Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 94 - AN IMPOSTOR

Chapter 94 - AN IMPOSTOR

Ang laki ng buka ng bibig ni Flora Amor pagkakita sa mas matindi pa yata sa binagyo na itsura ng loob ng opisina.

Lahat ng mga dokumento at folders ay nagkalat sa kung saan. Pati 'yong pinapalagay niyang computer na gagamitin sa trabaho basag na sa tiles na sahig. Kahit 'yong kawawang shredder, naitapon din at kung mabubuhat lang seguro nito ang mga mesa at kabinet pati ang malaking photocopy machine, malamang, sira din ang mga 'yon.

Maging ang landline, hindi nito pinatawad, putol ang cord niyon. Iisa lang ang tanging naiwan sa mesa ng babae, 'yong computer nito.

"You're such a pathetic woman!" hindi niya napigilang maibulalas sa babae kahit nakatalikod rito.

"What?! Ano'ng sabi mo?" nanlilisik ang mga mata nitong balik-tanong sa kanya.

Sinadya niyang humarap dito at inulit ang sinabi.

"You're such a pathetic woman. Dahil lang sa lalaki nagkakaganyan ka. Nakalimutan mo nang isa kang edukadang babae at karapat-dapat irespeto. Gumagawa ka lang ng dahilan para 'di ka irespeto ng ibang tao."

wika niya sa malamig na tono.

Tila lalo itong naghestirya sa galit sa sinabi niya't akma siyang susugurin at sasabunutan ngunit umilag siya kaya't napasubsob na uli ito sa malapit na mesang pinaglagyan ng kanyang computer.

Sa sobrang galit, ilang beses itong nagsisigaw.

Hindi siya nakaramdam ng takot, ni ng galit para sa babae. Sa totoo lang naaawa siya rito dahil lahat seguro ng pagmamahal ay ibinuhos nito kay Dixal. O ego lang ang nasaktan dito dahil 'di nito matanggap na ibang babae ang minahal ng lalaki at ngayo'y Ibang babae din ang pakakasalan nito.

Hinayaan niya itong magsisigaw habang parang praning na nakaupo't nakasandal na sa gilid ng mesa.

Lumabas siya pansamantala sa opisina at nagtawag ng mga empleyadong lalaki para tulungan siyang linisin ang opisina ng babae.

May sumunod sa kanyang dalawang lalaki pati ang assistant finance director pero ingat na ingat ang mga itong huwag mapagalitan ng among noo'y nahimasmasan na seguro't niyakap na lang ang itinukod na mga tuhod at isinubsob doon ang mukha habang impit na umiiyak.

Maya-maya'y nagtungo ito sa banyo upang duon ituloy ang pag-iyak.

"Kawawa naman si ma'am Veron, apektado talaga sa ginawa ni sir Dixal," bulong ng isang lalaki sa assistant finance director.

Siniko naman iyon ng huli upang tumahimik na at sinulyapan siyang tahimik lang na inaayos sa mesa ni Veron ang nagkalat na mga papeles.

"Sir, ito pala 'yong mga contract. Hanapin niyo na lang d'yan kung saan ang hinahanap niyo tapos i-photocopy niyo na lang para 'di halatang pinagdikit-dikit lang," baling niya sa assistant finance director sabay abot dito sa hawak na folder kung saan nakapaloob ang lahat ng napulot niyang mga kontrata.

"Ah ok, sige. Ibigay ko na lang muna 'to kay sir Lemuel," sagot nito't inipit sa kilikili ang folder at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit doon.

Dalawang oras din bago nila natapos ang ginagawa. Sakto namang lumabas ang dalaga nang malinis na ngunit saka naman niya binirahan ng alis kasama ang tatlong empleyado at muling inutusan ang mga ito na magrequest na uli ng isang computer at maglagay ng ekstrang mesa sa labas ng pinto ng opisina ni Veron para do'n na lang siya dahil wala naman yatang balak ang babaeng i-settle kung saan talaga siya pupuwesto.

