Chapter 105 - Kabanata 32

[LOUISE'S POV]

Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko.

Pagkamulat ko ay puro kulay puti agad ang nakita ko.

"Wifey ko. Salamat sa Diyos at gising ka na." narinig kong sabi ni Billy.

"H-hubby k..." tawag ko sa kanya. Medyo nahihirapan pa akong magsalita dahil sa nakakabit sa may bibig ko.

"Tatawagan ko lang si doc." sabi niya at lumabas siya para papuntahin dito ang doctor.

Pagkabalik niya ay kasama na niya ang doctor. Tinignan agad ng doctor ang kalagayan ko.

"She's on stable condition now. After one week ay pwede na siyang i-discharge." sabi ng doctor na ikinatuwa ng asawa ko.

"Salamat po doc." masayang tugon ni Billy.

Nang makaalis na ang doctor ay agad niya akong nilapitan.

"Akala ko ay mawawala ka na rin sa akin." naiiyak niyang sabi sa 'kin.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

"H-hindi ako mawawala sa'yo h-hubby ko." nahihirapan kong tugon sa kanya.

"Akala ko ay iiwan mo rin ako kagaya ng anak natin." - Billy

Natigilan naman ako sa huling sinabi niya.

"A-anong i-ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa asawa ko.

"W-wala na siya wifey ko. Wala na ang kauna-unahan nating anak." - Billy

Halos hindi ako maka-imik nang marinig ko 'yon sa kanya.

"H-hindi. H-hindi pa p-patay ang a-anak natin." sabi ko sa kanya.

Ayokong maniwala sa kanya. Baka nagbibiro lang siya.

"Patawarin mo ako wifey ko." sabi niya na ikinaiyak ko.

Halos maubusan ako ng luha dahil sa kakaiyak.

Hindi maaari 'to, sana ay nananaginip lang ako.

Hindi pwedeng mawala ang anak ko.

***

Ilang araw ang nakalipas simula nang mamatay ang Papa at ang anak ko. Ang dalawang taong mahalaga sa akin ay nawala na.

Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad si Samantha sa ginawa niya sa amin. Sobra-sobra ang ginawa niyang kasalanan sa amin at dapat lang siya mabulok sa bilangguan.

Ngayon ay araw na ng libing nina Papa at ng anak namin ni Billy.

Alam kong masaya ngayon ang Papa ko dahil kasama na niya ngayon ang Mama ko. At ang anak ko naman ay magiging isa nang anghel sa langit.

"Mamimiss ko kayong dalawa." naiiyak kong sabi sabay hagis ang hawak kong bulaklak sa ibabaw ng kabaong nila.

"Maging matatag ka wifey ko. Nandito lang ako para samahan ka." sabi sa 'kin ni Billy at niyakap niya ako.

"Sigurado akong maayos na ang kalagayan nila sa kabilang buhay." ang nasabi ko at ngumiti ako kahit naiiyak pa ako.

"Oo wifey ko, maayos na sila do'n." - Billy

Pagkatapos ng libing ay umuwi na kami ng asawa ko sa mansyon. Lahat ng ari-arian ni Papa ay pinamana niya sa akin, pati na rin yung school.

Nang makabihis na ako ng pambahay ay agad akong nag-online ng Messenger at nag-video call sa group chat namin na Team Burger.

("Nabalitaan naming nilibing na ang Papa at anak niyo ni Billy. Condolence nga pala sa inyong dalawa.") sabi sa 'kin ni Ate Kathleen mula sa Group Video Call ng Messenger. Kasama niya ngayon si Fredison.

("Condolence din sa inyong dalawa ni Billy, bes.") sabi naman ni Kate na kasama rin ngayon si James.

("Pasensiya na Louise kung wala kami diyan ng cutiepie ko.") sabi sa 'kin ni James.

"Ayos lang 'yon. Alam ko namang nandiyan kayo para sa mga anak niyo." sabi ko sa kanila.

("Sa susunod na linggo ay babalik na kami diyan kasama ang anak namin at nina James at Kate.") sabi ni Ate Kathleen.

"Excited na akong makilala ang mga anak niyo." sabi ko sa kanila kahit na nakakaramdam ako ng pagka-ulila sa namatay naming anak ni Billy.

("Pero bes, wag kayong mawalan ng pag-asa ng asawa mo. Kahit nawala na yung first baby niyo ay pwede pa rin naman kayong sumubok na gumawa ulit.") sabi sa 'kin ni Kate.

("Oo nga Louise, kapag buntis ka ulit ay gawin niyo kaming Ninong at Ninang ha.") - Ate Kathleen

"Oo naman noh. Kayo pa ba." tugon ko sa kanila.

Pagkatapos ng group video call namin ay pinuntahan ko ang asawa ko na nakahiga sa kama habang may nilalaro siya sa phone. Tinabihan ko siya at agad ko siyang niyakap.

May biglang pumasok sa isip. Yung tungkol sa DGUP. Yung school na pagmamay-ari ni Papa na ako na ngayon ang may-ari.

"Hubby ko, sa tingin ko ay hindi ko kayang i-manage ang DGUP." sabi ko sa asawa ko.

"Bakit naman hindi mo kaya? Ikaw kaya ang pinakamatalino sa DGUP dati. Hindi mo pa nga sinusubukan pero sumusuko ka kaagad." sabi sa 'kin ni Billy.

"May point ka naman pero ang gusto ko kasi ay magkaroon ako ng sariling restaurant. Naiinggit nga ako kay Kuya Tisoy dahil meron na siya no'n. Pero ayoko rin namang ma-disappoint si Papa dahil pinabayaan ko ang DGUP." sabi ko sa kanya.

"Mas sundin mo yung gusto mo wifey ko. Ako na ang bahala sa DGUP." sabi sa 'kin ni Billy na ikinatuwa ko bigla.

"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Nakangiting tumango si Billy.

Napayakap ako sa asawa ko dahil sa tuwa.

"Salamat hubby ko." masayang sabi ko sa kanya at tinignan ko siya.

"Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka." tugon sa 'kin ni Billy at hinalikan niya ako sa labi ko.

Tumugon naman ako sa halik niya. Mas lumalim ito hanggang sa may nangyari na nga sa amin.