Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 115 - DONALD RANDALL'S VICTORY

Chapter 115 - DONALD RANDALL'S VICTORY

Isang malutong na halakhak ang umalingawngaw sa loob ng mamahaling Ferrari 458 Italia ni Donald Randall, nakabibinging halakhak na halos takpan ng driver ang tenga ngunit nanatili itong nakaupo sa driver's seat at pilit ang ngiting pinakawalan sa mga labi.

"Sa wakas!" muli niyang pinakawalan ang malutong na halakhak.

Nawala din sa landas niya ang pinakamumuhiang si Dixal. Kahit magalit pa sa kanya ang matanda, wala na siyang pakialam basta mapasakanya lang ang kompanya nito at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang gusali ng FOL Builders Inc. Mapapalago na niya ang knyang negosyo. Siya na ang magiging pinakamayamang negosyante sa buong bansa.

Kapag tuluyan nang mapasakanya ang FOL Builders, ang matanda naman ang kanyang isusunod katulad ng ginawa niya kay Dixal. Gagawin niya lang experimento ang mga ito para sa kanyang bagong mga gamot.

Subalit isang tawag sa mobile phone ang nagpatigil sa muli niyang halakhak.

"Cathy," ang rumihestro sa screen ng kanyang mobile.

"Kuya, kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang sumagot?" aburidong bungad ng kapatid sa kabilang linya.

"Ano ba'ng sadya mo? Bilisan mo't may mahalaga akong meeting," aburido din niyang balik-tanong. Pero nang maalalang kailangan niyang magsaya ngayon ay mahina siyang napatawa.

"Kuya, may problema tayo sa mga hacienda natin. Nagra-rally ang mga magsasaka, taasan daw ang sahod sa kanila. At ang tatlong hotel sa Laguna, hindi na nagbabayad ng renta nila sa lupa mula nang may magpunta duong abogado at sinabing hindi raw tayo ang orihinal na may-ari ng lupa. Ipinakita daw sa kanila ang orihinal na titulo ng lupang kinatatayuan ng mga gusali nila," pagbabalita ng ng kapatid.

Tumaas agad ang kanyang alta-presyon.

"'Di ba't noong nakaraang linggo ko pa sinabi sa'yong maghanap ka ng buyer at ibenta mo ang walang kwentang mga lupaing 'yan at sinisingil na ako ni Mr. Ong sa utang ko?"

salubong ang kilay na wika niya.

"'Yon nga ang problema kuya, walang may balak na bumili kasi magulo daw ang mga lupaing 'yon, 'di malaman kung sino talaga ang may-ari," katwiran nito.

"Hayaan mo sila, buyer ang hanapin mo!" pasigaw niyang utos dito.

Naiinis na siya sa kapatid niyang ito. Matalino naman pero pagdating sa gano'ng usapan ay panay ang kontak sa kanya, 'di na lang magdesisyon ng sarili nito kung anong gagawin.

"'Wag ka ngang tawag nang tawag muna sakin at ayukong malate sa meeting. Ito ang pinakamahalagang araw ko sa buong buhay ko, 'wag mong bubwisitin ang maganda kong mood ngayon. 'Pag nasayo na ang bayad sa mga lupain, saka mo ako tawagan!" naiinis niyang utos sa kapatid at agad na pinatay ang tawag.

"Sabihin mo sa mga bodyguard, palabas na ako ng sasakyan," utos niya sa driver.

Lumabas ito ng kotse at tinawag sa palibot ang lima niyang bodyguard.

Taas-noo siyang lumabas ng sasakyan, matikas ang tindig na naglakad palapit sa VIP's elevator. Nagpakasunod naman ang kanyang mga bodyguard.

Habang nasa loob ng elevator, pinag-iisipan na niya ang unang gagawin. Dito niya ipapalabas ang mga drugang maibebenta, siya lang at ang mga pinagkakatiwalaang tao ang pwedeng makagamit ng elevator na 'yon.

Pagkabukas pa lang ng pinto ng elevator at sa unang apak niya sa tiles na sahig sa third floor, tila umaalingawngaw na sa kanyang pandinig ang pagbati ng mga empleyadong nakahilira sa labas ng elevator, isa-isang yumuyukod at bumabati sa kanya ng "Good Morning Mr. Chairman."