Hindi seguro nito inaasahang aabutin siya ng ilang araw sa department nito.

Sa assistant finance director siya nangulit na ituro sa kanya ang mga bagay na ginagawa ni Veron para 'di maapektuhan ang trabaho ng iba pa.

At dahil mabilis naman siyang turuan kaya parang balewala lang kahit ayaw lumabas ng babae sa opisina at gawin ang trabaho nito.

Alas dose na nang itigil niya ang ginagawa at nag-unat ng katawan.

Nag-alisan na ang lahat ng mga empleyado para mananghalian sa canteen. Sumunod na rin siyang lumabas maya-maya. At habang naglalakad sa lobby ay chinachat na niya si Dixal na sunduin siya sa elevator at sasabay siyang kumain rito. Tuloy ay uungkatin niya ang pagpapakasal nito kay Shelda.

Ngunit nagulat siya nang magsalita ang lalaki mula sa kanyang likuran.

"Kanina pa kita hinihintay," untag sa kanya.

Kunut-noong humarap siya ritong nakasandig pala sa pader malapit sa may pinto ng finance department.

"Dixal?!" bulalas niya.

"Gusto kong ipaliwanag ang nangyari kanina, Flor," anang lalaking akma siyang hahawakan sa kamay ngunit mabilis siyang umilag.

Flor? Never siyang tinawag ni Dixal na Flor. Ito lang at si Devon ang tumatawag sa kanyang Amor. Pero bakit ngayon, Flor ang tawag nito sa kanya? Unless he's not him.

Kunut-noong tinitigan niya ang mukha ng lalaki, mukha ni Dixal ang nasa kanyang harapan, ang hawi ng buhok nito, ang mga titig sa kanya at berdeng mga mata nito pati ang tono ng pananalita maging ang istilo ng pananamit, walang dudang ito nga si Dixal.

"Give me your hands, Flor," anang lalaki.

"Gusto ko lang mahawakan ang mga kamay mo," pakiusap nitong akma na uling hahawakan ang kanyang kamay ngunit umatras siya't itinago sa likuran ang 'yon .

"Anong kailangan mo?" 'di pa rin mawala ang pangungunot ng kanyang noo.

Segurado siyang hindi ito si Dixal. Hindi nagpapaalam ang kanyang asawa 'pag gusto siya nitong lambingin. Basta na lang siyang hahalikan ng lalaki 'pag gusto nito, basta hahawakan ang kanyang mga kamay kahit pumalag siya.

Segurado siyang ito ang kakambal ng asawa. Pero bakit nagkukunwari itong si Dixal? Ito ba ang kasama ni Shelda kanina? No wonder hindi ito makatitig sa kanya habang nakaabrasete si Shelda rito.

Sa ikinikilos nito ngayon, alam marahil nito na asawa siya ni Dixal, kung hindi ma'y alam nitong may relasyon sila ng lalaki.

"Flor, hindi ko ginustong pakasalan si Shelda, pero hindi ako pwedeng sumuway kay lolo. Kaya patawarin mo ako," anito sa kanyang halatang lumungkot ang mukha.

Sa halip na masaktan sa sinabi nito'y lalo pa siyang nagtaka ngayon. Ano'ng binabalak nito at ng matanda? Papaniwalain siyang ito nga si Dixal at makikipaghiwalay kunwari ito sa kanya para saktan siya, para magalit siya sa kanyang asawa?

Hindi marahil alam ng mga itong Amor ang tawag ni Dixal sa kanya at hindi Flor.

Mas lalong walang alam ang mga itong naririnig niya ang bulong ng lalaki kahit sa malayuan basta walang nakaharang sa pagitan nila.

Ano'ng gagawin niya? Ano'ng isasagot niya? Sasabihin ba niyang alam niyang ito si Dix at hindi si Dixal?

"Wala akong pakialam kahit kanino ka pakasal," sa wakas ay nagawa niyang sumagot.

