Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 68 - THE WIFE AND THE TWO MISTRESSES

Chapter 68 - THE WIFE AND THE TWO MISTRESSES

"Dixal, ginagawa mo ba talaga to sa'kin noon?" curious niyang tanong sa lalaki habang para siyang batang sinusuutan nito ng nahubad na mga saplot kanina.

"I love doing this, sweetie," anito't niyakap siya mula sa likuran nang matapos na siyang damitan.

"Ina-under ba kita noon? Bakit tayo naghiwalay? Nag-away ba tayo?" sunud-sunod niyang tanong habang ito nama'y ipinatong ang baba sa kanyang balikat.

"You didn't know that I was a CEO back then, at natural lang sa'yong utusan ako bilang asawa mo. Nasanay na ako sa gano'n," kwento pagkuwa'y napabuntunghininga.

"Hindi ko alam kung bakit ka umalis. Pero matagal kitang hinanap hanggang makita kita sa bus," dugtong nito sabay halik sa kanyang pisngi.

"Sa bus? Kelan?" kunut-noo niyang tanong ngunit sa halip na sumagot ay hinawakan nito ang kanyang kamay at iginiya sa secret door.

"I hate to say this but they're waiting outside the office," sambit sa kanya, dinampot ang bag sa ibabaw ng kama at ibinigay sa kanya.

Ang nakita lang niya, hinawakan nito ang

noon lang niya napansing wedding ring nitong suot, saka bumukas ang pinto ng sekretong kwarto.

Napanganga siya sa pagkamangha. Nasa singsing pala nito ang remote ng pinto? Galing naman pala. Eh 'yong pinto ng office nito, nasaan ang remote no'n?

Hinila na siya nito palabas ng kwarto at tulad ng inaasahan ay sa likod ng ref sila lumabas pagkuwa'y agad na uli iyong sumara.

"Amor, give me a glass of cold water," utos sa kanya nang bitawan ang kanyang kamay at naunang nagtungo sa office nito.

Siya nama'y hinanap sa paligid ang water dispenser, nagsalok duon ng isang basong tubig saka binitbit papuntang opisina ng lalaki.

"Darling, thanks nga pala sa inihanda mo para sa'kin. Ang ganda ng Louis Vuitton bag na regalo mo, I really love it's color."

Pagkalabas lang sa kusina ay ang maarteng boses agad ni Shelda ang kanyang narinig, bahagya pa siyang nagulat nang makita ang babaeng nakaupo sa mga hita ni Dixal habang nakapulupot ang mga kamay nito sa batok ng lalaki at sinadya pang ihilig ang ulo sa balikat ng huli upang ipakita marahil sa nakatayo't nakahalukipkip na finance director kung saan ito nakalugar sa buhay ng lalaki habang ang huli'y 'di maipinta ang mukhang iniiwas ang tingin sa dalawa. Sa visitor's seat ay nakaupo ang nakahalukipkip ding vice-chairman habang deretso ang tingin sa kanyang namula agad ang pisngi sa inis.

"Ahem!" sinadya niyang mapaubo upang kunin ang atensyon ni Dixal at nang magtama ang kanilang paningin ay pinandilatan niya ito ng mata.

'Walanghiya ka! Nalingat lang ako sandali, may kalandian ka nang iba!' gusto niyang isigaw sa lalaki.

"I can't breath, Shelda," seryoso ang mukha nitong sambit saka bahagyang itinulak ang babae palayo, tila naunawaan ang masama niyang tingin.

Ang babae nama'y namula ang pisngi sa pagkapahiya lalo na nang makita nitong napahagikhik si Veron sa nangyari. Si Lemuel nama'y patay-malisya lang at sa kanya nakatuon ang pansin.

"Sir, ito na pong hinihingi niyong tubig," pormal niyang wika habang papalapit sa lalaki, inilapag ang bitbit sa ibabaw ng mesa nito habang ito nama'y nagsimulang maghalungkat ng mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Hey, idiot!" Biglang umalingawngaw sa buong kwarto ang hiyaw na 'yon ni Veron, dahilan upang mapatingin ang lahat dito.

Lukot pa rin ang mukhang lumapit ito sa kanya saka siya itinulak palayo kay Dixal na lalo niyang ikinagulat subalit hindi siya pumalag, ni hindi nagsalita.

"You know what? 'Di ka talaga bagay dito, engot ka! Bakit d'yan mo sa mesa ni Dixal inilagay 'yang baso? Pa'no kung matumba 'yan d'yan?" nanggagalaiti nitong pang-iinsulto sa kanya, tila yata lahat ng galit nito'y sa kanya ibinunton.