Ngumisi siya. Hindi siya papayag na hindi siya ang magiging chairman ng kompanya ngayong patay na si Dixal. Ang pag-aari ni Dixal, magiging pag-aari din niya.

Muli siyang ngumisi ng nakakaloko.

Iniisa-isa niya ng tingin ang bawat opisinang madaanan. Ngayon pa lang pinagpaplanuhan na niya ang gagawin. Tulad ng nakagawian, idadaan niya sa bankruptcy ang kompanya at tatanggalin isa-isa ang mga empleyado tulad ng dati na nilang ginagawa ng matanda. At kapag naabanduna na ang gusali, saka sila pupuwesto sa loob at gagawing laboratory ng ecstacy ang pinakasekretong mga kwarto ng gusaling iyon, tulad ng sinasabi ng matanda. Kapag stable na ang lahat, saka niya tatanggalin sa equation ang mayabang na matandang 'yon na walang ginawa kundi ang maglahad ng kamay at kumuha ng perang pinaghirapan niyang mapalago.

Pagkatapat sa pinto ng conference room ay huminto siya at sandaling inayos ang kanyang kabibili lang na tuxedo. Kailangang siya ang may pinakamagarang damit sa loob ng conference room.

Binuksan ng isa niyang bodyguard ang pinto at dahan-dahan siyang naglakad papasok tulad ng sa ikinakasal.

Walang dapat ipagmadali. Kanyang-kanya ang oras ngayon.

Tutal, kahit anong paghihintay ng lahat, 'di na darating pa si Dixal. Patay na ang mayabang na lalaking 'yon.

Matamis ang ngiting pinakawalan niya nang mapansing sa kanya lahat nakatingin ang mga naroon..

Natural, siya lang ang pumasok sa loob na may kasamang limang bodyguard. Gusto niyang ipakita sa lahat na siya, si Donald Randall, ang karapatdapat na maging chairman CEO ng FOL Builders Inc. Pagkatapos ay bigla niya iyong ibabagsak. Wala siyang pakialam sa negosyo ni Dixal. Ang pinakamahalaga sa kanya ay ang gusaling ito bilang kanyang drug laboratory.

Nakita niya ang bakanteng upuan na para lang kay Dixal. Bakit niya patatagalin ang pagpwesto roon kung para naman talaga sa kanya iyon?

Pero kaya naman niyang maghintay kahit ilang minuto pa, tutal mapapasakanya na naman ang upuang iyon.

Dumeretso siya sa kanyang pwesto sa hanay ng mga shareholders at umupo sa pinakaunahan ng mga ito. Nagtayuan ang mga shareholders at yumukod sa kanya.

Hindi niya napigil ang pagpakawala ng isang malakas na halakhak.

"O ano pang hinihintay natin? Simulan na ang botohan," wika ng isang shareholder.

Nakangising bumaling siya kay Dix.

"Narinig niyo ang sinabi ni Mr. Laurel. Bakit 'di pa simulan ang meeting? Ano pang hinihintay natin?" segunda niya.

Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ng binata.

"We still have five more minutes to wait for Dixal," mariin nitong sagot.

Gusto niyang humalakhak nang mga sandaling 'yon? Sinong Dixal ang hinihintay nito? 'Yong patay na katawan ni Dixal o 'yong kaluluwa ng lalaki?

Pero isang ngiting aso lang ang kanyang iginanti. Ano ba ang limang minutong paghihintay? Balewala na 'yon sa kanya ngayon.

"Two minutes na lang. Simulan na ang botohan," aburido nang sabad ng isa pang shareholder.

Matalim na namang tingin ang pinakawalan ni Dix.

"Two minutes is two minutes!" matigas nitong sambit, pinukpok na ang ibabaw ng mesa sa harap nito.

Natahimik ang lahat. Maya-maya'y biglang bumukas ang pintuan ng conference room.

Kumunut ang kanyang noo. Lahat na ng mga shareholders at board of directors ay nasa loob na. Sino pa ang hindi pumapasok maliban kay Dixal?

Nakita niyang napatayo si Lemuel nang pumasok sa loob ng silid ang isang babae.

"Madam!" narinig niyang tawag nito sa babae.

Kumunut lalo ang kanyang noo. 'Di ba't nasa ospital ang babaeng ito kasama ni Dixal na naaksidente? Bakit ito narito?

At lalo siyang nagimbal sa sunod na pumasok.

Napatayo siya sa pagkagimbal. Paanong-? Paanong-?