Mahigit isang siglo mula ng pagkawasak ng dating mundo ang nakalipas. Para sa mga bagong tao ngayon, ang nangyari noon ay isa lamang madilim na kasaysayan. Para naman sa iba isa lamang itong alamat dahil walang maka kapag pa patunay sa totoong nangyari.
Lunes, maagang nagising si Yman ng umagang ito. Dahil ang araw na ito ang pinaka hinintay ng kahit sinon man na nanganga na maging mahusay na magician sa mundo. 'Magic Evaluation Exam' at 'Entrance Exam' para sa mga freshmen ng high school. Dito malalaman kung anong klaseng magic meron ang isang tao at kung gaano kalakas ang magic na taglay. Sino mang tao na may aptitude sa mahika ay mabibigyan ng External Backbone. At siguradong makapasok sa magic high school bilang eskolar.
East Middle Region Magic High School, sa paaralang ito hinikayat ang mga batang magician para lalong hasain ang taglay na mahika.
Pagdating ni Yman sa venue ay nabigla siya, dahil marami nang exam takers ang masayang nag ku-kwentuhan. Kitang kita sa mga mukha kung gaano ka excited ang bawat isa. Naisip ni Yman mag'toilet muna dahil kanina pa siya ihing ihi. Dahil kinakabahan at excited na rin sa kung anong klaseng magic meron siya.
May iba ibang antas ang magic. Mula sa pinaka mahina-malakas ang pagka kasunod ay D, C, B, A, S. Bihira lang nagkakaroon ng S rank magician. Kasalukuyan may 25 S rank magician ang naitala sa buong mundo. Dalawa ay mula sa pilipinas.
Magsimulang lalabas ang Hollow Cell Symptoms sa edad na 14 taong gulang sa babae at 15 naman sa lalaki. Hindi lahat ay nagkakaroon ng symptoms. Kaya may mga tao rin na walang magic. Ito rin dahilan kung bakit sa high school entrance exam ang evaluation day.
Kasalukuyang may pitong magic high school sa pilipinas. Dalawang sa Lower Region(dating Mindanao), North Lower Region Magic High School at South Lower Region Magic High School. Dalawa rin sa Middle Region(dating Visayas), West Middle Region Magic High School at East Middle Region Magic High School. Tatlo naman sa Upper Region(dating Luzon), North, West at East Upper Region Magic High School. Dahil sa trahedya noong 2030, nabago ang heograpiya ng bansa. Ang dating magkalayo layong isla ay nag dikit dikit.
Maagang pumunta si Yman dito hindi lang dahil sa excited siya, kundi, dahil din sa ayaw niya makasabay ang grupo ni Kiko. At kailangan niya magmadali para makabili ng gamot para sa nanay niya na may sakit. Pero bago pa man makarating sa toilet si Yman ay...
"Kiko bro diba si Yman yun, tara pagtripan natin." Sabi ng isang tropa sa grupo ni Kiko.
"Haha tara" "Oi Yman!" Tawag ni Kiko.
Ang grupo ni Kiko ay madalas mapagtripan si Yman. Mula elementarya hanggang ngayon. Mas lalo lang lumala ang pang bubully ng grupo. Dahil nung minsan na may nagustuhan si Kiko na babae noong sila ay nasa elementarya pa lamang. Inutusan ni Kiko si Yman para sabihin sa babaeng kaklase ni Yman, na gustong makipag usap ni Kiko sa bakanteng lote sa likod ng paaralan. Ngunit hindi pumayag ang babae at biglang hinalikan sa pisngi si Yman. Nakita ni Kiko ang pangyayari kaya lalong nagdilim ang tingin niya kay Yman. Akala ni Kiko ay trenaydor siya ni Yman.
"Ugh, Kiko?!!" Dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya ay nagulat si Yman. Ito rin ang boses na ayaw marinig ni Yman sa araw na ito.
"Oi bakit parang takot ka? Wala pa nga akong ginagawa sayo" Saad ni Kiko.
"Wala pa?" Takot na tanong sa isip ni Yman.
Naisip ni Yman na hindi maganda ang sitwasyon niya. Kaya naisipan niya umalis muna, at unahin pagbili ng gamot para sa ina dahil nag alala na si Yman para sa lumulubhang karamdaman ng ina. Babalik nalang siya mamaya pag wala na si Kiko at mga tropa niya. At isa pang dahilan ay ihing ihi na talaga siya!
"Sorry Kiko kailangan ko na umalis"
"Oi, oi teka lang tapos na ba evaluation exam mo?" Inis na tanong ni Kiko.
"A-ah mamaya pa ako, dumaan lang ako" Pagpaliwanag ni Yman.
"Shit! Bakit ngayon pa nagpakita ang ungas na to. Sa pagka kilala ko sa taong to ay never siya maagang pumupunta sa mga ganitong entrance exam. Tsk! Mukhang minamaliit ko excitement ng taong to." Pagsisisi ni Yman sa kaloob looban.
Bilis na tumalikod si Yman para tumakbo papalayo. Pero...
"Hmn" Kumunot ang noo ni Kiko.
Blag!
"Eek?" Gulat ni Yman.
Biglang hinablot ni Kiko ang kwelyo ng damit na polo'ng suot ni Yman. Dahil sa laki ng katawan ni Kiko at pagiging payat ni Yman, kahit anong pagpupumiglas na gawin niya ay hindi siya makawala kay Kiko. Sa edad na 16 may 5"6 na tangkad si Yman at payat na katawan dahil sa kahirapan. Si Kiko naman sa Edad na 16 ay may 5"8 na tangkad at malusog na pangangatawan dahil mahilig ito sa mga physical activities. Hinatak ni Kiko si Yman sa eskinita kung saan walang taong dumadaan.