Wala siyang magawa kundi tumahimik lang at blangko ang mukhang iniyuko ang ulo, napahiya siya, oo at lalong nanggigil din siya sa galit, pero ayaw niyang maging bastos sa harapan ng mga naruon kaya pinili niyang tumahimik at iyuko na lang ang ulo.

"Hey, see this small table here? Dito mo dapat inilagay 'yong baso, tanga!" pang-iinsulto nito sabay turo sa isang maliit na mesang nakadikit sa mesa ni Dixal.

Nang panakaw niyang sulyapan si Dixal ay napansin niya ang biglang pagsalubong ng mga kilay nito at pangunguyom ng kamaong nakapatong sa ibabaw ng mesa, ramdam niyang anumang sandali'y sisigaw na ito sa galit.

Si Lemuel man ay napatayo sa kinauupuan at handa nang awatin si Veron.

Pinilit niyang tumawa nang malakas saka painosenteng bumaling sa finance director sabay ngisi, kunwa'y balewal sa kanya ang mga sinabi nito.

"Ah gano'n po ba ma'am? Sensya na po, hindi ko alam," an'ya saka inilipat ang baso sa sinasabi nitong mesa.

"Put it back here!" maawtoridad na utos ni Dixal na nang sulyapan niya'y naniningkit ang mga mata sa galit at nagtatagis ang bagang. Kung lalaki lang marahil ang finance director ay inumbagan na seguro nito ang huli ngunit alam niyang nagpipigil lang din ito sa nararamdaman.

'Dixal, don't worry. I can defend myself,' gusto niyang sabihin dito nang magtama na uli ang kanilang mga paningin, pero sa isip niya lang sinabi 'yon, at ewan kung bakit pero nagpakawala ito ng buntunghininga, marahil ay para kontrolin ang sarili.

Alanganin niyang ibinalik ang baso sa mesa nito.

"But Dixal--"pigil ni Veron.

"If you have nothing to report about your work, you can leave now, Veron." Mas malamig pa sa yelo ang boses ng lalaki nang muling magsalita, halatang gusto nitong ipaalala sa babae na ito ang boss at hindi ang huli at ang salita nito ang masusunod.

Ang finance director naman ang namula ang pisngi sa pagkapahiya lalo na nang humagikhik si Shelda't nakakalokang ngiti ang pinakawalan sa una na parang nagsasabing,

'Buti nga sayo, pakialamera ka kasi!'

Walang nagawa ang babae kundi magmartsa palabas ng opisina.

"Oh, I forgot to bring my weekly report. Balik na lang ako mamaya," biglang sabad ni Lemuel, sabay tayo at sumunod kay Veron palabas.

"Dixal, Darling. I'll just wait for you on the sofa." Maya-maya'y nagsalita si Shelda na kahit napahiya kanina'y 'di pa rin nawala ang poise nang maglakad papunta sa mahabang sofa at duon umupo, kumuha ng isang magazine sa ibabaw ng center table saka iyon binuklat.

"Oh, by the way darling, tumawag nga pala si daddy kanina. May party sa bahay mamayang dinner. Gusto niyang sumama ka sa'kin pauwi." Sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ng lalaki ang sinabi.

Subalit hindi nagsalita si Dixal, nanatili lang nakayuko sa mg pinipirmahang dokumento, ni hindi ito sumulyap man lang sa fiancee.

Nagkibit-balikat na lang ang babae't itinuloy ang ginagawang pagbabasa ng magazine.

Maya-maya'y may isinulat si Dixal sa isang bond paper at ibinigay sa kanyang nanatili lang nakatayo sa gilid malapit sa mesa nito.

Agad niyang kinuha ang bond paper at binasa ang nakasulat duon.

*Occupy the other work table behind me. Everything's ready there.*

Nang iangat niya ang mukha at tingnan ang nasa likuran nito'y nakita nga niya ang isang mesa. Noon niya lang napansing binago pala nito ang itsura ng office at idinagdag ang isang mesa malapit sa may bintana ng opisina.

Lumapit siya ruon at tiningnan ang lahat ng mga nasa ibabaw ng mesa. Napansin niyang lahat ay nasa ayos na mula sa computer, telepono sa tabi niyon, ballpen na gagamitin niya at iba pang gamit niya sa trabaho.

Lumiko siya paharap sa mesa saka ipinatong ang bag duon at umupo sa kanyang malambot na swivel chair, binuksan ang magkatapat na dalawang drawer sa ilalim ng mesa, naruon ang ream ng bond paper, tapes, stapler at iba pa niyang gamit. Bakante naman ang kabilang drawer.

Inayos niya ang upo saka napangiti. Sa wakas, ngayon niya ramdam ang posisyon niya bilang isang PA ni Dixal. Sarap pala ng gan'to. Ilang beses niyang pinaikot ang kinauupuang swivel chair.

