Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 108 - TWO WOMEN IN DIXAL'S LIFE

Chapter 108 - TWO WOMEN IN DIXAL'S LIFE

"I said, we're not leaving. Hindi po kami aalis rito ng anak ko. Paumanhin po kung gan'to ang tagpo ng una nating pagkikita pero ako po ang asawa ni Dixal at ito ang anak namin. Karapatan din po naming manatili rito para bantayan ang asawa ko bilang pamilya niya," paliwanag niya nang matiyak na ito ang ina ni Dixal.

Ayaw niyang patulan ang pagalit na salita nito ngunit hindi rin siya nito mapapasunod sa gusto nitong mangyari kahit magalit pa ang byenan.

May karapatan silang manatili at bantayan si Dixal dahil sila ang pamilya ng lalaki, hindi kung sino lang. Pero ayaw niyang makipag-away sa ginang. Hangga't maaari idadaan niya sa mahinahong usapan ang lahat, baka galit lang ito dahil sa sitwasyon ni Dixal ngayon.

Dinuro na siya ng ginang, palapit pa lang ito sa kanya.

Iniyuko niya ang ulo upang makita nitong nagpapakumbaba siya. Kahit gano'n agad ang approach sa kanya, kailangan niya itong unawain.

Nang biglang lumipad ang kamay nito sa kanyang mukha, hindi siya umilag, ni hindi ngumiwi, hindi hinimas ang nasaktang pisngi. Nanatili lang siyang nakatayo at mahigpit ang hawak sa kamay ng anak na biglang umiyak sa takot pagkakita sa ginawa ng lola nito.

"Ang tapang ng hiya mo! Ang lakas ng loob mong magsabing asawa ka ni Dixal at 'yang batang 'yan ay anak niya gayong ilang taon kang nawala at sumama sa bodyguard mo kuno! Ang kapal talaga ng mukha mo! Ano, yumaman ka ba sa nadala mong 50 million galing sa pinagpaguran ng anak ko?" pang-uuyam nito sa kanya.

Kumunut bigla ang kanyang noo at napilitang mag-angat ng mukha. Wala siyang maunawaan sa mga sinasabi nito. Kaya ba ito nagagalit dahil sa mga maling paratang na sa kanya? Anong 50 million? Ano'ng sumama siya sa bodyguard niya? Si Kuya Ricky ba ang sinasabi nitong kanyang bodyguard?

"Nagkakamali po kayo. Hindi ko alam kung anong 50 million ang sinasabi niyo. Umalis po ako hindi dahil sumama ako sa isang bodyguard. Kahit tignan niyo pong mabuti ang bata, hindi po maikakailang anak siya ni Dixal. Hindi kailanman ako nagtaksil sa asawa ko," mariin niyang tanggi sa mga akusa nito.

"I don't wanna hear your explanations! Get out of here! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ng anak ko no'ng mawala ka!" sigaw ng ina nitong biglang pumiyok ang boses, maya-maya'y napaiyak na rin ito.

Hindi siya sumagot, sa halip ay sinenyasan si Lemuel na ilabas muna si Devon upang makapag-usap sila nang maayos ng ina ni Dixal.

Tumalima naman ang lalaki at kinuha sa kanya ang umiiyak na bata saka ito nagmamadaling inilabas.

"Halos mabaliw ang anak ko kakahanap sa'yo kung saang lupalop ka ng mundo naruon! Lahat ng mga tao sa bahay namin kinamuhian niya nang dahil sa pagkawala mo! At ngayon, dahil na uli sa'yo kaya nagkaganyan ang anak ko! Nang dahil sa'yo kaya siya nasa coma ngayon! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo, hindi kita mapapatawad!" Tila naghehestirya na ito sa galit, walang anuman siyang sinunggaban at pinagsasampal kung hindi dumating si Dix at agad na inawat ang ina't niyakap ito nang mahigpit.

"Ma, tama na! Tama na!" saway ng lalaki sa inang nagpipilit pa ring kumawala mula rito.

Bigla na namang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.

Hindi niya alam kung anong iisipin nang mga sandaling 'yon. Pero hindi niya masisisi ang ina ng magkambal kung gano'n na lang ang galit nito. Nahuhulaan na niya kung sinong lumason sa utak nito at gano'n ang pagkakilala sa kanya. Wala siyang alam sa mga bagay na ibinibintng nito at lalong hindi niya alam ang sinasabi nitong 50 million galing sa pinagpaguran ni Dixal.

"She's a devil, Dix! Siya ang dahilan kung bakit muntik nang mamatay ang kapatid mo!" sigaw nito sa pagitan ng pag-iyak.

"Palabasin mo siya rito! Ayukong makita ang pagmumukha niya!" naghehestirya nitong sigaw.

