Chereads / Self Healing Magic / Chapter 1 - Prologue

Self Healing Magic

🇵🇭Fhrutz_D_Hollow
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 438.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Earth, napakagandang planita kung saan maraming nabubuhay na iba ibang klaseng species. Ang mundong ito ay napapalibutan ng karagatan at lupa na puno ng iba't ibang klaseng puno at halaman. May mga sari saring buhay ang namumuhay sa mundong ito. Isa sa pinaka special na species na namumuhay, ay ang mga tao. Mahigit 7billion ang pinakamaraming naitala na nabubuhay na tao sa mundo.

Ngunit pano nga ba nilikha ang mga tao, at iba pang buhay dito sa mundo?

Ang mundo ay nababalot ng iba't ibang klase ng kababalaghan, na kahit ang modernong siyensya ay hindi maka pagpapaliwanag. Maraming teorya pero walang maka pag papatunay.

Isa sa mga teoryang sumikat noon ay ang teorya tungkol sa hollow earth. Ayun sa teoryang ito may ibang klaseng mundo sa ilalim ng earth. Sa mundong ito may iba ibang klaseng nilalang ang naninirahan. Gaya ng mga diwata, higante at iba pa. Pero kahit may mga saksi raw ay wala namang maka pag papatunay. Gayun pa man hindi natin alam kung totoo ang mga ito o pawang kathang isip lamang.

Paano nga ba nilikha at matatapos ang mundo? Matatapos ba ang mundo?

Noong Setyembre 1, 2030, nakaranas ng malawakang trahedya ang buong mundo. Umulan ng nag aapoy na mga bulalakaw ang kalangitan, pumutok ang mga bulkan, lumindol ng malalakas at lumaki ang mga alon sa karagatan. Sa loob lamang ng 3 linggo, milyon milyong mga buhay ang nasawi. Nawasak ang iba't ibang klaseng gusali, tahanan, kalsada, bukid, kagubatan, tulay at mga buhay.

At kahit hindi pa naliwanagan ang mga tao sa trahedya. Sa ika-apat na linggo, may mga itim na butas na lumilitaw sa iba't ibang parte ng daigdig. Ang mga butas na ito ay naglalabas ng masasamang elemento o halimaw. Tulad ng mga engkanto, goblin, at iba pa. Kaya muli na naman nagimbal ang mga tao sa horror na dala ng mga halimaw na ito.

Ilang buwan pagkatapos ng trahedya ay kumalat ang iba't ibang klaseng sakit at epidemya. Ilan sa mga naging sikat na karamdaman sa panahong yun , ay ang pagkamatay ng mga cells sa katawan ng tao. Pagkaraan ng pitong taon mula ng insidente'ng ito, patuloy ang paghahasik ng lagim ng mga halimaw at pagka laganap ng sakit, namumuhay na may kasamang takot ang mga tao. Lalo na sa gabi, wala kahit kaunting ingay ang maririnig. Kung saan saan nagtatago ang mga tao para maiwasan na maging hapunan ng mga halimaw. At dahil patuloy parin ang paglaganap ng kakaibang sakit, daan daang mga doktor at espesyalista ang lihim na nag tipon tipon para pag usapan ang dahilan ng sakit na ito.

Noong Disyembre 30,2039 ay may isa na Pilipinong espesyalistang doktor ang aksidente'ng naka diskobre ng isang kakaibang cells sa loob ng katawan ng isang pasyente. Ayun kay Dr. Eman Pablo(Pilipinong doktor na nakadiskobre sa kakaibang cell sa loob ng katawan ng isang pasyente), ''Ang cell na ito ay parang parasitiko, dahil naglalabas ito ng negatibong enerhiya na masyadong malakas para sa mga natural cells sa loob ng katawan ng tao, ito ang dahilan ay kaya namamatay ang ibang mga cells sa katawan. At nagkakaroon ng Cell Deficiency Syndrom ang mga pasyente. Tinatawag namin itong Hollow Cell. Mahirap itong mapansin ng mga eksperto, dahil sa halos invisible ito sa mga microscopic na kagamitan."

Pebrero 10, 2037 isang researcher naman sa UN, na si Prof. Mana Gram, ang naka diskobre ng isang klase ng positibong enerhiya sa mga bulalakaw na nahulog mula sa sa kalawakan noong panahon ng pandaigdigang trahedya. Ayun naman kay UN researcher na si Prof. Mana Gram, "This metal has characteristic that produces its own energy. Tho its only produces a single type of energy this may be helpful for future research."

Marso 20, 2045 ang grupo ng mga dalubhasang siyentipiko na mula sa iba't ibang parte ng mundo ay nakaimbento ng paraan para ma'stabilize ang kakaibang cell na tinatawag na Hollow Cell. Para ma'stabilize ang Hollow Cell ay gumawa sila ng bagong gadyet kung saan, ang inilalabas na negatibong enerhiya ay hindi makapaminsala sa ibang normal cells. Ang gadyet na ito ay tinatawag na External Backbone. Ang External Backbone na ito ay pangalawang backbone na nag kokonekta sa mga malalaking ugat sa katawan at sa utak, sa pamamagitan ng resonance, at inaabsorb ang enerhiyang inilalabas ng Hollow Cell. Dahil ang Hollow Cell ay naglalabas ng negatibong enerhiya, ay para itong baterya sa loob ng katawan, ang negatibong enerhiya na mula sa Hollow Cell ay nagkakaroon ng resonance sa positibong enerhiya na inilalabas ng kakaibang metal na ginagamit sa paggawa ng External Backbone. Ang metal na ito ay tinatawag na Metal Gram. Dahil masyadong mahina ang katawan ng tao ay hindi nito makayanan ang enerhiya na nilalabas ng Hollow Cell. Hindi natatanggal ang cells na ito, kaya naisipan ng mga dalubhasa na dapat palakasin ang katawan ng tao. Para mapalakas ang katawan ng tao kailangan matanggal ang limiter ng utak at katawan. Para maiwasan ang pagka'self destruct' ng katawan ng tao sa biglang pagtanggal ng limiter. Ay maiging pinagplanuhan ng mga dalubhasa ang paraan para ma matanggal ang limiter ng hindi nakaka sama sa katawan. Ito ang dahilan ay kaya naimbinto ang External Backbone. Unti unti nitong tinatanggal ang limiter ng tao. Ang negatibong enerhiya(-e) ng Hollow Cell ay nagkakaroon ng resonance sa positibong enerhiya(+e) ng Metal Gram na ginagamit sa paggawa ng External Backbone, na siya namang ginagamit para gumana ang makabagong sistema na tinatawag na 'E-Man System' at 'Mana System'.

