Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 78 - BURSTING IT OUT

Chapter 78 - BURSTING IT OUT

"Dixal, sa'n tayo pupunta?" usisa ni Flora Amor nang mapansing lumiko ang sasakyan papuntang EDSA sa halip na papuntang Cavite.

Ngunit sa bata bumaling ang lalaki na noo'y katabi nito.

"Gusto mo bang kumain ng masarap na shrimps?" tanong nito sa naghihikab nang katabi.

"Opo pero gusto ko po ang luto ni mama. Ayuko po sa ibang luto," sagot ni Devon.

"Hindi siya kumakain ng luto ng iba maliban sa luto ni mama, Dixal," susog niya sa sinabi ng bata.

Hindi niya alam kung kanino nagmana ang batang ito na maliban sa luto ng ina'y hindi ito kumakain sa ibang luto. 'Yong hamburger nga kanina'y tinikman lang kung anong lasa. Pagkuwa'y inilagay na sa isang tabi at zest-o na lang ang sinaid.

"Dixal, uwi na po tayo sa bahay. Nagugutom na po ako," pakiusap ng bata sabay hikab saka hinawakan ang laylayan ng damit ng lalaki at pumikit.

"Dixal, wala ring kakain ng oorderin mo kung bibili ka sa labas. May niluto si mama bago umalis. Iuwi mo na lang kami sa bahay," giit niya nang mapansing hindi pa rin nito inililiko ang kotse pabalik sa Cavite.

Wala talaga seguro itong balak na iuwi sila sa kanilang sariling bahay.

Buti na lang tumunog ang mobile nito at sandaling inihinto ng lalaki ang sasakyan sa gilid ng daan.

"What?" bulalas nito at awtomatikong napatingin sa kanya sa rearview mirror.

Taka siyang napabaling rito. Sino ang tumatawag at bakit nagulat ito sa sinabi ng kausap?

"Get all the information about him. May alam ka ba kung sino ang nagkalat no'n?" wika ng lalaki sa nasa kabilang linya pagkuwa'y nagtanong saka sandaling natahimik.

"Okay, wait for me there," anito saka iniliko pabalik sa dinaanan nila ang sasakyan hanggang sa mapansin niyang paderetso na sila sa Imus.

Subalit tulad kanina'y hindi na naman ito nagsalita hanggang sa makauwi sila sa kanila at kargahin nito ang tulog nang si Devon hanggang sa loob ng bahay nila.

Binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto saka itinuro ang kanyang kama upang doon nito ilapag ang bata.

"Ako na ang mag-aayos sa kanya. Pwede ka nang umalis baka hinihintay ka na ng kausap mo kanina," an'ya rito pagkatapos nitong ilapag sa kama ang anak.

Hindi ito sumagot, sa halip ay hinalikan ang noo ng natutulog na bata at itinagilid ito saka binuksan ang electric fan sa tabi ng kama.

"Dixal, pwede ka nang umalis. Ako nang bahala kay Devon,"giit niya.

Alam niyang may mahalaga itong pupuntahan ngunit ayaw lang iwan nito ang anak.

Nang akmang hihilain ang kumot ay pinigilan niya ang kamay nito.

"Hindi nagkukumot ang bata 'pag gan'tong oras."

Subalit napatili siya nang hawakan nito bigla ang kanyang kamay at itulak siya patihaya sa kama saka ito dumagan sa kanya.

"D-dixal--" nagsimulang magrigudon ang kanyang dibdib nang makita uli ang tila nag-aapoy na mga titig nito. Seguro'y kanina pa ito nagtitimpi ng galit, ngayon lang inilabas nang makitang tulog na ang bata.

"Why did you do that Amor?" nagtatagis ang mga ngipin nito habang binibigkas ang mga katagang 'yon. Pakiramdam niya'y tila maghihiwalay ang kasu-kasuan niya sa siko sa higpit ng hawak nito sa kanyang kamay at bahagya pang nakapilipit habang nakalapat sa kama.

Hindi siya makasagot dahil alam niyang lalo itong magagalit 'pag nagsalita siya. Alam niya kung anong ikinagagalit nito, ang pagsisinungaling niyang kapatid niya lang si Devon ngunit sa huli'y nadulas din siya at naamin ritong anak nga niya ang bata, natural na malalaman nitong ito ang ama kung totoo ngang mag-asawa sila noon.

"Why did you do that Amor!" Subalit bigla siyang natuliro nang sumigaw na ito sa galit at lalo pang idiniin ang pagkakapilipit sa kanyang siko.

No, he isn't just asking. He is demanding for an answer at wala siyang magawa kundi ang sagutin ito nang pasigaw din.

"Ayukong kunin mo ang anak ko sa'kin!" kasabay ng sigaw na 'yon ay ang pagpatak ng kanyang luha.

