[LOUISE'S POV]
- AFTER 3 WEEKS -
Nandito ako ngayon sa class ko para sa kursong pinili ko. Pangarap ko talagang maging isang chef kaya ito ang pinili kong kurso.
"Okay mga future chefs. Ang gagawin natin ay mag-de-decorate tayo ng cake." sabi ng Instructor namin na isang chef din. Wow! Mukhang masaya 'tong challenge na 'to.
"Nasa table niyo ngayon ang isang plain na chocolate cake. Kayo na ang bahala kung anong mga decoration ang gagawin niyo o ilalagay sa plain na chocolate cake na 'yan. Basta maganda ang pagkaka-decorate nito at may originality. Ang may pinakamagandang decoration ng cake ay may prize mula sa 'kin." pagpapaliwanag ng Instructor namin sa mechanics. May naisip na ako kung anong dekorasyon ang ilalagay ko sa chocolate cake.
"Ready na ba ang lahat?" tanong ng Instructor namin.
Nag-yes naman kami sa kanya.
"The timer starts now."
May 30 minutes lang kami para mag-decorate. I started decorating my plain chocolate cake.
Ang naisip kong disenyo ay family tree.
***
Yes! I won. Ako ang may pinakamagandang cake na na-decorate. Ang prize ay P50,000 gift certificate of eat all you can buffet sa restaurant ng Instructor namin. Grabe, ang galante naman ng nagtuturo sa 'min.
Inilagay ko ang napalanunan ko sa bag ko. Sayang, hindi ko makakasama si Kate sa pag-uwi. Sobrang busy niya ngayon. Magkaiba kasi kami ng kurso.
Habang naglalakad ako ay biglang may humila sa 'kin or should I say may humihila sa bag ko. Nagpumiglas naman ako.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa lalaki or should I say holdaper.
"Akin na yang bag mo kung ayaw mong masaktan." sabi sa 'kin ng lalaki.
"Bitawan mo nga ako! Tulooonnnggg!" hysterical na sabi ko.
"Bibitawan lang kita kung ibibigay mo sa akin yang bag mo." sabi sa 'kin ng lalaki sabay labas ng kutsilyo na ikinatakot ko. Wala akong nagawa at ibinigay ko sa holdaper ang bag ko. Waaaaaaa! Ang premyo ko. Sayang yun.
Tinalikuran ko ang holdaper. Aalis na sana ako nang biglang sumigaw ang holdaper. Napatingin ako sa holdaper at nagulat ako dahil nakahiga na ito sa lupa. Namimilipit na ito sa sakit.
"Louise, are you okay?"
Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Billy na may hawak na malaking kahoy. Kinuha niya ang bag ko mula sa holdaper at ibinigay niya ito sa 'kin. Hinila niya ako patakbo. Hindi na ako nagsalita pa at sumabay na lang ako sa kanyang tumakbo bago pa kami mahuli ng holdaper.
Tumigil kami sa pagtakbo nang makarating kami sa parking lot.
"Are you okay Louise?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Billy.
Tumango naman ako.
"Salamat po sa pagligtas sa 'kin." sabi ko kay Billy. Ngiti lang ang sinagot niya sa 'kin. Wow! Mukhang hindi siya masungit ngayon ha. Tapos marunong din siyang ngumiti.
"Hop in." sabi sa 'kin ni Billy nang mabuksan niya ang pinto ng kotse niya. Ihahatid ba niya ako? Kung oo. Waaaaaa! Nananaginip ba ako?
***
"Hey Louise, wake up."
Nagising ako dahil may tumawag sa pangalan ko. So panaginip lang pala yun. Akala ko totoo na yun.
"Teka, asan ako?" bigla kong tanong.
"Nandito ka sa clinic. May nagdala sa'yo rito. Nawalan ka ng malay Bes." sabi sa 'kin ni Kate. "Anong nangyari at nawalan ka ng malay?" tanong niya sa 'kin. Inalala ko kung ano ang nangyari kanina pero walang pumapasok sa isip ko.
"Hindi ko matandaan Kate." sabi ko kay Kate.
"Di bale, kung hindi mo naalala ang nangyari kanina. Basta ang importante ay okay ka na. Tara, sabay na tayong umuwi." sabi sa 'kin ni Kate. Tumango naman ako at sumabay kay Kate na umuwi.
Unang umuwi si Kate. Mas malapit kasi yung bahay niya sa school kaysa sa boarding house na tinitirahan ko. Hindi naman kailangang sumakay pa ng taxi kapag umuuwi ako galing sa school kasi pwede namang lakarin ang distance ng school at boarding house na tinitirahan ko.
Nang naka-uwi na ako ay sigaw agad ni Billy The Monster ang bumungad sa 'kin.
"HOY! BAKIT NGAYON KA LANG? DIBA 4 PM ANG LABASAN? BAKIT 5 PM KA NA UMUWI? TINATAKASAN MO BA ANG TRABAHO MO?" sigaw sa 'kin ni Billy the Monster. Nice talking huh.
"Na-clinic po ako kanina kaya 5pm na po ako naka-uwi." sabi ko sabay akyat sa hagdan. Pasalamat siya at ginagalang ko pa rin siya kahit hindi siya kagalang-galang. Kainis talaga siya. Sayang, sa panaginip ko pa naman ay ang bait niya at nakangiti pa siya. Well, kabaliktaran nga naman ng panaginip ang reality.
Pero waaaaaaa! Twice na akong late nakauwi. Siguro naman exempted yung ngayon since may valid reason naman ako. Ayokong mawalan ng trabaho. Huhuhu!