Chapter 103 - Kabanata 30

[LOUISE'S POV]

Minulat ko ang mga mata ko.

Pagmulat ko ay medyo maliwanag at may nakita akong isang magandang tanawin.

Wow! Ang ganda naman ng paligid. Parang nasa isa akong malawak na lupain.

Pero nasaan ako? Hindi ko alam ang lugar na 'to. At nasaan si Billy?

"Hubby ko?" tawag ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.

"Hubby ko? Nasaan ka na ba?" tawag ko ulit.

Paano kaya ako napadpad dito? Nakapagtataka naman. Wala naman akong naalalang dinala ako rito ni Billy.

"Anak."

May narinig akong isang boses ng babae. Saan kaya galing 'yon? Ako ba ang tinatawag niya?

"Anak. Nandito kami ng Papa mo."

Hinanap ko ang boses ng babae.

At laking gulat ko na lang makita ko si Papa na kasama si Mama. Hindi ko mapigilang mapaluha sa tuwa.

"Ma! Pa!" masayang sabi ko at nilapitan ko sila.

Pagkalapit ko ay agad ko silang niyakap. Hindi ko alam kung paano nangyari 'to pero sobrang saya ko nang makita ko sila.

"Na-miss ko kayong dalawa." masayang sabi ko sa kanila.

"Na-miss ka rin namin anak, lalo na yung Mama mo." tugon sa 'kin ni Dad.

"Na-miss ka namin anak." narinig ko namang sabi ni Mama.

Ngayon lang ako ganito kasaya dahil kasama ko na ang mga magulang ko.

Noong pinanganak pa lang ako ay walang akong chance na makasama ko sila dahil ulila ako that time. Sina Tita at ang pinsan kong si Charisse lang ang palagi kong nakakasama. Pero hindi nila pinaramdam sa akin na pamilya ko sila. Trinato lang nila akong isang kasambahay, hanggang sa pinalayas nila ako dahil sa isang mababaw na kasalanan.

Pero kahit pinalayas nila ako ay dumating naman sa akin ang tatlong hunks na nagparamdam sa aking kabilang ako sa kanilang pamilya. Nagkaroon din ako ng mga kaibigang dadamayan ako kapag may problema ako. At dumating din sa buhay ko ang lalaking mamahalin at makakasama ko habangbuhay.

Pero ngayon na kasama ko na ang mga magulang ko ay iba pa rin talaga kapag nandito sila.

Naglakad kaming tatlo habang magkahawak ang aming mga kamay.

"Kumusta ka na anak?" tanong sa 'kin ni Mama.

"Ayos lang po ako Mama. Kahit may mga pagsubok sa buhay ko ay nalalampasan ko rin naman ito kasama ang mga taong nagmamahal sa akin." sagot ko sa kanya.

"Pasensiya na anak kung wala ako sa oras na may problema ka. Kung pwede nga lang samahan kita araw-araw pero hindi pwede." - Mama

Hindi ko naintindihan ang huling sinabi sa akin ni Mama.

"Ayos lang po 'yon Mama. Masaya ako ngayon na kasama ko kayong dalawa ni Papa. Sana hindi na matapos ang araw na 'to at kayo na lang ang kasama ko." ang sabi ko.

Nagkatinginan naman sina Mama at Papa.

"May problema po ba Mama at Papa? May sinabi ba akong mali?" tanong ko sa kanila.

"Ah anak kasi may sasabihin kami sa 'yo ng Mama mo." sabi sa 'kin ni Papa.

"Ha? Ano naman po ang sasabihin niyo?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kasama mo kami ng Papa mo lalo na ako?" tanong sa 'kin ni Mama.

"Ha? Hindi po Mama." sagot ko sa kanya. "Bakit naman po ako magtataka?"

Nagtataka na tuloy ako sa kinikilos nila.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit mo ako kasama anak kahit patay na ako?" tanong ulit sa 'kin ni Mama.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko. Napa-isip ako bigla hanggang sa ma-realize ko ang sinabi sa akin ni Mama.

"OMG! Oo nga po Mama. Hindi ba't patay na po kayo? Tapos ikaw naman po Papa ay nasa hospital ka. Nanaginip po ba ako? May third eye po ba ako kaya nakikita ko kayo?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Natawa naman silang dalawa.

"Hahahaha! Hindi anak. Alahanin mo ang huling nangyari sa 'yo bago ka magising kanina." sabi sa 'kin ni Dad.

Sinunod ko nga ang sinabi sa akin ng Papa ko. Inalala ko ang huling nangyari sa akin.

*bang*

Halos manlaki ang mga mata nang maalala kong binaril ako ni Samantha noong kinidnap niya ako.

"Naalala mo na ba anak?" tanong sa 'kin ni Mama.

"OMG! Patay na po ba ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hahahaha! Hindi pa anak. Tulad ko ay nasa hospital ka rin." sagot sa'kin ni Dad.

Nakahinga naman ako nang maluwag do'n. Akala ko patay na ako. Nasa hospital pa pala ako.

Ano kaya ang kondisyon ko ngayon?

[BILLY'S POV]

Kanina pa ako palakad-lakad mula sa tapat ng operating room. Naghihintay ako sa doctor upang kumustahin ang asawa ko.

Binaril siya kanina ni Samantha na nahuli na ng mga pulis. Hayop siya! Kung makita ko lang ang pagmumukha ng babaeng 'yon ay bubugbugin ko siya. Wala akong pakialam kung babae pa siya.

Nalaman ko rin mula sa mga pulis na may pinatay din siyang isang lalaki. George daw ang pangalan. Kung alam ko lang ang totoo niyang ugali ay hindi ko na siya minahal noon pa.

Hindi siya babae kundi demonyo siya.

Hindi niya lang binaril ang asawa ko kundi pinahamak niya na rin ang kauna-unahang anak namin ni Louise.

Ilang saglit pa ay lumabas na ang doctor.

"Kumusta na po ang mag-ina ko doc?" tanong ko sa kanya.

Sana nasa maayos silang kalagayan.

"I'm really sorry Mr. Williams. Ginawa namin ang lahat pero..." - Doctor

Napaluhod ako sa sobrang lungkot sa sunod na sinabi ng doctor.