Namutla agad si Flora Amor nang makumpirmang siya nga ang tinatawag ng vice-chairman. Sa dinami-dami ng mga naruon sa loob ng conference room, bakit siya pa ang nakita nito?
Nanlamig agad ang kanyang mga kamay sa nerbyos. Ano ang kanyang isasagot na ni ang pinagdidiskusyunan ng mga ito ay 'di niya ga'nong maunawaan?
Lalo lang siyang namutla nang makitang nakatingin sa kanya ang lahat ng nando'n at naghihintay ng kanyang sagot. Ilang beses siyang lumunok.
Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang lumabas mula roon. 'Di niya kayang magsalita sa bagay na walang maintindihan.
Subalit hindi rin niya kayang ipahiya ang sarili sa harap ng mga naroon. So, wala siyang choice kundi ipunin ang ng lakas ng loob at ilabas ang nasa isip kahit kukunti lang ang laman no'n.
"I-I think FLOWER OF LOVE is really an unusual name for a construction company. Pero narinig niyo naman pong lahat na dahil din sa kakaibang pangalan nito kaya tumaas ang kita ng kompanya at sa panahon po ngayon, the more unusual the name is, the more they're curious about it. Why don't you grab that opportunity na matunog pa sa pandinig ng mga kleyente ang pangalang 'yon para lalo pa pong palaguin ang kompanya, instead of criticizing it? Besides, this is an annual meeting. Bakit 'di na lang po pagtuunan ang ibang issues, like salaries and benefits for example, para lalo pang ma motivate ang mga empleyadong galingan ang kanilang trabaho," pautal niyang sagot sa una pero nagawa rin niyang ipaliwanag nang maayos ang gustong sabihin.
"That's what I'm trying to say!" palatak agad ng vice-chairman, nawala ang pangungunot ng noo at tapang ng mukha.
Nakahinga siya nang maluwang saka mabilis na dinampot ang folder sa harapan at itinakip sa mukha nang mapansing sa kanya nakatingin ang lahat maliban sa chairman na noo'y nasa hawak nitong ballpen ang paningin habang pinaiikot-ikot iyon ng mga daliri.
"Who are you?"
Kinabahan siya nang marinig ang tila galit na boses na 'yun, lalo tuloy niyang itinago ang mukha sa hawak na folder.
"I'm sorry sir, but she's my trainee from research department," sagot ng kanyang manager.
"She's just a trainee and she's here attending the annual meeting with the shareholders and the board of directors and managers?!" 'di makapaniwalang bulalas nito.
Napilitan siyang ilapag ang hawak na folder at bumaling sa galit na boses ng matandang 'yun ngunit namutla na naman nang malamang ama pala 'yon ng fiancee ng may-ari ng kompanya.
Tumayo agad ang kanyang manager para humingi ng tawad.
"Mr. Chairman, I'm so sorry but I have my own reason kung bakit ko po siya isinama rito," wika nito.
Pasimple niyang sinulyapan ang chairman and saw him glaring at her that made her blushed. Bakit pakiramdam niya'y may lihim itong galit sa kanya? Kilala ba siya nito? Nagkita na ba sila dati?
"This meeting is adjourned. If you have some questions, just report to my office." Sa wakas ay nagsalita ito at walang anumang tumayo, naglakad palabas ng conference room.
"Just like that? We haven't even tackled yet about my petition," habol ng magiging byenan nito.
Huminto ang lalaki sa paglalakad ngunit hindi humarap sa nagsalita.
"You're thinking too much. FOL BUILDERS INC. has nothing to do with any man's wife or whatever. It's just a name I chose for my company. And if I hear anyone mentioning about it again, just kick your ass out of here yourself or else you'll be sorry for it!" sagot nitong puno ng awtoridad ang boses dahilan upang matahimik ang lahat, pagkuwa'y tuloy-tuloy na itong lumabas ng conference room kasama ang vice-chairman.
Siya nama'y hinawakan agad sa kamay ng kanyang manager at nagmmadaling hinatak palabas sa lugar na 'yun, nakasunod naman si Mr. Baculo sa kanila.
"'Wag mong isipin ang mga narinig mo. Hindi ka pwedeng magpaapekto sa bagay na 'yun." anang boss niya habang naglalakad sila papasok sa research department.
Tumango lang siya, pero ang isip ay puno ng sari-saring katanungan. Magiging magbyenan ang dalawa pero bakit sa usapan ng mg ito'y parang may hidwaang nagaganap? At may asawa na pala dati ang chairman ng kompanyang 'yon ngunit bakit tila galit ito do'n? Seguro'y hiwalayan ito kaya naging woman-hater. Kawawa naman pala ang fiancee nitong magiging absorber sa galit nito sa babae. Kaya pala gano'n ang ginawa nito sa kanya kanina. Pero bakit ramdam niya ang galit nito sa mga mata nang titigan siya?
-------
NAGBAGO ANG desisyon ng manager nang may tumawag sa phone nito kaya heto ang beauty niya, nakaupo sa swivel chair paharap sa computer na nakapatong sa kanyang mesa at pinag-aaralan ang tungkol sa kompanya at ang history nito, baka makita niya sa google.