"It was all my fault, Ma. It was all my fault!" ganting sigaw ng lalaki.

Hindi na napigilan ni Flora Amor ang sarili at umiiyak na lumabas ng silid.

"'Wag ka nang babalik rito! Hindi ka kailangan ng anak ko!" habol na sigaw ng ina kasabay ng pagsara ng pinto.

"Stop it, Ma! It was all my fault kaya iniwan ni Flor si Dixal!" malakas na sigaw ni Dix sa ina.

Doon lang natigilan ang ginang, nagtatanong ang mga matang bahagyang itinulak ang binata at tumitig rito.

"What do you mean?"

Napamura ang lalaki bago sumagot.

"Dammit! Just because I was a coward asshole, Ma!" Nasuntok nito ang gilid ng bed ni Dixal.

"Nalaman ni Flor na pinagpustahan namin siya ng mga barkada ko. Pero ang alam niya si Dixal 'yon. I swear, Ma. Hindi ko alam na pakakasalan siya ni Dixal. At ayaw sa kanya ni lolo kaya inutusan ako ni Lolo na sirain ang tiwala ni Flor sa kapatid ko para siya na ang kusang lumayo kay Dixal," napaluha na rin si Dix habang nagkukwento.

Napatda sa kinatatayuan ang ina, nagulat sa ibinunyag ng anak.

"B-bakit mo 'yon ginawa, anak? Lahat naman ng bagay na gusto mo ibinigay sa'yo ng kapatid mo? Bakit yun pa ang iginanti mo sa kanya?" Nang makabawi'y panunumbat nito sa lalaki.

Napaharap si Dix rito at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"Kaya nga bumabawi ako sa kanila, Ma. Gusto kong bumawi sa kapatid ko. 'Wag kang magalit kay Flor. Ako ang dahilan kung bakit niya iniwan si Dixal. Ako, Ma," maluha-luha nitong paliwanag sa ina.

Nakaramdam ng awa ang ginang at kusang niyakap ang lalaki.

"Let's not talk about that anymore, okay. Tutulungan kitang bumawi kay Dixal. 'Wag mo nang isipin 'yon. Ibaon na natin sa limot ang lahat," pampalubag-loob nitong sagot habang hinihimas ang likod ng napaiyak na ring binata.

---------

"MADAM----" tawag ni Lemuel pagkalabas niya ng silid at makitang nagpapahid ng luha.

Mabilis siyang tumalikod sa lalaki, ilang beses na huminga nang malalim upang pahupain ang sama ng loob na nararamdaman. Hindi niya matanggap na pinagbibintangan siya ng ina ni Dixal na kumuha ng 50 million pesos at sumama sa bodyguard kuno niya. Mas lalong hindi niya matanggap na pinagdududahan nito si Devon na anak niya sa ibang lalaki.

Pero kailangan niyang tiisin ang lahat ng sakit ng damdamin. Ito ang ina ni Dixal at kanyang byenan, gustuhin man niya o hindi, kailangan niya itong pakisamahan kung gusto talaga niyang manatili sa tabi ni Dixal habang nasa kritikal pang kalagayan ang huli. 'Pag magaling na ang kanyang asawa, saka na siya lalayo nang tuluyan at aalamin ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang papa.

"Mommy! Mommy!" tawag ni Devon sa kanya, hindi pa rin pala ito tumitigil sa pag-iyak mula nang ilabas ni Lemuel sa loob ng silid.

Maaliwalas na ang mukha niya nang humarap sa dalawa at pilit ang ngiting pinakawalan nang bumaling sa anak.

Kinuha niya ito kay Lemuel at pinatahan.

"Daddy's mom is bad. Why is she scolding us when we are also part of the family?" sambit nito habang panay hikbi.

Matalino talaga ang kanyang anak. Naunawaan agad nitong hindi sila welcome sa pamilya ni Dixal. Pero ayaw niyang 'yon ang isipin nito.

"Ssshhh, don't say that sweetie. Maybe, she just misunderstood something lalo't ngayon lang niya tayo nakita. Dito muna tayo sa labas ha? Mamaya na tayo pumasok sa loob," paliwanag niya.

Ipinulupot nito ang maliliit na kamay sa kanyang leeg at niyakap siya.

"Mommy, why does that man inside look like daddy? Are they twins?"

Tumaas ang kilay ni Lemuel na noo'y nasa malapit lang sa kanila at nakikinig sa usapan.

Hindi napagkamalan ng bata si Dix bilang ama nito?

"Yes. They are twins," sagot niya. "How did you know?" taka niyang tanong.

"Dixal's my dad. Of course I knew it," kaswal na sagot ng bata.

Kahit paano'y napangiti siya sa tinuran ng anak.

Related Books

Popular novel hashtag