"Flor, alam kong galit ka sa'kin kasi pinaasa kita. Pero mahal ko si lolo, ayukong sumuway sa kanya," anang lalaking humakbang pasulong para lapitan siya.

Tila nandidiring umatras siya uli.

"Shut up! Sinabi ko na sa'yo, wala akong pakialam kahit kanino ka pa pakasal. Hindi kita kaanu-ano at wala akong relasyon sa'yo!" salubong ang mga kilay na sagot niya ngunit nakakaramdam na ng kaba kaya mabilis siyang tumalikod ngunit nagulat siya nang habulin siya't hablutin ang kanyang kamay.

Agad lumipad ang kanyang isang palad sa pisngi nito na ikinagulat naman nito.

"Do you really think you can fool me?" Hindi na niya napigilan ang sarili at sinigawan na ito sabay bawi sa kanyang kamay.

"Flor--" takang sambit nito.

"Wala kang buto. Naturingan kang trenta anyos na ngunit 'di ka pa rin marunong tumayo sa sarili mong mga paa! Wake up Dix. Hindi lahat ng oras dedepende ka sa ibang tao para mabuhay. Ipakita mong karapat-dapat ka ring kilalanin bilang isang Amorillo, hindi 'yong pilit mong ginagaya ang kapatid mo para lang mapansin ka."

Ito naman ang nagulat sa mga sinabi niya at biglang napatiim-bagang.

Hindi niya hinintay na makapagsalita ito, nagmadali siyang lumayo sa lalaki at dere-diretso ang lakad papunta sa VIP's elevator.

Inaasahan na niyang pagbukas ng pinto ng elevator ay hihilain siya agad ng asawa papasok sa loob ng secret elevator nito. Gano'n nga ang nangyari.

Agad siya nitong niyakap.

"Did he hurt you? I'll confront him---"

"No! Not now," pigil niya.

"Ano'ng sinabi niya sa'yo?" halata sa boses nito ang galit para sa kapatid.

"Dixal, palagi ba kayong nag-aaway ng kapatid mo? Bakit parang galit siya sa'yo at gusto niyang magkagalit tayo?" tanong niya.

Salubong agad ang mga kilay na tumitig ito sa kanya.

"What did he tell you?"

"Nagkunwari siyang ikaw. Sabi niya kailangan mo raw pakasalan si Shelda dahil mahal mo ang lolo mo at ayaw mong sumuway sa kanya. Pero hindi niya seguro alam na Amor ang tawag mo sa'kin at hindi Flor," kwento niya.

Humaba ang leeg nito sa galit at nagtagis ang mga bagang.

"That crazy asshole!" nanggagalaiti sa galit na sambit nito, nag-attempt na lumabas ng elevator pero pinigilan niya't niyakap ito nang mahigpit.

"Dixal, please. Hindi kayo dapat nag-aaway dahil dalawa lang kayong magkapatid," payo niya.

"Wala siyang utak, Amor. Sunud-sunuran siya sa matandang 'yon kahit alam niyang mali na ang ipinapagawa sa kanya. How could that crazy man be my brother, huh?"

"Kausapin mo siya nang masinsinan, Dixal. Baka natatakot lang siya sa lolo mo kaya wala siyang choice kundi sumunod doon," pampalubag-loob na sagot niya.

"Do it for me Dixal. Ayukong makikita kayong nag-aaway sa halip na nagtutulungan kayo para mapalago ang kompanya," garalgal na ang kanyang boses.

Duon lang tila kumalma ang lalaki at nagpakawala ng isang buntunghininga saka siya muling niyakap nang mahigpit.

"Okay, I'll talk to him later," anito.

"Hindi mo susuntukin?"

"I can't promise you that, sweetie. Malayo talaga ang loob ko sa lalaking 'yon," sagot nito't binuksan na ang pinto ng kwarto saka sila pumasok sa loob niyon.