"Haha, suntukin mo Kiko" Sulsul ng isang tropa ni Kiko.
"Haha, bugbugin na yan" Dagdag din ng isa pa.
Walang magawa si Yman kundi kagatin ang kaniyang mga ngipin ng malakas. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao. Pero hindi lumaban si Yman, dahil kahit lalaban wala rin mangyayari lalo lang lumala ang sitwasyon. Kahit noong bata pa ay ayaw na ayaw niya makipag away. Sa katunayan mas gusto niya magkaroon ng healing magic kahit ordinaryo. Kahit ordinaryong healing magic lang basta kayang mapagaling ang mga may sakit. Bata palang ay pangarap na ni Yman maging Magic Doctor. Kaya hindi niya nilalabanan si Kiko kahit sa pambubully nito sa kanya. Inisip ni Yman na hindi rin naman niya kaya talunin si Kiko sa suntukan. Sa laki ba naman ng katawan at may dalawang backup pa.
"Alam mo bang pinaka ayaw ko ay ang tinalikuran ako pag nagtatanong" Galit na sumbat ni Kiko kay Yman.
"Sorry Kiko may sakit ang nanay ko kaya kailangan ko magmadali bumili ng gamot" Pagpapaliwanag ni Yman.
"Nagsisinungaling kapa ha!" Mas lalo lang nagalit si Kiko.
Blag!
Guwahh!
Sinikmuraan ni Kiko si Yman. Napaluhod si Yman habang sinusuka ang mga kinain nitong umaga.
"Yak, kadiri naman itong Yman nato" Pandidiri ng tropa ni Kiko.
"Haha"
"Hahaha"
Blag!
Sinundan pa ni Kiko ng sipa sa balikat si Yman. Dahil dito hindi napigilan ni Yman maihi sa pantalon.
Pinagtatawanan si Yman habang tiniis ang sakit ng sikmura.
"Teka Kiko, bakit di nalang muna tayo magpa evaluate para malaman kung anong magic meron tayo" Sabi ng isang katropa ni Kiko.
"Ha?!bakit?! Dude naawa kana kay Yman?!" Inis na sambit ng isa pa.
"Haha, ako maawa kay sukaman? Nagbibiro ka ba bro?" Sagot naman ng isa.
"Eh! Bakit gusto mo itigil natin pag bugbog kay Yman este Ihiman?,hehe"
"Dude para may pagpraktisan tayo pag makakuha tayo ng cool na magic. Haha"
Biglang nagdilim ang paningin ni Yman sa narinig. Gustong gusto na ni Yman makaalis sa lugar na ito. Ayaw niya magtagal pa dahil lalo lang lalala ang sakit ng ina pag matagalan makainom ng gamot.
"Uhoo! Uhoo!" Napaubo nalang si Yman para maitago ang takot na naramdaman sa maaring mangyari.
Naisip ni Yman na kung may kapangyarihan lang sana siya para pagalingin ang kanyang ina. Hindi na sana nagtitiis ang nanay niya sa karamdaman nito. At dahil mahirap lang sila wala man lang siyang magawa para maipa gamot ang ina. Ulila na si Yman sa Ama ang tanging pamilya niya lang ay ang kanyang ina at isang nakaka batang kapatid na babae. Na kasalukuyang nag aaral ng elementarya sa ika apat na baitang.
"Heeey! Anong ginagawa niyo diyan?"
Napalingon ang apat sa pinag mulan ng boses. Nang makita ni Kiko at tropa ang tatlong upperclassmen na palapit sa kanila ay kumunot ang mga noo nito.
"Wala senior, tinuruan lang namin ang kaibigan naming si Yman ng self defense." Pagsinungaling ni Kiko.
Kumunot ang noo ng magandang upperclassmen.
Nilingon niya ang nakabulagta na binata at hindi pa nakabangon.
"Totoo ba?" Tanong ng babaeng upperclassmen kay Yman.
"?" Pero hindi siya nakasagot.
Kumunot ang noo ng babaeng upperclassmen. Nilingon niya ulit ang grupo ni Kiko.
"Pumunta ba kayo rito para mag take ng evaluation exam?" Tanong ng babaeng upperclassmen.
"Oo senior" Sagot ni Kiko sa kaniya.
"Oo"
""Yes!!"" Tumango rin ang dalawang kasama ni Kiko.
"Kung ganun bilisan niyo na mag pa evaluate." Sabi ng isang lalaking upperclassmen sa tabi ng babaeng upperclassmen.
"""Ok po senior!""" Pag sang ayun ng tatlong kolokoys.
Bago umalis nila Kiko ay nilingon niya si Yman.
"Sorry Yman, mauna na kaming mag pa evaluate sayo, nextime nalang ulit kita turuan ng ibang technique" Malamig na pagkasabi ni Kiko kay Yman.
Pagkatapos iwan ang mga katagang iyon, ay tuluyan na ngang umalis si Kiko kasama ang kaniyang mga kampon. At hindi na muling lumingon pa. Naiwan si Yman na pinipilit ang sariling bumangon. Kahit basang basang sa sariling ihi at sa kanyang mga isinuka.
"Okay ka lang?" Pag aalalang tanong ng babaeng upperclassmen kay Yman.
Kumunot ang noo ng mga lalaking upperclassmen na kasama ng babae nang makita ang kalagayan ni Yman. Hindi agad na ka sagot si Yman halata sa mukha ang matinding pagkahiya.
"Kaya mo ba tumayo?" Tanong ng babaeng senior.
"K-kaya, awts! Sige maiwan kona kayo senior, salamat pala sa pagdating niyo" Nakayuko lang si Yman habang sinabi ang mga salitang yun.
Nag pakawala muna ng matinding buntong hininga si Yman bago tuluyan ng lisanin ang lugar.