"Hindi ko alam kung bakit tayo naghiwalay, kung bakit kita iniwan at hangga't 'di ko nalalaman ang dahilan, hindi ko pwedeng sabihin sayong anak ko ang bata dahil alam kong kukunin mo siya sa'kin." Ayun na, nasabi na niya ang totoong dahilan. Alam niyang hindi na niya kayang magsinungaling nang matagal dito, masasabi at masasabi din niya ang laman ng kanyang isip at damdamin pero sana naman maunawaan siya nito. Hindi biro ang pinagdaanan niya nang iluwal niya si Devon ngunit ngayong nakita na sila nito'y basta na lang nitong kukunin ang kanyang anak mula sa kanya? Hindi 'yon maaari.

Lalong nagtagis ang bagang ng lalaki sa kanyang sinabi.

"Alam mo ba kung ano'ng mga sinabi ko sa bata nang malaman kong anak siya ni Harold? Don't you want to know how I hurt my own son's feelings no'ng ipinagpipilitan niya saking daddy niya ako pero iginigiit kong 'di ko siya kaano-ano?!" nangagalaiti nitong sambit kasabay ng pagpapakawala ng isang malakas na suntok sa ibabaw ng kama isang dangkal lang ang layo sa kanyang mukha dahilan upang mapapikit siya sa takot.

Ramdam niya sa suntok na 'yon ang hindi birong poot sa ginawa niyang pagtatago sa katutuhanan mula rito.

"Nasasaktan ako, Dixal." Hindi halos lumabas ang mga salitang 'yon sa kanyang bibig.

Nakita na niya noon kung pano itong magalit, subalit kumpara sa galit nito ngayon, hindi niya alam kung kilala pa ba siya nito na kung hindi lang ito nagpipigil ay baka binali na nito ang kanyang braso sa higpit ng pagkakahawak niyon.

Napahikbi na siya nang lumagatok ang buto niya sa siko ngunit 'di niya magawang pumiglas, baka lalo lang itong magngitngit.

Nanatili siyang nakapikit at inihanda ang sarili sa sunod nitong gagawin pero maliban sa pagtaas baba ng dibdib nito at higpit ng hawak sa kanyang kamay ay hindi na ito gumawa ng iba pang hakbang hanggang sa napapamura itong tumayo at lumayo sa kanya.

Ilang beses siyang napahikbi na parang bata.

"You're such a cold-hearted woman, Amor. It's a good thing na hindi nagmana sa ugali mo ang anak ko," hindi na pasigaw ang ginawa nito nang muling magsalita ngunit kung ga'no iyon kahina'y gano'n naman 'yon kasakit sa pandinig niya na tila biglang tumusok sa kailaliman ng kanyang puso.

Iyon ang pinakamasakit na sinabi nito sa kanya, ang sabihing it's a good thing na hindi nagmana sa kanya ang ugali ng anak. Napakasakit no'n para sa kanya bilang isang ina. Subalit wala siyang lakas para makipagtalo sa lalaki sa pagkakataong 'yon. Alam niya kung ga'ni kalalim ang galit nito, ramdam niya 'yon at alam din niyang kapag sumagot siya'y mas masakit pa sa huling sinabi ang idudugtong nito na lalong tatatak sa puso niya, siya lang ang higit na masasaktan.

Gano'n pala 'yon. 'Pag natutunan niya nang mahalin ang isang tao, may masabi lang itong 'di niya gusto, masasaktan na siya. Gusto niyang sumagot para patulan ito ngunit mas pinili niyang tumahimik na lang at hayaan idaan sa pagluha ang sakit na nararamadaman.

"Sometimes I regret for loving you this much, Amor," puno ng panunumbat na sambit nito bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.

'Tamo, hindi na nga siya sumagot. Hindi na niya pinatulan ang sinabi nito sa kanilang mag-ina pero bumanat pa rin ito nang mas matindi pa roon bago umalis.

Sinabi naman kasi niya sa sarili niyang never siyang magkakagusto rito, never niya itong matitipuhan at never niya itong mamahalin pero nagpadala siya sa mabulaklak nitong dila.

Ngayon heto, kunti lang ang mga katagang binigkas nito ngunit baon na baon sa puso niya ang sakit ng mga 'yon, tusok na tusok sa pinakailalim ng kanyang dibdib. Ang sakit, sobrang sakit. Ipamukha ba naman sa kanyang cold-hearted woman siya at mabuti na lang 'di nagmana sa ugali niya si Devon.

Tahimik siyang napahagulhol sa sakit na nararamamdaman sa sinabi ni Dixal. Mas gugustuhin pa nga marahil niya kung sinaktan na lang siya nito nang pisikal ngunit hindi nagsalita ng gano'n.

"I hate you, Dixal. I really hate you," paulit-ulit niyang usal habang tahimik na umiiyak upang 'di magising ang anak.

Subalit aaminin niyang mas galit siya sa sarili niya ngayong ramdam niyang mahal pa rin niya ang lalaki sa kabila ng mga sinabi nito sa kanya.