya.

Tell me, he's just asking to tease me. He loves me! He can't say this to me where in fact he loves me!

"Of course! I'm confident that you'll say yes because I know to myself that you love me! Ano ba 'yang pinag sasabi mo? Ayaw mo na ba sa akin?! Ako 'to, si Lucia ang nag tatanong sa'yo. Ako 'yung mahal mo diba?"

Hindi siya sumagot at naka tingin lang siya. Umiiyak na ako ngayon dahil pakiramdam ko mababaliw ako kung sasabihin niyang ayaw niya na sa akin.

"I'm gotta ask you for the fucking last time." Pinunasan ko ang luha ko sa mukha ko at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Evan Palermo, will you be my boyfriend? Say yes Palermo. Say yes."

And for the last time too, inalis nanaman niya ang pagkaka hawak ko sa kamay niya. Hindi ko na ulit napigilan na bumagsak ang mga luha ko. Is this a no?

"Lucia, I'm so sorry..."Sagot niya sa akin.

At tumigil ang pag ikot ng mundo ko nang dinugtungan niya ang sagot niya na nang sagot na ayaw kong marinig.

"...but it's a no."