Ang FOL BUILDERS Inc. ay isa sa mga kilalang construction company for seven years at patuloy na lumalago hanggang sa kasalukuyan. Dati, ang sakop lang nito ay ang buong Metro Manila ngunit ngayon ay kilala na ito sa buong bansa emphasizing the name FLOWER OF LOVE BUILDERS INC.
Siya man ay curious din bakit Flower of Love ang pangalan ng kompanya kaya tinawag niya ang dumaang kasamahan sa kanyang cubicle at pabulong na nagtanong habang wala pa ang iba pa nilang mga kasamahan sa trabaho.
"May alam ka ba kung bakit Flower of Love ang ipinangalan sa kompanya?
"Ssssshhhh!" anang babaeng tinanong at agad tumingin sa paligid.
"Hindi pwedeng pag-usaan 'yan dito," anito.
"Bakit hindi kung makakatulong naman sa trabaho natin as researchers?"
Kapwa sila nagulat nang mula sa likuran ay magsalita ang manager na nakikinig pala sa usapan nila.
"Come to my office and I'll answer all your questions."
Namula ang kanyang pisngi sa pagkapahiya pero sumunod din pagkuwan papasok sa loob ng opisina nito.
"Why are you that curious about it's name?" agad nitong tanong nang makaupo sa swivel chair at siya nama'y nanatili lang nakatayo paharap dito.
"I think I have to, para madagdagan po ang kaalaman ko tungkol sa kompanya," aniyang nakayuko.
Narinig niyang bumuntung-hininga ito.
"I'll tell you what you wanted to know pero after that, ayuko nang may tinatanong ka sa labas about this matter.
Agad siyang nag-angat ng mukha at nakangiting tumango sa manager na sa hula niya'y nasa mid 30's lang ang edad.
"Almost all of the managers and directors here came from Amorillo construction company, a very well-known company in the Philippines way back then. But seven years ago, nagulat na lang kami nang bigla itong ma-bankrupt at magsara," simula nito habang nakatingin sa kawalan.
Siya nama'y napaupo sa visitor's seat at matamang nakinig sa kwento nito.
Tumayo ang kanyang boss saka naglakad-lakad.
"After three months, tinawagan uli kami ng CEO ng kumpanya na ngayo'y siya na ring chairman at president ng FOL BUILDERS. Lahat ng mga empleyado inipon niya saka nagtayo ng sariling construction company at FLOWER OF LOVE BUILDERS Inc. ang ipinangalan, at ang lolo nito at ina ang tangi lang shareholders," patuloy nito saka bumaling sa kanya habang tahimik lang siyang nakikinig sa kwento nito.
"Nagkaroon ng alitan ang mag-lolo hanggang sa napilitan ito at ang ina ng president na ibenta sa huli ang kanilang shares kaya naging 70% ang total shares ni sir sa kompanya pero sa kondisyong gagawing shareholders ang dati nang mga shareholders ng Amorillo construction company at pakakasalan ang dating fiancee niya seven years ago kaya nga lang ay tinanggihan niya at isang kolehiyala ang kanyang pinakasalan noon."
Patuloy nito saka uli umupo sa swivel chair at bumaling sa kanya.
"So, ano pong kinalaman ng asawa ni president sa pangalan ng kompanya?" curious niyang tanong.
"Are you really that curious?" kunut-noong tanong nito.
"Yes po," maagap niyang sagot. "I think makakatulong po yan sa trabaho ko as research analyst," dugtong niya nang mapansing nagtataka ito sa kyuryusidad niyang malaman ang history ng pangalan ng kompanya.
"Saka lang naman 'yan lumitaw nang magkasagutan 'yong finance director at ang fiancee ni sir. Sa mismong finance director nanggaling na ipinangalan daw ni sir ang kompanya sa dati niyang asawa. Pero walang sinasabi ang president tungkol do'n."
Tumango-tango siya. Gano'n pala 'yon.
"So, did I answer all your questions?" anang manager pagkatapos magkwento.
"Eh 'asan na po ang asawa ng president?" hirit niya uli, curious sa sagot nito.
"Are you really curious about the company or about the president's personal life?" bahagyang tumaas ang boses nito dahilan para matahimik siya.
Kalabisan ba 'yong itanong kung ano'ng nangyari sa asawa ng presidente at bakit ito ikakasal uli sa ibang babae?
"If all your questions about the company are already answered, I hope magagawa mo na nang maayos ang trabaho mo at bukas kailangan na kitang ilabas sa field," anang boss, diniinan na ang sinabi, meaning kailangan na niyang lumabas at magsimula sa trabaho.
"Okay po ma'am. Salamat po sa lahat ng informations na binigay niyo," sagot niya saka nagmamadaling lumabas ng opisina baka mamaya may maitanong na naman siya't magalit na ito.
Sa dami ng kapalpakang ginawa niya kanina, pasalamat na lang siya't 'di siya pinatalsik sa trabaho at andito pa rin sa loob ng research department. Sa ngayon, oras na seguro para ipakita niya ang kakayahan sa work.