Wowww! Ganda ng upuan niya, ang lambot.

Nang mahilo sa tila ginagawa'y sunod niyang binuksan ang computer maging ang printer na nakapatong sa isa pang maliit na mesang nakadikit din sa kanyang mesa.

Nang salatin niya ang ibabaw ng printer, wala siyang nasalat na alikabok man lang. Gano'n din sa mismong mesa, ibig sabihin, bago ang lahat ng mga naruon at bago ding linis.

Napangiti siya. Ito ang table na gusto niyang ukupahan, lahat ay bago at malinis na malinis.

Pero wait, kumunot ang kanyang noo. Ano pala ang una niyang gagawin? Pa'no pala ang maging isang personal assistant ng isang may-ari ng kumpanya?

Tiningnan niya ang lalaki sa unahan. Busy ito sa ginagawa. Napadako na rin ang tingin niya kay Shelda na tahimik lang na nagbabasa ng magazine sa sofa.

Anong gagawin niya? Alangan namang tumunganga lang siya roon at walang gawin. Pagdating sa trabaho, kahit sabihin pang totoong asawa siya ni Dixal, kailangn pa rin niyang gampanan ang kanyang trabaho bilang PA nito.

Nang may maisip ay biglang nagliwanag ang kanyang mukha sabay pilantik. Ano palang ginagawa ni Mr. Google? Magreresearch siya kung anong ginagawa ng mga PA lalo na sa malalaking kumpanya, in a construction company na tulad ng sa kanila.

Binuksan niya ang chrome. May internet na agad ang kanyang computer. Everything's ready nga.

Nagsimula siyang mag-research. Hindi pwedeng tatanga-tanga siya pagdating sa trabaho. Ayaw niyang maulit ang nangyari kanina. Hindi siya pwedeng tawaging engot, tanga at kung anu-ano pa para i-degrade ang kanyang pagkatao. Alam niyang matalino siya. Lahat ay matututunan niya kahit walang magturo sa kanya. And'yan naman si google. 'Pag 'di nakuha sa google, may mga books naman.

Nang makita ang hinahanap ay kinuha niya ang isang notebook na nakapatong sa mesa at isang ballpen sa lagayan niyon na nasa tabi ng notebook at nagsimulang magsulat saka nilagyan ng highlight ang mga mahahalagay detalye.

Marahil ay halos dalawang oras din niyang iginugol ang panahon sa pag ja-jot down ng mga niri-reasearch nang bigla niyang marinig ang message tone ng kanyang phone. Dali-dali niya iyong inilabas mula sa loob ng bag.

"Amor, nagugutom na ako," text ng lalaki sa kanya.

Sandali niyang inihinto ang ginagawa at sinulyapan itong nanatiling nakayuko sa upuan, likod lang nito ang kanyang nakikita.

Nag-reply siya. "Pabili kang pagkain. Sticky honey buttered shrimp ang gusto kong ulam."

"Let's eat outside." reply nito agad.

"Pa,-no si Shelda?"

"Pauuwin ko."

Napatingin siya kay Sheldang nagbabasa pa rin ng magazine.

Magrereply na sana uli siya ng biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang vice-chairman.

"Boss, it's already 4pm. Baka gusto mong sumama sa'kin kumain sa restaurant," yaya nito sa lalaki.

"No! He'll come with me, Lemuel. May nakahanda na sa bahay," sabad agad ni Shelda at duon lang tumayo para lapitan si Dixal na noo'y nakatayo na't inaayos na ang coat na suot.

"Come, darling. Let's go home now," anito sa lalaki sabay abrasete sa braso nito.

"No--I have some business to discuss with my PA," maagap nitong sagot, mabilis na tinanggal ang kamay ng babae sa braso nito.

"But Dixal, today is our anniversary. 'Di ba pwedeng magkasama nating i-celebrate 'yon?"

lambing nito, muling umabrasete sa braso ng huli.

"I already told you, there's no anniversary between us. I'm not going to marry you either," walang gatol na sambit ni Dixal saka muling kinalag ang braso ng babae sa braso nito, pagkuwa'y agad nang tumalikod.

Siya nama'y nakikinig lang sa usapan ng dalawa habang inia-unplug ang computer at printer subalit nang mapansing mapapahiya na naman ang babae'y doon na siya nagsalita.

"Sir, aalis na po ako. Kailangan ko pong umuwi ngayon. May sakit kasi ang kapatid ko."

Agad nagsalubong ang kilay ni Dixal sa sinabi niya pero bago pa ito makasagot ay dinampot na niya ang bag sa ibabaw ng mesa at nagmamadaling lumabas ng opisina.

"Darling, let's go home na." Iyon ang kanyang huling narinig bago tuluyang makalabas ng opisina ni Dixal.