Dahil sa E-Man System at Mana System nagkakaroon ng pag asa ang tao para matanggal ang limiter ng katawan at utak ng pa unti unti, ng hindi nakakasama sa katawan. Ang E-Man System ay nagbibigay kakayanan para mag level up ang katawan ng mga tao, 'Magician' ang tawag sa mga taong ito, kada napupuno ang experience bar na makikita sa 'E-Man System Interface'. May dalawang paraan para palabasin ang Interface, ang una ay kailangan lang e concentrate ang iyong enerhiya sa mata at bigkasin sa isip ang 'System Interface', ang pangalawa ay banggitin ang salitang 'System Interface' habang ginuguhit sa eri ang nakabaliktad na number 3.

Ganito ang lumalabas sa System Interface:

SYSTEM INTERFACE:

TITLE

User:

Level:

STATS

HS:

MP:

Rank:

Job:

Atk:

Matk:

Def:

Mdef:

Eva:

Acc:

Str:

Int:

Dex:

Agi:

Vit:

Extra Points: 0

Exp: ?/?

SKILLS

Magic Skill: ?

Magic Type: ?

Magic Rank: ?

Talent: none

Ang pangalawang klaseng enerhiya ay ang positibong enerhiya(+e), na inilalabas sa Metal Gram. Sa tulong ng External backbone, makabuo ng isa pang sistema mula sa positibong enerhiya(+e) ng Metal Gram. Ang sistemang ito ay tinatawag na 'Mana System'

Ang Mana System ang tumutulong sa tao para makagamit ng iba't ibang klaseng mahika. At dahil dito nagkakaroon ng kakayanan ang mga tao para labanan ang mga halimaw. Ang mga enerhiya na nilalabas ng Hollow Cell at Metal Gram ay nagibibigay function sa E-Man System(-e) at Mana System(+e) sa tulong ng External Backbone. Kada isang level up ng katawan ng tao ay katumbas ng 10% na breakthrough sa limiter nito. Bawat level ay lumalakas ang katawan at lumalakas din ang kapangyarihan na taglay ng mga magician.

Noong Mayo 25, 2150, patuloy parin ang paghahasik ng lagim ng mga halimaw. Maraming lugar sa pilipinas ang nasakop at pinupugaran ng mga ito. At dahil hindi pa gaano karami ang magician sa bansang pilipinas ng panahong yun. Sa pamumuno ng Heneral Stone De Guz Man, isang sa pinakamalakas na magician sa pilipinas sa panahong yun, ay itinatag ang Magic Association ng pilipinas. Ang association na ito ay nagbibigay suporta sa mga magician na pilipino para ituro ang tamang pag gamit ng kapangyarihan. At para narin maiwasan ang paggamit nito sa masasamang bagay. Ang bagong halal na pangulo ng bansang pilipinas na si Pres. Durete, ay pinag utos na lahat ng siyudad/town ay dapat nakabakod. 3 metro ang lapad at 10 metro na taas. Para maiwasan ang anumang pagsalakay ng mga halimaw na nakalabas sa itim na butas at ngayo'y nagkalat sa iba ibang parte ng bansa. At sa mga panahong ito ay nagsimula ang labanan ng tao at halimaw. Sa pagtutulungan ng pangulo ng pilipinas na si Pres. Durete, at ngayo'y Head Chairman ng Magic Association ng pilipinas na si Head Chairman Stone De Guz Man. Ay ipinatupad ang bagong Campaign.

'The War on Monster Campaign'. Dahil sa campaign na ito unti unti ng nabawi ng mga pilipino ang lugar na pinupugaran ng mga halimaw. Sa campaign na ito, ang mga magician ay hinahati sa iba't ibang pangkat, bawat na pangkat ay may limang miyembro. Bawat grupo ay kinabibilangan ng Vanguard, Support, Tank, Scout at Healer. Bawa't isa ay may kanya kanyang rule sa team.

May mga pangkat din na mas maraming miyembro sa regular na pangkat, dahil nakadepende sa rank ng halimaw na ka kalabanin ang paggawa ng pangkat, para lalaban sa mga halimaw. May iba't ibang klaseng halimaw. At bawat halimaw ay may iba't ibang antas, ang mga antas ay nahahati sa D, C, B, A at S. Ang pinaka mahina ay ang mga engkanto na nasa rank D, sunod ay goblin na rank C. Ang pinakamalakas ay mga Demons na rank S.

Sa pagbangon ng tao mula sa pagkadapa. Unti unting natutunan ng bawat isa na lumaban. Bawat isa ay natuto ng iba't ibang klaseng pakikipaglaban. Dahil sa tulong ng magic, mas lalo napadali ang pagbangon ng mga tao. Pero kahit ganun paman, patuloy parin ang labanan ng mga tao at halimaw hanggang sa kasalukuyan.